Pagsasanay sa Paggalang sa Buhay at Pag-iingat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng mga tip sa paggalang sa sariling buhay. Tinatalakay nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at emosyonal na kalagayan, at pagpapaunlad ng sarili. Sinusuportahan nito ang mga estudyante na maging responsable at maingat sa kanilang mga desisyon.
Full Transcript
Pagsasanay sa paggalang sa Buhay at Pag-iingat at Pagpapabuti ng Sariling Buhay Nakapagsasanay ka sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pag-iingat at pagpapabuti mo ng sariling buhay. Ang paggalang sa buhay ay dapat na magsimula sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagpapabuti mo ng iyong sariling buh...
Pagsasanay sa paggalang sa Buhay at Pag-iingat at Pagpapabuti ng Sariling Buhay Nakapagsasanay ka sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng pag-iingat at pagpapabuti mo ng sariling buhay. Ang paggalang sa buhay ay dapat na magsimula sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagpapabuti mo ng iyong sariling buhay. Dapat mong pahalagahan ang iyong sariling kalusugan, kagalingan (well- being), at kapakanan (welfare). Kapag ikaw ay nag-iingat at nag-aalaga ng sariling buhay, ikaw ay mas nagiging responsable at mas maingat sa iyong mga desisyon at kilos. Sa ganitong paraan ay nagiging magandang halimbawa ka sa iba sa pagrespeto sa buhay. Kapag inalagaan at pinahalagahan mo ang iyong buhay, ipinakikita mo ang paggalang sa biyayang ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang buhay ay isang mahalagang regalo na dapat mong pahalagahan. Mga Kilos τια Nagpapahalaga sa sariling Buhay Narito ang mga halimbawa ng mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay. 1. Pangangalaga sa kalusugan Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa iyong kalusugan, pinahahalagahan mo ang iyong buhay at ipinakikita mo ang paggalang sa lyong sarili. Kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng mga gulay at prutas, regular na mag-ehersisyo, magkaroon nang sapat na pahinga o tulog, at umiwas sa masasamang bisyo. Sa pamamagitan ng pag- aalaga SO iyong kalusugan, pinahahalagahan mo ang iyong buhay at ipinakikita mo ang iyong paggalang sa iyong sarili. 2. Pangangalaga sa emosyonal na kalagayan Ang pangangalaga sa emosyonal na kalagayan ay ang pagbibigay ng pansin at pag-aalaga sa iyong damdamin, kaisipan, at kapakanan sa emosyonal na aspeto ng iyong buhay. Ito ay mahalaga upang maging maligaya at makabuo ng maayos na ugnayan sa ibang tao. May ilang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang emosyonal na kalagayan. a) Magkaroon ng positibong pananaw sa buhay pagtingin sa mga pangyayari at sitwasyon sa positibong paraan. b)Tukuyin ang lyong damdamin at emosyon at pag-unawa sa pinanggagalingan nito. Mahalaga ang pagbibigay ng oras para sa sarili. c) Magkaroon ng mga positibong outlet para sa iyong mga emosyon gaya ng pakikinig ng iyong paborito kanta. d)Paunlarin ang iyong relasyon sa ibang tao gaya ng iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan na nagbibigay sa iyo ng suporta. e) Kung kinakailangan, mahalaga rin na maging bukas sa paghingi ng tulong sa mga propesyonal tulad ng guro, guidance counselor, o psychologist lalo na kung may problema. 3. Pagpapaunlad ng sarili Ang pagpapabuti ng iyong mga kasanayan at talento ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sariling buhay. Ito ay pagpapakita mo na ang lyong buhay ay may kabuluhan at mahalaga. 4. Pagtataguyod ng balanseng buhay Ang pagbibigay ng sapat na oras sa pag-aaral, sariling pamilya, pagmamalasakit at pagtulong sa kapuwa, pansariling pangangailangan at kasiyahan, at Panginoon pagpapahalaga sa sariling buhay. ay 5. Pag-aalaga sa kapaligiran Ang pag-aalaga sa iyong kapaligiran ay maglalayo sa iyo sa mga sakit at panganib. Pagkilala sa Sariling Dignidad bilang Too Ang mga kilos mo na nagpapahalaga sa iyong sariling buhay ay paraan ng pagkilala mo sa iyong sariling dignidad o dangal bilang tao. Kapag pinahahalagahan mo ang iyong buhay, ang katumbas nito ay minamahal, íginagalang, inlingatan, pinahahalagahan, at binibigyang-dangal mo ang iyong sarili. Kapag ikaw ay nagpapahalaga sa iyong sariling buhay, marangal ka to pakikipag-ugnayan sa ibang too. Alam mo na mahalaga ang iyong buhay ot ginagawa mo ang tama upang alagaan ito. Kaya, may dignidad kang makisalamuha sa iba sapagkat alam mo sa iyong sarili na ginagawa mo ang pangunahin mong tungkulin sa iyong sarili ang pahalagahan ang buhay na bigay ng Maykapal, Kapag ikaw ay nagpapahalaga sa iyong sariling buhay, naiintindihan mo na ang mga bagay na ginagawa mo ay may malaking epekto sa lyong buhay at sa iba, gaya na lamang ng pangangalaga sa kapaligiran, Kung pinahahalagahan mo ang lyong sariling buhay, pipiliin mo ang mga bagay na magbibigay ng mga positibong resulta sa iyo at sa iba, at magbibigay sa iyo ng dignidad. Paglalapat ng Kilos no Nagpapahalaga sa Sariling Buhay Ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay ay maaaring mailapat o malsabuhay sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan. 1. Pagkilala sa halaga ng sarili Upang magawa mo ang mga kilos na nagpapahalaga sa sariling buhay, mahalaga na maintindihan mo na ikaw ay mahalaga. Pahalagahan ma ang mga bagay na magaganda at kakaiba sa iyo. 2. Pagkakaroon ng self-care routine Upang mapangalagaan mo ang iyong sariling buhay, mahalaga na magkaroon ka ng regular na self-care routine. Kasama rito ang paglalaan ng oras para sa pagpapahinga at iba pa na nagbibigay sa iyo ng saya. Ang pagsasagawa nito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa iyong sarili. 3. Pagtanggap at pagpapahalaga sa sariling dangal Tandaan mo na mayroon kang dangal bilang nilikha ng Diyos. Tanggapin mo ang iyong mga kakulangan at pagkakamali at bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili upang makapagbago. Kapag marangal ang tingin mo sa iyong sarili, lalo mong iingatan ang iyong buhay. 4. Pagtatakda ng mga layunin at pagtataguyod ng pansariling pag-unlad Mahalaga na magkaroon ka ng mga pangarap at plano sa buhay. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagpapalano, pagsusulat ng mga goal list, at pagsasagawa ng mga hakbang na makatutulong sa iyo upang maabot ang mga ito. Ang pagsisikap na lumago ay nagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa sariling buhay. 5. Pagpapahalaga sa positibong ugnayan at komunikasyon Ang maayos na relasyon at pakikipag-usap sa ibang tao ay mahalagang bahagi sa pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan, pagtulong sa iba, at pagpapakita ng respeto. Sa pamamagitan nito, ipinakikita mo rin ang kahalagahan mo bilang kasapi ng lipunan.