MODULE 8 (Agham Panlipunan) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document appears to be a lecture module or presentation on Filipino social studies, focusing on different aspects of the social sciences. The module is titled MODULE 8 (Agham Panlipunan) and covers topics like the basics of social sciences, and different disciplines related to social studies like sociology. It likely covers specific areas like human behavior, geography and political science
Full Transcript
Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIK) Nina Dr. Pamela Constantino Dr. Galileo Zafra Aralin 7 Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Pagsulat sa Laranganng AghamPanlipunan: Pagkikritik Ang pundamental na konsepto ng Agham Pan...
Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIK) Nina Dr. Pamela Constantino Dr. Galileo Zafra Aralin 7 Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Pagsulat sa Laranganng AghamPanlipunan: Pagkikritik Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na pareho ng esensiya ng ENERHIYA na pundamental na konsepto ng Pisika. – Bertrand Russel Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay lubhang mapauunlad ng mas malalim na pag-unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos. – Nicholas A. Christakis Layunin Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Makilala ang Agham Panlipunan bilang disiplina; 2. Maisa-isa ang disiplina sa ilalim ng Agham Panlipunan; 3. Matukoy ang katangiang sulating pang- Agham Panlipunan; at 4. Maisa-isa ang proseso ang pagsulat ng isang kritik pang-Agham Panlipunan. Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao— kalikasan, mga gawain, at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan. Kaiba ito sa larangan ng Humanidades na tumatalakay sa mga sinaunang kaugalian at sa katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal. Humanidades vs. Agham Panlipunan Tao at kultura ang sakop ng pag-aaral at paksa ng Humanidades gayundin ng Agham Panlipunan. Ngunit kaiba sa Humanidades, ang Agham Panlipunan ay itinuturing na isang uri ng siyensiya o agham. Humanidades Agham - ispekulatibo, Panlipunan analitikal, kritikal, - Siyentipiko (iba- at deskriptibo iba depende sa disiplina) Humanidades vs. Agham Panlipunan Gayunpaman, sa pangkalahatan, kuwantitatibo, kuwalitatibo, at istatistikal ang paraan ng pagkuha ng datos nito. Gumagamit din ito ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondaryo. Dayakroniko (Historika) at Sinkroniko (Deskriptibo) rin ang pagsusuri o metodolohiya rito. Humanidades vs. Agham Panlipunan Nagsimula sa kanluraning pilosopiya ang Agham Panlipunan noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Ito ang itinuturing na moral na pilosopiya ng panahon. Malaki ang naging impluwensiya ng Rebolusyong Pranses (1789 – 1799) at Rebolusyong Industriyal (1760- 1840) sa Pagkakabuo ng larangam ng Agham Panlipunan. Humanidades vs. Agham Panlipunan Sumulpot ang republika at demokratikong mga gobyerno dahil sa pagkakabuwag ng mga monarkiya, aristokrasya, at piyudal na mga estado. Katuwiran, indibiduwalismo, at kaalaman sa halip na tradisyon, pananampalataya, at pamahiin ang pinairal sa lipunan sa panahong ito. Kinilala sina Diderot, Francis Bacon, Rene Descartes, John Locke, David Hume, Isaac Newton, Benjamin Franklin, Thomas Jefferson, Karl Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 1. Sosyolohiya (Dalub-ulnugan) – pag-aaral ng mga panlipunang paguugaling tao, mga hulwaran ng panlipunang kaugnayan, panlipunang pagkapakikiugnayan, mga aspetong kasama ng kalinangan sa pang-araw-araw na buhay, at alituntunin ng lipunan at mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao hindi lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang kasapi ng mga samahan, pangkat, at institusyon. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 2. Sikolohiya (Dalub-isipan) – Kalakip sa sikolohiya ang pag-aaral ng kababalaghang may malay at walang malay, pati na rin ang damdamin at pag-iisip. Gumagamit din ito ng empirikal na obserbasyon. 3. Lingguwistika – Pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 4. Antropolohiya – Pag-aaral ng mga tao o pag-aaral sa lahi ng tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant observation o ekspiryensiyal na imersiyon sa pananaliksik. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 5. Kasaysayan – Pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari dito upang maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito. 6. Heograpiya – Pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito, kasama na ang epekto nito sa tao. Mga metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa mga pananaliksik dito. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan 7. Agham Pampolitika – Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso, at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at empirikal na pag-aaral. 8. Ekonomiks – Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan pag-aaral, 9. Area Studies – Interdisiplinaryong kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heograpikong lugar. 10. Arkeolohiya – Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monumento kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao. 11. Relihiyon – Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan. Pagsulat sa Agham Panlipunan *simple anyo *impersonal *madalas ay *direkta mahaba dahil sa *tiyak ang tinutukoy presentasyon ng *argumentatibo mga ebidensya *nanghihikayat ngunit sapat upang *naglalahad mapangatwiranan ang katuwiran o *di-piksyon ang tesis. Mga Anyo ng Sulatin *report *balita *sanaysay *editoryal *papel ng *talumpati pananaliksik *adbertisment *abstrak *proposal sa *artikulo pananaliksik *rebyu ng libro o *komersiyal sa artikulo telebisyon *biyograpiya *testimonyal Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik Proseso: a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas. b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. e. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa tesis. Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagkikritik f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko. g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas) angkop, sapat, at wastong paraan ng pagsulat. h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may akda.