LIT 1 LECTURE 7-8: SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKAN
Document Details
Uploaded by Deleted User
San Pablo Colleges
Rodora A. Briguela
Tags
Summary
This lecture discusses the social context of Philippine literature during the American Period. It covers the impact of romanticism on Filipino literature and authors like Jose Corazon de Jesus and Julian Cruz Balmaceda. The lecture also highlights the development of literary forms like poetry, novels and plays.
Full Transcript
LIT 1 LECTURE 7-8 SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITI KANG PANLIPUNAN (SOSLIT) RODORA A. BRIGUELA Panahon ng Amerikano Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang hig...
LIT 1 LECTURE 7-8 SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITI KANG PANLIPUNAN (SOSLIT) RODORA A. BRIGUELA Panahon ng Amerikano Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino- Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan Alternative ay nagsimula noongHybrid pang Education 1900. and Asynchronous Distance Ang Romantisismo sa Panitikan Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito ang uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran--- lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Masasabing bagaman dinampot ng panitikang Pilipino ang romantisismong banyaga ay hindi naman lubus- lubusan. Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino. Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay, ito’y tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935. Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla. Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon. Sa isang tagalunsod na mambabasa, ito’y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na play at kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab- ngasab at kontentong- kontento. Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam naAlternative mga katangaian oand Hybrid Education iyong tinatawag Asynchronous Distancena Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa isipan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang ganitmpala. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Mga Samahan ng mga Manunulat Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng mga manunulat noon. 1. Ang Aklatang- Bayan (1900- 1921 2. Ilaw at Panitik (1922-1934). Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Panbahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921) Ang Pasingaw at Dagli Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutunton na nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa pag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nito ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan. Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang mga Manunulat ng Panahon: Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nakamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”. Lope K. Santos ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at di pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang mga Manunulat ng Panahon: Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan. Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang mga Manunulat ng Panahon: Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan. Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Nobela Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang mga kawil- kawil na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman ng isang tiyak na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman sa isang tiyak na balangkas. Ang pinkapangunahing sangkap ay ang mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang mga tauhang may iba pang hangarin Masasabing ang nobela ay unang ganap na nakakita ng liwanag sa pagsisimula ng panahon ng Aklatang- Bayan, 1900. Sa loob ng panahong ito na sumasakop sa loob ng dalawampung taon, mahigit na limampung nobela ang nasulat at halos lahat ng ito ay orihinal ng may-akda at hindi hango sa mga kathambuhay na Ingles at Kastila. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Dula at Dulaan Dalawang uri ng paghihimagsik ang ipinamalas ng mga mandudula sa kanilang mga isinulat. Ang una’y paghihimagsik sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Kastila. Ito ang uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban sa pamahalaang Amerikano. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Mga Manunulat ng Dula Severino Reyes (1861- 1942). Taong 1902 nang simulan niyang mag-ukol ng panahon para sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa kaniya, ang moro- moro o comedia ay walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga manonood kaya’t pinagsikapan niyang ito’y palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at karikitan ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng dulang tagalog, ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng pamosong Walang Sugat. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Patricio Mariano( 1877- 1935). Siya ay nakapag- ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Patricio Mariano( 1877- 1935). Siya ay nakapag- ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance sumusunod: Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sisne ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar (Ama ng Panulaang Tagalog). Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, Ang mga nakatagisan niya ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes. Balagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance sumusunod: Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute. Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na “Ama ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog. Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan atHybrid Alternative Batutian ngand Education mga TagalogDistance Asynchronous at Panahon ng Ilaw at Panitik Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nagdulot ng di gaanong pampasigla sa panitikan. Hanggang sa sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito. Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nagdulot ng di gaanong pampasigla sa panitikan. Hanggang sa sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula. Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagwakas sa taong 1932, sa pagkakatatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Alternative Pilipino. Hybrid Education and Asynchronous Distance Panahon ng Ilaw at Panitik Katangian ng Panitkan Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang romantisismo bagama’t masasabing may mga manunulat na nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Maikling Katha Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga akdang sa palagay niya’y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon. Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi naman pawang sa pag-ibig. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Maikling Katha Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga akdang sa palagay niya’y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon. Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi naman pawang sa pag-ibig. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Tula Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso. Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siya’y isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa. Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Nobela Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng pagyuyugto- yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa mga nobela. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Dula Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang- Bayan ay siya naming panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi masisi ang mga mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang pagbabago’y dala ng panahon. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Panahon ng Malasariling Pamahalaan Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pamumuno ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa panahong ito. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Panahon ng Malasariling Pamahalaan Ang Maikling Katha Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng nagpapabukod- tango sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit ng mga panauhan sa kuwento. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Panahon ng Malasariling Pamahalaan Ang Tula Ang panahong ito ay ay pinaging makulay ng tintawag na “paghihimagsik “ ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma t hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma” subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang panualan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na guniguni. Ang tula’y nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at angHybrid Alternative ibinunga’y Educationmagkahalong and Asynchronous katuwaan Distance at Panahon ng Malasariling Pamahalaan Ang Dula Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan ng mga sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula. Ang Nobela Katulad rin ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance TATLONG PANGKAT NG MANUNULAT 1.maka-Kastila 2.maka-Ingles 3.maka-Tagalog Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Pagpapatayo ng mga paaralan Pagbabago ng sistema ng edukasyon Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan Paggamit ng wikang Ingles Pagpapalahok ng mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag na may hanggananAlternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ayon kay Julian C. Balmaceda, ang mga makatang nakilala sa panahong ito ay nababahagi sa tatlong uri: Makata sa Puso Makata ng Buhay Makata ng Dulaan Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Makata sa Puso Lope K. Santos Iñigo Ed. Regalado Jose Corazon de Jesus Ildefonso Santos Amado V. Hernandez Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Makata ng Buhay Lope K. Santos Jose Corazon de Jesus Florentino Collantes Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Makata ng Dulaan Patricio Mariano Tomas Remegio Aurelio Tolentino Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Ang Pamana Jose Corazon de Jesus Isang araw, nakita kong ang ina ko'y namamanglaw naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan; Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan, nakita ko ang maraming taong niyang kahirapan... Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw nakita kong ang ina ko'y tila mandin Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance namamanglaw, Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha, Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subali't sa aking mata'y may namuong mga luha na hindi mapigilan at hindi ka masansala; Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa, Tila kami'y iiwan na't may yari nang huling nasa. At sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang lungkot na gunita, Napaiyak akong parang isang kaawa-awang bata't Niyakap ko ang ina ko at sa kaniya ay winika: "Ang ibig ko sana, Nanay, ikaw'y aking pasayahin at huwagko nang makita ikaw'y nalulungkot mandin. O Ina ko! Ano ba ang naisipa't iyong paghahati- hatiin and Asynchronous Distance Alternative Hybrid Education Wala naman, yaong sagot, "Baka ako ay tawagin ni Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin: Itong piyano, yaong silya ay alamin. Pamana ko na sa inyo, mga bunsong ginigiliw!" "Nguni't, Inang," ang sagot ko, "Ang lahat ng kasangkapan. Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan; Ang ibig ko'y ikaw, Inang, at mabuhay ka na lamang, Hihilingin ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw; Aanhin ko ang piyano, kapag ikaw ay namatay, Nihindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay; ang nais ko ikaw, Inang, at mabuhay ka lamang, Ililimo ko sa iba ang lahat ng ating yaman; Ni hindi ka maaring pantayan ng daigdigan, Ng lahat ng ginto rito, pagka't ikaw Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance O Ina ko, ikaw'y wala pang kapantay!" Ang Guryon Ildefonso Santos Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo’t paulo’y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas at sa papawiri’y bayaang lumipad; Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw ay mapapabuyong makipagdagitan; makipaglaban ka, subali’t tandaan na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, matangay ng iba o kaya’y mapatid; kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit, saanman sumuot… O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob! Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance BAYAN KO Jose Corazon de Jesus (1929) Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya. Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Balangkas sa Pagsusuri ng Tula Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance LOPE K. SANTOS - Ama ng Balarilang Tagalong OBRA-MAESTRA - Banaag at Sikat FLORENTINO COLLANTES - Kuntil butil; OBRA - MAESTRA -Lumang Simbahan AMADO V. HERNANDEZ - Makata ng mga magagawa; MGA OBRA MAESTRA - Isang Dipang langit; Mga ibon Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday VALERIANO HERNANDEZ-PENA - Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA MAESTRA- Nena at Neneng INIGO ED REGALADO - Odalager; OBRA MAESTRA- Damdamin Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance