Kasaysayan ng Wika: Isang Pag-aaral ng Wikang Pambansa
Document Details
![AwesomeGreenTourmaline](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-12.webp)
Uploaded by AwesomeGreenTourmaline
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas, mula sa mga unang hakbang tungo sa pagbuo nito hanggang sa mga kasalukuyang pangyayari. Saklaw nito ang iba't ibang panahon, kabilang ang panahon ng Kastila at Amerikano, at ang mga naging papel ng iba't ibang wika, tulad ng Tagalog, sa paghubog ng wikang Filipino.
Full Transcript
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Panaho n ng Kastila Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo Panahon ng Amerikan o Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at prok...
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Panaho n ng Kastila Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo Panahon ng Amerikan o Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010) Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935) Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte Tagalog Bikol Ilokano Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon. Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; 3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino; Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333 Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang Cebu) Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos: 59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano 9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing wika natin Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at 2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan. Panahon ng Pananakop ng mga Hapon “Gintong Panahon ng Tagalog” Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa. Sa Panahon ng Pagsasarili Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi Napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2). Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13, 1959 Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin. Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino. Marso 27, 1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit. Sa Kasalukuyang Panahon… Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. 1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal. 1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika). Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang. Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)