Modyul-1.pptx
Document Details
Uploaded by CelebratoryBluebell
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Gamit Ng Wika PDF
- 001.11-KPWKP.pdf - Centro Escolar Integrated School - Tagalog Document (PDF)
- Introduksyon sa Komunikasyon (FIL01 - CO1.1) - Mapúa University PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
- Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) MODYUL #1 Mga Layunin Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika: 1. Nagagamit ang kaaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong...
Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) MODYUL #1 Mga Layunin Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika: 1. Nagagamit ang kaaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. 2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Mga Layunin 3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. 4. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. WIKA Kahulugan at Kabuluhan ng Wika Wika - ginagamit ng tao para makipag- uganayan sa kanyang kapwa. -ang wika ay isa sa mga mahahalagang instrumento sa pakikipagatalastasan ng tao upang maipahayag niya kung ano ang nais niyang ipahayag sa kanyang kapwa. - ito rin ang sumasalamin sa kultura ng isang tao kung ano ang kanyang kinamulatan o kinalakhan. Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. gumawa ng tore Ginawa ng Diyos na pagbaha sa para maabot ang magkakaiba ang wika panahon ni kaharian ng Diyos ng bawat isa, hindi na Noah magkakaintindihan at Nimrod naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. Teorya ng Wika Teoryang Bow-wow - ang teoryang ito ay nabuo dulot ng mga tunog na nililikha ng kalikasan. Halimbawa nito ay pagtilaok ng manok, pag-ihip ng hangin. Teorya ng Wika Teorya ng Ding-dong - Sinasabi na ang teoryang ito ay nabuo dulot ng mga tunog na kumakatawan sa mga bagay sa kapaligiran. Halimbawa nito ay pagbusina ng tren, tunog ng orasan. Teorya ng Wika Teoryang Pooh- Pooh - sinasabi na ang tao ang siyang mismong gumagawa ng kahulagan sa mga tunog na kanyang nalilikha batay sa kanyang nadarama. Halimbawa nito ay pagdadalamhati, pag-iyak. Teorya ng Wika Teoryang Yo-he-ho - teoryang nagsasabi na ang tao ay nakakabitaw ng mga salita kapag ito ay gumamit ng pisikal na enerhiya. Halimbawa nito ay panganganak o pagluluwal ng isang babae ng kanyang anak mula sa kanyang sinapupunan. Teorya ng Wika Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay -teoryang sumasaklaw sa mga tunog na nalilikha mula sa mga ritwal at pag-usal ng mga salita na nabigyan ng kahulugan kalaunan. Halimbawa nito ay , pagpapakasal, pag-aalay. Teorya ng Wika Teoryang Ta-ta -ito ang teorya na kung saan ang kumpas o galaw ng kamay ng tao ay ginagawa upang magpaalam.. MGA KATANGIAN NG WIKA MALIKHAIN at Dinamiko NATATANGI KOMUNIKASY LEBEL sinasabi na ang wika ON o ang bawat wika ay dinamiko kapag ANTAS ay naiiba o ito ay patuloy na namumukod nagbabago, dahil sa taglay dumarami at ·ang tunay ang wika ay nitong nadadaragdagan. na wika ay maaring katangian. palaging pormal na ginagamit sa sinasalita o di pakikipagtala pormal. stasan. Depinisyon ng Wika Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang Gleason kultura.” (1961) “Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di Finnocchiaro kaya’y makipag-ugnayan.” (1964) “Ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa Sturvant komunikasyong pantao” (1968) “Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuong mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga Hill klase at padron na lumilikha at simtrikal na estruktura. (1976) “Ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at Brown natatamo ng lahat ng tao.” (1980) “Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag.” Bouman (1990) “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Webster (1990) Ano ang wika? Binigyang kahulugan ni Henry Gleason ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga bnibigkas na tunog na pinipilo at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura. Ano ang wika? Ang salitang wika ay nagmula sa salitang “lengua” na ibig sabihin ay dila at wika. Mga Katangian ng Wika 1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita (speech apparatus) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagsisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala. ― Irene M. Pepperberg 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon (Rubin, 1992). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbibigay dito ng kolektibong pagkakakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. Ito ang dahhilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bigkas sa mawaming wika subalit magkakaiba ng kahulugan. 4. Ang wika ay dinamiko, upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita ng mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. 5. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan mula nitong matutong kumilala ng tunog (ponolohiya). Itinuturing na makabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng tunog upang makabuo ng maliit na yunit ng salita (morpolohiya). Ang pagsasama-sama ng salita upang makabuong payak na pahayag o pangungusap ang tinatawag na sintaks o palaugnayan. 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa. 7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla sa buhay. Kailangang kaingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad. Wakas ng Modyul 1 Inihanda ni Bb. Charish Joy V. Magdato