Document Details

Uploaded by Deleted User

Roque Ferriols, S.J.

Tags

philosophy Tagalog philosophical concepts educational resources

Summary

This document discusses philosophical concepts in Tagalog, focusing on defining philosophy, exploring its boundaries, and delving into topics like metaphysics and ethics. It also features works by Roque Ferriols, S.J. The focus is on clarifying core philosophical theories.

Full Transcript

Pilosopiya – galing sa mga salitang Griyegong Philo, Philein Philia o pagmamahal, at Sophia o karunungan. - pagmamahal sa karunungan - tumutukoy sa ideya, pananaw, prinsipyo, o paniniwala ng isang tao o grupo ng mga tao, ano man ang klasipikasyon ng mga ito sa mga sangay ng kaalaman....

Pilosopiya – galing sa mga salitang Griyegong Philo, Philein Philia o pagmamahal, at Sophia o karunungan. - pagmamahal sa karunungan - tumutukoy sa ideya, pananaw, prinsipyo, o paniniwala ng isang tao o grupo ng mga tao, ano man ang klasipikasyon ng mga ito sa mga sangay ng kaalaman. Depinisyon – salitang Latin na definitio o definire na ang ibig sabihin ay pagtatakda ng mga hangganan. MATATAKDA ANG HANGGANAN NG PILOSOPIYA? - Bilang pagmamahal sa karunungan, may hangganan ba ang pagmamahal? May hangganan ba ang karunungan? MAGMAHAL NANG WALANG HANGGANAN - Maglilista ba ng mga katangian ng ideyal na kaibigan at saka maghahanap ng mga papasa sa pamantayan? O basta dumarating na lamang ang tao at nangyayari ang pagkakaibigan? Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay (nature of reality)? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip? Etika Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain? MATUWID VS IMORAL Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay sa paano ako dapat mabuhay? ROQUE FERRIOLS, S.J. (1924 - ) - Pinangunahan niya ang pamimilosopiya at pagtuturo ng pilosopiya sa wikang Filipino.Ipinanganak si Roque Jamias Ferriols noong 16 Agosto 1924 sa Philippine General Hospital. Lumaki siya sa hilagang bahagi ng Sampaloc, Manila. - Isa sa pangunahin niyang tanong ng talagang nangyayari, ang lahat- lahat, ang meron. Ang tanong na “Ano ang Meron?” ay hindi tanong upang bigyang depinisyon ang salitang “meron” para Ferriols, ang ganitong pagtatanong ay ginagawa upang hikayatin ang sarili na tingnan at danasin ang talagang nangyayari. - Doon, aniya, lumaki siyang naririnig ang mga matatandang nag-uusap sa mga wikang Espanyol at Ilokano: ngunit kinakausap nila ang mga bata sa isang wikang tinatawag nilang “Tagalog.” - Isang Heswita, Pari at Pilipinong Pilosopo. - Isang propesor ng Pilosopiya sa Pamantatasang Ateneo de Manila, - Itinaguyod niya ang mapaglikhang pag-aaral ng pilosopiya sa wikang Pilipino. - Nakamit niya ang Ph.D. sa Pilosopiya mula sa Pamantasan ng Fordham. Meron - Ang lahat ng ating nararanasan sa buhay ay may kinalaman sa ating pakikipagtagpo sa iba’t ibang umiiral sa mundo. Bawat araw, abala tayo sa kung ano mang bagay o gawain na siyang pinagbubuhusan natin ng pansin. Lagi tayong kasangkot sa mga reyalidad na ating nararanasan sa araw- araw. Lagi tayong merong tinitingnan, inaamoy, hinhawakan at naririnig. Lagi tayong meron pinakikialaman, inaalam, at dinaranas. Bawat partikular na karanasan nating ng reyalidad ay isang isang pakikipag ugnayan sa daigdig na mayroon ipinapakita, ipinahahawak at ipinaamoy. Bawat isa rito’y ipinapaalam at ipinararanas sa atin ng mundo. Ang Meron Bilang Pangngalan, Pandiwa, Pang-uri, at Lahat - Samakatuwid, ang meron ay pagbigkas ng kalahatang isang tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Ang salitang meron ay tumutukoy sa mismong pag-iral atpagprepresensiyang lahat ng uniiral. Lahat ng ating nararanasan ay bahagi ng,at tumutukoy sa meron. Sinasalo rin ng salitang meron ang kabuuan ng reyalidad. Ikaw ay nagmemeron, ang silid ay nagmemeron, ang mga puno sa labas ay nagmemeron. Ang lahat ng umiiral ay umiral sapagkat bahagi ang mga ito ngnmundong tingin sa pagmemeron. Tinutukoy ng salitang meron ang kabuuan at kalahatan ng bawat isang umiral, kasabay ng mismong pagkilos at dinamismo ng sariling paglalantad ng presensiya ng mga ito sa atin. Hindi ito pangngalan o katangian. Ang meron ay lahat-lahat tungkol sa lahat-lahat! Pamimilosopiya: Dinamiko ng Ako at Meron - Ang pamimilosopiya ay ang pakikipag-ugnayan ng tao sa meron. Tulad ng pakikipagkaibigan, kinikilala ng tao nang lubos ang meron. Meron na siya at meron din ang nakikita niya ngunit ninanais pa niyang palalimin ang kaniyang pagkilala sa meron. Ang pagsisikap na ito ay hindi na lamang basta nasa larangan ng pag-aaral, pag- ipon; at pangangalap ng mga datos tungkol sa meron kundi isang pagdanas sa mismong meron. Ang nais ay tunay na pagdanas. - Kumbaga sa pagmamahalan, hindi ang dami ng mga naging kasintahan, o ang tagal ng panliligaw, o kung ilang buwan ang inabot ng pagsasama ang binibigyang- pansin. Ang pinakamahalaga ay ang mismong pagmamahalan, ang kalidad ng pagsasama, at ang pagtubong nagaganap sabawat isa sa loob ng kanilang ugnayan. Kaya't ang pamimilosopiya ay ang akto ng pagpapaigting ng meron. - Meron ang tao ngunit hindi sapat na maging meron lamang siya. Kailangan niyang mag-meron- patindihin, palakasin, pagalingin pa ang kaniyang pag-iral, ang kaniyang pagiging tao. Maling Analohiya - Hanggang sa puntong ito, pinag- Uusapan natin ang meron at ako bilang dalawang magkahiwalay na elemento ng pamimilosopiya. Ang ako ay nakikiugnay sa meron. Ang meron ay nakikiugnay sa tao. Namumulat ang tao sa ugnayang ito habang namimilosopiya. Ginamit nating halimbawa ang pakikipagkaibigan upang madaling maunawaan ang paksa. Hahakbang tayo ng isa pa at bibitiwan ang analohiya. *Pagmemeron : patindihin, palakasin pagalingin pa ang kanyang pag-iral o ang pagiging tao. PLATON (429-347 BCE) - Ang sa mga akda niya ay ang Apology, Crito, Gorgias, Phaedo, Republic at Symposuim. Nagsimula ang akda sa isang problema na hinihimay ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsasagot. - Sa ganitong paraan, nililinis ni Platon sa pamamagitan ng mga tauhan ang lohika at katwiran ng mga argumento. - Para sa kanya ang matinong katwiran ang pangunahing kakailangain ng isang matinong indibidwal at maayos na Lipunan. Marami sa kanyang mga diyalogo ay nagtatapos sa tinatawag na APORIA kung saan wala talagang malinaw na sagot ang hinahain – hindi dahil walang sagot sa tanong kundi hinihingi sa mambabasa ang patuloy na pagtitimbang at masusing pag iisip sa paksa. - - ang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, estudyante ni Socrates, manunulat ng mga pilosopikal na dialogo, at tagapagtatag ng Akademyang Platoniko sa Atenas na unang institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa Kanluraning daigdig. Pag-hindi at Pag-oo, Oo at Hindi Nauunawaan ng namimilosopiya na ang kaniyang pakikiugnay sa meron ay kilos ng pag-hindi at pag-o0. Sabay hindi, sabay oo. Oo at hindi na magkaakbay hindi magkatunggali. Anumang bunga ng pamimilosoplya, kailangang sabihin nang buong pagpapakumbaba na, "hindi ganyan! sapagkat talaga namang higit pa riyan. Napakarami pa ng meron at sadyang salat tayo sa kakayahang hulihin at pag-usapan ang lahat. Ngunit habang humihindi, katinuhang aminin na ang napulot sa pamimilosopiya ay tunay at tumpak. Oo sa ipinamalas ng meron. Oo sa naunawaan ng isip. OO sa tumalab sa akin. Ang ipinamalas, naunawaan, at tumalab ay meron na nasalo ayon sa kaya ng taong mapagkumbabang nagbukas ng sarili. Pinupuno ng meron ang tao ayon sa pagbubukas na kaniyang ginawa. Ang pagbubukas ng tao ay ang kaniyang pag-oo. Ang meron naman ay buong giliw na ibinibigay ang sarili sa nagbubukas. Ang Sandali ng Sandali Kaya't ang ginagawa talaga sa pamimilosopiya ay dumanas at hindi dumanas. Dinaranas natin ang isang bagay at sa pagdanas natin, namumulat tayo sa higit pa. Ang kongkretong ito sa harapan ngayon ang nararanasan. Ang higit pa ay ang hindi natin nararanasan. Sabay na pag-unawaang nagaganap sa dalawa: dumaranas at hindi dumaranas. Pag-oo at pag-hindi –pagdanas partikular upang maunawaan din ang higit. Mahiwaga ang sabay pagdanas at hindi pag danashinihingi ng pamimilosopiya. Sa isang banda, hinihingina namnamin ang bawat sandali. Kailangang maging nasa loob ng sandali-hindi laging nakalingon sa nakaraan o nakatanaw sa hinaharap. Tinitingnan itong nasa harap ko, dinarama at dinaranas. Ang pilosopiya ay pamumuhay. Ang pilosopiya ay buhay. Hindi talaga mahahawakan ang pilosopiya, magagawa at maisasabuhay lamang. Pag-usapan ang Lahat Kayamanang maituturing ang mga sandaling maaari kang tumigil at magmuni-muni. Kayamanan dahil bihira ang ganitong mga pagkakataon. Hindi lahat tayo ay maaaring bumitiw sa listahan ng mga tungkulin sa maghapon upang maupo at walang gawin. Kaya't ang taong may panahon para magmuni-muni ay masasabing mayaman-mayaman sa oras, mayaman sa mga kaibigang kasama sa paggawa ng mga tungkulin, at mayaman sa espasyo. Maging alisto nawa ang mambabasa na sa pagsisikap na magbabad sa pagmumuni; hindi maiwasang humiwalay sa kilos at pagmunihan ang mismong pagmumuni. Ganito nga ang nangyari sa atin. Pumalpak na ba tayo? Hindi naman. Sadyang napaaatras ang tao habang nagmumuni. Natatauhan siya sa paksa ng ginagawa. Nakikita niya ang kayamanan ng kilos. Ito ang ginagawa ko- nagmumuni! Ito ang mayroon ako. Ito naman ang wala sa akin. lto ang sanhi kung bakit nagkaganito. Ito ang magagawa ko, at iba pa. Maraming mga paksa ang nakikitang kasama at kakabit ng unang paksa. Ang kakulangan sa oras para magmuni- muni ay may sinasabi sa ekonomikong kalagayan ng bansa. Sa pagmumuni, hindi lamang papaloob ang kilos. May kilos din papalabas, papalayo, at papaibayo na nagpapakita sa atin sa mas malaki at malawak na abot-tanaw ng paksa. Namamalas ang lahat buhat sa isang paksa. Napag-uusapan ang lahat habang sa isa nakatuon. Nakikita na kay yaman pala ng paksa, pinagyayaman ang pagmumuni, pinagyayaman ng pagmumuni. Dito papasok ang kahalagahan ng pilosopiya. Ang tao ay nabubuhay hindi lamang para sa pagkain, salapi at iba pang materyal na bagay at pang-araw-araw na paggawa. Nagtatanong siya sa kaniyang sarili at nagmumuni-muni na mayroon pang mas higit na mahalaga dito. Naghahanap ang kaniyang diwa, nagtatanong ang kaniyang isip kung ano pa ang meron bukod sa kaniyang mga karaniwang gawain. Sino ba ako? Ano ako? Bakit ako nandito? Ano pa ang dapat kong gawin dahil para bagang may kulang pa sa aking buhay? Matuto sa Puno Ito ang dinaragdag ng pilosopiya sa buhay: ginagawa nitong mangyari ang karanasan. Baka lumaki tayong inaakala na ang karanasan ay bunga lamang ng paggawa ng tao. Isang bahagi lamang ito. Nangyayari ang karanasan hindi lamang dahil sa mga pisikal na ginagawa ng tao kundi dahil din sa mga hindi pisikal niyang ginagawa. Nagtatakda siya ng mga layunin, nangangarap. Nagbibigay siya ng mga deadline para sa mga layunin. Tinatasa niya ang kaniyang mga nagawa. Nagmumuni siya. Ang mga ito ang nagbibigay-ugat at tunguhin sa lahat ng kaniyang ginagawa. Ito ang tumutulak sa kaniya upang gumising sa umaga at magsimula muli. Ito ang inaabangan niya sa maghapong pagpapagal na nagsisilang sa kaniya ng mga salitang salamat at patawad. Pagmunihan natin ang mga puno. May dalawang klase ng puno: ang mga puno na kumakalat sa lupa ang ugat at ang mga punong palalim nang palalim ang pag-angkin ng ugat sa lupa. Puno ng mangga ang halimbawa ng una, puno ng niyog ang pangalawa. Parehong matayog at elegante, parehong mabunga. Ngunit, alin sa dalawa ang mananatiling nakatayo kapag dumaan ang malakas na bagyo? Ang buhay ay hindi lamang ukol sa pagpapalawak at pagpaparami ng karanasan. Mahalagang palalimin din ito kung talagang palalawakin. Kailangan ng direksiyon ng lahat ng pagkilos kung ibig maging makabuluhan at makasaysayan ang buhay. Sabi ni Sokrates, "Ang buhay na hindi sinaliksik ay hindi buhay-tao." Hindi buhay ang tao kung gawa lang siya ng gawa nang walang pag-iisip. Walang buhay ang paggawa kung walang tumutulak at humahatak dito. Ikaw, ano ang tumutulak at humahatak sa iyo? Sokrates (469/470-399 BCE) Para sa kaniya ang pakikipagkaibigan sa karunungan ay pag-amin na wala tayong alam. Sa pamamagitan nito, natututong magbukas ang tao sa higit pang karunungan. Itinuturing niya ang kaniyang sarili bilang bangaw na nangungulit sa mga nahihimbing na pag-iisip. Ang kaniyang pagtatanung- tanong sa mga tao ang nagpalitaw sa kanilang mga hindi pinag-isipan, walang batayan, at/o salu-salungat na mga paniniwala. Si Socrates ay isang mahusay na pilosopo ng Griyego, marahil ang pinakamatalinong pantas sa lahat ng oras. Siya ay sikat dahil sa kontribusyon sa pilosopiya: mga salitang binibigkas, ang paraan ng pagtalakay o pag-uusap ng Socratic, at "Socratic ironi". Ang isang talakayan ng Griyego demokrasya ay madalas na nakatutok sa isang sadder aspeto ng kanyang buhay: ang kanyang estado-ipinag-uutos na pagpapatupad. Pagtigil sa Pagtatanong Dalawa ang maaaring puntahan ng tanong na bakit: ang isa ay tapusin ang usapan sa pagpatay sa bakit, ang pangalawa nama'y tumuluy-tuloy pa sa pagtatanong at hindi na ito matapos. Kung ang una ang pipiliin, tinatapos na natin ang kwentuhan-usapan. Pinapatay natin ang pagnanasang umalam pa. Sa ganitong paraan, tinuturuan natin ang kausap natin na huwag na mag-isip. Basta tanggapin na lamang ang nariyan. Tapos! Kung magpapatuloy naman ang pagtatanong, nakapapagod ito para sa sumasagot. Minsan din, nakahihiyang mapilitang aminin na hindi alam ang sagot lalo na't bata ang nagtatanong. Kayat para maiwasan ang pagkapahiyang ito, babalik na lamang sa unang paraan: Ngunit may ikatlong paraan na matututuhan kay Sokrates. Ito ang pag-amin na, "Hindi ko alam." Hindi dahil tinatamad lamang sumagot kundi dahil wala talagang alam. Ang kawalang kaalamang ito ay hindi buhat sa katamarang maghanap o magsaliksik. Hindi ito kahinaan ng pag-iisip. Isang mabuting kamangmangan ang pag- amin na "hindi ko alam." Tungkol ito sa mapagkumbabang pagharap ng tao sa hangganan ng kaniyang pag-iral. Ang pag-amin na wala akong alam ang siya mismong nagpapakita ng dunong! Dahil tinatanggap ng tao na wala siyang alam, hindi siya nagmamagaling na magpaliwanag ng mga bagay na hindi naman niya talaga alam. Hindi siya nagyayabang na magbibigay ng kung ano-anong liko at magkakasalungat na paliwanag, may masabi lamang. Hindi siya umiiwas sa tanong; hindi niya isinasara ang usapan. Sa halip, hinaharap niya ang tanong at binubuhay ito sa kaniyang sariling pagsasabing, "Hindi ko alam," Wala akong alam." Ito ang simula ng paghahanap at pagpapatuloy ng usapan.lto ang nag-uudyok sa kaniyang magsaliksik gamit ang Internet at mga mapagkakatiwalaang aklat. Dahil wala akong alam, gusto kong makaalam. Kaya't magtatanong ako nang magtatanong at sasagot sa abot ng aking makakaya hanggang magpatuloy ang tanong na siya mismong aking buhay. Ganiyan nga ang nais gawin ng pilosopiya: ang bumalik ang tao sa kaniyang sarili at makita ang sarili bilang isang tanong. Hindi ba't ang pagtatanong ng tao ang nagpapausad ng kaniyang kuwento at saysay? Dahil sa kaniyang pagtatanong kayat nagawa niyang lumikha, mag- imbento, tumingala sa langit, at subuking abutin ito! Iyan ang bunga ng kaniyang pagkamulat sa kaniyang kawalang kaalaman sa harap ng karunungan. lyan ang pamimilosopiya at iyan din ang dahilan kung bakit kahit ang mismong Gawain ng pamimilosopiya ay hindi mabigyan ng sapat at hustong depinisyon. Ano ang pilosopiya? Paano gagawin ang pilosopiya? Paano ito pag-uusapan? Sa pamamagitan ng pagtatanong! Kawalang Kaalaman Bilang Higit sa Lahat Mahalaga na makita ang pangunguna ng tanong dahil pakay ng pilosopiya na makita at maunawaan ang isang bagay sa kaniyang kabuuang konteksto at kalagayan nito. Sabi nga ni Ferriols, pag-usapan daw ang lahat sa pamamagitan ng lahat nang sabay-sabay. Hindi itinuturing ng pilosopiya ang isa bilang siya lamang sa kaniyang sarili. Tinitingnan niya ito bilang nakapaloob at kabilang sa mas malaki pa. Pinag-aaralan niya ang isang bagay sa abot- tanaw nang lagpas sa nararanasan ng isang tao ngayon. Ang kabalintunaan ng paghahanap na ito ay: habang inuunawa ng tao ang isang bagay, habang buong sikap niyang tinitingnan ang pagka-higit nito, ay ang bagay pa rin sa kapayakan at tuwirang pagpapamalas nito ng sarili. Ang tanging paraan upang magawang pag- usapan ang isang bagay sa pamamagitan ng lahat-lahat nang sabay-sabay ay sa pagbabad nito sa tanong. Sa halip, ang walang katapusan at nakapapagod na bakit ay pinagpapatuloy sa tanong na ano na nagpapaibasa ugnayan ng tagatanong-tagasagot bilang kapuwa nakababad sa tanong at kapuwa naghahanap ng sagot. Angbakit na nagiging ano ngayon ay paghahanap hindi lamang ng mga sanhi at bunga; bagkus, ng isang karunungang pinag-uusapan nang sabay-sabay ang lahat-lahat hindi lamang para sa pag-unawa ngayon kundi pagtatahi ng alam ko kahapon, sa ngayon, hanggang bukas. Teka Muna, Ano Ulit? Espesyal ang tanong na bakit sa pilosopiya na iba sa pagtatanong ng "bakit" ng sikolohiya at ng iba pang mga agham at agham panlipunan. Laging tungkol sa kabuuan ang pagtatanong ng bakit ng pilosopiya at hindi paghahanap lamang ng mga sanhi, dahilan, at motibasyon ng isang gawain. MGA PILOSOPO PLATO Platon Alegorya Ng Yungib Mahilig sa debate Kontribusyon niya sa pilosopiya ay ang teorya ng mga ideya, dayalektika, anamnesis o ang pamamaraang paghanap ng kaalaman Guro ni Aristotle Kaibigan at mag-aaral ni Socrates na nagpatuloy ng mga kaisipan ng kanyang guro. Itinatag niya ang isang paaralang kung tawagin ay Academy. Nagturo siya rito ng matematika at pilosopiya. Isinulat niya ang The Republic na naglalarawan ng kanyang mga kaisipan sa isang mainam na pamahalaan at estado. Naniniwala siyang ang isang lipunan ay dapat pamunuan ng panakamaalam at pinakamatalinong tao at hindi ng pinakamayaman, makapangyarihan, o sikat. Inilatag ni Plato ang mga pundasyon ng pilosopiya sa Kanluranin, politika, at agham. Siya ay itinuturing na isa sa mga unang na pinamamahalaang magbuntis at samantalahin ang buong potensyal ng pilosopiya bilang isang kasanayan, pag-aralan ang mga isyu mula sa etikal, pampulitika, epistemolohikal at metapisikal na pananaw. SOCRATES Kinilala si Socrates bilang ama ng pilosopiya dahil nagsimula siyang maglatag ng mga pundasyon para sa kaisipang pilosopiko: pagtatanong; at gayundin ang mga elemento upang gawing mas epektibo ito: ang lakas ng salita. Nakatuon siya sa talakayan at debate bilang pangunahing anyo ng paglalahad ng mga ideya. Socratic irony at dayalekto Ang Socratic irony ay isang pamamaraan na ginagamit sa Socratic paraan ng pagtuturo. Ang irony ay nagtatrabaho kapag ang isang tao ay nagsasabi ng isang bagay na nagbibigay ng isang mensahe na salungat sa mga literal na salita. Sa kaso ng Socratic ironi, maaaring magpanggap si Socrates na isipin ang kanyang mga mag-aaral na matalino o baka mapahamak niya ang kanyang sariling katalinuhan, tulad ng pagkukunwari hindi niya alam ang sagot. Naiambag ni Socrates ang paghahanap sa katotohanan ng mga pinaniniwalaan ng mga tao ang kanilang sariling mithiin o gusto, at kung mawalan sila ng pinaniniwalaan o tiwala ay dapat may ukol itong parusa. Inimungkahi nya rin na kinakailangan ng pagbibigay ng kaalaman sa bawat mamamayan na ang pang sasaliksik o pagtatanong ay makakatulong say bawat mamamayan upang magkaroon ng kaalaman at kung nais mong maging mahusay ay kinakailangan mong maging masipag sa pagsasaliksik o pagaaral. Kinakailangan mong magsakripisyo upang maging mataas. Namatay dahil sa pag inom ng halamang may lason na tinatawag na HEMLOCK dahil sa akusasyong pagtataksil sa bayan dahilan sa pagnakaw ng kaisipan ng mga Kabataan ng kanyang henerasyon. ARISTOTLE Isa sa mga kinikilalang pangalan sa mga siyentista at pilosopo ng Sinaunang Greece, na naging alagad ni Plato at isang guro ni Alexander the Great. Ipinanganak siya noong taong 384 a. C. sa lungsod ng Estagira, sa Sinaunang Greece. Isa sa pinakadakilang intelektwal na pigura sa kasaysayan. Deductive reasoning (pundasyon ng argumento at lohika sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mahusay na pangangatuwiran, kasama na ang ideya na ang mga birtud at moralidad ay binuo ng pangangatuwiran at pag-iisip.) - papatunayan nito ang balikong kaisipan. Isa sa mga unang pilosopo na nagpakita ng isang sistematikong tratiko sa siyentipikong pagsasaliksik. Guro sa lyceum. Siya ay isang mahusay na coder at classifier, na isa sa mga Unang pilosopo na bumuo ng isang taxonomic o klasipikasyon na pamamaraan, pinag-aaralan ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dose-dosenang mga species ng hayop na may hangad na matuto sa pamamagitan ng paghahambing sa kanila. HERACLITUS Ipinanganak noong 535 BC sa Efeso, isang kolonya ng Greece na matatagpuan kung saan naroroon ang Turkey ngayon Isa sa mga tagasimuno sa pagtuklas sa walang malay na tao kaugnay sa kalikasan. Isang pilosopong pre-Socratic na ang mga kontribusyon sa pilosopiya at agham ay kumakatawan sa isang mahalagang huwaran na magbibigay ng pinakamahalagang kaisipang pilosopiko ng Sinaunang Greece: ang Socratic. Siya ay introvert at walang kagustuhan sa buhay publiko. May mga diskarte na nagpapahiwatig na hindi siya nagsulat ng anumang libro, ngunit ang lahat ng mga turo na itinuro niya ay pasalita. Pilosopiya ng Heraclitus ay batay sa tatlong konsepto: theos(banal), mga logo (pagiging" ng sansinukob, pati na rin ang lahat ng bagay na bahagi ng talumpati na pilosopiko kaugnay ng pangangatuwiran at kaisipan.) pỳr. (na tumutugma sa malikhaing sunog ng lahat ng mayroon.) Konsepto ng apoy Tinaguriang “The Obscure” DEMOCRITUS Isang pilosopo ng Griyego, na kilala rin bilang "tumatawang pilosopo" o "tumatawang pilosopo", sapagkat palagi siyang masayahin at nagustuhan na makita ang komiks na bahagi ng habang buhay. Ang ilan sa kanyang pangunahing mga kontribusyon sa pilosopiya at agham ay ang atomism, antropolohiya at mahalagang kaalaman sa astronomiya. Siya ay alagad ni Leucippus. Saklaw ng mga gawa ni Democritus ang iba`t ibang mga lugar, kabilang ang etika, pisika, matematika, musika, at kosmolohiya. Ang pangalang Democritus ay nangangahulugang "pinili ng mga tao." Ang pilosopo na ito ay kilala hindi lamang sa pangalan, kundi pati na rin ng mga palayaw. Tinawag siyang Abderita, Milesio, o ang "tumatawang pilosopo." Isa sa mga nagpasimula sa matematika at geometry. Unang pilosopo na napagtanto na ang celestial body na kilala natin bilang Milky Way ay nabuo ng ilaw ng libu-libong mga malalayong bituin. PYTHAGORAS Siya ay isang pilosopo at matematiko na Greek na may mahalagang papel sa pag-unlad ng matematika sa sinaunang Greece. Ang uniberso ay itinuturing na isang cosmos. Ang cosmos ay walang iba kundi isang order na itinakda kung saan ang mga celestial na katawan ay nagpapanatili ng isang posisyon kung saan sila ay kumpleto sa pagkakasundo. Reincarnation ANG PAMAMARAAN SA PAMIMILOSOPIYA Ang pamamaraan ng pilosopiya ay nagsisimula sa pagtatanong at sa hindi matapos na pagtatanong bilang dulo. Mga tanong na sunod- sunod hanggang sa dulo ay wala ng sagot. Madali at mahirap itong pamamaraan ng pilosopiya ngunit kung iyong paglilimiin, lahat ng bagay ay parehong madali at mahirap. Ano sa palagay mo? Emerita Quito – itinuturing siya na na isa sa mga tagapagtaguyod ng pormal na pag aaral ng pilosopiya sa Pilipinas. - Ipinanganak si Quito noong ika-11 ng Setyembre, 1929 sa San Fernando, Pampanga. Ayon kay Emerita Quito sa kanyang aklat na kasama si Romualdo Abulad, Ang Pilosopiya ng Tao, ipinakita niya na ang pilosopo ay pawing mapagtanong at ang hinahanap niya sa kanyang pagtatanong ay ang mga pinakawakas na sanhi o ang pinakaganap na kadahilanan ng mga bagay-bagay. Sa tanong na “Puwedeng magtanong?”, dalawa ang maaring matutunan: 1. Hindi talaga ang tanong na “Puwede bang magtanong? ang itinatanong natin. Sa likod ng tanong na ito ay ang paghingi o pakiusap ng tulong. Kaya mali na ang pagtuunan lamang ng pansin ay ang mga titik at kataga na bumubuo sa tanong. Gumagalaw sa isang konteksto ang tanong. Ganito sa pilosopiya. Ang pilosopiya ay tanong at ang tanging paraan ng pamimilosopiya ay ang pagtatanong. 2. Hindi maiiwasang gawin ang pagtatanong. Sapagkat ang pilosopiya ang buhay, ang bawat buka ng bibig ng pilosopo ay tanong. Tandaan: a. Ang pagtatanong ay pagpayag na maapektuhan ng meron. b. Itinuturo ng tanong na ito ang meron. c. Mahalaga ang pagdanas sa meron na nagpapamalas. d. Mahalaga ang saloobin ng nagtatanong. Tomas Rosario - Kilala sa kanyang mga pagsasalin ng mga gawa ni Santo Tomas sa wikang Filipino mula sa orihinal na teksto, na nakatulong sa pagpapalaganap ng ideya ng pilosopiya sa mga Pilipino Florentino Hornedo - Isang RENAISSANCE MAN na bumulusok sa iba't-ibang larangan kabilang ang pilosopiya, kasaysayan, at kultura, na nag-aambag sa integrasyon ng pilosopiyang Pilipino sa mas malawak na diskurso Norberto Castillo - Isang paring Dominikano at dalubhasa sa kosmolohiya, na nag-aambag sa pag- unawa ng mga kosmolohikal na prinsipyo sa konteksto ng Pilipinong pilosopiya Edicio dela Torre - Dating paring SVD na naging aktibong kalahok sa mga kilusan ng pagtutol noong panahon ng rehimeng Marcos, na itinataguyod ang teolohiya ng pagpupumiglas Punto de bista (Point of view) Ito ang nakikita ng isang tao mula sa kaniyang kinatatayuang lunan. Kung tatayo ang isang tao sa gilid ng mesa, halimbawa ,ang gilid ng mesa ang kaniyang makikita. Kung siya naman ay nasa harapnito, ang harap naman ang kanyang makikita. Ginagamit din, kung minsan, bilang panghalip sa pananaw ang punto de bista. Nakikita ng isang guro ang kanyang klase bilang kinapapalooban ng mga mag-aaral na kailangan niyang gabayan, at akayin sa pagkatuto. Nakikita ng mag-aaral ang klase bilang mga pagsasanay na kailngang pagtagumpayan para sa kanilang Magandang kinabukasan. Ang punto de bista kung gayon ay hihulma ng katayuan, kinalalagyan at mga karanasan sa buhay. Bigyang pansin ang sumusund na konsepto: a. Marami tayong hindi napapansin kahit marami tayong nakikita sa isang sitwasyon. b. Mahalaga ang pananahimik at pagmamalay sa mga nangyayari sa kapaligiran c. Mahalaga ang katahimikan sa pagmamalay. HERAKLEITOS (C.535-475 BCE - Isa siya sa mga bantog na pilosopo bago ang panahon ni Socrates. - Wala na halos natira sa kaniyang mga sinulat. Ang hawak na lamang natin ngayon ay mga labi ng kanyang katha. Mula sa kanyang mga isinulat, masusulyapan ang isang pananaw ukol sa sangkagandahan (cosmos) bilang bunga ng pagbabanggaan – salungatan ng magkakalabang puwersa. Ayon sa kanya kalaban ng katotohanan ang tulog. Para sa tulog o sa nakapikit sa meron – ayaw dumanas, ayaw tumingin, ayaw makipagtulungan sa paghahanap – walang kasiraan ang totoo. Kanya kanya ang mga tao sa kanilang karanasan. Subalit mahigpit niya itong tinutulan dahil para sa kanya, kung matututo lamang manahimik at making talaga ang tao sa kanyang paligid pati na rin sa kanyang sarili tatalab sa kanya ang pagsasalubungan ng mga mukhang naglalaban o nagsasalungatang bagay. TOTOO ITO Nakikilala natin ang bunga ng mga pag-uusap bilang katotohanan. lsa itong pagbabahagi at pakikibahagi ng mga tao sa totoo na kanilang nararanasan. Bagaman napagpapalit ang mga salitang "totoo" at "katotohanan" sa karaniwang gamit, iba ang ipinapahayag ng dalawang ito. (Ferriols, 1992) "May punong mangga sa harapan ko. ltong ito ang tinutuunan ko ng pansin. Sa kapaligiran may mga tao at ibang mga tanim. Hindi ko gaanong pinapansin ang mga ito ngunit napapansin ko rin, itong ito rin ang mga ito. Kaya’t kapag binigkas kong may punong mangga sa kalagitnaan ng mga tao't tanim, binibigkas ko ang meron na itong ito. Sa palagay ko iyan ang ibig sabihin ng totoo: itong ito: ito na, bago ko pa nalaman: mananatiling ito, kahit na malimutan:maaaring ikinalulungkot ko o ikinatutuwa ko na ganito, ngunit ito: talagang totoo. tiyak na ganito Kahit na ako lamang ang nakaaalam, totoo pa rin. Hindi nakaaalam, toto0 pa rin. Totoo pa rin kahit na tanggihan ko. Kahit na ako lamang ang hindi Totoo" (Ferriols, 1992) KATOTOHANAN Ang salitang ugat ay "totoo." ltong ito. Ang unlaping "ka-" naman. at panghalip na "ka," "ikaw," ay tumutukoy sa kausap o kina-kausap. Bilang unlapi, ipinapahiwatig nito ang ugnayan ng nagsasalita at kausap. Ipinakikita sa gayon ng salitang "katotohanan" ang ugnayan ng mga tao sa harap ng toto0. May kani-kaniyang totoong naranasan ang mga magkakaibigan. Tinatasa nila ito, kinikilatis nang sama- sama. Pinag-uusapan. Pinagkakasunduan. Tinatanggap ang bunga ng kanilang masikap na paghahanap. "Katotohanan“ ang tawag sa kapuwa pagdanas sa totoo. "Katotohanan" ang kapuwa naranasan sa meron-mula sa unang pagkamangha, pagdanas, pagbabahagi sa kapuwa, pakikipagtulungan sa kapuwa upang maunawaan ang naranasan, hanggang sa sama-samang pagtanggap sa naranasan at pagbigkas dito. Hindi tulad ng "totoo," ang "katotohanan" ay lagpas na sa personal lamang na karanasan. Hindi pansarili ang "katotohanan;" ibinabahagi ito sa iba. O marahil, mas angkop sabihing, pinagbabahaginan ito kasama ng iba. KAYAMANAN NG PILOSOPIYA Dahil hindi maubos-ubos ang MERON- lagging meron at meron pa. Hindi mahuhuli ng isang karanasan ang meron. Hindi masasakop ng isang pagbigkas lamang ang kayamanan ng meron. Kahangalan at Kahambugan May mga tao kasing padalus-dalos sa pagbigkas ng meron. 1. Alam ko na iyan 2. Been there, done that Palibhasa nabuhay sa nakasanayan o sa opinion ng madla, tanggap lamang ng tanggap sa mga pinapasa ng iba bilang katotohanan Hindi muna tinitingnan ang talagang nangyayari. Taliwas ito sa disiplina ng pilosopiya. Tinutulak pa nga ang nais mamilosopiya na maging mausisa, magtaka at magtanong. Dumanas- dahil nga ang meron ay laging sariwa, laging bago Maiiwasan ang kahanbugan at kahangalan sa hindi pagtigil sa pagtingin at pag alam dahil sa harap ng meron, wala talaga akong alam. Ang Mailap na Katotohanan - Sa paghahanap ng katotohanan, kailangang maging malay sa dalawang panig na nagsasalubungan at kung minsan ay nagbabanggaan: ang nagsasalita at ang kausap. May nakikita ang nagsasalita sa sarili niya;may nakikita rin naman ang kausap sa kanyang sarili. Kailangang maging alisto sa meron ang dalawa-sa meron ng karanasan, sa meron ng kausap, sa meron ng sarili. Filters - Mga Di akmang Argumento upang makarating sa katotohanan Isip Alam Ko To. Hindi na nakikinig sa kausap dahil ang sa sarili lamang ang wasto at tama. Palibhasa’y kinikilala ang sarili nilang eksperto sa paksa, inaakala niyang hindi siya magkakamali sa paghusga ng isang bagay. Wala ngmaidaragdag pa ang kausap. Isip Sinabi Ni. Tinatanggap bilang totoo ang isang bagay at itinitiklop ang sariling naranasan sa meron dahil sinabi ng isang pamosong tao na tama at totoo ang bagay na sinusuri. Hindi mali ang makinig sa eksperto tungkol sa isang paksa. Siguraduhin lamang na ang eksperto ay may sapat na kaalaman, karanasan, kakayahang magsuri, at husay sa pagpapaliwanag sa paksang kanyang pinagkadalubhasaan. Isip Sino Ka Ba. Hindi tinatanggap bilang totoo ang sinabi ng isang tao dahil mababa ang pagtingin sa kanya. Inaanaglahi ang pagkatao ng kausap upang ilihis ang usapan at hindi na mapatotohanan ang isang pahayag. Isip Biktima Ako. Paghahalo ng makabagbag-damdaming drama ang pagpapahayag upang makuha ang pagsang-ayon ng iba. Isip Gaya-gaya. Pagbabalangkas sa pahayag bilang tanggap ng marami. Dahil ito ang uso o ang ginagamit o ang pinaniniwalaan ng marami, dapat maging ganito rin ang iyong paniniwala. Isip Ako ang Batas. Kapag hindi makuha sa santong dasalan, kukunin sa santong paspasan na madalas ay sa pamamagitan ng pananakot, pamimilit, at/o dahas upang makuha ang pagsang-ayon ng kausap. Ang mga agumentong ito ay nagiging pansala (filters) na nagpapalabo sa pagtingin sa meron. Sa halip na sa meron ang pagtuunan ng pansin, ang tao at ang kaniyang mga naisin ang titingnan. Hindi masama ang opinion. Napapalawak nito ang ating abot-tanaw ng iba-ibang opinion. Hanggang nakakagat sa meron ang opinion, mapagbabahaginan ito bilang katotohanan. Nagiging mali lamang ito kung ang opinyon na ang nagiging batayan ng meron. Mga Di akmang Argumento upang makarating sa katotohanan na tinatawag ding FILTERS Pasensya na Tao lang - Isa sa mga binibilang na dahilan sa mga bagay na hindi natin magawa bilang tao na nagpapahinto o humaharang sa pamimilosopiya. Sumasakatawang diwa Ito ay tumutukoy sa konsepto ng Pilosopiya na ang KATAWAN at KALULUWA ay hindi napapaghiwalay. Pagtatakda/ Hangganan Tumutukoy sa ilang mga bagay na likas na hindi mo magagawa bilang isang tao. PAGSASAIBAYO/ POSIBILIDAD Mga katangian upang mahigitan ang iyong hangganan. Karamihan sa iyong mga personal na pagkakatakda ay kadalasan patungkol sa isang hamon o pagsubok o ang mapagtagumpayan ang isang kahinaan. Gayunpaman, ang mga pagkakatakdang ito ay maaaring madaig sa pamamagitan ng iyong pagsusumikap at pagtitiyaga. AMARTIA (ἁμαρτία) Hawig sa konsepto ng kasalanan. Gustong maging Mabuti ngunit dahil sa maraming dahilan at distraksyon, nalilihis ang pokus, nawawala sa masikap na pagtingin sa layunin, nabubulagan sa mga Alay na panandaliang aliw at ginhawa. ANG KATAWAN BILANG TRANDENSIYA - konsepto na tumutukoy sa kung saan lumalagpas o nasa itaas ng isang tiyak na limitasyon. Kung mayroong limitasyon, ang mga limitasyon na ito ang siya rin nagbibigay ng oportunidad para sa atin. Tandaan: Ang pag-iral ng tao ay ang pag-iral ng katawan. Maraming bagay ang maiiugnay sa ating pag-iral bilang tao na siya rin may kaugnayan sa ating katawan. Edad, Kasarian, Relasyon, Pamilya Atbp. Samakatuwid, sinasabi na kung ano tayo ay ito ang tumutukoy sa atin, ito ay mga bagay na hindi natiN mababago o mapipili. Ang ating katawan ay binubuo ng hangganan na hindi natin kayang tutulan. Ang limitasyon na ito ang nagdudulot ng negatibong kalagayan sa isip ng tao, dahil ang iba ay ninanais Na magkamit ng higit pa sa mga limitasyon. Ang kontradiksyon ng posibilidad sa limitasyon Ang kontradiksyon ng ating katawan bilang limitasyon at posbilidad ay nagpapaalala sa atin na dapat tayong maging mapagpasalamat na hindi natin kayang gawin ang lahat ng bagay… Ngunit kung hindi natin gagawin o susubukan ay wala tayong kabuluhan. Ito ang tinatawag na kontradiksyon. Ang salitang kontradiksyon ay nagsasaad na ang dalawang magkasalungat na ideya ay tama. Limitadong Kalikasan Ang mata raw ang durungawan sa ating pagkatao, may nasulyapan tayo tungkol sa pagkatao ng tao: ang mga inaakala nating nagagawa natin- Tulad ng pagtingin sa kanan at kaliwang mata nang sabay- hindi pala natin kayang gawin. Ang alam nating buo, hiwa-hiwalay pala nating iniipon sa ating isip gamit ang paunti-unti nating pagdanas. Nakakasalalay sa atitud ng katawan ang anumang mararanasan at mauunawaan ng tao. Hindi niya mararanasan ang lahat dahil isa lamang sa isang sandali sa isang lugar ang kaya niyang maranasan. Ang kaniyang pandama, pandinig, paningin, pang-amoy, at panlasa ang daan niya upang maranasan at naunawaan ang kaniyang paligid. Ang tinatanggap lamang ng kaniyang katawan ang magiging bahagi ng tatawagin niyang karanasan. Kahit na pilitin pa ng tao na imulat ang kaniyang mata nang dalawamapu’t apat na oras nang buong pitong araw sa isang lingo, hindi parin niya makikita at mararanasan ang lahat. May hangganan ang kayang tanggapin ng katawan kahit na gusto pa nito. AKONG-HINDI-AKO Kung sasabihin kong mayaman ako, ito ay dahil sa magulang ko maaring sa kanilang pinagsikapan o namana, o di kaya kung sasabihin kong gwapo o maganda ako, yun ay dahil sa magulang ko, mula sa dugo na nakuha ko sa kanila. Ako ba talaga ang mayaman? O di kaya ako nga ba ang maganda/gwapo Na tinutukoy? Hindi ako kundi ang magulang ko pero ako rin. KUNG AKO LANG SANA -Ako ay hindi ako lamang. Binubuo ng hindi ako ang pagiging ako. Bago pa sumubok kumilos ang ako kumilos na ang iba para sakin kasama ito sa bahagi na bumubuo sayo. Hindi lamang ikaw, ngunit may iba ka pang konsepto na bumuo na sayo bago pa ang lahat. HINDI- AKO-AKO Tulad ng pagharap sa salamin, tunay na ang sarili ang nakikita- “ako nga iyan!” Subalit hindi rin. Maraming bagay tungkol sa sarili ang hindi nakikita sa katawan. Hindi nakikita sa salamin ang niloloob ng tao. Hindi nakikita ang damdaming pumipiglas lagpasan ang pagkabigay ng limitasyon. Hindi ako ito! Pwedeng ito lamang ako. OO AT HINDI AKO Paanyaya ang pagtingin sa salamin upang hanapin pa, at makita ang tunay na sarili. Tumitingin sa salamin upang hindi malunod sa sariling kagandahan. Sa pagtingin sa sarili sa pagkakita dito, tinatanggap ang hamon na palabasin ang tunay na niloloob sa labas, sa katawan upang maipamalas. Ang buong buhay ng isang tao ay ang kwento ng niya ng paghanap, pagtupad, pagkakatisod, at pagkakaganap sa meron. TAO LANG! -Kaya’t dapat isigaw ang pagiging tao ng buong loob. Bagaman limitado mayroon din syang kakayahang umalpas. Hindi mabibigyan ng depinitibong paglalarawan sa tao. Magagawa lamang natin kumapit sa mga talinhaga upang subukin man lamang madaplisan ang mahiwagang kalakihan o kaliitan ng tao! Ang Tao sa kanyang Kapaligiran Ayon kay John Donne, “No man is an island, entire of itself; every man is a piece of the continent, a part of the main.” Nangangahulugan ito na bilang mga tao, nakikipag-ugnayan tayo hindi lamang sa ating kapwa tao kundi pati na rin sa iba pang mga nabubuhay at hindi nabubuhay na elemento sa ating kapaligiran. Pilosopiya ng Kapaligiran o Etika ng Kapaligiran Ito ay ang disiplina sa pilosopiya na nag-aaral sa moral na relasyon ng tao sa kapaligiran at sa walang buhay. Ang mga pilosopo ng kapaligiran ay nakatuon sa mga isyu tulad ng ginagampanang papel ng sangkatauhan sa likas na mundo, ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng kalikasan at mga gawain ng tao, at pagtugon ng sangkatauhan sa mga hamon sa kapaligiran. ANTHROPOCENTRISM - ay naniniwala na ang tao ay ang pinakamahalagang species sa planeta at malaya nilang mabago ang kalikasan at gamitin ang mga ito. Biocentrism - ay naniniwala na hindi lamang ang tao ang pinakamahalagang species sa planeta kundi lahat ng mga organismo ay mahalaga at dapat protektahan. ECOCENTRISM - naniniwala na ang sangkatauhan ay bahagi ng isang mas malaking sistemang biyolohikal o pamayanan at mayroon tayong isang mahalagang papel bilang mga katiwala o tapag-alaga ng kalikasan. KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN Ito ay isang pilosopikong pananaw na naniniwala na ang pagpapanatili ng kaayusan sa kapaligiran ay naglalabas ng likas na kagandahan ng paligid at nag-aambag sa kapakanan ng mga tao at iba pang mga organismo na naninirahan dito. Ang pagpapahalaga sa likas na kagandahan ay nagdudulot ng pagmamalasakit sa kapaligiran at nakatutulong sa tao na mas magkaroon ng ugnayan sa kalikasan. Ang pagkamakakalikasan o environmentalism. Ang pananaw na ito ay nagsusulong upang matugunan ang lumalaking problema sa kapaligiran. Ang pilosopiya ay may mahalagang papel sa pagbuo ng kamalayan at pagkilos sa kapaligiran. Maraming lumitaw na mga ideya at pananaw tungkol sa pagkilos sa kapaligiran. Malaki ang ang nagagawa ng tao sa kanyang paligid nagagawa ng tao na likhain ang sarili at ang kanyang paligid sa kanyang pagtatakda. PAGMAMALAKI Lumalaki ng lumalaki ang tao hanggang sa nakalimutan na niya ang kanyang kaliitan. Pinagharian niya ang kalikasan at itinuring ito bilang kasangkapan lamang ng kanyang proyekto. ANG PAGKAWASAK Maging malay sana na hindi lamang patungkol sa kalikasan ang tinutukoy ng salitang “kapaligiran”. Tinutukoy nito ang anumang nasa labas ng tao: ang nakapaikot sa kanya, ang nakapaligid sa kanya. KRUKRU – THE ONE THAT GOT AWAY. Sino o ano ang mga krukru ng buhay mo? Ano ang nangyare sa inyong ugnayan? Bakit? May posibilidad ba na maayos kayong muli? paano? TUNGGALIAN Ang kapaligiran at ang tao ay hindi likas na magkatunggali. Ngunit dahil sa pagpipilit ng sarili na manguna – manguna bilang tagapamuno ng lahat – iniaayon at pinapasunod ang nasa kanyang paligid ayon sa kanyang plano nang walang pagsasaalang alang sa kalagayan at magiging kalagayan nito. MALAKING MALIIT Ang kabalintunaan ng lahat: hindi maaring ipagwalang bahala ang iba. Hindi tuluyang mahihiwalayang sarili sa iba. Sa katunayan, pagtanggi pa lamang sa kanilang pag-iral ay pag-apirma na agad sa kanyang pag iral. Kahit talikuran ng tao ang nasa kanyang paligid naririyan pa rin ang mga ito. Habang pilit na nilalayuan ang mga ito, isa lang ang talagang nagagawa nito: pinapatunayang meron siyang nilalayuan. SAYAW: UGNAYAN NG TAO SA KAPALIGIRAN Isang sayaw ang ugnayan ng kapaligiran at tao. Magpaplano ang tao ng mga bagay – bagay, tatakbo sa kalikasan para tuparin ito. Ibinibigay ng kapaligiran ang anumang kulang sa tao at binabahagihan naman ng tao ng kanyang loob ang kapaligiran. Plato Democritus Emerita Quito Socrates Heraclitus Aristotle Pythagoras Roque Ferriols

Use Quizgecko on...
Browser
Browser