Pag-aaral ng Konsensiya: Mga Paksa at Tanong [Tagalog] PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga punto tungkol sa konsensiya, kabilang ang mga uri at mga halimbawa. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-unawa sa konsensiya at pagtataguyod ng mabuti. Saklaw din nito ang proseso ng pagbuo ng tamang moral na desisyon.
Full Transcript
1. Konsensiya 2. Likas na Batas Moral 3. Kamangmangan 4. Pagpapasya 5. Paghuhusga Kaugnay na Paksa 1: Mga Uri ng Konsensiya I. Pagproseso ng Pag-unawa Marahil narinig o nasabi mo na ang mga katagang: “Malinis ang konsensiya ko” o kaya naman “Hindi maatim ng aking konsensiya…” Ano nga ba a...
1. Konsensiya 2. Likas na Batas Moral 3. Kamangmangan 4. Pagpapasya 5. Paghuhusga Kaugnay na Paksa 1: Mga Uri ng Konsensiya I. Pagproseso ng Pag-unawa Marahil narinig o nasabi mo na ang mga katagang: “Malinis ang konsensiya ko” o kaya naman “Hindi maatim ng aking konsensiya…” Ano nga ba ang konsensiya? Ang konsensiya ba ay tama sa lahat ng pagkakataon? Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum na ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o mayroong Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa. konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa ang mga malalawak na pangkalahatang batas-moral sa pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Halimbawa, bagama’t isang obligasyon ang pagsisimba, may pagkakataong hindi makadalo ang isang tao dahil may tungkulin siyang alagaan ang isang kasapi ng pamilya na maysakit. Ito ang situwasyon na walang katapat na pangkalahatang batas para matugunan. Ang kailangan dito ay personal na pagpapasya kung saan ginagamit ng tao ang kaniyang konsensiya. Kailangan lagi ang isang paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at dito kailangan ang konsensiya. Subalit, kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na Batas Moral, ang konsensiya ay maaari pa ring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Maaari ring magkamali sa paraan ng paggamit ng panuntunang ito. Uri ng Konsensiya (Agapay, 1991) Tama. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali. 1.Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon, subalit isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo. Mali. Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa kay Agapay, mali ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. 1.Kaugnay ng naunang halimbawa, naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katuwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera. Nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera. Ang Dalawang Uri ng Kamangmangan Maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masamang kagustuhan ng tao. Ito ay dahil sa KAMANGMANGAN at KAWALAN NG KAALAMAN sa isang bagay. 1. Kamangmangang Madaraig (vincible ignorance) Ang kamangmangang madaraig ay kung saan magagawa ng isang tao na magkaroon ng kaalaman sa 2. Kamangmangan na Di Madaraig (invincible ignorance) Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan. IKALAWANG ARAW Ang Konsensiya sa Larangan ng Panahon (Ilagan, 2020) Mahalagang malaman mo kung paano kumikilos ang konsensiya upang may kamalayan ang pag- iisip o pangangatuwiran sa isang pasya o kilos batay sa Likas na Batas Moral o hindi. Ang konsensiya ay kumikilos bago ang kilos (antecedent), habang isinasagawa ang kilos (concomitant), at pagkatapos gawin ang kilos (consequent). 1. Bago ang Kilos (Antecedent) Tinutulungan tayo ng konsensiya na suriin ang isang pasya o kilos bago ito isagawa. Halimbawa, sasama ba ako sa lakad ng aking mga kaibigan o tatapusin ang aking takdang-aralin nang maaga? Pinatutunayan nito na kumikilos na ang ating konsensiya sa pagbuo pa lamang ng isang pasya. 2. Habang Isinasagawa ang Kilos (Concomitant) Tumutukoy ito sa kamalayan ng isang tao sa pagiging mabuti o masama ng isang kilos habang isinasagawa ito. 3. Pagkatapos Gawin ang Kilos (Consequent) Ito ang proseso ng pagbabalik-tanaw o pagninilay sa isang pasya o kilos na naisagawa. Mahalaga ang prosesong ito dahil nakikita natin ang ating kalakasan at kahinaan sa pagbuo ng isang mabuting pasya. Pinalalalim ng uri ng konsensiyang ito ang ating pananagutan sa kilos na isinagawa. IKATLONG ARAW Kaugnay na Paksa 2: Paraan ng Paghubog sa Tamang Konsensiya I. Pagproseso ng Pag-unawa Tama o Mali, Paano Pipili? (Siason, 2023) Inyong natutuhan sa naunang paksa na ang konsensiya ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapasyang ginagawa ng tao. Napag-alaman niyo rin na ang tao ay maaaring magkaroon ng tama o maling konsensiya. Kaya ang isang malaking hamon sa inyo ay hindi lamang sundin ang inyong konsensiya, kundi ang hubugin ito. “Paano mahuhubog ang konsensiya upang gawin at piliin ang mabuti at tama?” Umpisahang sagutin ang tanong na ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa inyong sarili. Pagnilayan ang mga kilos at gawain mo sa pang- araw-araw. May mga ginagagawa ka ba na nakatutulong o nakakasama sa paghubog ng tamang konsensiya? Isulat ang mga gawain mo na nakatutulong sa paghubog ng tamang konsensiya sa kaliwang kahon. Sa kanang kahon naman ay isulat ang mga gawain mo na nakakasama sa paghubog ng konsensiya. Itala rin ang mga taong nagsisilbing gabay at tagahubog ng iyong konsensiya sa pagpili ng tamang kilos. Mga Paraan sa Paghubog ng Tamang Konsensiya Mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti sa tulong ng sumusunod: 1.Edukasyon at Moral na Pormasyon: Ang isang makabuluhang edukasyon na may kasamang mga aral sa etika ay makakatulong sa pormasyon ng mabuting konsensiya. 2. Etikal na Pagninilay-nilay at Pagsusuri ng Sarili: Ang regular na pagninilaynilay sa sariling mga gawain, motibo, at mga pagpapahalaga ay makatutulong sa pagbuo ng mas mabuting konsensiya. 3. Pagsasanay ng mga Birtud: Ang pagtuon sa pagsasanay ng mga birtud tulad ng katapatan, integridad, tapang, at pagpapakumbaba ay maaaring makatulong sa pormasyon ng mabuting konsensiya. Ang birtud etika ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbuo ng karakter. 4. Pagkakaroon ng Social Support at Modelong Moral: Ang mga tao ay natututo sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba. Nagpupursige rin siyang gumawa ng tama kung malakas ang suporta na natatanggap mula sa kaniyang pamilya at komunidad. Ang matuto mula sa karanasan ng mga taong may mabuting ehemplo at ang pakikilahok sa isang sumusuportang komunidad ay maaaring makatulong sa positibong impluwensiya sa pagbuo ng mabuting 5. Regular na Panalangin Kasama ang Pamilya: Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pag-iisip, at kapayapaan ng puso. 6. Relihiyosong Gabay at Banal na Kasulatan: Maraming relihiyosong tradisyon ang nagbibigay ng moral na gabay at mga alituntunin para sa tamang pamumuhay. Ang pagsunod sa mga aral at mga utos na matatagpuan sa mga kasulatan na ito ay makakatulong sa pagbuo ng mabuting konsensiya. Mga Katuruang Panrelihiyon at Impluwensiya nito sa Paghubog ng Konsensiya Nakatutulong ang mga katuruang panrelihiyon sa paghubog ng konsensiya ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alituntuning moral, mga prinsipyo sa etika, at isang balangkas para sa pag-unawa ng tama sa mali. Narito ang ilang mahahalagang aspekto ng impluwensiya ng mga katuruang panrelihiyon sa pagbuo ng konsensiya. 1. Mga Aral ng Pagmamahal at Kabutihan Ang mga aral na nagtuturo ng pagmamahal sa kapuwa at pagsusumikap sa kabutihan ay naglalagay ng pundasyon para sa isang konsensiyang nagpapahalaga sa moral na pagkilos. Ang pagbibigay, pagpapatawad, at pagmamahal sa kapuwa ay nagiging bahagi ng pangunahing oryentasyon ng konsensiyang ito. 2. Katarungan at Paggalang sa Buhay Ang mga aral na naglalaman ng katarungan at pagpapahalaga sa buhay ay nagbibigay inspirasyon para sa isang konsensiyang tapat at makatarungan. Ang mga Muslim, halimbawa, ay itinuturo na pangalagaan ang buhay, ituring ang bawat isa nang pantay- pantay, at magtaguyod ng katarungan sa lahat ng aspekto ng buhay. 3. Pagpapahalaga sa Pagsusumikap at Integridad Ang mga katuruan sa pagsisikap, tamang pamumuhay, at integridad, ay nagiging pundasyon ng konsensiyang naglalaman ng pagtataguyod sa tamang pamumuhay at pagkiling sa kabutihan. 4. Pagsunod sa Kalooban ng Diyos Ang pagtuturo ng pagsunod sa kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng oryentasyon sa pagbuo ng konsensiyang itinuturing ang Diyos bilang batayan ng moral na pamumuhay. 5. Kababaang-loob at Pagmamalasakit Ang pagtuturo ng kababaang-loob at pagmamalasakit sa lahat ng nilalang ay naglalagay ng pundasyon para sa konsensiyang nagpapahalaga sa pagiging mabuti at may malasakit sa iba. Ang mga katuruang panrelihiyon ay nagbibigay ng moral na pamantayan, nagpapahalaga sa katarungan, at nagtuturo ng tamang asal. Sa pamamagitan ng mga aral na ito, nabubuo ang konsensiyang nagiging gabay sa mga indibidwal sa kanilang mga pagpapasya at kilos. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng mabuting konsensiya sa pagpapalalim ng kabatiran sa mga mabuting kilos at pag- uugali sa pangaraw-araw na buhay? Ang mabuting konsensiya ay isang pundamental na bahagi ng moralidad at pagkatao ng bawat tao. Ito ay naglalarawan ng kakayahang makilala at husgahan ang tama at mali, at nagiging gabay sa paggawa ng mga desisyon sa araw-araw na buhay. Ang epekto ng mabuting konsensiya ay malalim at masusing inuugnay sa iba't ibang aspekto ng ating pagkilos, paghuhusga, at pagpapasya. Ang konsensiya ay nagbubukas ng daan para sa pagiging makatarungan at makatao sa ating mga gawain. Ito ang nagtuturo sa atin na gawin ang nararapat, kahit na walang nakakakita o nakakakilala sa atin. Kapag may mabuting konsensiya, mas binibigyan natin ng halaga ang integridad at moralidad sa bawat hakbang na ating ginagawa. Ito ay naglalabas ng diwa ng pagiging tapat sa sarili at sa iba. Nagbibigay-daan ang paggamit ng konsensiya sa masusing paghuhusga sa pagitan ng tama at mali. Ito ang nagtuturo sa atin na magkaroon ng malasakit sa kapuwa at maging responsable sa ating mga desisyon at gawain. Sa pamamagitan ng mabuting konsensiya, mas nauunawaan natin ang kahalagahan ng pagrespeto sa iba't ibang pananaw at damdamin ng iba. Ito ay naglalagay sa atin sa tamang landas ng moral na pamumuhay. Nagiging gabay rin ang konsensiya sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon sa buhay. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang magkaroon ng wastong pananaw at pananagutan sa bawat hakbang na tatahakin natin. Kapag may mabuting konsensiya, mas malamang na tayo ay magdedesisyon ayon sa prinsipyong moral at hindi lamang base sa sariling interes. Ito ay nagiging pundasyon ng isang maligaya, makabuluhan, at matagumpay na buhay. Sa pangkalahatan, ang epekto ng mabuting konsensiya sa pagkilos, paghuhusga, at pagpapasya ay nagbubunga ng mas makatao at makatarungan na lipunan. Ito ay nagbibigay-daan sa pag-unlad ng moral na kamalayan at nagtuturo sa atin na maging responsableng mamamayan ng mundo. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot 1. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya? A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan. B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan. c. Makakamit ng tao ang kapayapaan at katarungan. D. Lahat ng nabanggit. 2. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay: A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao. B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao. C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama. D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, 3. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya? A. Mapalalaganap ang magandang buhay. B. Makakamit ng tao ang tagumpay. C.Maaabot ng tao ang kaniyang kaganapan. D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan. 4. Ang sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa: A. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa. B. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat may pagdadalawang-isip pa. C. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. D. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa. 5. Paano nakatutulong ang konsensiya ng isang tao sa paggabay sa kaniya na pumili ng makatarungan at etikal na desisyon sa gitna ng mapaghamong buhay? A. Nagbibigay ito ng patnubay sa pag-unawa ng tamang kilos na dapat gawin. B. Nakikiramdam ito sa mali na dapat iwasan. C. Nagpapasya ito ayon sa subhektibong pang- unawa ng tao. D. Hindi ito nagbibigay ng anomang epekto sa desisyon