Manwal at Liham-Pangnegosyo.pptx
Document Details
Uploaded by RoomierCypress
Tags
Full Transcript
MANWAL AT LIHAM- PANGNEGOSYO MANWAL Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging p...
MANWAL AT LIHAM- PANGNEGOSYO MANWAL Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa. Mahalagang bigyang halaga ang nilalaman ng manwal, kung ano ang pangunahing paksang tinatalakay nito. Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung tungkol saan ang manwal. Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang nagtataglay rin ito ng panimula upang maipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng manwal. Karaniwan ding makikita sa huling bahagi ng mga manwal ang apendise na naglalaman ng mga susing salita o karagdagdang impormasyon tungkol sa nilalaman nito sakaling nais balikan ng mambabasa. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho. Sinasabing sa pagsulat ng manwal, nakapokus ito sa mambabasa. Kinakailangang matiyak na madaling nauunawaan ng mga mambabasa ang mga inilalahad sa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa pagsunod sa mga nakasaad dito. URI NG MANWAL USER MANUAL User Manual na kilala rin bilang instruction manual, user guide o owner’s manual na isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago gamitin. Ilang halimbawa ng mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga iyon. Maaaring tingnan ang halimbawa sa bibliyograpiya ng reader tungkol sa gabay sa paggamit ng Nokia 2310 para sa isang halimbawa ng user manual. URI NG MANWAL Employees’ Manual o Handbook Employees’ Manual o Handbook o ang mga itinakda para sa mga empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang halimbawa nito ay ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o students’ manual. MGA BAHAGI NG MANWAL 1. Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal. 2. Talaan ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay. 3. Pambungad- naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal. 4. Nilalaman- tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay, pamamaraan at/o alituntunin. 5. Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala atbp. PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na may nais iparating sa pagpapadalhan ng liham. Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang layunin nito kung kaya’t maraming iba’t ibang uri ng liham. Isa na rito ang liham pangnegosyo. Sa pagsulat ng liham pangnegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging isang liham kahilingan, liham paguulat, liham pagkambas, subskripsiyon, pagaaplay, pagtatanong, atbp. Mahalagang bigyang halaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at ang iba’t ibang bahagi nito. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho. LIHAM APLIKASYON- layunin ng ganitong uri ng liham na matanggap sa trabahong inaaplayan. LIHAM SUBSKRIPSYON- ang ganitong uri ng liham ay nagsasaad ng pagbili ng mga babasahin mula sa mga tanggapan ng pahayagan, magasin, at komiks na siyang magiging supply ng kompanyang sumulat ayon sa hiniling o napag-usapan ng sumulat at ng publikasyon. LIHAM SUBSKRIPSYON- ang ganitong uri ng liham ay nagsasaad ng pagbili ng mga babasahin mula sa mga tanggapan ng pahayagan, magasin, at komiks na siyang magiging supply ng kompanyang sumulat ayon sa hiniling o napag-usapan ng sumulat at ng publikasyon. BAHAGI NG ISANG LIHAM PANGNEGOSYO 1.Pamuhatan- dito nakasaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito sinulat. 2.Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito. 3.Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham 4.Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham 5.Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang liham 6.Lagda- pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham Dalawang Pangunahing Pormat ng Liham 1.Anyong Block (Block Form)- Lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan. 2.Anyong may Indensiyon (Indented Form)- Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at pamitagang pangwakas. Mga Katangiang Dapat taglayin ng mabisang Liham Pang- negosyo 1. Malinaw ngunit magalang – kailangan malinaw ang layunin at maingat ang panananlita sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan na maging personal angpakikipag -usap sa liham. 2. Maikli ngunit buong – buo – maging tiyak sa gamit ng mga salita. Hindi dapat na maging mahaba ang liham pang – negosyo dahil may tungkulin at transaksyon na nakapaloob dito na nangangailangan ng agarang aksyon 3. Tiyak – Dapat tiyak at tama ang mga detalye na isusulat sa liham pang – negosyo. Beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin 4. Isaalang – alang ang kapakanan ng kapwa – iwasang may mapahamak na tao o may pangalang masira 5. Wasto ang gramatika – nararapat na tama ang paggamit ng mga salita sapagkat ang maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng ibang pakahulugan at kalaunan ay hindi pagkakaunawan sa nilalaman at mensahe ng liham. Tiyakin din na tama ang pagkakabuo at pagkakasunod – sunod ng mga pangungusap para sa tamang pag – unawa ng mambabasa 6. Maganda sa paningin – maging malinis at siguraduhing walang bura o alterasyon sa anumang bahagi ng liham at dapat wala rin itong anumang dumi. Dapat maayos ang format, ito man ay block o indented Gawain. Panuto: Bumili ka ng bagong printer sa isang shop. Pagdating mo sa bahay ay nalaman mong depektibo pala ang nabili mong printer. Gumawa ka ng liham na naglalaman ng iyong reklamo tungkol sa binili mong produkto na may depekto. Ipadala mo ito sa ahensya na nangangalaga sa karapatang ito. Ang gagamiting pormat sa paggawa ng liham ay nasa anyong block. Ang iyong nagawang liham ay mamarkahan base sa Nilalaman (35) Organisasyon (10) Paggamit ng wika (5) Kabuuan (50)