Kasaysayan ng Wikang Pambansa (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Bb.Cristine P. Paquibot
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga panahon ng mga Kastila at Amerikano. Pinag-aaralan dito kung paano lumago ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang panahon.
Full Transcript
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Paksa:Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Kastila,Amerikano,Rebolusyon) Inihanda Ni: Bb.Cristine P. Paquibot Baitang: Ikalabing-isa Semestre: Una Linggo: Ikaanim Kasanayang Pampagkatuto: N...
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Paksa:Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Kastila,Amerikano,Rebolusyon) Inihanda Ni: Bb.Cristine P. Paquibot Baitang: Ikalabing-isa Semestre: Una Linggo: Ikaanim Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagbibigay ng opinyon o pahayag kaugnay sa mga napakinggang pagtatalakay sa Wikang Pambansa, -F11PN- If - 87 Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa -F11PS-Ig-88 AKTIBITI 1 Panimulang Gawain: Panuto: 1. Magbigay ng hinuha sa nakitang larawan sa ibaba. 2. Isulat sa papel. 3. Gawin ito sa pangungusap.(5 pangungusap) HISTO RIKAL 1 Kasaysayang ng Wikang Pambansa Kagaya ng pag-ikot ng mundo at pagdaloy ng panahon, ang wikang Filipino ay untiunting nagbabago. Ang pagbabagong ito ay dulot ng kasaysayan na dapat mong matutunan. Unawain nang maigi ang bawat panahon at isa-isip ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga panahong ito. Ang pilipinas ay isang bansa sa Timog Silangang Asyasa kanlurang karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng humigit-kumulang na pitong libo, isang daan at pito (7,107) na mga pulo. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong-daigdig. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino, na isang dalubwikang filipino, may 400 wikain na matatagpuan sa Pilipinas, na siyang dahilan sa pagkakaroon ng sagabal sa pagkaunawa sa wika. Sa mga nakalipas na taon bago nakamit ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan, lahat ng mga taong nanninirahan sa buong Pilipinas ay maramingwikang ginagamit gaya ng Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Bikolano, Pangasinense, Waray, Kapangpangan, Maranao at iba pa. Sa ganitong dahilan, ang mga mamamayan noon ay di-gaanong nagkakaunawaan kaya’t madalas silang nagkakaroon ng alitan, inggitan, samaan ng loob at mga di-pagkakaunawaan. Maraming mga dayuhan ang nakarating sa Pilipinas bago pa man napasailalim sa kapangyarihan ng mga mananakop na dayuhan ang Pilipinas. Ang mga dayuhang ito ay may layunin lamang na pangangalakal na tulad ng mga intsik,Malay,Indonesyo,Arabo, Bumbay at marami pang iba. Masasabing ang mga dayuhan ay nakaimpluwensya sa ating kultura at wika. At bago pa man natin nakamit ang kalayaan ay nakaranas tayo na sakupin at mapasailalim sa kapangyarihan ng mga kastila ,Amerikano, at Hapon. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit natin ang kalayaan at magkaroon ng isang wikang pambansa. 2 PANAHON NG KASTILA Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang katutubong wikain ng Pilipinas. Ipinag-utos ng Hari ng Espanya na turuan ang mga katutubo ng Wikang Kastila. Ngunit hindi nasunod ang utos ng hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa tatlong dahilan. 1. Ayaw nilang mahigitan ang kanilang talino ng mga katutubo. 2. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila. 3. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang ginagawa ng kastila sa Pilipinas. PANAHON NG AMERIKANO Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawaing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbabawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. 1. Pilit na pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular at sapilitang ipinagamit ang wikang Ingles 2. Malugod itong tinanggap dahil (1) Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal. (2) Mabuti ang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga katutubo. 3. Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na kung saan ang mga sundalong Amerikano ang kanilang unang naging guro. Monroe Educational Commission (1925)- nagsasaad na mabagal matututo ang mga batang Pilipino kung Ingles ang gagamiting panturo batay sa ginawang sarbey. Panukalang Batas Blg. 577 (1932)- gamitin ang katutubong wika bilang panturo sa paralan mula sa panuruan 1932-1933. 3 PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO 1. Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino. 2. Dito naitatag ang “Kartilya ng Katipunan” na nakasulat sa wikang Tagalog. 3. Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang Tagalog ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas. 4. Naging malawakan ang paggamit ng tagalog sa mga palimbagan at akdang pampanitikan upang imulat ang isipan at damdaming Nasyonalismo. KOMONWELT Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagbabago at pagkakaroon ng isang wikang pambansa na kilalanin at gamitin ng mga Pilipino. Si Manuel L. Quezon ang nagtaguyod at utak sa pagkakaroon ng ating wikang pambansa. Siya ay tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil sa kanyang kontribusyon sa wika sa ating bansa. Sa panahong ito’y ipinasok na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa na sinimulan sa mataas at paaralang normal. Gayundin, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570, formal nang kinilala ang wikang pambansa bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. AKTIBITI 2 Performance Task: 1.Ang bawat mag-aaral ay susulat ng sanaysay patungkol sa kasaysayan ng wika. 2.Magsaliksik sila ng mga impormasyon kung ano ang kaganapan ng kasaysayan ng wikang pambansa at kung paano umunlad ang wikang pambansa sa panahon ng mga dayuhan? Ang pamantayang gagamitin sa pagmamarka ay: 1. Nauuwaan ang pangyayari sa kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga dayuhan. 2. Nasusukat ang kaalaman sa pangyayari. 3. Nabibihasa ang pinagdaanang pangyayari at karanasan sa pag-unlad ng wikang pambansa. 4 AKTIBITI 3 Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. 1. Sa iyong palagay,mahalaga ba ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa? Ipaliwanag ang sagot. 2. Ano- anong mga pangyayari sa kasaysayan ang sa palagay mo’y nagdulot ng pag- unlad sa ating wikang pambansa? References: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(para sa Senior High School) – Cid alcaraz/Gina Basilides/Jocelyn Pamplina/Avelina Treyes/Imelda Hilario/Johnson Lacusta/Renalyn Austria/Ricky De La Cruz Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. https://www.elcomblus.com/ibat-ibang- paniniwala-sa-wika/ Dalumat (komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino- Leodivico C. Lacsamana,Ph.D. Edited by: JUVELYN A. BERDON 5 Pangalan:_____________________________ Kwarter:_______ Seksyon:____________ Linggo:_______ I. Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O kung opinion lamang. ______1. Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas. ______2. Tagalog ang pambansang lingua franca ng Pilipinas. ______3. Ang layunin ng pagtuturo ng wika ay malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga estudyante. ______4.Ang Ama ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay si Manuel L. Quezon. ______5. Ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad sa tulong ng iba pang wika. ______6. Ayon sa Bagong Saligang batas (1987) ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino. ______7.Ang Pilipino at Filipino ay magkatulad lamang ng gamit at tungkulin. ______8. Sa Panahong Rebolusyon naitatag ang naitatag ang “Kartilya ng Katipunan” na nakasulat sa wikang Tagalog. ______9. Panukalang Batas Blg. 577 (1932) nagsasaad na gamitin ang katutubong wika bilang panturo sa paralan mula sa panuruan 1932-1933. _____10. Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang Tagalog ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas. II. Panuto: Sagutin ang katanungan sa 5 Pangungusap.(5 pts.) 1. Saang yugto o panahon ng kasaysayan ng wikang pambansa nais mong mamuhay ?Bakit? 6