Mga Tekstong Prosidyural: Paano Magamit Muli ang Basura PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng isang halimbawa ng tekstong prosidyural tungkol sa pagreresiklo ng mga basura at isang resipi ng kare-kare. Nakapaloob dito ang mga hakbang at sangkap sa pag-aayos ng mga basura at paghahanda ng resipi, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Full Transcript

ASSH2003 Ang Tekstong Prosidyural Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. La...

ASSH2003 Ang Tekstong Prosidyural Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang ba dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay. Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, narito ang ilang dapat gawain at ilang paalala: ❖ kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin ❖ malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. ❖ gumamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa ❖ maglakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang ❖ pakaisipin ang layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, ❖ isulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural Prosidyur sa Pagsasagawa ng Isang Bagay Paano Magagamit Muli ang Basura Kapansin-pansin ang mga basurang nagkalat sa kapaligiran. Tinatayang sa Metro Manila lamang ay umaabot na sa 4,000 tonelada ang absurang nahahakot araw-araw. Paano pa ang sa ibang lugar sa bansa? Batid nating hindi kaaya-aya sa paningin ang mga basurang nagkalat sa ating paligid. Nagsisilbi rin itong lugar o breeding place sa mga organismong nagdadala ng sakit sa tao. Bilang tugon sa sularining ito, kinakailangan nating matutuhan ang wastong paggamit at pagreresiklo ng basura. Una, dapat na bawasan natin ang labis na paggamit ng mga bagay na disposables o laging itinatapon. Oo nga’t mabuti itong gamitin subalit isa rin ito sa mga sumisira sa kapaligiran. Ikalawa, paghiwalayin ang mga basurang tuyo at basurang basa. Mula rito ay ihiwalay ang mga basurang natutunaw at hindi natutunaw. Ang mga basurang natutunaw ay tinatawag na biodegradables. Kung ang mga bagay na ito ay mapapahanginan ay daraan sila sa mga pagbabago sa pamamagitan ng decomposers. Ang mga basurang hindi natutunaw ay tinatawag namang non-biodegradables. Ito naman ang pinaniniwalang labis na nakapipinsala sa ating kapaligiran. Pangatlo, ang mga basurang maaaring i-resiklo sa halip na itapon at bumara sa mga daluyan ng ating tubig. Narito ang iba pang maaaring gawin sa mga bagay na sa palagay natin ay “basura” na. ❖ Ang mga basyong bote ay maaaring gawing plorera o pandekorasyon sa bahay lalo na ang bote ng pabango ❖ Ang mga styrofoam ay maaaring tunawin at gawing pandikit na tulad ng rugby ❖ Ang mga lata ay maaaring gawing lalagyan muli ng maliliit na bagay tulad ng turnilyo, pako, at iba pa. ❖ Ang mga tuyong dahon sa mga halamanan ay maaaring ibaon sa lupa upang maging compost. 05 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 ASSH2003 Samakatwid, napakarami nating magagawang hakbang upang ang mga basura ay mapakinabagan, sa halip na maging malaking suliranin ng bayan. Kailangan lamang ay ang dedikasyon natin at disiplina upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng ito. Sa pangkalahatan, mahalag na magkaroon ng simple at malinaw na tagubilin, panuto, o panuntunan para sa pagsasagawa ng isang bagay. Kailangan ito upang magkaroon ng gabay ang magsasagawa ng isang gawain. Resipi ng Kare-Kare Mga Sangkap: 1 buntot ng baka 2 pata ng baka 1 taling sitaw 1 taling petsay 2 talong ½ tasang mani ½ tasang bigas Atsuwete Asin Bawang Sibuyas Paraan ng Pagluluto: Ihanda ang sumusunod na mga sangkap: - Dikdikin ang bawang - Hiwain ang sibuyas, panggisa - Putol-putolin ang sitaw - Hiwain nang pahalang ang talong - Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino - Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete - Hiwain ang buntot at pata ng pata ng baka sa tamang laki. Palambutin Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot ng pata ng baka. Isunod naman ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang mga hinwang gulay. Pagkataos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos na ang kare-kare ay maaari na itong ihain.sawsawan ang bagoong. 05 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser