Pag-susuri Ng Teksto (PDF)
Document Details
Uploaded by IdyllicCarnelian6451
Tags
Related
Summary
This document provides examples of different types of texts in Filipino, including informative, descriptive, persuasive, and procedural texts. Each text type is illustrated with sample questions or passages, demonstrating different ways to analyze text.
Full Transcript
# Subukin Natin Basahin at unawaing mabuti ang mga talata at tukuyin kung anong uri ito ng teksto nabibilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. ## 1. Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa kanilan...
# Subukin Natin Basahin at unawaing mabuti ang mga talata at tukuyin kung anong uri ito ng teksto nabibilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. ## 1. Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay dahil ipinagbabawal ang "mass gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19). - Argumentatib - Deskriptib - **Impormatib** - Persuweysib ## 2. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo. - Argumentatib - **Deskriptib** - Impormatib - Persuweysib ## 3. Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo. Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal? - **Argumentatib** - Deskriptib - Persuweysib - Prosidyural ## 4. Mga hakbang sa pagtatanim: Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin. Pangalawa, ihanda ng lupang pagtataniman o plotting. Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim. Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw. - Argumentatib - Deskriptib - Persuweysib - **Prosidyural** # Iba't Ibang Uri ng Teksto ## Tekstong Impormatibo - Naglalaman ng impormasyon, kaalaman, o paliwanag tungkol sa tao, bagay, hayop o pangyayari. - Batay lamang sa katotohanan at walang halong bias - Kadalasang sumasagot sa tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. - Halimbawa: talambuhay, diksyunaryo, encyclopedia, almanac, journal at balita ## Tekstong Deskriptibo - Makulay na paglalarawan - Layuning maglarawan ng isang bagay,tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. - Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa. - Katangian ng Tekstong Deskriptibo: - **Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.** - **Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo.** - **Obhetibo** - direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian - **Suhetibo** - maaaring kapalooban ng matalinhagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. - **Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging ispesipiko at maglaman ng konkretong detalye.** ## Tekstong Persuweysib - Isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. - Ang manunulat ay nagpapahayag ng impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. - Hindi dapat magpahayag ng personal at walang batayang opinyon ang manunulat sa dalawang panig ng argumento - Ang tekstong persweysib ay naglalaman ng sumusunod: - Malalim na pananaliksik - Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu ## Tekstong Naratibo - Magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. - Maaaring personal na karanasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. - Ang paksa ng salaysay ay maaaring batay sa tunay na daigdig o pantasya lamang. - Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). - Iba't Ibang Elemento ng Tekstong Naratibo: - **Paksa** - Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Dapat maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at kahalagahan nito. - **Estruktura** - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. - **Oryentasyon** - kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting at oras o panahon kung kalian nangyari ang kuwento. Nasasagot ang batayang tanong na sino, saan at kailan. - **Pamamaraan ng Narasyon** - Diyalogo - Foreshadowing - Plot twist - Ellipsis - Comic book death - Reverse chronology - In media res - Deus ex machina (God from the machine) - **Komplikasyon o Tunggalian** - Nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda ng magiging resolusyon ng kuwento. - **Resolusyon** - Kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan. ## Tekstong Argumentatibo - Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik. - Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey at eksperimentasyon. - Mga Elemento ng Pangangatuwiran: - **Proposisyon** - Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Bagay na pinagkaksunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. - **Argumento** - Paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. ## Tekstong Prosidyural - Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. - Layuning makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao. - Mga Nilalaman: - Layunin o target na awtput - Kagamitan - Metodo - Ebalwasyon # Tuklasin - Talakayin Natin ## 1. Pagkilala sa Iba't Ibang Uri ng Teksto - **Tekstong Impormatib** - Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. - **Tekstong Deskriptib** - Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan ## Uri ng Tekstong Deskriptib - **Deskriptib Impresyunistik** ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat. - **Deskriptib Teknikal** ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon at dayagram - **Tekstong Persuweysib** - Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. - Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: - **Ethos** - hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. - **Logos** - salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. - **Pathos** - tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig. ## Tekstong Naratib - Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay-aliw o manlibang sa mga mambabasa. - Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat at nobela. - **Mga Bahagi ng Tekstong Naratib:** - **Ekposisyon** o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan. - **Mga komplikasyon** o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon. - **Resolusyon** o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin. ## Tekstong Prosidyural - Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. - Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. - Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. - Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp. ## Tekstong Argumentatib - Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. - Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. # Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto - Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. - Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. - Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.