UNANG-MARKAHAN_PAGSULAT-SA-PILING-LARANGAN PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This Tagalog document discusses the nature, process, and importance of writing. It covers different aspects of writing, including focusing on a topic, structuring text, composing drafts, reviewing and evaluating work, and sociological-cognitive perspectives on writing.
Full Transcript
Panimula Ang pagsulat ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya’t kaisipan sa kapwa. Ito ay isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat o inuukit sa papel. Ayon kay Arapoff (1975), ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na p...
Panimula Ang pagsulat ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya’t kaisipan sa kapwa. Ito ay isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat o inuukit sa papel. Ayon kay Arapoff (1975), ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan. Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao (Villafuerte, et.al, 2005). Ang Kalikasan ng Pagsulat Pagpopokus - Pag-iisip ng isang paksa at pagkalap ng mga impormasyon hinggil sa napiling paksa. Pag-iistruktura - Pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito ng mambabasa. Paggawa ng burador / draft – Isinusulat ito ng tuloy-tuloy at hindi kinakailangan matakot na magbura o magkamali. Dito isinasagawa ang patatama sa mga mali, pagdaragdag sa kulang o naiwang kaisipan at pagbabawas sa labis na naisulat. Muling Pagtingin - Ginagawa upang matiyak kung tama ba ang isinulat. Pagtataya / Ebalwasyon – Feedback o puna na makatutulong upang isaayos ang sulatin Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat Paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat na kinapapalooban ng sosyal at mental na aktibidad ng isang nagsusulat. Royo (2001). Ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Naipararating na kanyang mithiin, layunin at pangarap kung kaya’t higit na nakikilala ang sarili. Smith (1976). Ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon. Arapoff (1975). Ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan. Apat na Pangunahing Punto sa Proseso ng Pagsulat 1. Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat. 2. Hindi sumusunod sa iisang daan – hindi makasusunod nang maayos sa mga hakbang sa proseso ng pagsulat. 3. Ang anumang gawain ay naghahatid ng naiibang hamon.- Marami pang pangongolekta ng datos at pag-aanalisa bago makasulat. 4. Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat manunulat.- Ang istilo ng pagsulat ay patuloy na umuunlad habang lumalawak ang karanasan. Kahalagahan ng Pagsulat 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 3. Mahuhubog ang isipan sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t-ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat. Mga Layunin sa Pagsasagawa ng Pagsulat Ekspresiv Transaksyunal Pormal na paraan ng pagsulat na may tiyak Impormal na paraan ng pagsulat na target na mambabasa, tiyak na layunin at tiyak na paksa. Gumagamit ng unang panauhan Naglalahad ng katotohanan na (ako, kami, tayo, ko, akin, natin, namin) sumusuporta sa pangunahing ideya. Nagbibigay interpretasyon sa panitikan, nagsusuri, nagbibigay ng impormasyon, Ang sarili ang target nitong mambabasa nanghihikayat, nangangatwiran, nagtuturo o kaya’y nagbibigay impormasyon o mensahe sa iba. Karaniwang ginagamit ang ikatlong Personal na damdamin, saloobin, ideya at panauhan (siya, sila, niya, nila, kanya, paniniwala kanila) Malaya ang paraan ng pagsulat, hindi Hindi ito masining na pagsulat bagkus mahalaga ang gramatika, pagbabaybay ng ito’y naglalahad ng katotohanan na salita bagkus, mahalaga na mailabas kung sumusuporta sa pangunahing ideya ano ang naiisip at damdamin ng tao. Halimbawa: Balita, Artikulo, Talambuhay, Halimbawa: Dyornal, Talaarawan, Patalastas, Liham Pangangalakal o Pang- Personal na Liham, at Pagtugon sa Isyu. negosyo, Pananaliksik, Ulat Nakapaloob ang sariling karanasan ng manunulat, pala-palagay sa mga bagay-bagay Kontrolado ang paraan dahil may pormat o na nangyayari sa paligid. istilo ng pagsulat ang kailangang sundin. LAYUNIN: Maipahayag ang sariling pananaw, kaisipan at damdamin sa pangyayari. Mga Uri ng Pagsulat a. Malikhaing Pagsulat – Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling kuwento, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. b. Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. c. Teknikal na Pagsulat – Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. d. Propesyonal na Pagsulat – Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral mula sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. e. Dyornalistik na Pagsulat – Sulatin na may kinalaman o kaugnayan sa pamamahayag. f. Referensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa. Ang pagiging pormal, obhetibo, maliwanag, may paninindigan at may pananagutan ay ilan lamang sa mga katangian ng akademikong pagsulat. Katangian ng Akademikong Sulatin a. Pormal – Iwasan ang paggamit ng mga balbal at kolokyal na salita b. Obhetibo – Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala. Iwasan ang mga katagang batay sa aking pananaw o ayon sa aming opinion. c. Maliwanag at Organisado – May maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari o datos na bumubuo rito. Hindi dapat ito siasamahan ng mga kaisipang hindi makakatulong sa paksa. d. May Paninindigan – Mahalagang mapanindigan ang paksang nais bigyang pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang pabago-bago ng paksa. e. May Pananagutan – Ang mga ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na mabigyan ng nararapat na pagkilala. Mga Gamit / Pangangailangan sa Pagsulat Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat 1. WIKA - Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumula. (Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ng akda, komposisyon o pananaliksikna nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak at payak na paraan.) 2. PAKSA- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. (Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.) 3. LAYUNIN - Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. 4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT A. Impormatibo - Naglalayon itong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kaniyang pabor o pagkontra sa paksa. B. Ekspresibo – Naglalarawan ito ng damdaming personal, saloobin at paniniwala. Ang sariling karanasan at palagay sa mga bagay na nangyayari sa paligid ng manunulat ang nakapaloob dito C. Naratibo - isinusulat batay sa magkaka-ugnay at tiyak na mga pangyayari ayon sa pagkakasunod- sunod. Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga kaganapan. D. Deskriptibo - isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Ginagamit ang mga pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng manunulat. May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya, paniniwala at iba pa. Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan. E. Argumentatibo - ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag- uusapan. 5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP – Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuir ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. Maging lohikal upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. 6. KAALAMAN SA WASTONG PARAAN NG PAGSULAT - Isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan. 7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN - Kakayahang mailatag ang mga kaisipan sa isang maayos, organisado at masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang sa wakas. Pagsulat ng Abstrak Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak 1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay dito ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel. 2. Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figure o table sa abstrak. 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at ‘di dapat ipaliwanag ang mga ito. 5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin. 3. Buohin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama. 6. Isulat ang pinal na sipi nito. Pagsulat ng Sintesis / Sinopsis Ang sintesis ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang pananaliksik. Ito rin ang pagbubuo ng paglalahad sa iba’t-ibang paksa na nabasa o narinig. Kasama din dito ang pagsusuri ng mga datos na natuklasan ganoon din ang pagbuo ng kaalaman, konsepto o interpretasyon. Ang sinopsis / buod ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikling buod ito subalit malaman. Karaniwan itong ginagamit na panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at suliraning kinakaharap. 4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod 1. Basahing mabuti ang buong seleksyon at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan. 2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan. 3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon sa sinusulat. 5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal. 6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan at lalong maging mabisa ang isinulat na buod. Pagsulat ng Bionote Ang bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro at kadalasang may kasamang litrato ng awtor o may-akda ng nasabing aklat. Nagsasaad ito ng mga katangian o mga edukasyon at karangalang nakamit at nagawa ng sumulat ng nasabing aklat. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote 1. Sikaping maisulat ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangan maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap. 2. Magsimula sa pagbanggit ng personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes, itala ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging malinaw at obhetibo. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka. 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi nito. Memorandum Ang memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Ang layunin ng isang memorandum ay upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, o bagong usapin sa trabaho. Layunin din nitong magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. Kung minsan, ang memo ay nagbibigay babala sa isang partikular na sector o departamento, o kaya ay sa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Memorandum 1. Karaniwang binubuo ng Ulo at ng Katawan ang isang Memo. Ulo Para sa/kay- pangalan ng padadalhan Mula sa/kay – pangalan ng nagpadala Petsa- kung kailan sinulat at ipinaskil ang memo Paksa- pinag-uusapang impormasyon Katawan -dito inilalagay ang panimula at ang buod ng pinakamensahe ng memo. 2. Sa pagtukoy sa padadalhan o tagatanggap ng memo, dapat laging ilagay ang kaniyang buong pangalan. 3. Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga mambabasa ng memo. Mahalagang iakma ang tono, haba, at antas ng pormalidad nito sa mga magbabasa. 4. Tandaan na pormal ang memorandum, kaya ang gamit ng wika dito ay magalang at gumagamit ng pangatlong panauhan. Katawan ng Memorandum Pagsulat ng Panimula 1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod ng akisyong nais ipagawa sa kanila. Ito ang thesis statement ng memo, na siyang nagtataglay ng paksa at naglalahad kung bakit ito mahalaga. 2. Ilagay lamang ang impormasyong kailangan. 3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa ¼ ng kabuuang haba ng memorandum. Pagsulat ng Buod Ang ibinubuod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong nais ipagawa ng nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensiya bilang pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala. Sa isang napakaikling memo, hindi na kinakailangan ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na nasa gitnang bahagi nito. Pagsulat ng Adyenda Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ito ay tumutulong sa paghahanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng listahan ng mga aytem at isang malinaw na hanay ng mga layunin, at mga takdang oras na kailangan na tinatalakay sa pulong o miting. Kahalagahan ng Adyenda sa Isang Pulong Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng isang adyenda: 1. Ito ang nagsasaad ng mga sumusunod na impormasyon: a. Mga paksang tatakayin b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng paksa. c. Oras na itinakda para sa bawat paksa. 2. Nagtatakda ng balangkas ng pulong. 3. Nagsisilbing talaan o tseklist. 4. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi na maging handa sa gaganaping pulong. 5. Nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda 1. Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang pulong sa tiyak na paksa. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais bigyang pansin. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng adyenda o paksa ay nalikom na. Ilagay sa talahanayan o naka-table format kasama ang taong tatalakay at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Huwag kalimutan kung kailan at saan. 5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong. Mga Bahagi ng Adyenda 1. Heading 6. Mga Dadalo 2. Petsa 7. Paksang Tatalakayin 3. Lugar 8. Taong tatalakay 4. Oras ng Pulong 9. Oras ng Pagtalakay 5. Paksa ng Pulong Katitikan ng Pulong Mga Mahahalagang Papel sa Pulong Pinuno (Chairperson)- tinatawag ding “facilitator”, tagapatnubay o “meeting leader”. Sinisiguro na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar at nagpapahinto ng usapan sa pulong. Kalihim (Secretary) – tinatawag ding “recorder”, “minutes-taker”, o tagatala. Responsibilidad ang sistematikong pagtatala ng mga mapag-usapan at desisyon sa pulong. Tungkuling ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon at maging tuloy-tuloy ang pag-uusap. Mga Kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) – Ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang namumuna at gumagawa ng desisyon. Mga Dapat Iwasan sa Pulong 1. Malabong layunin sa pulong 2. Bara-bara na pulong 3. Pagtalakay sa napakaraming bagay 4. Pag-atake sa indibidwal 5. Pag-iwas sa problema 6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa 7. Masamang kapaligiran ng pulong 8. Hindi tamang oras ng pulong Mga Kasamang Nakagugulo sa Pulong 1. Mr. / Ms. Huli 2. Mr. / Ms. Umali 3. Mr. / Ms. Sira-Sirang Plaka 4. Mr. / Ms. Duda 5. Mr. / Ms. Iling- Laging Umiiling-iling 6. Mr. / Ms. Gana- Walang Gana 7. Mr. / Ms. Whisper- Bulungero 8. Mr. / Ms. Apeng Daldal-Daldalero 9. Mr. Tsismoso / Ms. Tsismosa 10. Mr. / Ms. Henyo- Masyadong Marunong 11. Mr. / Ms. Pal- Paalis alis 12. Mr. / Ms. Tang- Tagasunod o Tagatango