Pag-unawa sa Kakayahang Strategic sa Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by FreedFreeVerse
Patrick Jurial
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng pag-unawa sa kakayahang pang-estratehiya para sa komunikasyon, lalo na kapag may mga hadlang sa wika o limitasyon. Itinatampok din nito ang paggamit ng iba't ibang estratehiya para sa mas maayos na komunikasyon.
Full Transcript
Pag-unawa sa Kakayahang Strategic sa Komunikasyon Ang kakayahang strategic ay mahalaga sa pakikipag- usap, lalo na sa mga sitwasyon kung saan may hadlang sa wika o iba pang limitasyon. Ang presentasyong ito ay magbibigay ng gabay sa pag-unawa at paggamit ng mga estratehiya na makakatulong sa mas epe...
Pag-unawa sa Kakayahang Strategic sa Komunikasyon Ang kakayahang strategic ay mahalaga sa pakikipag- usap, lalo na sa mga sitwasyon kung saan may hadlang sa wika o iba pang limitasyon. Ang presentasyong ito ay magbibigay ng gabay sa pag-unawa at paggamit ng mga estratehiya na makakatulong sa mas epektibong komunikasyon. by Patrick Jurial LIGHTS CAMERA ACTION Mula sa iba’t ibang pangyayari, bumuo ng isang maikling skit na nagpapakita ng pamamaraan upang maisakatuparan ang maayos na komunikasyon. Paglalapat ng Konsepto Sitwasyon 1 Sitwasyon 2 Nakikipag-usap sa isang dayuhan at Nagtatanong ng presyo sa tindahan sa Vietnam nagtuturo ng direksyon papunta sa isang ngunit limitado ang bokabularyo. lugar na hindi nakaiintindi ng Filipino. Sitwasyon 3 Sitwasyon 4 Sa isang talumpatian hindi maipaliwanag ang Sa isang talakayan, nalilito sa sinasabi ng guro eksaktong salita sa isang pormal na talakayan. kaya kailangan humingi ng klaripikasyon. Pagpapakita ng Kakayahang Strategic Pag-usapan Anong estratehiya ang ginamit ng grupo? Epektibo ba ito? Bakit? Pagtukoy ng Mga Estratehiya Paraphrasing Code-switching 1 Pagpapaliwanag 2 Paggamit ng ng sinabi sa ibang wika o ibang salita. dayalekto. Gestures Paghingi ng 3 4 Paggamit ng Klaripikasyon mga kilos Pagtatanong upang upang mas suportahan ang maunawaan sinasabi. ang sinabi. Pagtukoy ng Mga Estratehiya 1 Paraphrasing Ipinaliliwanag ang sinabi sa ibang salita. Basahin ang pahayag Tukuyin ang pangunahing ideya at mga detalye nito. Gumawa ng isang mas maikli, malinaw, at lohikal na bersyon ng pahayag gamit ang sariling mga salita. Ibahagi ang inyong paraphrase sa klase at ipaliwanag ang inyong proseso ng pagsulat. Pagtukoy ng Mga Estratehiya 1 Paraphrasing "Ang kasaysayan ng wika sa Pilipinas ay mahaba at komplikado, dahil sa impluwensiya ng maraming pananakop, mula sa mga Espanyol hanggang sa mga Amerikano, na nagdulot ng iba't ibang pagbabago sa mga wika at kultura ng bansa, kaya naman maraming aspeto ang kailangang pag- usapan para mas maunawaan ang kabuuan nito." Pagtukoy ng Mga Estratehiya 1 Paraphrasing "Ang kasaysayan ng wika sa Pilipinas ay naapektuhan ng pananakop, kaya't nagkaroon ng maraming pagbabago sa kultura at wika ng bansa." Pagtukoy ng Mga Estratehiya 2 Code-switching Paggamit ng ibang wika o dayalekto. Pagtukoy ng Mga Estratehiya 3 Gestures Paggamit ng mga kilos upang suportahan ang sinasabi. Gumagamit ng kilos ng kamay o aksyon upang mas mapaliwanag nang maayos ang pahayag. Pagtukoy ng Mga Estratehiya 3 Paghingi ng Klaripikasyon Pagtatanong upang mas maunawaan ang sinabi. Pag-unawa sa Kakayahang Strategic Ang kakayahang strategic ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na gumamit ng iba’t ibang paraan upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng mga hadlang, tulad ng kakulangan sa salita o di- pagkakaintindihan. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga estratehiyang ito? Sa anong mga sitwasyon natin ito magagamit? Paglalapat sa Tunay na Buhay Sa anong mga pagkakataon mo magagamit ang kakayahang strategic? Paano ito makakatulong sa pakikipag-usap sa ibang tao, lalo na kapag may language barrier? Pagsusuri at Paglalapat Bigyan ng maaaring istratehiya ang sitwasyon upang mas maging maaayos ang komunikasyon. SITWASYON: Ikaw ay nasa isang palengke, at may isang banyagang turista na nagtatanong kung paano makakarating sa pinakamalapit na bus terminal. Hindi ka sigurado kung naiintindihan niya ang Filipino, at limitado rin ang kanyang Ingles. Pagsusuri at Paglalapat Bigyan ng maaaring istratehiya ang sitwasyon upang mas maging maaayos ang komunikasyon. SITWASYON: Ikaw ay nasa isang business presentation na ilalahad mo sa mga investor ang produkto mo ngunit ang powerpoint presentation mo ay na-corrupt ang file. Pagsusuri at Paglalapat Bigyan ng maaaring istratehiya ang sitwasyon upang mas maging maaayos ang komunikasyon. SITWASYON: Isa kang youth leader na magsasagawa ng talumpati ngunit hindi mo nadala ang iyong script sa araw ng iyong talumpati. Buod at Paglalapat Sa pamamagitan ng kakayahang strategic, nagiging mas mahusay tayong makipag-usap sa kabila ng mga hadlang sa wika at iba pang limitasyon. Magagamit natin ito sa araw-araw na pakikipag-ugnayan, lalo na kung hindi sapat ang ating bokabularyo o kaalaman sa wika. Takdang-Aralin: Obserbahan ang mga tao sa paligid. Tukuyin ang mga sitwasyon kung saan gumagamit sila ng kakayahang strategic at gumawa ng maikling ulat tungkol dito.