Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Kolonyalismo PDF

Summary

This document provides historical context of Philippine literature from the colonial period, detailing the arrival of Ferdinand Magellan, the introduction of Christianity and the subsequent imposition of the Spanish colonial government.

Full Transcript

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO KASAYSAYAN Taong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas Naganap ang unang misa sa Samar (Limasawa) bilang tanda ng pagtatagumpay nila Magellan na makayapak sa pulo na malayo sa kanilang...

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO KASAYSAYAN Taong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas Naganap ang unang misa sa Samar (Limasawa) bilang tanda ng pagtatagumpay nila Magellan na makayapak sa pulo na malayo sa kanilang bayan Ipinakilala nila Magellan ang Kristiyanismo sa mga katutubo ng Cebu Nabinyagan sina Datu Humabon at ang ilang mga kabig nito Hindi nakapamalagi sina Magellan sa kapuluan sapagkat buong giting na ipinaglaban ni Lapulapu ang kanilang paninindigan sa pulo Pinatay ni Lapulapu si Magellan noong 1521 Nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa pagdating nina Miguel Lopez de Legazpi at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu noong 1565 Sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas sa loob ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon Tatlo ang naging pangunahing layunin ng mga Kastila sa pananakop sa Pilipinas: ○ Palaganapin ang Katolisismo Upang ito’y maisakatuparan, isinagawa nila ang sumusunod: Sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo Pinalaganap nila ang tungkol sa kanilang pananampalataya Pinag-aralan ng mga prayle ang mga wika sa Pilipinas at sumulat sila ng mga gramatika at diksyunaryo sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas ○ Pagpapalawak ng kapangyarihan ○ Paghahanap ng mga pampalasa (spices), yamang-likas at mga hilaw na materyales upang tustusan ang mga pangangailangang pang-ekspedisyon Ang Pilipinas ay mula sa pangalan ni Haring Felipe II ng España bilang pagpaparangal sa kanya ni Ruy Lopez de Villalobos MGA PAGBABAGO SA PAMAMAHALA SA PILIPINAS Pinalitan ang mga dating barangay at ang namumuno sa Pilipinas ay isang Gobernador-Heneral na siyang kinatawan ng Hari ng España sa Pilipinas Nagkakaroon ng pagbabago sa pamahalaan batay sa kung sinong namamahala sa España samantalang ang mga prayleng namumuno sa simbahan sa kapuluan ay hindi napapalitan Ang mga prayle ang may hawak ng edukasyon ng mga bata na nagsisimulang magsipag-aral sa mga kumbento Hindi nagtagumpay ang mga isinagawang paghihimagsik dahil hindi nagkakaisa ang mga Pilipino sa kanilang mga layunin Mababasa sa kasaysayan ang mga paghihimagsik nina Tamblot , Dagohoy, Palaris, Diego Silang, atbp. MGA DAHILAN NG PAGHIHIMAGSIK Pag-aalsa bunga sa pansariling karaingan Pagtutol sa mga bagong institusyong pang-ekonomiya at panrelihiyon Pagkamkam ng lupa IMPLUWENSIYA NG KASTILA Ang baybayin na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Pilipino ay nahalinlan ng alpabetong Romano Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawaing makarelihiyon Ang wikang Kastila na naging wika ng panitikan ng panahong iyon Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Eureopeo rito sa Pilipinas na naging bahagi ng Panitikang Pilipino tulad ng awit, korido, Moro-moro at iba pa Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga lathalain KATANGIAN NG PANITIKAN May sarisaring kaanyoan at pamamaraan gaya ng mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarswela Ang paksain ay panrelihiyon Ang lalong nakararami sa akda ay huwad, tulad or halaw sa anyo, paksa ng tradisyong Kastila May dalawang katangian ng panitikan ○ Panrelihiyon Ang mga naunang akda na itinuro ng mga Kastila ay mga akdang panrelihiyon Sa mga akdang ito natutunan ng mga katutubo ang pananampalatayang Katolisismo Dito nila nakilala ang iba’t ibang Santo na kinikilala ng mga katolikong Pilipino hanggang sa kasalukuyan Halimbawa: Nuestra Señora del Rosario ○ Naglalaman ng talambuhay ng mga Santo at mga nobena ○ Ikalawang aklat na naipalimbag sa Pilipinas na isinulat ni Padre Blancas de San Jose ○ Pangkagandahang-asal Sa mga akdang ito natutunan ng mga Pilipino ang mga mabubuting asal na ayon sa mga Kastila ay kinalulugdan ng Diyos Naging malaki ang ginampanan ng mga akda na ito sapagkat gamit ang mga panitikan na tungkol dito ay unti-unting nabulag ang mga katutubo sa katotohanan Dahil sa mga akdang ganito, naging masunurin at mapagbigay ang mga Pilipino sa mga Kastila dahilan upang maabuso at maapi ang mga ito Halimbawa: Urbana at Feliza ○ Isinulat ni Padre Modesto de Castro ○ Naglalaman ng katipunan ng mga sulat ni Urbana at Feliza sa isa’t isa ○ Sa bawat liham ng magkapatid matututunan ang iba’t ibang mabubuting asal na dapat tinataglay ng isang Katoliko PAMAMARAAN, ISTILO AT WIKA Tula ○ Sa larangan ng panulaan, may lumabas na tinatawag na ladino, ito ay ang paggamit ng magkahalong Kastila at Tagalog sa akda. Kilala sa mga manunulat na ladino sina Fernando Bagongbanta, Tomas Pinpin at Pedro Suarez Ossorio ○ Sa panahon ng mga dalit at salmo nagsimulang magsulat ang mga prayle tulad nina Padre Alonzo de Sta. Ana (1617) na tinaguriang magaling na makata at Padre Pedro Herrera (1645) na tinaguriang “Horacio ng Wikang Tagalog” ni Padre Gaspar de San Agustin, na siya namang tinaguriang “Demosthenes ng Wikang Tagalog” Sa kanilang mga isinulat ay makikita ang katibayan ng pagpapalaganap ng kanilang wika bukod pa sa pagpapalaganap ng relihiyon Ang mga dalit nila ay may walong pantig sa bawat taludtod Tuluyan ○ Sa panahong ito lumabas ang tinatawag na mahabang tuluyan; hindi naman ito matatawag na nobela sapagkat kulang ng sangkap ng tunay na nobela ○ Masasabing ang mga ito ang pinag-ugatan ng nobela ○ Kabilang dito ang Urbana at Feliza na nasa anyo ng pagpapalitan ng liham ng magkapatid na Urbana at Feliza. Ganoon din ang Tandang Basio Macunat at Barlaan at Josaphat na isang nobela ngunit salin lamang buhat sa wikang Griyego Dula ○ Sa tahanan na dula Ginaganap ang mga duplo at karagatan, bugtungan at dulog o pamahinkan ○ Sa lansangan na dula Ginaganap ang panunuluyan o pananapatan, pangangaluluwa, tibag, santacruzan, moriones at hugas-kalawang ○ Sa tiyak na tanghalan Ginaganap ang moro-moro, karilyo, senakulo at sarswela MGA AKDANG PANRELIHIYON Ang mga aral ng Diyos ay naipaabot ng mga Kastila dahil sa kanilang mga panulat. Nakatulong nang malaki ang romansisasyon ng baybayin at ang paggamit ng palimbagan para na rin yumabong ang panitikang Pilipino Doctrina Cristiana ○ Ang kauna-unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas (1953) ○ Ang buong pamagat nito ay Doctrina Christiana en Lengua Espanyola y Tagala ○ Akda nina Padre Domingo Nieva at Padre Juan de Plasencia ○ Isa itong aklat na kinatitipunan ng mga dasal na nasulat sa wikang Kastila at nilapatan ng salin sa Tagalog ○ Naglalaman ng mga panalangin at panuntunan sa pananampalatayang Kristiyanismo ○ May sukat na 5” x 7” dali (inches) ○ Nagtataglay ng 87 na pahina ○ Nakapaloob sa aklat ang sumusunod: Sampung Utos Mga Utos ng Iglesia Pitong Kasalanang Mortal Ama Namin Aba Po Santa Mariang Hari Ang mga Sakramento Labing-apat na Kawanggawa Pagkukumpisal at Katesismo Ang Pater Noster Ave Maria Isang Palapantigan Ang Pasyon ○ Isang akdang nagalahad ng buhay, pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay na muli ni Hesukristo ○ Patungkol ito sa buong buhay ng Panginoong Hesus ○ Patula ang pagkakasulat nito ngunit paawit kung basahin ○ Nasalin ito sa iba’t ibang wika sa Pilipinas at nagsilbing pinaka-Bibliya noon ng mga Pilipino ○ Sinasabing apat na batikang manunulat ang nagsulat ng pasyon. Sila ay sina Padre Aquino de Belen (1704), Don Luis Guian (1750), Padre Mariano Pilapil (1814), Padre Aniceto dela Merced (1856) Sa kanilang apat, maituturing na pinakatanyag ang pasyon na isinulat ni Padre Mariano Pilapil sa dahilang nagustuhan ito ng mga Pilipino dahil may kalakip itong mga ilustrasyon at bawat kabanata ay sinusundan ng mga parangal ○ May dalawang anyo ang pasyon: Walong pantig sa bawat taludtod at binubuo ng limang taludtod ang bawat na saknong Halimbawa: Anim na araw ay bago Na nayari itong mundo Sampu ng gawin ng tao Nagtahan sa ikapito Itong Diyos na totoo Labindalawang pantig sa bawat taludtod at binubuo ng apat na taludtod sa bawat saknong Halimbawa: Ang Diyos ay Diyos kapagkaraka na Kapagkaraka na ay Tatlong Persona Sa Persona’y walang nahuli’y nauna Sapagkat ang tatlo ay Diyos na isa MGA DULANG PANRELIHIYON Ang Senakulo ○ Isang uri ng dulang panrelihiyon na pinakamanuskrito ay ang pasyon ○ Itinatanghal ito tuwing Mahal na Araw, madalas na nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos sa Biyernes Santo ○ Minsan ay umaabot ang pagtatanghal nito hanggang Linggo ng pagkabuhay ○ Kadasalang itinatanghal ito sa entablado o tanghalan ○ Minsan, ang ilang eksena nito ay ginaganap sa isang bukas na tanghala gaya ng sa mga lansanagan ng bayan lalo na ang eksenang pagpasan ng krus sa kalbaryo, dahil mahirap gawin ito sa limitadong espasyo ng tanghalan ○ May dalawang paraan ng pagtatanghal ng senakulo: Hablada Hablar, to speak Pasalita Cantada Cantar, to sing Paawit ○ Ayon kay Amelia Lapeña, sa aklat nina Suarez-Buensuceso, et al (1997), naging huwaran na ang ganitong pagkakasunud-sunod ng eksena s senakulo 1. Ang pagpasok ni Hesus sa Herusalem 2. Ang pagsisisi ni Maria Magdalena at ang paninibugho ni Hudas 3. Ang huling hapunan at ang paghuhugas ng paa ng mga Apostoles 4. Ang pagdurusa ni Hesus sa halamanan 5. Ang pagtatatuwa ni Pedro kay Hesus 6. Ang pagtatangka ni Hudas na ibalik ang labintatlong pirasons pilak at ang pagpapatiwakal niya 7. Ang paglilitis kay Hesus sa harap ni Pilato at Caipas 8. Ang pagtanggap ni Pilato sa liham ng asawa 9. Ang hatol ng kamatayan at ang paghuhugas ng kamay ni Pilato 10. Ang pagtatali kay Hesus sa poste at paghagupit sa kanya habang nagmamasid si Pilato mula sa bintana 11. Ang pagpasan ni Hesus ng Krus sa kalbaryo at sa daan ay ang pagsulpot ng mirakulo ni Veronica 12. Ang pagpapako kay Kristo sa krus sa pagitan ng dalawang magnanakaw at ang Siete Palabras (7 Last Words) 13. Ang pagbabalik ng paningin ni Longino habang si Kristo ay inaalis sa krus at ang pagtangis ni Maria 14. Ang pagbabantay sa libingan ni Kristo at ang muli niyang pagkabuhay ○ Hanggang sa kasalukuyang panahon ay itinatanghal pa rin ang senakulo, dumarayo sa iba’t ibang lugar ang mga senakulista upang itanghal ito sa mga bayan-bayan Tibag ○ Dulang panrelihiyong itinatanghal tuwing buwan ng Mayo sa Bulacan, Bataan, Rizal, Nueva Ecija at Bicol ○ Ang pananalita ay patula ngunit hindi nangangailangan ng sukat at tugma ○ Paraan ng pagsasadula Gumagawa ng tatlong bundok, sa plasa at sa mga bundok na ito ibinabaon ang isang krus na kumakatawan sa krus na pinagpakuan kay Hesus. May mga bahay na namamahala sa tatlong bundok na pupuntahan ng nagtanghal sa entablado na siyang bubuwagin Itatanghal ito pagsapit ng ikatatlo ng hapon at pinangungunahan ni Haring Constantino, ina niyang si Santa Elena at mga kawal ang paghahanap at pagbubuwag ng mga bundok Itatanghal sa entablado at ang aktuwal na paghahanap ay magaganap sa ibaba ng entablado. Ang mga ginaganap sa entablado’y ang paglalaban ng mga bininyagan at di-bininyagan Sa pagwawagi nina Haring Constantino, masasakop niya ang bayan at may laya na silang maghanap ng krus na kinamatayan ni Kristo ○ Batay sa aklat nina Casanova, et al., sa ikatlong bundok matatagpuan ang krus at mga masasayang tula at awitin ang maririnig dito ○ Kapag nahukay ang ang krus, magpuprusisyon sila hanggang sa simbahan at mag-aawitan ng kantahing panrelihiyon na susundan ng paglagak sa krus sa simbahan o kapilya Pangangaluluwa ○ Halimbawa ng dulang panlansangan ○ Ginaganap ito tuwing bisperas ng Todos Los Santos/Undas o sa mismong araw ng Undas ○ Karaniwang nagsisimula ang pangangaluluwa pagdating ng dilim at nagtatapos sa hatinggabi ○ Nagbabahay-bahayan ang mga nangangaluluwa at umaawit sila tungkol sa daing ng mga kaluluwang namatay ○ Ito’y isinasagawa para gunitain ang namayapang ninuno at kapamilya ○ Isang paraan din ito ng pakikipag-ugnayan ng taong buhay sa mga namatay, na bahagi ng ritwal ng Kristiyano ○ Ang kabahayan na inaawitan ay nagbibigay ng pagkain o pera. Ang perang kinikita ay magiging pondo na maaring magamit sa pagpapaayos ng simbahan at iba pa Moro-Moro/Komedya ○ Anyo ng dula na dala ng mga Kastila sa Pilipinas ○ Ang mga karakter ay Kristiyano na inilalarawang mabait at tahimik at Muslim na inilalarawang matatapang at magugulo ○ Ang banghay sa moro-moro ay umiikot sa lalaking Muslim na iniibig at sasagutin ng babaing Kristiyano ○ Ang magulang ng babae ay hindi sang-ayon dito, magpapakasal lamang ang babae kung ang lalaki ay magpapabinyag bilang Kristiyano at kung hindi ito masusunod ay magkakaroon ng sagupaan sa dalawang hukbo Panuluyan ○ Dulang panrelihiyon ng mga Tagalog na isinasadula sa lansangan ○ Ginaganap ito tuwing bisperas ng pasko ○ Sa pagsasadula, ipinapakita rito ang paghahanap ng matutuluyan ng mag-asawang Birheng Maria at San Jose sa Bethlehem ○ Sa Sabsaban sila humuntong dahil walang sinumang nagpapatuloy sa kanila at dito ipinanganak ang Panginoong Hesus ○ Naging huling tagpo sa pagsasadula ang eksenang pagsamba ng tatlong hari sa batang si Hesus na nagsipaghandog ng regalo Flores de Mayo ○ Pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria Niños Inocentes ○ Nauukol sa pagpaslang sa mga bagong silang na paslit sa utos ni Haring Herodes Salubong ○ Ginagawa sa Araw ng Linggo ng Pagkabuhay Moriones o Morion ○ Pag-alala sa buhay ni Longinus, isang di-nanalig kay Kristo at isang bulag na Romano Karilyo ○ Puppet show Panubong ○ Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan Karagatan ○ Nauukol sa alamat ng singsing Duplo ○ Paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran na patula Sarswela ○ Dulang musikal Bulaklakan ○ Mimetikong laro na ginagawa kapag may pasiyan/bilasyon, ang mga lalaki’y pinapangalanan ng prutas/gulay samantalang ang babae’y bulaklak naman Lagaylay ○ Tradisyon ng mga taga-Sorsogon Huwego de Prenda ○ Mimetikong laro na ginagawa kapag may pasiyan/bilasyon (ginagamitan ng kandila) Pananapatan ○ Ginagawa tuwing Mahal na Araw AKDANG PANLIBANGAN Ang tulang pasalaysay ay kadalasang naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig at pagkabigo, tagumpay mula sa kahirapan. Inilalahad rin nito ang kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma Sa panitikang Pilipino, ang tulang pasalaysay ay nahahati sa uring epiko, awit, at korido Ang awit at korido ay dala ng mga Kastila buhay sa Europa. Taglay nito ang mga paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng mga hari, prinsipe, duke, reyna at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo Awit ○ Binubuo ng labindalawang pantig sa loob ng isang taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong ○ Katulad ng tradisyunal na tula, ang awit ay may tugma ○ Madalang o andante ang musika, mabagal ang pagtugtog ○ May kaligirang Europeo subalit bunga lamang ng haraya ng may-akda ○ Kadalasang paksa nito ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay ○ Pinakamagandang halimbawa ng uring ito ay ang “Florante at Laure” ni Francisco Balagtas Baltazar Korido ○ Ayon kay dela Costa sa Cassanova et. al (2001), ang korido ay awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng gitara katulad ng pandanggo ○ Ang salitang corrido ay binalbal lamang mula sa salitang Mexicano na “occurido” na ang ibig sabihin ay isang pangyayaring naganap ○ Kadalasang pinapaksa nito ang pananampalataya, alamat at kababalaghan ○ Sa Pilipinas, ang mga korido ay hinggil sa mga alamat at di-kapani-paniwalang kasaysayan na ang buod at paksa ay nababatay sa mga naganap sa Europa ○ Dagdag pa ni Rubin et. al (2001), ang korido ay nagsasaling-bibig lamang kaya hindi batid kung sino ang may akda ○ Katulad ng awit, ang korido rin ay may sukat at tugma ○ Ang korido ay may walong pantig sa loob ng isang taludtod ○ Musika’y mabilis o allegro ○ Isa sa pinakasikat na akda na maibilang sa korido ay ang “Ibong Adarna” MGA NILALAMAN NG AWIT AT KORIDO Imbokasyon Paghingi ng paumanhin Matanda na sumusubok ng katangian ng tauhan May hinahanap na panlunas Mahika Di-karaniwang katangian Sagisag ng kabalyero; Bathala, babae, at bayan IBONG ADARNA Ang buong pamagat nito ay Buhay at Corrido ng Tatlong Principeng Magcacapatid na Anak ng Haring Fernando at Reyna Valeriana sa Cahariang Berbanya Hindi sigurado kung sino ang may-akda ng Ibong Adarna, ngunit may ilan na nagsasabing ang may-akda ay si Huseng Sisiw o si Jose de la Cruz Ang kwento ng Ibong Adarna ay umiikot sa mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Don Juan upang mahanap ang ibon at madala sa kanyang ama upang magamot ito

Use Quizgecko on...
Browser
Browser