Modyul 7 - Paggawa para sa GP (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by FlashyColosseum3493
Aplaya National High School Annex
Tags
Related
- UNANG-MARKAHAN_PAGSULAT-SA-PILING-LARANGAN PDF
- FILI 101 Notes (Tagalog) PDF
- Unang-Paksa-Wika-Wikang-Filipino-Bilang-Konsepto PDF - Tagalog
- KABANATA 5: ANG PAGPAPATAPON, PAGLILITIS, AT PAGKAMATAY NI RIZAL PDF
- Pakikilahok at Bolunterismo (Tagalog) PPT
- GAWAIN BLG. 4: SURVEY SA BUHAY - PAGHAHANAPBUHAY PDF
Summary
This document details a Tagalog lesson from Playa National High School Annex about work. It examines the importance of work for individual development, societal growth, and fulfilling one's potential.
Full Transcript
PLAYA NATIONAL HIGH SCHOOL - ANNEX EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Modyul 7 ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO Mahalagang Tanong Bakit nga ba mahalaga ang ang paggawa sa tao? Ano ang mabubuting maidudulot nito sa Paggawa? isang r...
PLAYA NATIONAL HIGH SCHOOL - ANNEX EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Modyul 7 ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO Mahalagang Tanong Bakit nga ba mahalaga ang ang paggawa sa tao? Ano ang mabubuting maidudulot nito sa Paggawa? isang realidad sa buhay hindi matatakasan kailangang harapin sa bawat araw itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009 “Work: The Channel of Values Education,” Ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng buhay. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong sa larangan ng ideya, katulad ng pag-iisip ng patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ay may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para (Institute sa tao at nilikha for Development Education, 1991) ang tao para sa paggawa. Ang paggawa.... nangangailangan ng orihinalidad... pagkukusa... pagkamalikhain... ang produkto (material o hindi) Ang paggawa....... ay anumang gawain: pangkaisipan o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga gawain na inilaan na gawain ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha. Ang Paggawa... isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa araw-araw isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan isang aktibidad ng tao na maaaring manomano o nasa larangan ng ideya ANG PAGGAWA AY PARA SA TAO AT NILIKHA ANG TAO PARA SA PAGGAWA. Nailalahad at naipapaliwanag ang mga pangunahing layunin ng paggawa. Layunin ng Paggawa 1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga Kailangang isaisip pangunahing at isapuso na pangangailangan hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa. Ang Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan ng buhay. Layunin ng Paggawa 2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat Mat ahalagang taglayin ng tao ang malalim na pagbabago ng agham at pagnanais na maibahagi ang kanyang teknolohiya kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang pagyamanin ang agham at teknolohiya ngunit kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito upang mawalan ng silbi ang tao. Ginawa sila bilang katuwang Layunin ng Paggawa 3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng Mahalagang maunawaan na ang lipunang kinabibilangan paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pagangat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. Layunin ng Paggawa 4. Upang tulungan ang mga Ang paggawa ay isang moral na nangangailangan. obligasyon. Kailangan ng tao na gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan. Layunin ng Paggawa 5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan Ang buhay na walang patutunguhan (meaning) ang pag-iral ng tao. ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hinid dapat nawawaglit sa pag-aalay Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod: nakakayanan suportahan ang pangangailangan napagyayaman ang pagkamalikhain napatataas ang tiwala sa sarili nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao nagkakaroon ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kapuwa at mapaglingkuran ang mga ito Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod: nagkakaroon ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay nabibigyan ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na maipagpatuloy ang Ang Subheto at Obheto ng Paggawa Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Ang subheto ng paggawa ay ang mismong tao. Esensiya Ng Tao Sa Mundo Ang paggawa ang daan tungo sa: Pagbuo ng tao ng kanyang pagkakakilanlan at kakayahan Pagkamit ng kaganapang pansarili Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ang Panlipunang Dimensiyong ng Paggawa Ang paggawa ay para sa kapwa at kasama ng kapwa. Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Dito lamang makakamit ang pagkakapatiran –ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan. Hindi ito nakabatay sa sa anumang pag-aari o yaman. Ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi; ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao. Bilang mag-aaral ng AHNS-Annex, paano mo inihahanda ang iyong sarili sa paglilingkod? Ano-anong paggawa ang inyong nasasaksihan sa inyong pamilya, paaralan o barangay? Paano ang mga ito nakakatulong sa pagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod? Ano ang gusto mo maging sa iyong paglaki? Ano ang gusto mo maging sa iyong paglaki?