Panitikan sa Panahon ng Amerikano PDF
Document Details

Uploaded by EagerAcropolis
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tumatalakay sa Panitikan sa Panahon ng Amerikano. Tinatalakay dito ang mga katangian, impluwensya, at mga manunulat ng panahong iyon. May iba't ibang paksa, katulad ng pagkamit ng kalayaan, Romantesismo, at Kolonyal na pag-iisip.
Full Transcript
Panitikan sa Panahon ng Amerikano Ang Mahahalagang Detalye sa Panitikan sa Panahon ng Amerikano I. Mga Katangian ng Panitikan Pagnanais ng Kalayaan Nagpatuloy ang mga panitikang pumapaksa sa pagkamit ng sariling Kalayaan. Pangunahing ginamit ang mga dula upang maipa...
Panitikan sa Panahon ng Amerikano Ang Mahahalagang Detalye sa Panitikan sa Panahon ng Amerikano I. Mga Katangian ng Panitikan Pagnanais ng Kalayaan Nagpatuloy ang mga panitikang pumapaksa sa pagkamit ng sariling Kalayaan. Pangunahing ginamit ang mga dula upang maipakita ang paglaban sa mga Amerikano. Romantesismo Bagama’t may panitikang pumapaksa sa pag-ibig sa panahon ng Kastila, higit na naging pokus ng panitikan ang mga paksang tungkol sa pag-ibig. Lalong naging laman ng panitikan ang pagpapahalaga sa kalikasan, kagandahan ng buhay, at ng sarili. Kolonyal na Pag-iisip Lalong namayani ang pagkakaroon ng kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino at labis na pagtangkilik pa sa kulturang Kanluranin. II. Mga Pangunahing Impluwensiya ng Amerikano sa Bansa Demokratikong uri ng pamamahala Paglahok ng mga Pilipino sa mga posisyon sa pamahalaan Liberalisasyon o pagpapakita ng kalayaan ngunit may hangganan Kanluraning edukasyon sa pamamagitan ng mga pampublikong paaralan Paggamit sa wikang Ingles bilang pangunahing midyum ng komunikasyon III. Mga Manunulat Nahati ang mga manunulat batay sa wika (Manunulat sa Kastila, Ingles, at Tagalog). A. Ilang Manunulat sa Kastila Cecilio Apostol- Sumulat ng mga tulang papuri kay Jose Rizal Fernando Ma. Guerrero- Unang hari ng panulaan sa Kastila Trinidad Pardo de Tavera- Naglagay ng titik w at y sa ABAKADA B. Ilang Manunulat sa Tagalog Lope K. Santos- Ang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa Jose Corazon de Jesus- Makata ng Pag-ibig at Hari ng Balagtasan Amado V. Hernandez- Makata ng Manggagawa Deogracias A. Rosario- Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog Valeriano Peña- Ama ng Nobelang Tagalog C. Ilang Manunulat sa Ingles Jose Garcia Villa- May sagisag-panulat na Doveglion. Zoilo Galang- Kauna-unahang sumulat ng Nobela sa Ingles na “A Child of Sorrow”. NVM Gonzales- May-akda ng “My Islands” IV. Mga Gamiting Akdang Pampanitikan A. Maikling Katha/Maikling Kuwento Nagkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsusulat ng maikling kuwento. Ang mga paksa ay ibinatay sa impluwensiya ng Amerikano sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Kadalasan, nagiging lunsaran din ang maikling kuwento ng pakikipaglaban sa pamahalaang Amerikano. B. Tula Nagkaroon ng iba’t ibang timpalak sa pagtula at naging pangkaraniwang gawain. Sa panahong ito, sumibol din ang pagsulat ng malayang tula o tulang walang sukat at tugma na pinangunahan ni Alejandro Abadilla. C. Dula Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula. D. Nobela Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon dahil sa pag-uso ng pagsulat ng maiikling katha o maiikling kuwento. Mga Sanggunian: Rubin, L. T. et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon. Villarosa, S. M. (2013). Panitikan sa Panahon ng Amerikano. Retrieved from https://www.slideshare.net/shainamavreenvillaroza/panitikan-sa-panahon-ng-amerikano