PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika PDF
Document Details
Uploaded by CelebratoryRooster
Araullo University
Tags
Summary
This document is an educational handout about Philippine literature and rhetoric, covering different types of poems and prose, with examples. It's part of a Professional Integration course at Araullo University.
Full Transcript
PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Asignatura: PANITIKAN Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tul...
PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Asignatura: PANITIKAN Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik. DALAWANG URI NG PANITIKAN 1. Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan. MGA HALIMBAWA NG PATULANG PANITIKAN: a. Tulang Liriko. Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat. Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na tula. Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng makata. Mga Halimbawa: Awit. Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig. Iisa rin ang tugma ng bawat taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o mga kantang mayroong liriko. Soneto. Ito ay isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan, diwa ng makata. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Oda. Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento ang oda. Elehiya. Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito ay tulang damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa. Dalit. Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwang para ito sa mga diyos o pinaniniwalaang panginoon upang magpakita ng pagsamba. Karaniwan din itong isang saknong lamang. b. Tulang Pasalaysay. Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay. Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani. Mga Halimbawa: Epiko. Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga nobela, na nakasulat nang patula. Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan sa epiko ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan. Mahalagang bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan ang epiko. Binibigyang halaga rin ng mga tao sa isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa isang epiko. Awit o korido. Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan ay hindi sinusunod. Ito ay karaniwang ginagawa sa ibang bansa tulad ng Europa, Espanya, Gresya, at Pransya. c. Tulang Patnigan. Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Mga Halimbawa: Balagtasan. Ito ay ipinangalan kay Franciso ‘Balagtas’ Baltazar. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa. Magsasalitan ng pagsagot ang bawat panig na pinagigitnaan ng isang lakandula o lakambini. Karagatan. Ito ay isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan. Nagmumula sa isang alamat ang paksa ng tula. Duplo. Ito ay isa namang paligsahan sa pangangatwiran sa anyong patula. Hango ito sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan. Fliptop o Battle Rap. Isang modernong uri ng Balagtasan ang FlipTop kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig patungkol sa isang paksa. Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang nang mas mabilis. d. Tulang Pantanghalan. Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood. 2. Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal. Mga Halimbawa: a. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng Ingles. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika b. Ang bugtong, pahulaan o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. c. Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa; idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. salawikain, mga kasabihan o kawikaan. d. Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon. e. Ang parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. f. Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko. g. Ang anekdota ay kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral. h. Mitolohiya/Mito ay kwento tungkol sa diyos at diyosa o pinagmulan ng sandaigdigan. i. Mga nobela o kathambuhay ay isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na bunga ng malikhaing pag-iisip. j. Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao ang pabula. k. Ang maikling kwento ay maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy sa nangungunang tauhan. l. Talambuhay ang nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na pangyayari o impormasyon. m. Sanaysay ang tawag sa maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika n. Kwentong Bayan ang mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan na kapupulutan ng aral. MGA DAHILAN NG PAG-AARAL NG PANITIKANG PILIPINO 1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan. 2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa. 3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito. 4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. 5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin. KASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PILIPINAS SINAUNANG PANAHON – May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. – Baybayin ang kadalasang ginagamit – Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat Mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon: ALAMAT KWENTONG BAYAN PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika EPIKO a. Bidasari – Moro b. Biag ni Lam-ang – Iloko c. Maragtas – Bisaya d. Haraya – Bisaya e. Lagda – Bisaya f. Kumintang – Tagalog g. Hari sa Bukid – Bisaya MGA AWITING BAYAN KARUNUNGAN BAYAN a. Salawikain – nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo. b. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. c. Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan. hal. Isang tabo , laman ay pako. PANAHON NG KASTILA Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan: 1. Nahalinhan ng Alpabetong Romano ang Baybayin 2. Naituro ang Doctrina Cristiana 3. Naging bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila 4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, korido, moro-moro at iba pa. 5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya 7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda Mga Unang Aklat: a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia) e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog) Mga Akdang Pangwika: a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala e. Vocabulario de la Lengua Bisaya b. Compendio de la lengua Tagala f. Arte de la Lengua Bicolana c. Vocabulario de la Lengua Tagala g. Arte de la Lengua Iloka d. Vocabulario de la Lengua Pampango Mga Dulang Panlibangan 1. Tibag 5. Karilyo 9. Saynete 2. Lagaylay 6. Moro-moro 10. Karagatan 3. Sinakulo 7. Duplo 11. Sarswela 4. Panubong 8. Korido PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP (PROPAGANDA) – Ang diwang makarelihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan – Pagpasok ng diwang liberalismo PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Mga Propagandista: a. Dr. Jose Rizal c. Graciano Lopez Jaena b. Marcelo H. Del Pilar d. Antonio Luna PANAHON NG AMERIKANO 1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano 2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp. 3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat 4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles 5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan 6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway 7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate 8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas Mga Pahayagan: 1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900) 2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900) 3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900) Mga Dulang Pinatigil: 1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino 2. Tanikalang Ginto – Juan Abad 3. Walang Sugat – Severino Reyes Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat: 1. Cecilio Apostol 2. Fernando Ma. Guerrero PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 3. Jesus Balmori 5. Claro M. Recto 4. Manuel Bernabe Manalang Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog: 1. Lope K. Santos 4. Amado V. Hernadez 2. Jose Corazon de Jesus 5. Valeriano Hernandez Pena 3. Florentino Collantes 6. Inigo Ed Regalado PANAHON NG HAPON 1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan 2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog 3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles 4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan 5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan 6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat Tatlong Uri ng Tula na Sumikat sa Panahon ng Hapon 1. Haiku 2. Tanaga 3. Karaniwang Anyo Ilang Dula na Sumikat sa Panahon ng Hapon a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez b. Sa Pula sa Puti — Francisco Soc. Rodrigo c. Bulaga – ni Clodualdo del Mundo d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Ilang Mahusay na Maikling Kwento a. Lupang Tinubuan (Narciso Reyes) b. Uhaw ang Tigang na Lupa (Liwayway Arceo) c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan (NVM Gonzales) BAGONG KALAYAAN 1945 – 1972 – Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas – Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng pamumuhay noon atbp – Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera – Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950 – Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa – Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo – Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino: Taliba ng Inang Wika (TANIW) Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN) Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI) Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles: Philippine Writers Association Dramatic Philippines Philippine Educational Theater Association (PETA) Arena Theater Barangay Writer’s Guild PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika BATAS MILITAR 1972 – 1986 – 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos – Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan – Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972 – Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan – Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan) KASALUKUYANG PANAHON – Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino – Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika – Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular – Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat – Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham – Malayo na rin ang naaabot ng media – Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit – Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin MGA SAGISAG PANULAT A Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Antonio K. Abad Akasia PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Jose Abreu Kaibigan Macario Adriatico Amaori, C. Amabri, Felipe Malayo Faustino Aguilar Sinag-ina Emilio Aguinaldo Rosalia Magdalo, Magdalo Virgilio Almario Rio Alma Pascual Alvarez Bagongbuhay Aurelio Alvero Magtanggul Asa Cecilio Apostol Catulo, Calipso, Calypso Francisco Arcellana Franz Arcellana B PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Jesus Balmori Batikuling Francisco Baltazar Francisco Balagtas Asuncion Lopez Bantug Apo ni Dimas Jose Ma. Basa Isaac Fernando delos Rios Vitro Belarmino Blind Veteran Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Andres Bonifacio Magdiwang C Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Felipe Calderon Simuon, Elias PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Florentino Collantes Kuntil-butil D Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Pedro de Cervantes de Azcarraga Conde de Albay Severino de las Alas Di-kilala Huseng Batute, Pusong Hapis, Jose Corazon de Jesus Luksang Paruparo Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Marcelo H. del Pilar Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, Carmelo, D.A. Murgos, L.O. Crame, D.M. Calero, Hilario, M. Dati Mariano del Rosario Tito-tato Salvador Vivencio del Rosario X, Juan Tagalo PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Jose dela Cruz Huseng Sisiw Epeifanio delos Santos G. Solon G Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Domingo Gomez Romero Franco Nestor Vicente Madali Gonzales N.V.M. Gonzales Fernando Ma. Guerrero Fluvio Gil, Florisel H Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Amante Ernani, Herninia dela Riva, Amado Hernandez Julio Abril J Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Emilio Jacinto Dimas-ilaw, Pingkian Graciano Lopez Jaena Bolivar, Diego Laura Nick Joaquin Quijano de Manila L Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Jesus Lava B. Ambrocio Riazares PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Sixto Lopez Batulaw Antonio Luna Taga-ilog Juan Luna J.B., Buan M Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Apolinario Mabini Bini, Paralitiko, Katabay P Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Anahaw, Esteban Estebanes, Gan Jose Palma Hantik PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Rafael Palma Hapon, Dapit-hapon Jose Maria Panganiban Jomapa, J.M.P. Pedro Paterno Justo Desiderio Magalang Valeriano Hernandez Peña Ahas na Tulog, Anong Pascual H. Poblete Anak-bayan Mariano Ponce Tikbalang, Kalipulako, Naning R Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Severino Reyes Lola Basyang Artemio Ricarte Vibora PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Dimas-alang, Laong-laan, Agno, Jose P. Rizal Calambeño S Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Hugo Salazar Ambut Moises Salvador Araw Jose Turiano Santiago Tiktik Ildefonso Santos Ilaw-silangan Anak-bayan, Doktor Lukas, Lope K. Santos Lakandalita Jose Ma. Sison Amado Guerrero PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Juan Crisostomo Soto Crissot T Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Luis Taruc Alipato V Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Pio Valenzuela Madlang-awa Jose Garcia Villa Doveglion Z PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Pilipinong Manunulat Sagisag Panulat Clemente Jose Zulueta M. Kaun J. Zulueta Juan Totoo Asignatura: RETORIKA Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na maitawid ang tunay na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang mga tagapakinig at mambabasa. Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan na tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Saklaw ng Retorika Sining Lipunan Pilosopiya Wika Mga Katangian ng Retorika Bilang Sining Isang Kooperatibong Sining. Hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito nang PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika kaganapan at napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat o mambabasa. Isang Pantaong Sining. Wika ang midyum ng retorika pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao at para sa tao. Isang Temporal na Sining. Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon kaya’t sa bawat pagbabago ng panahon ay mayroong pagbabago rin ang retorika. Isang May Kabiguan Sining. Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika, kalimitan sa tao ay limitado lamang ang kaalaman sa wika at kasanayan sa wika. Ang wika ay hindi nananatili sa isang tuntunin at minsan ay nakakalito na nagiging kabiguan sa larangan ng retorika. Isang Nagsusupling na Sining. Sa retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman sapagkat habang may nagsusulat ay may nagbabasa na nagiging sanhi ng mga kaalaman. Iba’t Ibang Matatalinhagang Pahayag 1. IDYOMA O SAWIKAIN. Ito ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga at ‘di tuwirang naglalarawan sa isang bagay, sitwasyon o pangyayari. Kung minsan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao. Nakatutulong ang paggamit ng mga sawikain upang mas lalong mabigyang-diin ang isang pahayag o pangungusap. Ito ay nakakapukaw sa damdamin ng mga nakikinig o nagbabasa. Ilang halimbawa: AHAS Kahulugan: taksil,traydor Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Jesse, bakit kinaibigan mo pa? ALILANG-KANIN Kahulugan: utusang walang bayad, libre pagkain at bahay ngunit walang suweldo. Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Jesse. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 2. TAYUTAY. Ito mas kilala bilang figure of speech sa wikang Ingles ay mga salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Ito ay sinasadyang gamitan ng mga talinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Halimbawa: 1. Pagtutulad o Simili. Ito ang ‘di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari. Tinatawag din itong simile sa Ingles. Maaari itong gamitan ng mga salitang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at magkasim-. Halimbawa: Tila may daga sa dibdib si Jesse habang umaawit sa entablado. 2. Pagwawangis o Metapora. Ito naman ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Tinatawag din itong metaphor sa wikang Ingles. Halimbawa: Si Jesse ang may pinakamaamong mukha sa kanilang magkakapatid. 3. Pagsasatao, Pagbibigay Katauhan o Personipikasyon. Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao (talino, gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos. Ginagamitan ito ng pandiwa sa pangungusap. Kilala ito bilang personification sa Ingles. Halimbawa: Niyakap ako ng malamig na hangin. 4. Pagtawag, Panawagan o Apostrope. Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Kilala ito bilang apostrophe sa wikang Ingles. Halimbawa: Pag-asa, nasaan ka na? PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 5. Pag-uulit A. Aliterasyon. Ito ang pag-uulit ng unang titik o unang pantig sa inisyal na bahagi ng salita. Halimbawa: Makikita mo sa mga mata ni Messe ang maarubdob na pagnanais na mawakasan ang mahirap nilang pamumuhay. B. Anapora. Ito ang pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. Halimbawa: Ang Pilipinas ay para sa iyo, para sa akin, at para sa lahat ng Pilipino. C. Anadiplosis. Ito pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o sugnay. Halimbawa: Ikaw lang ang aking mahal, Mahal na aking kailangan, Kailangan sa aking buhay, Buhay ko’y ikaw lamang. D. Epipora. Ito ang pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. Halimbawa: Ang batas sa Pilipinas ay igalang mo, sundin mo, at isapamuhay mo. E. Katapora. Ito ay paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip at tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. 6. Pagmamalabis o Hayperbol. Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito. Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung iyong susuriin. Tinatawag din itong hyperbole sa wikang Ingles. Halimbawa: Namuti na ang mga mata ni Jessy kahihintay kay Jesse. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 7. Panghihimig o Onomatopeya. Ito ang paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito. Tinatawag din itong onomatopoeia sa wikang Ingles. Halimbawa: Ang tiktak ng relo ay nagsasabing ikaw ay parating na. 8. Pag-uyam. Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri. Tinatawag din itong irony sa Ingles. Halimbawa: Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke. Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang pagtukoy ng kabuuan. Tinatawag din itong synecdoche sa wikang Ingles. Halimbawa: Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan! 10. Paglilipat-wika. Ito ay tulad ng pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Ang silid na ulila ay naging masaya sa pagdating ni Jessy. 11. Pagpapalit-tawag. Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy. Maaaring ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa lalagyan para sa bagay na inilalagay, o pagbanggit ng simula para sa wakas o wakas para sa simula. Kilala rin ito sa tawag na metonymy sa wikang Ingles. Halimbawa: Ang palasyo ay nagsabing hulihin ang naninigarilyo sa pampublikong lugar. 12. Pasukdol. Ito ang pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Kilala rin ito bilang climax sa wikang Ingles. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika Halimbawa: Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng ihip ng hangin na tila nagbabadya ng isang malakas na bagyong paparating. 13. Antiklaymaks. Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya. Ito ay tinatawag na anticlimax sa wikang Ingles. Halimbawa: Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo, nawala, at napawi. 14. Pagtanggi. Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito’y pakunwari lamang kung saan ang nais ng nagpapahayag ay kabaligtaran ng ibig sabihin. Halimbawa: Hindi naman mahangin sa labas pero nagulo ang buhok ko. 15. Retorika na Tanong. Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Wala itong inaasahang sagot kung saan ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Ito ay tinatawag ding rhetorical question sa Ingles. Halimbawa: Saan matatagpuan ang pag-asa? 16. Paralelismo. Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag. Tinatawag din itong parallelism sa wikang Ingles. Halimbawa: Ang sabi ni Jesse ay mapanglaw at matamlay raw siya. 17. Paglumanay o Eupemismo. Ito ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos. Ginagamitan ito ng mga piling salita upang pagandahin ang isang di-kagandahang pahayag. Tinatawag din itong euphemism sa wikang Ingles. Halimbawa: Sumakabilang-buhay na ang pusa ni Jessy. PROFESSIONAL INTEGRATION Panitikan at Retorika 18. Paghahalintulad. Ito ay ang paghahambing na nagpapakita ng ugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan. Tinatawag din itong analogy sa Ingles. Halimbawa: Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang sumisikat. 19. Pagtatambis. Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Tinatawag din itong oxymoron sa Ingles. Halimbawa: Gaano kadalas ang minsan? 20. Pangitain. Ito ay naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita ang nagsasalita. Kilala rin ito sa tawag na vision imagery sa Ingles. Halimbawa: Sa aking gunita ay natanaw ko ang aking sinisinta..