Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o talakayan tungkol sa pagsasalin ng panitikang klasiko. Sinusuri ang iba't ibang pananaw at diskarte sa pagsasalin. Nakatuon ito sa mga pangunahing punto ng paniniwala ng mga tagasalin ukol sa literalidad, espirituwalidad, at kultura sa proseso ng pagsasalin.

Full Transcript

## Kabanata Una ### Virginia Woolf - Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal nasusulat sa Griyego at Latin - Ngunit, ayon kay Virginia Woolf, ang alin mang salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak, at...

## Kabanata Una ### Virginia Woolf - Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal nasusulat sa Griyego at Latin - Ngunit, ayon kay Virginia Woolf, ang alin mang salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak, at waring may aliw-aliw na nakaiigayang pakinggan. ### Hellenizers - Ang layunin ng mga makaluma ay maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng kanilang sinasalin kaya naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at balangkas ng mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan. ### Modernizers - Paniniwala ng mga makabagong na nagsasabing ang salin ay dapat nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang pinagsasalinan. ### Robert Browning - Naniniwala naman si Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangan maging literal hangga't maaari maliban kung pagiging literal ay lalabag sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan. ### Robert Bridges - Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang estilo ng awtor kung ang isang magbabasa ay bumabasa ng isang salin. ### F.W Newman - Sa mga pagsasalin ng F. W Newman, sa mga akda ni Homer, pinipilit niyang mapanatili ang kakanyahan ng orihinal hangga't maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi makaligtaan ng isang mambabasa na ang akdang binabasa ay isang ay isang lamang salin at hindi orihinal. - Sumasalungat naman sa paniniwalang ito si Arnold na tagasalin din ni Homer. - Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. ### Edward Fitzgerald - Pareho naman ang paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain. ### Day Lewis - Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng "Aeneid" ni Virgil ( na siyang pinakasikat sa panulaang Latin ) sa wikang ingles upang mahuli ng tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser