Review ng Pagbasa PDF
Document Details
Uploaded by WorthwhileConnemara5862
STI
2003
STI
null
Tags
Related
- M1 Tekstong Impormatibo PDF
- Gabayan sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto para sa Pananaliksik (Baitang 11, Yunit 7)-PDF
- Mga Tekstong Prosidyural: Paano Magamit Muli ang Basura PDF
- Pagsusuri ng Teksto GRP 4 PDF
- Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto PDF
- Tekstong Argumentatibo & Prosidyural FIL PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapakita ng isang pagsusuri ng pagbasa. Naglalaman ito ng mga halimbawa ng tekstong prosidyural sa Tagalog. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang gawain. Ang pagsusuri ay nagbibigay payo sa wastong pagsulat ng prosidyural na teksto.
Full Transcript
ASSH2003 Ang Tekstong Prosidyural Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. La...
ASSH2003 Ang Tekstong Prosidyural Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang ba dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay. Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, narito ang ilang dapat gawain at ilang paalala: ❖ kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin ❖ malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. ❖ gumamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa ❖ maglakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang ❖ pakaisipin ang layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, ❖ isulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural Prosidyur sa Pagsasagawa ng Isang Bagay Paano Magagamit Muli ang Basura Kapansin-pansin ang mga basurang nagkalat sa kapaligiran. Tinatayang sa Metro Manila lamang ay umaabot na sa 4,000 tonelada ang absurang nahahakot araw-araw. Paano pa ang sa ibang lugar sa bansa? Batid nating hindi kaaya-aya sa paningin ang mga basurang nagkalat sa ating paligid. Nagsisilbi rin itong lugar o breeding place sa mga organismong nagdadala ng sakit sa tao. Bilang tugon sa sularining ito, kinakailangan nating matutuhan ang wastong paggamit at pagreresiklo ng basura. Una, dapat na bawasan natin ang labis na paggamit ng mga bagay na disposables o laging itinatapon. Oo nga’t mabuti itong gamitin subalit isa rin ito sa mga sumisira sa kapaligiran. Ikalawa, paghiwalayin ang mga basurang tuyo at basurang basa. Mula rito ay ihiwalay ang mga basurang natutunaw at hindi natutunaw. Ang mga basurang natutunaw ay tinatawag na biodegradables. Kung ang mga bagay na ito ay mapapahanginan ay daraan sila sa mga pagbabago sa pamamagitan ng decomposers. Ang mga basurang hindi natutunaw ay tinatawag namang non-biodegradables. Ito naman ang pinaniniwalang labis na nakapipinsala sa ating kapaligiran. Pangatlo, ang mga basurang maaaring i-resiklo sa halip na itapon at bumara sa mga daluyan ng ating tubig. Narito ang iba pang maaaring gawin sa mga bagay na sa palagay natin ay “basura” na. ❖ Ang mga basyong bote ay maaaring gawing plorera o pandekorasyon sa bahay lalo na ang bote ng pabango ❖ Ang mga styrofoam ay maaaring tunawin at gawing pandikit na tulad ng rugby ❖ Ang mga lata ay maaaring gawing lalagyan muli ng maliliit na bagay tulad ng turnilyo, pako, at iba pa. ❖ Ang mga tuyong dahon sa mga halamanan ay maaaring ibaon sa lupa upang maging compost. 05 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 ASSH2003 Samakatwid, napakarami nating magagawang hakbang upang ang mga basura ay mapakinabagan, sa halip na maging malaking suliranin ng bayan. Kailangan lamang ay ang dedikasyon natin at disiplina upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng ito. Sa pangkalahatan, mahalag na magkaroon ng simple at malinaw na tagubilin, panuto, o panuntunan para sa pagsasagawa ng isang bagay. Kailangan ito upang magkaroon ng gabay ang magsasagawa ng isang gawain. Resipi ng Kare-Kare Mga Sangkap: 1 buntot ng baka 2 pata ng baka 1 taling sitaw 1 taling petsay 2 talong ½ tasang mani ½ tasang bigas Atsuwete Asin Bawang Sibuyas Paraan ng Pagluluto: Ihanda ang sumusunod na mga sangkap: - Dikdikin ang bawang - Hiwain ang sibuyas, panggisa - Putol-putolin ang sitaw - Hiwain nang pahalang ang talong - Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino - Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete - Hiwain ang buntot at pata ng pata ng baka sa tamang laki. Palambutin Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot ng pata ng baka. Isunod naman ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang mga hinwang gulay. Pagkataos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos na ang kare-kare ay maaari na itong ihain.sawsawan ang bagoong. 05 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2 ASSH2204 Ang Tekstong Argumentatibo Isang mahalagang bahagi ng paninimbang ng pamimilian (choices) ay ang paglalahad ng argumentong magpapatunay ng kahalagahan o kawalan ng kahalagahan ng isang bagay sa ating buhay. Ang argumento ay isa sa pangunahing pinaggagamitan ng wika. Ang pakikipag argumento o pakikipagtalo ay ang paraan ng paggigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa iyong panig. Madalas sa isang akademikong pagsulat, ang pakikipag-argumento ay isang lamang ng malaking kabuuan. Sa pagsulat ng isang argumento, inaasahang makapaglalahad ang manunulat ng dalawa o higit pang puntos o pananaw at talakayin ang positibo at negatibong aspekto ng bawat isa. Maaring magpokus sa isang aspekto at hikayatin ang awdyens na pumanig at kumilos ayon dito. Bilang manunulat, mahalagang tayahin ang bisa ng iyong argumento, timbangin ang bigat ng mga ebidensiya, at bumuo ng mga pamantayan na pagbabatayan ng inyong konklusyon. Ang husay at bisa ng anumang tekstong akademikotulad ng tesksong argumentatibo ay hindi nakasalalay sa opinion. Bagkus, nakasalalay ito sa mga ebidensiyang sumusuporta sa argumento at sab isa ng paglalahad ng mga puntos upang malinaw na maipakitang ang mga ebidensiya ay sumusuporta sa tinatalakay ng pananaw: Mahalagang makilala ang kaibahan ng ilang termino: 1. Panig (claim) – Ang iyong pananaw o paniniwala. 2. Dahilan (rationale) – Mga paliwanag na sumusuporta kung bakit ito ang paniniwalaan. 3. Patunay (evidence) – Mga katotohanan (facts), datos, at halimbawa na magpapatunay at magpatibay sa iyong pananaw. 4. Argumento (warrant) – Ang pamamaraan kung paanong ang mga ebidensiya ay magdadala sa awdyens sa panig na iyong pinaniniwalaan. Ang paglalahad ng mga argumento ay maaring balanseng pananaw. Ito ay walang kiling na paglalahad ng dalawang panig ng argumento. Ang kabuuang teksto, maliban sa huling talata, ay naglalahad ng mga ebidensiya. 05 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 1 ASSH2204 Ang Tekstong Persweysib Sa paanong paraan ka nahihikayat maniwala sa isang argumento? Sa paanong paraan ka napakikilos o napasusunod sa sinabi sa iypomng iyong kausap? Ang tekstong persweysib ay naglalayong manghikayat ay naglalayong manghikayat sa pamamagitan ng paglalahad ng mga opinion o paniniwala. Maari itong gumamit ng paraang argumentatibo, kung saan hinihikayat ang mambabasa na maniwala at kumilos ayon sa pananaw na inilalahad ng manunulat. Maari tin itong magbahagi sa pamamagitan ng pagtatalakay ng mga perspektiba tungkol sa isang particular na isyu na binibigyan ng rekomendasyon at kongklusyon. Madalas ay napagahhalintulad ang persweysib at argumentatibo, subalit may mga tiyak na kaibahan ng dalawang teksto. Sa paraang persweysib o pahikayat, inilalahad agad ng awtor ang kaniyang sariling pananaw at tinatangkang hikayatin ang mambabasa sa pamamagitan ng paghahain ng argumento na nagpapatunay na tama ang kaniyang pananaw. Narito ang magiging kaayusan ng teksto: 1. Pahapyaw na ipakilala ang paksa sa pangkalahatang pananw nito. Tinutukoy agad sa unang bahagi ng teksto ang pananw ng sumulat at ang mga paraan upang patunayan ito. 2. Inilalahad ang mga dahilang taliwas o kontra sa argumento. Ipinakilala ang mga pangunahing tunggali sa pananaw. Mahalaga ang ebidesiya at dahilan upang ito ay mapangatawanan. 3. Inilalahad ang mga dahilan ng argumento at sinusuportahan ito ng mga pananaw, patunay, dahilan, at halimbawa. 4. Sa kongklusyon, hindi na kailangang ulitin ang mga opinyong nauna nang binanggit. Tinatapos ang sanaysay sa pamamagitan ng isang makabuluhang pahayag o tanong na retorikal. Ayon kay Aristotle, isang Griyegong pilosopo, mayroong tatlong sangkap ang panghihikayat: ethos, logos, at pathos. Ethos Ang tiwala ay mahalaga sa anumang usapin. Ang kredibilidad ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kaniayang pagiging mapagkakatiwalaan sa salita at gawa. Sa isang pananaliksik, mahalagang mapagkakatiwalaan ang mga sangguniang gagamitin. Mahalaga ring may tiwala sa nananaliksik ang awdyens o mambabasa. Ang ethos ay tumutukoy sa kredibilidad na maghain ng argumento o ng katotohanan. Halimbawa, sa paghahanap ng mga impormasyon sa Internet, higit na mapagkakatiwalaan ang mga impormasyon mula sa mga online database o opisyal na website ng prestihiyosong institusyon kaysa mga blog ng di kilalang personalidad o komentaryo sa mga message board. Maging sa mga produkto sa mercado, napakahalaga ng kredibilidad ng endorser para makapanghikayat ng mamimili. Ito ang dahilan kung bakit may mga personalidad na nagiging tanayg sa pag-eendorsong iba’t-iabgn produkto dahil nakilala na ang kanilang pangalan at pagkatao bilang mapagkakatiwalaan at nasubok na ito sa ilang pagkakataon. Logos Ang logos naman ay tumutukoy sa hikayat ng lohika. Ang mga lohikal na kongklusyon mula sa mga pagpapasya ay nagmumula sa maprosesong paninimbang ng mga katotohanan at estadistika. Ang mga argumentong pang- akademiko ay nakasalalay sa logos. Halimbawa, hindi magiging masyadong matimbang kung sasabihin lamang na “Ang mga kabataan ay di kontento sa demokrasya sa Pilipinas ngayon.” Samantala, higit na paniniwalaan ang ganitong pahayag: “Ayon sa SWS Survey noong 1996, 55 porsiyento ng kabataan noon ang nagsasabi na sila ay kontento sa lagay ng demokrasya sa Pilipinas, samantalang 45 porsiyento ang hindi kontento.” 07 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 ASSH2204 Pathos Ang pathos ay tumutukoy sa impluwensiya sa damdamin ng awdyens. Ito ay humihikayat sa awdyens sa pamamagitan ng emosyon. Madalas na ginagamit ito sa mga personal na panghihikayat. Bagama’t totoo na sa isang pananaliksik, isinasantabi ang emosyon dahil sa lohika nakasalalay ang kredibilidad ng isang pag—aral, may mga pagkakataong nagagamit rin ang pathos bilang pantulong na detalye. Isang halimbawa nito ang ganitong pahayag: “Sige na, pumayag ka na. Tingnan mo na lang ang kaawa-awang kalagayan nila. Mas mainam na ikaw ang nagbigay kaysa ikaw ang binibigyan.” Isa pang halimbawa, sa isang pakikipanayam sa mga sinalanta ng isang matinding bagyo sa bansa, ang kanilang mga personal na nararanasan ay magdaragdag ng bigat sa mga ebidensiyang ihaahin sa pamamgitan ng lohika. Pag-aralan ang sumusunod na estruktura ng tekstong persweysib. 1. Magsimula sa paglalahad ng isyung tatalakayin. 2. Ilahad ang iyong panig tungkol sa nasabing isyu. 3. Talakayin ang mga argumentong naghahain ng mga dahilan at ebidensiya sa katawan ng teksto. 4. Gumamit ng mga nahihikayat na parirala. Sanggunian: Asuncion, A. & Mendoza, E. (2017). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Abiva Publishing House, Inc. 07 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2 ASSH2204 Ang Pananaliksik Ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong pag-aaral at pagsisisyasat sa ilang larangan ng kaalaman na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay o mapasubalian ang katotohanan o katwiran. Ang pagbuo ng papel pampananaliksik ay katulad din ng pagbuo ng sanaysay na esporitori at argumentatibo na tinalakay sa unahang bahagi ng aklat na ito. Ang pinagkaiba lamang ng papel pampapanaliksik ay ang paggamit ng dokumetong materyal upang suportahan, ilarawan, at ipaliwanag ang mga ideya ng sumulat nito. Bagama’t karamihan sa mga papel pamapananaliksik ay nabuo sa pamamagitan ng pagkuha at paggamit ng impormasyong nauna nang tinipon ng iba pang mananaliksik, nagiging orihinal sa pag-aaral ito dahil ang mga impormasyong nakalap ay binuo at isinaayos sa panibagong paraan upang makalikha ng mga bagong kongklusyon batay sa umiiral na kaalaman. Ang salitang Ingles na research ay mula sa panlaping re na nangangahulugang “muli” at search na ang ibig sabihin naman ay “paghahanap”, “pagtuklas,” at “pagdiskubre”. Samakatuwid , maipapalagay na ang pananaliksik ay ang muling pagtuklas ng impormasyon o bagong kaalaman. Ito ay isang paraan o proseso ng pagtuklas o pagdidiskubre sa pamamagitan ng iskorlarli o makaagham na paraan upang masagot ang mga katanungan, matugunan ang mga pangangailangan, at mapagtibay ang mga dating kaalaman. Sabi nga nila Mayor at Gannaban (2011), “Ang pananaliksik ay isang barometro ng kahusayan ng isang mag- aaral – pinatutunayan nito na napagtagumpayan niya ang mga hamon ng akademya… at ang hamong ito ay ang pagtuklaas ng higit pang malawak na karunungang matatagpuan sa labas nito.” Kabutihan ng Pagsasagawa ng Pananaliksik 1. Pagkatuto ng mahalagang kasanayan Layunin ng aklat na ito na gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga panimulang hakba ng sa paggawa ng isang pananaliksik. Sa puntong ito ay inaasahang taglay mo na bilang mag-aaral ang kasanayang magtipon ng impormasyon hinggil sa isang paksa at mag-ulat ng iyong natuklasan tungkol dito. Sa iyong pagtuntong sa kolehiyo ay inaasahang may kayayahan ka nang makasulat ng papel pampananaliksik. Isa itong pangangailangan sa iba’t-ibang asignatura sa kolehiyo. Kapag nagtakda ng papel pampananaliksik ang guro sa alinmang kurso, inaasahang ang mag-aaral ay mayroon nang basikong kaalaman sa pagbuo ng pananaliksik. Kahit pa nga tapos na sa pag-aaral at isa nang ganap na propesyonal, may mga pagkakataong mangangailangang gamitin ang mga kasanayan sa pananaliksik. 2. Ambag sa karunungan Bagama’t ang kahusayan sa pananaliksik at pagsusulat niyo ay isang praktikal na kasanayan, mayroon pang gamit ang pananaliksik maliban sa personal na kapakinabangan nito sa bawat indibidwal. Kung ang mga natuklasan sa mga isinagawang pananaliksik ay ibabahagi sa madla sa pamamagitan ng paglilimbag nito, higit na magkakaroon ng kabuluhan ang pag-aaral at marami ang makikinabang dito. 3. Pagtatamo ng kaalaaman Sa pagsulat ng pananaliksik, bagama’t ang pakay bilang manunulat ay iulat ang mga natuklasan para sa kapakinabangan ng iba, ang mananaliksik mismo ang siyang unang nakikinabang dito. Bago pa man iulat sa mga mambabasa ang mga natuklasan hinggil sa paksa, nauna mo na itong nalaman dahil sa isinagawang pananaliksik. Ang pananaliksik, kung gayon, ay pagbabahagi ng kaalamang nakamit. 08 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 3 ASSH2204 Iba’t Ibang Anyo ng Papel Pampapanaliksik Ang mga sumusunod ay ilan sa mga anyo ng pananaliksik na kadalasang ginagawa ng mga mag-aaral na tulad mo: 1. Pamanahong papel ito ay tumutukoy sa isang proyekto na nagbubuod ng mga kaalaman o karunungang natamo sa isang buong semestre. Kadalasang tinatawag din itong documented paper, library paper, o reading paper. 2. Ulat (report) Ito ay pangkalahatang tawag sa alinmang sulatin na masusing naglalarawan ng mga resulta ng mga karanasang firsthand o mga nabasa sa mga primary sources. 3. Tesis Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang malaking proyekto sa pananaliksik. Ang salitang tesis ay nangangahulugan ng isang panukala o mga punto de bistang ipinagtanggol sa pamamagitan ng argumento. Kung gayon, ang tesis ay isang mahabang sanaysay na nagreresulta ng isang orihinal na kongklusyon batay sa mga impormasyon na nakuha mula sa pananaliksik. Sa sistema ang edukasyon sa Pilipinas, ang tesis ay kadalasang isa sa mga kahingian o requirement upang makatapos ng bachelor’s degree gayundin ng master’s degree. 4. Disertasyon Ito ay isang papel pampananaliksik na ipinapasa ng isang kandidato para sa doctoral degree. Kompara sa masteral thesis, ang papel na ito ay nangangailangan ng ibayong pananaliksik at pagbuyo ng mas malawak ng mga ideya. Ito ay dapat na naghahain ng isang orihinal na kontribusyon sa kaalaman sa pamamagitan ng paglalatag ng mga bagong kongklusyon, gayundin ng mga di pa natutukalsang materyales o mga bagong paraan ng pagsusuri. Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik Pangunahing tungkulin ng mananaliksik ang sumagot sa sarili niyang katanungan at patunayan ang sarili ang kaniyang mga pag-aakala at pananaw. Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang paggalang sa mga datos na nakalap, sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa intellectual property, mga taong kakapanayamin, at mga taong makakasalamuha sa panahon ng pag-aaral. Higit sa lahat, mahalaga ang kredibilidad ng isang mananaliksik. Ang orihinalidad ng kaniyang pananaliksik ang magtatakda ng kahusayan ng kaniyang isinagawang pagtuklas. Plagiarism Isa pang kaugnay na tungkulin ng mananaliksik ay ang pag-iwas sa plagiarism. Plagiarism ang tawag sa pagtulad o pagkopya sa gawa ng iba at may hangaring manlinlang o manloko. Ito ay pag-aangkin sa pahayag, ideya o larawan ng iba at pagkabigong kilalanin ang ideya at impormasyon ng ibang tao. Ilan sa mga halimbawa nito ay: 1. Pag-download ng isang papel mula sa Internet, pagbili ng papel pampanaliksik sa C.M. Recto, pag- reformat sa papel, at ipinasa ito bilang s aiyo. 2. Pagkopya ng malaking bahagi o halos kabuuan ng isang sulatin at palabasin na ikaw ang sumulat. 3. Paggamit ng mga buod, parirala, at pahayag nang walang dokumentasyon. 4. Paggamit ng eksaktong pangungusap mula sa source at hindi nilagyan ng panipi (question mark), 5. Paghahalo-halo o pagsasama-sama ng mga ideya mula sa source at sariling ideya at hindi pagtukoy ng pagkakaiba ng dalawa. 08 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 3 ASSH2204 Maliban sa pagkuha ng ideya ng iba, ang plagiarism ay nauukol din sa malabis na paggamit sa lawak ng source. Ang alintuntunin sa pagkilala sa source ay kinakailangan din sa iba pang mga datos tulad na larawan o imahe, talahanayan, grap, tsart, mapa, musika o awitin, at videos. Seryosong usapin ang plagiarism. Ang paggawa nito ay itinuturing na akademikong panlilinlang o pandaraya. Ito ay pagnanakaw o pag-aangkin ng pag-aaring intelektuwal ng iba. Sa mga paaralan, maya karampatang parusang ipinagpataw sa mga taong nag-plagiarize gaya ng mga sumusunod: Pagbibigay ng bagsak na marka sa partikular na gawain o sa buong kurso Pagtatala sa transcript of record na ang dahilan sa nakarehistrong bagsak na marka ay academic dishonesty Explusion o pagkatanggal sa paaralan Ito rin ay pagnanakaw sa akademikong komunidad. Ang papel pampapanaliksik ay kumakatawan sa diyalogo sa pagitan ng mananaliksik at ng akademikong komunidad-kaklase, guro, at iba pang mananaliksik sa disiplinang iyong kinabibilangan. Ito ay paglaspatangan sa iba pang mga manunulat, mananaliksik, at mga iskolar sainyong disiplina. Paglaspatanganan din ito sa iyong mambabasa dahil pinaniwala mo silang ang sinulat mo ay ideya mo. Ito ay pag-insulto sa iyong guro at pagsira din sa reputasyon at integridad ng iyong paaralan. Ito ay pandaraya sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagkopya ng gawa ng iba, inalisan mor in ng pagkakataon ang sarili na matutunan ang mga kasanayang nililinang sa pagbuo ng pananaliksik, tulad ng kritikal na pag-iisip at lohikal na pagsusulat. Ang mga kasanayang nabanggit ay magagamit mo dapat kapag ikaw ay nasa kolehiyo na at nasa malayong hinaharap. Ang plagiarism ay pag-alis sa sariling integridad at pagsira sa iyong reputasyon. Sanggunian: Asuncion, A. & Mendoza, E. (2017). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Abiva Publishing House, Inc. 08 Handout 1 *Property of STI Page 3 of 3 ASSH2204 Pagpili ng Paksa Ang salitang pananaliksik ay kadalasang nagdudulot ng pangamba at ligalig sa mag-aaral. Isa kasi sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng papel pampananaliksik ay ang pag-iisip kung ano ang paksang isusulat. Mas mapapadali ang gawaing pag-iisip kung itatakda na ng guro ang paksang susulatin. Sa ganitong paraan, maarin nang simulan ang pagsusulat. Ngunit paano kung hinayaan ka ng guro na pumili ng kahit na anong paksang sasaliksikin at isusulat? Sa araling ito, tatalakayin ang mga pamaraan upang makapagpasya sa makabuluhang paksang maaring talakayin sa isang pannaliksik. Gayundin, may ilang mga paksang ihahain upang mabigayn ng ideya hinggil sa mga potensiyal na usapin at paksang maaring pag-aralan. Ngunit, bago ito, pag-isipan mom una ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano-anong isyung pandaigdig o Pambansa ang nakapukaw ng aking pansin? Bakit kaya? 2. Ano-ano pa ba ang mga detalyeng nais kong malaman hinggil dito? 3. Paano ko kaya ito malalaman? Pagpokus sa Paksa Karaniwang malawak at hindi nakapokus ang paksang maiisip sa simula ng pagbuo ng isang papel pampananaliksik. Ngunit sa proseso ng paghahanap ng mga datos, natutuklasan ang lawak ng impormasyon hinggil sa paksa at nadidiskubre kung alin sa mga ito ang nakatatawag ng pansin at kuryosidad. Mahalaga sa puntong ito na hanapin ang pokus ng paksa. Huwag kang mag-alala, maaring mabago pa rin itong habang sinusulat mo ang iyong papel. Mahalaga lamang na sa puntong ito ay magkadireksiyon na ang papel. Paglalahad ng Paksa Dahil ang pagbuo ng pananaliksik sa katulad mong nasa senior high school ay paghahanda lamang sa pagsulat mo ng pananaliksik sa larangan mo, mas mainam na balangkasin ang iyong paksa sa anyong patanong. Sa ganitong paraan, gagalugarin mo ang mga posibleng kasagutan sa iyong katanungan. Maari ding habang ikaw ay nananaliksik, matutuklasan mong mali ang nabalangkas mong katanungan o naging mas interasado kang sagutin ang iba pang kaugnay na tanong ukol sa paksang iyong napili. Pagbuo ng Konseptong Papel Maituturing na ang pagpili ng paksa ang pinakamahirap na bahagi ng pagbuo ng isang papel pampananaliksik. Importante kasi na sa pagpili ng iyong paksa ay malinaw sa isip kung bakit ang naturang paksa ang iyong sasaliksikin at kung paano mo ito gagawin. Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang pangunahing tanong (research question) na aking sasagutin sa aking gagawing pananaliksik? 2. Bakit ito ang aking napiling tanong? 3. Saan o kanino makukuha ang mga impormasyon upang masagot ko ang research question? Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring panimula sa pagbuo ng higit na komprehensibong pananaliksik (full- blown research). Ito ay tumutukoy sa tesis, programa, proyekto, o anumang pagtuklas o pananaliksik na mangangailangan ng mas mahabang panahon. Sa pamamagitan ng konseptong papel, makikita agad ng mga tagasuri (panel) kung may malaking potensiyal na isulong ang iyong paksa upang maging ganap na pananaliksik. Samantala, ginagamit din ng mga bihasang mananaliksik ang konseptong papel upang iprisinta ang ideya sa mga potensiyal na magbibigay ng pondo para sa pananaliksik at upang magsilbing pundasyon ng isang komprehensibong pananaliksik. Madalas, ang mga institusyong nag-aalok ng pondo para sa isang pananaliksik ay nagbibigay ng kanilang sariling format (template) para sa esktruktura ng konseptong papel. Ang konseptong papel ay nagtataglay ng sumusunod na mga elemento: 1. Paglalahad ng paksa 08 Handout 2 *Property of STI Page 1 of 4 ASSH2204 2. Deskripsiyon ng paksa. Inilalahad rito ang kaligiran (background) ng paksa o yaong mga bagay na alam na hinggil sa paksa. Binabanggit din dito ang pinagmulan ng ideya at kung ano ang nagtulak sa iyo upang pag-aralan ang paksang ito. Inilalahad rin dito kung bakit ito mahalagang pag-aralan. 3. Layunin Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng gagawing pannaliksik at ang nais na matamo sa gagawing pananaliksik. 4. Metodolohiya Dito nagbibigay ng isang pahapyaw na pagtalakay sa mga hakbang kung paano isasagawa ang pananaliksik. Kasama rin kung aong mga datos o materyal ang ikakalap upang masagot ang katanungan. Magwawakas ito sa paglalahad kung ano ang inaasahang kalalabasan ng pananaliksik, gayundin ang tinatayang bilang ng pahinang mabubuo ng pananaliksik. Narito ang halimbawa ng konseptong papel. Binuo ito sa kursong Filipino 2. Ito ang orihinal na papel at hindi naedit. Konseptong Papel James Patrick D. Aguas 1A-3 AMV-COA Paksa: Karaniwang Pattern sa Tema ng mga Urban Legend ng mga Kolehiyo at Pamantasan sa Kalakhang Maynila. Sa isang paaralang katulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, hindi mawawala ang mga kwentong kakatwa, katawa-tawa, at katatakutan. Madalas, ang mga kwentong ito ay naisapasa lamang at hindi alam kung saan nagmula. Ang mga kwentong ito ay tinatawag na Urban Legend. Ayon sa Merriam- Webster Dictioanry, ang Urban Legend ay isang kuwento tungkol sa isang hindi karaniwang pangyayari o phenomena na pinaniniwalaan ng kakaramihan, ngunit hindi napapatunayang totoo. Kaya tinawag na “urban” ang mga kwentong ito ay dahil sa ito ay nakabase sa kontemporaryong panahon at paningin, kungnsaan ito’y mas pinaniniwalaan ng karamihan kompara sa tradisyonal na mga alamat. Walang direktang katumbas na salita sa wikang Filipinong urban legend. Ang pinakamalapit na kasingkahulugan nito ay ang kwento, paniniwala, superstisyon o tsimis. Sa tatlong eskwelahang pinasukan ko mula pagkamusmos, napansin kong may iba’t ibang mg akwento at paniniwala na ipinapasa-pasa ng bawat batch. Dahil dito, naisip ko kung ang lahat ng eskwelahan ay may kanya-kanyang urban legend, may posibilidad kayang may pagkakapare-pareho ang mga ito? Nilalayon ng papel na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:Paano nabubuo ang mga urban legend? Ano-ano ang mga elementong kailangan para maituring na Urban Legend ang isang kuwento? May pagkakahawig ba ang mga urban legend sa mg apamantasan at kolehiyo sa Maynila? Masasagot ang mga katanungang ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, journal at blogs sa Internet tungkol sa kalikasan ng urban legend. Mag tatanong tanong din sa mga mag-aaral sa mga sumusunod ng Pamantasan: UST, DLSU at UP, gayundin sa ilang mga Kolehiyo na nakapaligid sa U- Belt hinggil sa mga urban legend na umiiral sa kanilang mga paaralan. Matapos matipon ang mga kuwentong ito, tutukuyin ang elemetno ng mga kwentong ito upang masabing ito ay urban legend. Sa huli, susuriin ang pagkakatulad at mga pattern na matatagpuan sa mga kwentong ito. Makakabuo ng isang papel pananaliksik na may 7-10 pahina kabilang ang bibliyograpiya. 08 Handout 2 *Property of STI Page 2 of 4 ASSH2204 Pagkalap at Pag oorganisa ng mga Datos Pagbasa ng Materyal Sa pagbabasa ng mga potensiyak na materyal na gagamitin sa susulating papel, sundin ang mga sumusunod na hakbang: 1. Basahin lamang ang mga materyal na may kinalaman sa iyong paksa. Ang mga baguhang mananaliksik ay may tendesiyang bumasa nanag sonra-sobra. Huwag sayangin ang iyong oras sa pagbabasa ng mga materyal na hindin mo naman maggamit sa iyong papel. 2. Huwag basahin nang buong-buo ang materyal. Hirangin lamang ang mga bahaging sa inaakala mo ay kakailanganin sa iyong papel. Kung ito ay aklat, makabubuting tingnan mo muna ang talaan ng nilalaman upang matukoy kung aling bahagi lamang ng aklat ang iyong babasahin. 3. Pag-aralan ang materyal habang ito ay iyong binabasa. Habang nagbabasa, itanong sa iyong sarili kung ano ang kinalaman nito sa iyong paksa. Ianalisa kun gmahalaga ito at malaki ang maitutulong sa iyong papel. 4. Maging mausisa habang nagbabasa. Huwag gawing mekanikal ang pagbabasa. Huwag lang basta daanan ng mga bata ang mga materyal. Gawing pagalugad ang paraan ng iyong pagbabasa. Isaisip na may nais kang matutuhan sa iyong paksa kaya mo ito binabasa. 5. Itala ang mga mahahalagang bahagi ng iyong binasa. Habang nagbabasa, isulat sa note card (tatalakayin ito sa susunod na bahagi ng aralin) o notebook ang mga ideyang biglang maiisip, mga pangkalahatang komento tungkol sa natutuhan mo, gayundin ang mga tanong na mabubuo sa iyong isip. Makatutulong ito sa pagbuo ng iyong papel. Pagtasa sa Napiling Materyal Matapos ang paghahanap ng ilang mga maaring magamit na materyal, suriing mabuti ang mga ito. Ang kalakasan at kredibilidad ng iyong papel ay nakasalalay na kalakasa at kredibilidad ng iyong mga materyal. Upang matulungan ka sa pagpili ng mga materyal na gagamitin sa iyong papel, itanong sa sarili ang mga sumusunod: 1. Ano ang alam ko tungkol sa awtor? Ang tao bang ito ay eksperto at may natatanging kaalaman hinggil sa paksang aking napili? 2. Ano ang alam ko tungkol sa tagapaglathala? Ang tagapaglathala ba na ito ay kilala at iginagalang? 3. Ang materyal ba na ito ay pangunahing batis? 4. Ang materyal ba ay nagpapakita ng palatandaan ng maingat na pagsasaliksik? 5. Ang materyal ba ay napapanahon? 6. Nagpapakita ba ng pagkiling ang materyal? 7. Isinaalang-alang ba sa materyal na ito ang iba’t-ibang pananw at lahat ng mga teorya? Pagkuha ng Tala o Note-Taking Ang pagkuha ng tala o note-taking ay ang pagtatala ng mahahalagang aytem ng impormasyon na nabasa o napakinggan. Ang mahusay na tala ay yaong maiklo hangga’t maarin ngunit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang punto o kaalaman. Ang pagkuha ng tala ay nakatutulong upang lalong maintindihan o maunawaan ang mga impormasyon, lalo na kung nagbabasa ng takdang-aralin, nangangalap ng impormasyon 08 Handout 2 *Property of STI Page 3 of 4 ASSH2204 sa aklatan, nagsusulat ng ulat o report, nag-aaral ng isang artikulo sa magasin para sa isang presentasyon o pagsulat ng komposisyon, at higit sa lahat, nagsusulat ng isang pananaliksik. Ilang Pamamaraan ng Pagtatala 1. Maaring gumamit ng index card na may sukat na 3x5” o 4x6”. Maaring magtakda ng kulay upang madaling matukoy kung para sa anong bahagi ng pananaliksik gagamtin ang naitalang impormasyon. 2. Gumamit ng isang kard sa bawat mahalagang ideya. 3. Tukuyin ang anyo ng tala na gunamit sa bawat note card. Sa pagtatala ng mga datos, siguraduhin ang katumpakan ng mga impormasyon. Hindi nangangahulugang kailangang kpyahin ang eksaktong mga pananalitang ginamit. Mainam na ilahad ang impormasyon sa sariling pananalita. May tatlong pangkalahatang paraan upang gawin ang mga ito: ang direktang sipi (pagkopya ng berbatim ng mga impormasyon mula sa isang source), parapreys (paggamit ng ibang salita o pangungusap sa sinabi o ipinahayag ng iba), at buod (isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panunulat). 4. Sumulat ng sariling ideya. 5. Maging mapili sa pagkuha ng tala. Sanggunian: Asuncion, A. & Mendoza, E. (2017). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Abiva Publishing House, Inc. 08 Handout 2 *Property of STI Page 4 of 4 ASSH2204 Pagbuo ng Plano ng Papel Pampananaliksik Ang sumusunod na tseklist ay makakatulong sa iyo upang masubaybayan ang iyong progreso sa pagbuo ng isang papel. ______ May paksa na ako. ______ Nakaipon na ako ng mga pansamantalang bibliyograpiya na magagamit ko para sa paghahanap ng aking tala. ______ Malinaw na sa aking isip ang magiging direksiyon ng aking papel dahil nakabuo na ako ng konseptuwalisasyon nito. ______ Sapat na ang naipon kong mga tala at handa na akong buuin ang aking papel. Pagsasaayos ng mga Note Card Noong iaanunsiyo sa inyo ng inyong guro na ang magiging proyekto sa kursong ito ay ang pagbuo ng isang papel pampananaliksik, malamang na ang isa sa iyong pangamba ay ang wala kang maisusulat hinggil sa iyong paksa. Dahil sa pangambang ito, malamang sa paghahanap at pagbabasa mo ng datos ay itinala mo ang lahat ng datos na nabasa mo dahil sa tingin mo ay magagamit mo ang mga ito sa iyong papel. Sa puntong ito, ang problema mo naman ay kung paano mo pagkakasyahin at aayusin ang napakalaking bulto ng mga datos at materyales na nakuha mo sa napakalimitadong bilang ng pahina na itinakda sa iyo ng iyong guro. Upang masolusyunan ang suliraning ito, narito ang ilang mga hakbang sa pagsasaayos ng mga nakalap mong tala: 1. Basahin isa-isa ang mga nakalap na note card. 2. Isaayos ang mga ito batay sa kung alin ang sa palagay mo ay magagamit mo ay hindi mo magagamit sa iyong papel. Isantabi pansamantala ang mga tala na sa palagay mo ay hindi mo na magagamit. 3. Batay sa pagsasaayos na isinagawa sa mga nakalap na mga tala, bumuo ng tesis. Ang Pangungusap na Tesis Ang tesis ay naglalahad ng pangunahing punto o ideya at nagbibigay -direksiyon sa isang sulatin. Kadalasan, ito ay matatagpuan sa unahang bahagi ng isang maikling sulatin. Narito ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng isang mabuting pangungusap na tesis. 1. Ang mabuting pangungusap na tesis ay malinaw na naglalahad ng opinyon sa paksa. 2. Ang mabuting pangungusap na tesis ay naglalahad ng isang pangunahing ideya. 3. Ang mabuting pangungusap na tesis ay kapaki-pakinabang at may kawili-wiling ibinabahagi sa mambabasa. 4. Ang mabuting pangungusap na tesis ay akma lamang sa kahingian (requirement) ng kurso. 5. Limitahan ang paksa ayon sa haba o ikling hinihingi ng guro. Ilahad ito sa iyong pahayag na tesis. 6. Ang pangungusap na tesis ay kailangang nailalahad sa isang wikang madaling maunawaan. Maging magmatyag din sa mga karaniwang pagkakamaling nagagawa sa pagbuo ng pangungusap na tesis. Isaalang -alang ang ilang mga paalala: 1. Kinakailangang ang tesis ay naklahad sa paraang pangungusap, hindi parirala. 2. Hindi maaaring nasa anyong patanong ang tesis na pangungusap. 3. Huwag gumamit ng mga pahayag na walang tuwirang kaugnayan sa paksa. 4. Iwasang gumamit ng mga pahayag na patayutay. Maging payak at tiyak. Muling Pagsusuri ng mga Nakalap na Tala Ngayong nakabuo ka na ng tesis sa sinusulat mong papel pampananaliksik, maaring magkaroon ka ng panibagong pagtingin sa mga datos na nakalap. Kaya mahalagang suriin ang mga ito. Natatandaaang sa unahang bahagi ng araling ito, ginabayan ka kung paano mo susuriin ang mga nakalap na tala. Ngunit sa ikalawang pagkakataon na ito, gamiting gabay sa pagsusuri ang nabuo mong tesis. Tukuyin kung alin sa mga 08 Handout 3 *Property of STI Page 1 of 5 ASSH2204 datos na nakalap ang makabuluhan at hindi makabuluhan, alin ang magagamit pa at hindi. Maari kasing ang mga isantabi mong mga tala na inakala mong hindi magagamit ay magagamit mo na ngayon. Suriin ang mga datos na nakalap at alamin kung ito at sapat na o baka nangangailangan pa ng karagdagang pananaliksik. Mahalagang masiguro na sapat na ang mga katibayang inilatag mo upang isulong ang iyong tesis. Sa puntong ito, maari ka nang bumuo ng pinal na balangkas. Pagbabalangkas Ang pagbabalangkas ay isang paraan ng pag-oorganisa ng mga impormasyon upang maipakita ang pagkakasunod-sunod nito. Ito rin ay isang kasangkapan sa pagkakaroon ng direksiyon ng sulatin. 1. Impormal na Balangkas Maaring matapos kang pumili ng paksa at nagtingin-tingin ng mga posibleng materyal na gagamitin sa pagbuo mo ng papel pampananaliksik ay bumuo ka ng isang impormal na balangkas. Ito ay balangkas na naglilista lamang ng mga pangunahing kaisipang nais maisama sa isusulat na papel. 2. Pormal na Balangkas Ito ang inaasahan sa iyo ng guro kapag tapos ka nang mangalap at magsaayos ng datos batay sa nabuo mong tesis para sa iyong isinisagawang papel. Ang pinal na balangkas na ito ay makakatulong nang malaki sa pag-oorganisa at pagsusulat ng iyong pananaliksik. Kung tutuusin, ito ang unang hakbang sa pagbuo ng katawan o pangunahing bahagi ng pananaliksik. Dahil ang mga impormasyong nakalap para sa pananaliksik ay madalas wala pang estraktura, ang pagbabalangkas ay magandang solusyon para maayos ang mga datos. Dalawang Uri ng Balangkas May dalawang uri ng balangkas: balangkas sa pangungusap at balangkas sa paksa. Ang balangkas sa paksa ay natataglay ng mga salita, parirala, o sugnay. Ang balangkas sa pangungusap ay nagtataglay ng buong pangungusap. Ang balangkas ay may tatlong level. Ang bawat level ay kumakatawan sa mga ideya. Unang level : pangunahing ideya Pangalawang level : suportang ideya ng pangunahing ideya Pangatlong level : suportang ideya ng suportang ideya Ayon sa Purdue University Online Writing Lab, may apat na component sa pagbuo ng balangkas. Makatutulong kung susundin ang mga mungkahing ito upang magkaroon ng maayos na daloy ang balangkas na bubuuin. 1. Paralelismo – Kinakailangang ang mga pahayag ay may konsistensi. Kung ang unang bahagi ay gumamit ng pangngalan bilang heading, gayon din ang gamitin sa mga susunod pang heading at subheading. 2. Koordinasyon – kinakailangang ang mga impormasyon sa unang heading ay kasintimbang sa paksa sa mga susunod pang heading. Gayundin ang dapat isaalang-alang sa mga subheading. 3. Subordinasyon – Ang mga impormasyon sa mga heading ay kailangang pangkalahatan, samantalang ang impormasyon sa mga subheading naman ay mas tiyak. 4. Dibisyon – ang bawat heading ay kailangang may dalawa o higit pang subheading. May mga pagkakataon ding ang subheading ay mayroon pang mas tiyak na detalye o impormasyon o subsubheading. 08 Handout 3 *Property of STI Page 2 of 5 ASSH2204 Pagsulat ng Borador ng Papel Pampananaliksik Pagsulat ng Unang Borador (Draft) Narito ang mga dapat tandaan bago sumulat ng borador: 1. Isaisip palagi ang layunin. Sa pagsulat mo ng iyong borador, palagi mong isaisip ang layunin kung bakit mo isusulat ang iyong papel pampananaliksikmaari kasing dahil sa natambakan ka ng gawain ng paghahanap ng materyal, pagtitipon ng tala, at pagsasaayos nito, nakaligtaan mo kung ano ang talagang layunin ng pananaliksik- ang pagtatamo ng mga bagong kaalaman at ang pagtuklas ng katotohanan. 2. Tulad din ng ibang sanaysay na inyong nasulat na, ang papel pampananaliksik ay dapat na tiyak ngunit kasiya-siyang basahin. 3. Ikaw, bilang mananaliksik ang dapat na marinig sa inyong papel at hindi ang inyong source. Gamitin ang iyong tinig sa iyong pagsusulat. Gamitin mo ang iyong papel upang iparating sa iyong mga mambabasa kung ano ang iyong nais sabihin. 4. Ihanda ang pinal na balangkas, note card, at iba pang materyales na gagamitin sa pagsusulat ng iyong papel. Mga Tagubilin sa Pagsusulat ng Borador 1. Pag-aralan nang mabuti ang nabuong pinal na balangkas. Tingnan mo kung mabubuo mo na ang bawat seksiyon ng iyong papel – ang introduksiyon, gitna at kongklusyon (tatalakayin ito sa susunod na bahagi ng araling ito). Kung hindi mo mabuo ang isang bahagi ng iyong papel, maaring kulang pa ang datos mo para dito. 2. Gawing tuloy-tuloy ang pagsulat. 3. Laging isaisip ang tesis. Siguruhin na ang bawat bahagi ng iyong papel ay nagsusulong ng iyong tesis. 4. Markahan sa iyong papel ang mga datos at ideyang hiniram para sa wasto at pormal na dokumentasyon ng mga ito. Mga Bahagi ng Papel Pampananaliksik 1. Pagsulat ng introduksiyon Ang panimulang bahagi ng papel ay kadalasang silbi. Ito ang nagsasabi kung tungkol saan ang papel at kung ano ang tunguhin nito. Sa bahaging ito rin nagaganap ang pagtawag sa atensiyon at pagpukaw sa interes ng mambabasa. Ginagamit din ito upang mapadali ang paglipat tungo sa katawan ng papel. 2. Pagsulat ng katawan Sa pagbubuo ng katawan ng papel, siguruhing sapat ang ebidensiyang nakalap upang isulong ang iyong tesis. Makabubuti din ang paglalagay ng heading sa bawat pangunahing bahagi ng iyong balangkas upang mahinuha ng mga mambabasa kung ano ang tinatalakay mo sa bawat bahagi ng iyong papel. Ito rin ay magsisilbing hudyat sa pagbabago ng mga ideya sa iyong sulatin. Gumamit ng iba’t-ibang salitang transiyunal upang maging mas malinaw na mambabasa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng iyong papel. Makakabuti ring ipaliwanag ang ilang mga teknikal na terminong ginamit sa iyong papel. 3. Pagsulat ng kongklusyon Bukod sa pagbuo ng simula, isa pang mahirap gawain ay kung paano tatapusin ang isang sulatin. Ano pa nga ba naman ang masasabi mo pa kung nasabi mo nang lahat ang nais mong sabihin sa iyong papel. Gayunpaman, may mga istratehiyang maaaring magamit para bumuo ng kongklusyon. Isang pwedeng gawin ay ang pagbubuod ng mga pangunahing ideyang inilahad sa katawan ng pananaliksik. 08 Handout 3 *Property of STI Page 3 of 5 ASSH2204 Paglikha ng Pamagat ng Sulatin Ang huling yugto ng pagsulat ng iyong papel ay ang pagbuo ng pamagat. Hangga’t maari, ang pamagat ay dapat na nagpapahiwatig o nagpapakilala sa nilalaman ng papel habang pumupukaw ng atensiyon ng mambabasa. Mahirap bumuo ng perpektong pamagat. Kung hindi agad makaisip nang makatawag – pansing pamagat, gumamit muna ng simple at tiyak na pamagat. Maaring magkaroon ka ng inspirasyon kapag matatapos na ang pagsulat ng iyong papel. Rebisyon at Editing Pagkatapos maisulat ang iunang borador, makabubuting isantabi muna ito at balikan pagkaraan ng ilang araw. Mas matagal na panahonbago mo balikan ang iyong sinulat, mas mabuti. Dahil sariwa na naman ang isip mo, magkaroon ka ng panibagong pagtingin sa iyong papel. Handa ka nang rebisahin ito. Narito ang ilang paaalala upang makatulong sa pagrebisa ng iyong papel: 1. Basahin nang malakas ang iyong isinulat. Pakinggan kung naiintindihan mo ang mga pahayag. May bahagi bang malabo o mahirap unawain? 2. Suriin ang nilalaman ng iyong papel. Makatutulong ang tseklist sa ibaba upang suriin ang kabuuan ng iyong papel. Halimbawa: Tseklist Pagpokus sa Paksa _____ Malinaw bang inilahad ang paksa ng papel? _____ Husto ba ang pagbibigay – linaw sa paksa upang maunawaan ng mambabasa kung ano ito? _____ Husto ba ang paglilimita sa paksa upang mapanindigan ang pagtalakay nito batay sa haba ng papel na itinakda ng guro? Organisasyon at Nilalaman _____ Binanggit ba sa introduksiyon ang layunin ng papel? _____ Sapat ba at samu’t sari ang mga ebidensiyang inihain upang mapanindigan ang tesis? _____ Ang mga ebidensiya bang ito ay malinaw na inilahad, katanggap-tanggap, at kapani-paniwala? _____ Habang binabasa ang papel, natutunan mo ba ang inaasahan mong matutunan dito ang iyong mambabasa? May mga katanungan ba sa iyong isipan na hindi nasagot? May pakiramdam ka bang may kulang pa sa iyong papel? _____ May mga bahagi ba ng iyong papel na mahirap unawain o intindhin dahil sa maligoy ang pagbubuo ng mga pangungusap? _____ May mga bahagi bang kailangang ilipat ng puwesto upang maging mas lohikal ang presentasyon ng mga ideya? _____ Gumamit ba ng mga angkop sa salitang transiyunal upang makita ng mababasa ang kaugnayan ng mga talata? _____ Madali ba itong basahin? May mga sipi o quotation ba na nakasasagabal as amabilis at tuloy- tuloy na daloy ng pagbabasa? _____ Mayroon bang mga maling baybay, bantas, at pagpaparirala? 08 Handout 3 *Property of STI Page 4 of 5 ASSH2204 Group Editing at Peer Critiquing 1. Ikaw bilang editor Basahin nang mabuti at nang may tunay na interes ang bawat papel na para bang ikaw mismo ang kinakausap ng awtor. Sa pagsusuri ng papel, laging isaisip na ikaw ay kaibigan at ang tanging layunin mo sa pagsusuri ng papel ay ang matulungang mapahusay ng iyong kaibigan ang kaniyang papel. 2. Tuntunin sa pag-edit sa unang pagbasa, basahin muna ang kabuuan para makuha ang pangkalahatang impresyon ng papel. Huwag hihinto sa pagbabasa para lamang magtanong o magbigay ng komento. Matapos ang unang pagbasa, isulat sa kahon sa ibaba ang pangkalahatang impresyon mo sa papel. 3. Mekaniks ng pagsulat. Matapos tasahin at suriin ang kalinawan at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa bawat talata, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang mekaniks ng pagkakasulat. Tingnan kung may pagkakamali sa bantas, pagbabaybay, gayundin ang mga tipograpikal na kamalian. Sanggunian: Asuncion, A. & Mendoza, E. (2017). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Abiva Publishing House, Inc. 08 Handout 3 *Property of STI Page 5 of 5 ASSH2204 Sistema at Tungkulin ng Dokumentasyon Ang dokumentasyon ay paraan upang maiwasan ang plagiarism. Maging ito man ay sa paraang pagtatala o sa pamamagitan ng parententikal na pagbanggit, ito ay isang paraan ng pagkilala sa mga ginamit na sanggunian ng mga ideya at impormasyon. Dokumentasyon ang tawag sa pagtatala ng mahahalagang detalye ng sanggunian upang mabigyan ito ng karampatang pagbanggit sa isinasagawang papel pampananaliksik. Mahalaga ang dokumentasyon sa pananaliksik dahil dito ipinapakita ng mananaliksik ang mga sangguniang kaniyang ginamit, mga ekspertong nakapanayam, mga pag-aaral na pinagbatayan, at mga estadistikang pansuporta sa mga anis patunayan sa kaniyang papel. Ito rin ang paraan ng mananaliksik upang bigyang-pagkilala ang mga eskperto at mga isinulat nito na ginamit bilang batayan. Sa aklat na Form and Style nila Campbell , Ballou, at Slade (1991), inisa-isa ang mga tungkulin ng dokumentasyon sa isang sulating pananaliksik. Tungkulin ng Dokumentasyon 1. Pagkilala sa pinaghanguan ng datos o impormasyon 2. Pagpapatibay sa pagiging tumpak ng ebidensiya 3. Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel 4. Pagpapalawak ng ideya Sistema ng Dokumentasyon Madalas na ibinabatay ang dokumentasyon sa mga style manual na binuo at dinevelop ng iba’t ibang propesyon at disiplina, gayundin ng mga kolehiyo at unibersidad, maging ng mga pabliser. Sa pangkalahatan, ang iba’t ibang style manual ay maiuuri sa dalawang pangunahing systema ng dokumentasyon: ang sistemang parentetikal-sanggunian (parenthetical-reference) at ang talababa-bibliograpiya (footnote- bibliography). 1. Sistemang Talababa-Bibliyograpiya Sa sistemang ito, ang mga impormasyon tungkol sa pinagkunan ng datos (impormasyong bibliyograpikal) ay inihahanay sa talababa (footnote). 2. Sistemang Parententikal-Sanggunian Ang bibliyograpikal na datos ay inilalagay pagkatapos ng salita o ideyang hinalaw. Ang MLA at APA ang dalawang pinakagamiting istilo para sa bibliyograpikal at parententikal na pagbanggit. Madalas, ipinapagamit ang MLA sa mga mag-aaral ng Humanidades o kung ang pananaliksik na isinusulat ay sa ilalim ng larangang ito. Samantala, ang APA naman ang madalas ginagamit sa mga nasa larangan ng sosyolohiya, negosyo, ekonomiks, kriminolohiya , at agham panlipunan. Paghahambing ng Pormat ng APA at MLA Ang istilong American Psychological Association (APA) ay isang kalipunan ng mga tuntuning ginagamit noon ng mga awtor sa pagsusumite ng mga publikasyon sa journal ng APA simula pa noong 1929. Ginamit ito bilang gabay sa pagbuo ng mga siyentipikong papel, ulat panlaboratoryo, at pananaliksik sa ilalim ng disiplinang sikolohiya, edukasyon, at iba pang agham panlipunan. Gumagamit ito ng in-text citation, tuwirang sipi, talababa, at endnote. Gumagamit din ito ng anyong pangnakaraan sa pandiwa. Ang istilong Modern Language Association (MLA) naman ay higit na killa at ginagamit bilang istilo ng dokumentasyon sa mga pananaliksik panliteratura at iba pang pag-aaral sa ilalim ng disiplinang Humanidades. Sumusunid ito sa mga tiyak na tuntunin ng pagpormat na manuskrito at itinuturing ding isang istandardisadong 08 Handout 3 *Property of STI Page 1 of 2 ASSH2204 pormat na magagamit tulad ng APA. Kumpara sa APA, ang istilong MLA ay nakapokus sa pagbanggit ng mga aklat, antolohiya, literature, awdyobiswal na materyal, multimedia, at iba pang mga katulad na gawa. Kaiba rin sa APA, ang ginagamit na pamamanahon sa MLA ay pandiwang nasa anyong pangkasalukuyan. Mga Gabay sa Paggamit ng In-Text Citation Narito ang mga halimbawa ng iba’t-ibang paraan ng in-text citation para sa mga bahaging ginamitan ng parapreys. Sa paggamit ng parapreys sa in-text citation, hindi kailangang ilagay ang pahina ng sanggunian kung saan natagpuan ang impormasyon. Subalit, kung sa palagay ng mananaliksik ay higit na makatutulong ito sa mga sumusunod na magsasaliksik, lalo pa sa kaso ng mahahabang teksto , maari niyang isama ang pahina. Para sa mga pagkakataong kailangang kopyahin nang buo ang pahayag ng awtor, maaaring gumamit ng tuwirang sipi o direct quotation. Ang bahaging kinopya nang direkta mula sa sanggunian ay kailangang nakapaloob sa panipi (“ “). Subalit, tandaan na ang tuwirang sipi ay may limitadong gamit. Gamitin ito para sa mga bahaging tunay na nangangailangan ng direktang pahayag ng awtor. Hindi dapat lumabis sa apatnapung salita ang sipi at kailangang banggitin ang awtor, taon, at pahina. Halimbawa: Napatunayan sa pag-aaral na ang Internet ay may dalawang mukha. Mayroon itong mabuti at masamang epekto. Pagtuunan ng pansin sa kaniyang pag-aaral ang mga problemang “madalas nanggagaling sa kakulangan natin ng tamang pag-unawa at sapat na konsepto ng ating sarili at ekolohiyang kinabibilangan” (Masakayan, 2010, p.146) Sa mga pagkakataong kailangang sumipi ng isang bahagi ng pag-aaral, maaring gumamit ng block quote. Ito ay hindi na nilalagyan ng panipi at nakasulat nang hiwalay sa paraang block. Simulan ang tuwirang sipi sa panibagong linya pagkatapos ng tutuldok (:) at may limang espasyong pasok o indent. Panatilihin ang double spacing. Halimbawa: Binigyang-diin sa konglusyon ng pag-aaral ni Masakayan (2010): Ang konsepto ng paghahati sa sarili ay malinaw na mahalagang salik sa ating pag-intindi sa epekto ng Internet hindi lamang sa ating pansariling kaakuhan kundi pati na rin sa ating pamilya. Ang Internet ay maaring magbukod o magbuklod ng mga pamilya, at ito ay makikita natin, halimbawa, sa kung paano ginagamit ang Internet sa bahay. (p.146) Sa mga pagkakataong nais gamitin ang impormasyong nakuha sa isang sanggunian na nakuha rin naman ng awtor nito sa iba pa, maaaring gumamit ng di-tuwirang sipi o indirect quote. Kung posibleng makuha ang pinaghanguan ng impormasyon, maaring gamitin ang mga naunang halimbawa. Subalit kung talagang hindi kaya na ito ay mahanap pa, maaring gumamit ng di-tuwirang sipi. Halimbawa: Mula sa pag-aaral ni Masakayan (2010): Ang duwalismo na isinabubuhay ng ilang mga nahuhumaling sa Internet at sa mundong virtual ay maaring indikasyon ng knailagn buhay-pamilya na ang ilan ay maaring hindi na nakararamdam ng seguridad sa pagkalinga ng kanilang pamilya, kung kaya’t tumatakbo sila sa mga kahalili na nakahain, katulad ng sa Internet (Hochschild 2004: 42-43) Sanggunian: Asuncion, A. & Mendoza, E. (2017). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Abiva Publishing House, Inc. 08 Handout 3 *Property of STI Page 2 of 2