Full Transcript

Literatura ng Pilipinas Mabalangkas ang kasaysayan ng literatura ng Pilipinas. Matukoy and iba’t-ibang anyo ng literatura na gawa ng mga manunulat sa Tagalog at iba’t-ibang rehiyon Magpakita ng kakayahan na magbigay kahulugan at magsuri ng mga teksto Maipaliwanag at madalumat ang iba’t-ibang tema,...

Literatura ng Pilipinas Mabalangkas ang kasaysayan ng literatura ng Pilipinas. Matukoy and iba’t-ibang anyo ng literatura na gawa ng mga manunulat sa Tagalog at iba’t-ibang rehiyon Magpakita ng kakayahan na magbigay kahulugan at magsuri ng mga teksto Maipaliwanag at madalumat ang iba’t-ibang tema, paksa, estilo, at ang kaugnayan nito sa iba’t-ibang panahon ng panitikan sa Pilipinas. Ang Literatura sa Pilipinas Sumasaklaw sa pasalita o pasulat na pagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, at mga kapaniwalaang panrelihiyon, ang mga adhikain, ang mga pangarap—mula pa sa bukangliwayway ng kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan. Maaaring naisulat o naisalimbibig sa iba’t-ibang wikain sa Pilipinas o mga salin sa panitikang banyaga o naisulat ng Filipino sa wikang dayuhan. Dalawang Anyo ng Panitikan Tuluyan—nasa anyo ng karaniwang pagpapahayag—malaya at madaloy na pagbuo ng mga salita. Halimbawa: maikling katha, kathambuhay o nobela, dula, salaysay, talumpati, talambuhay o biography, ulat, sanaysay, atbp. Patula—mga pahayag na nagtataglay kadalasan ng sukat at tugma sa mga pantig ng taludtod o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa isang taludtod samantalang ang tugma ay ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. Mayroon ding mga tula na may sukat at walang tugma (blank verse) at mayroon pa ring walang sukat at walang tugma (free verse). Mga Uri ng Tula 61 Tulang Liriko—mahimig, may musika, at puno ng damdamin Kantahin—binubuo ng mga payak na salita at sukat Oda—may marangal na uri at matinding damdamin, at karaniwang isang apostrophe o patungkol-sabi sa isang kaisipang binigyan ng personipikasyon, o pagpapahayag ng pangmadlang damdamin sa isang mahalagang pangyayari. Elehiya—nagpapahayag ng pagninilay sanhi ng isang pangyayari o guniguni hinggil sa kamatayan Soneto—may labing-apat na taludtod at may iba’t-ibang kahatian Tulang Salaysay—pagsasaad ng isang pangyayari na maaaring totoo o guniguni Epiko—mahabang salaysay tungkol sa kabayanihan ng bida, kung minsa’y hango sa mga karaniwang pangyayari ngunit kadalasa’y ukol sa mga di karaniwang tao na may pambihirang katangian. Awit at korido—karaniwang pagsasalaysay ng kagitingan, pagkamaginoo, at pakikipagsapalaran ng mga prinsipe’t prinsesa, ng mga kabalyerong mandirigma sa layuning pagpapalaganap ng relihiyong Kristiano. Karaniwang tulang salaysay—tungkol sa mga karaniwang takbo ng buhay at maaaring mga nobelang isinasalaysay na patula lamang. Hal. “Ang Lumang Simbahan” (Collantes), “Ang Panggigera (Santos) Tulang Pandulaan—itinatanghal at ang mga tauhang gumaganap ay may kani-kaniyang bahaging binibigkas nang patula. Saynete—“La India Elegante y El Negrito Amante” Melodrama—“Plaridel” (j. Sevilla), “Katipunan” (G.B. Francisco) TOMING: Uban, kung ibig mo sana, / dinggin mo kung mabuti na ang itatapat kong kanta / kay Menanggeng aking sinta. UBAN: Kanta yata sa ambahan / di ko na ibig pakinggan. TOMING: Marikit na kantang bayan / bago kong pinag-aralan UBAN: Baya! Kantahin mo agad, / totohanan ko ng lundag Mahiwalay man sa kumpas / A magagamot na ng tuwad. “La India Elegante y el Negrito Amante” – Francisco Baltasar stila. Binubuo ito ng apat na taludtod na may sariling pantigan. Mga Uri ng Akdang Tuluyan Ang nobela o kathambuhay—nagtataglay ng maraming likaw ng mga tagpo at sumasaklaw sa mahabang kawing ng panahon Nobelang makabanghay—binibigyan diin ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari 62 Nobela ng tauhan—mga hangarin at pangangailangan ng mga tauhan ang nangingibabaw Nobela ng kasaysayan—nasasalig sa kasaysayan ang ibinubuhay Nobela ng layunin—nagbibigay diin sa mga simulain at mga layuning mahahalaga sa buhay ng tao Nobelang masining—mahusay na pagkakatalakay at pagkakahanay ng mga pangyayari Maikling Kuwento—maiksi, may sadyang pangunahing tauhan at may kaisahang kintal sa isipan ng bumabasa Salaysay o sketch—hindi nagmamalabis bagamat masaklawa, timbang na timbang ang mga bahagi Kuwento ng katutubong kulay—binibigyan diin ang tagpuan, kapaligiran ng isang pook, pamumuhay at kaugalian ng mga tao Kuwento ng madulang pangyayari—pangyayari ay kapansin-kapalaran ng mga tauhan Kuwento ng pakikipagsapalarang maromansa—ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan Kuwento ng kababalaghan—mga bagay na hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan, at karanasan Kuwento ng katatawanan—kahawig lamang ng isang salaysay kaysa isang tunay na maikling kuwento Kuwentong sikolohiko—ang tauhang nasa harap ng isang pangyayari o kalagayan ay inilalarawan sa mga pag-iisip ng mga mambabasa Kuwento ng tauhan—binibigyang diin ang tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento Kuwento ng katatakutan—damdaming makapigil hininga ang pinupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa Kuwento ng talino—ang mahusay na pagkakabuo ng balangkas ang umaakit sa kawilihan ng mga mambabasa Dula—ang kaisipan ng sumulat ay inilalagay sa bibig ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan o dulaan Trahedya—nagtataglay ng mahigpit na tunggalian, ang mga tauha’y may mapupusok at masisidhing damdamin at humahantong sa pagkapahamak at pagakasawi ng pangunahing tauhan o ng iba pang mga tauhan Komedya—Masaya at nagwawakas ng kasiya-siya sa mga manonood Melodrama—may malungkot na sangkap ngunit nagwawakas na kasiya-siya at Masaya para sa mabuting tauhan ng dula Parsa—may layuning magpatawa sa pamamagitan ng kawili-wili na mga pangyayaring nakakatawa at mga bukambibig at pananalitang katawa-tawa Saynete—ang paksa ay naglalarawan ng mga karaniwang ugali Alamat—kathang ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan subalit ang ibang pangyayari’y likhang isip na lamang ng maykatha Pabula—kuwento na may tauhang mga hayop at may layuning makapagbigay aral sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan. 63 Sanaysay—isang anyo ng paglalahad na kinapapalooban ng pangmalas, pananaw, pagkukuro at damdamin ng may-akda. Talambuhay—kasaysayan ng buhay ng isang nilikha: (1) talambuhay na pang-iba, (2) talambuhay na pansarili Talumpati—salaysaying inihanda upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handing making Bahaging Saklaw ng Panitikang Filipino Panahon ng Katutubo / Bago Dumating ang Mga Kastila (mula simula hanggang 1565) Panahon ng Kuwentong-Bayan Kuwentong bayan (folklore) Mito- simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, diyos at diyosa Alamat—1) etiological nagpapaliwanag kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook, 2) non-etiological nauukol sa mga dakilang tao at sa pagpaparusa ng malaking kasalanan. Hal. aswang, tikbalang, engkanto Salaysayin (folktales—Juan Tamad, Pilandok Pabula (fables)—“Ang Pagong at ang Matsing” Kantahing-bayan Oyayi o holoborin—awit pampatulog ng sanggol Diona o ihiman—awit pangkasal Soliranin o talindaw—awit pamamangka Kundiman—awit ng pag-ibig Tagumpay, kumintang o tikam—awit-pandigma Karunungang-bayan Bugtong at palaisipan Salawikain at kasabihan Bugtong Salawikain Langit sa itaas, Ang kalabaw na apat Langit sa ibaba, ang paa, nadudulas pa. Tubig sa gitna. Ang unti-unting patak, Bongbong kung liwanag, Sa bato nakaaagnas. 64 Kung gabi ay dagat. Itinanim ng gabi Sa umaga inani Madali maging tao, Mahirap ang magpakatao Bulong—ginagamit na pangkulam o pang-engkanto Panahon ng Epiko Microepic—kumpleto at maaaring matapos sa isang upuan lang Macroepic—ipinakikital lamang ang partikular na bahagi, nag-iisang awit Mesoepic—maraming masalimuot na insidente Epiko ng mga Kristiano: Lam-ang, Ibalon, Labaw Donggon Epiko ng mga di-Kristiano—Alim, Tuwaang, Darangan, Agyu, Sandayo, Bantugan Panahon ng Kastila / Pagpasok ng Kristyanismo (1565-1872) Panahon ng Panitikang Pansimbahan Dalit—iba’t-ibang santo’t santa ang pinagdadalitan Nobena—katipunan ng mga panalangin na kailangans ganapin sa loob ng 9 na araw Buhay ng mga santo’t-santa Akdang pangmagandang-asal Panahon ng Awit at Korido Awit at korido 65 Awit—binubo ng 12 pantig sa loob ng isang taludtod, apat na taludtod sa isang taludturan. Ang musika’y madalang o andante. Ang paksa ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay. Korido—ang sukat ay walong pantig sa loob ng taludtod. Ang musika ay mabilis o allegro. Ang paksa’y pananampalataya, alamat o kababalaghan. Pasyon—Gaspar Aquino de Belen, Don Luis Guian, Padre Mariano Pilapil, Padre Aniceto de la Merced Tulang pang-aliw “Arte Poetico Tagalo” Tuluyang pang-aliw Barlaan at Josaphat Mga Buhok na Nangungusap Tandang Basio Macunat Dulang pang-aliw Duplo—tagisan ng talino ng dalawang pangkat sa pamamagitan ng pagtula at ang mga kaisipang taglay ng berso ay kadalasang buhat sa mga awit, korido, salawikain, at kasabihan. Karagatan—mimetikong laro batay sa alamat ng bisang prinsesang sa hangad na makaisang dibdib ang binatang mahirap na kanyang iniibig ay inihulos sa dagat ang kanyang singsing upang sisirin ng lahat ng kanyang manliligaw Pangangaluluwa— Tibag—paghahanap at paghukay sa krus na pinagpakuan kay Kristo Santacruzan—marangyang parada ng mga sagala na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa Bibliya Moro-moro o komedya—paglalaban ng mga Kristiyano at mga Muslim Karilyo—binubuo ng mga papet na nilikha buhat sa ginupit na mga karton at pinagagalaw sa harap ng putting tabing kung saan makikita ang mga anino ng papet bunga ng ilawan sa likod ng talon Senakulo—pagsasadula ng buhay at kamatayan ni Hesus Panunuluyan—ang paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose Salubong—pagsalubong ni Maria at ng muling nabuhay na si Hesus Sarswela—dulang musikal, binubuo ng pagsasalaysay na sinaniban ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan Panahon ng Pagkamulat / Panahon ng Pagbabagong-isip (1872-1896) Mga Manunulat Hermenegildo Flores—“Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” Marcelo H. del Pilar—“Dasalan at Tocsohan,” “Caiingat Cayo,” “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas,” ‘Ang Cadakilaan ng Diyos” Jose Rizal—“Sa Aking mga Kabata,” “Liham sa mga Babaeng Taga- Malolos,” “Junto al Pasig,” Noli Me Tangere at El Filibusterismo Graciano Lopez Jaena0- “Fray Botod” Antonio Luna—“Por Madrid,” “Impresiones,” “La Tertulia Filipina” 66 Pedro Paterno—Ninay, Sampaguitas y Poesias Varias Aba Guinoong Baria nakapupuno ka ng alcancia, ang Fraile ang sumasaiyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahiguit sa lahat, D Pilar “Ang Aba Guinoong Baria”- Marcelo H. Del Mga Manunulat Andres Bonifacio—“Katapusang Hibik ng Pilipinas,” “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” Emilio Jacinto—“Kartilla ng Katipunan,” “Liwanag at Dilim” Pio Valenzuela—“Catwiran” Apolinario Mabini— “El Verdadero Decalogo” Jose Palma—“Himno Nacional Filipino” Panahon ng mga Amerikano (1900-1942) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan Ginamit ang mga dula upang ipahayag ang paghihimagsik Ipinatupad ang ilang batas upang supilin ang mga mamamayan: Sedition Law, Anti-Flag Law, Brigandage Act, Reconcentration Act Ginamit ang wikang Ingles sa mga paaralang pampubliko. Mabisang kasangkapan ng Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Filipino. Panahon ng Aklatang-Bayan (1900-1921) Maiklling Katha 67 Pasingaw—kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan sa dahilang nais tawagin ang pansin ang kapintasan sa pag-uugali o hitsura. Dagli—maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa Maikling kasaysayang pampatawa—pinamahalaan ni Patricio Mariano sa Muling Pagsilang Tula at Mga Makata Jose Corazon de Jesus—Huseng Batute, ang Makata ng Puso, “Isang Punongkahoy” Lo gu Benigno Ramos--- ang “Bahag ng Diyos” dor, senador, Pedro Gatmaitan—pinaksa ang lipunang feudal, “Salamisim” Inigo Ed Regalado—“Ang Pinagbangunan” Florentino Collantes— “Ang Lumang Simbahan” Julian Cruz Balmaceda—“Kung Mamili ang Dalaga” Valeriano Hernandez Pena—“Luha ng Panulat” Nobela o Kathambuhay Banaag at Sikat ni Lope K. Santos Pinaglahuan ni Faustino Aguilar Pinuno ng Tulisan ni Patricio Mariano Bulaklak ng Kalumpang ni Roman Reyes Madaling –Araw ni Inigo Ed Regalado Dula at Dulaan Severino Reyes—“Mga Kuwento ni Lola Basyang,” ‘Walang Sugat,” Gran Companada de Zarsuela Tagala 68 Masamang tao ito. Hermogenes Ilagan—“Dalagang Bukid,” Ilagan Films Pascual H. Poblete—“Amor Patria” Juan K. Abad—“Tanikalang Ginto” Jose Ma. Rivera—“Ang Mga Kamag-anak” Juan Crisostomo Sotto—“Ang Kasalanan ng Patay” Juan Matapang Cruz—“Hindi Ako Patay” Aurelio Tolentino—“Kahapon, Ngayon, at Bukas” Balagtasan Balagtasan-balitaw—dulang Cebuano, pinaghalong duplo at balitaw Batutian—mimetiko at satirikong pagtatalong patula Bukanegan—balagtasan ng mga Ilocano Crissotan—balagtasan ng mga Kapampangan Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934) N P S a “T Al Ki Hi di Nangagtigil ang gawain sa bukirin ang makina sa pabrika. Natiwangwang ang daunga’t undo, pinipili imili ni tha. ndez katayugan ng Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1935-1942) Pagsilang ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang Sakdakista at aristokrata ng panulaang Filipino. Sinunog ng mga kasapi ng Panitikan ang mga akdang itinuturing nilang basura na. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katimpian sa larangan ng paglalarawan at sa pagpapahayag ng nadarama Nagsimulang gumamit ng unang panauhan sa mga kuwento Pagtalakay at paghahambing sa buhay-lunsod at buhay sa nayon. Pinagbagong-bihis ni AGA ang tula sa paggamit nga malayang taludturan at modernong tema. Nanlupaypay and dula dahil nauso ang bodabil sa stage shows at dumating ang mga pelikulang galing sa Amerika. Mula sa “gintong panahon ng nobela” sa nakaraang panahon, nanlupaypay din ang nobela. Panahon ng Hapones (1942-1945) Itinuturing itong “gintong panahon” ng maikling kuwento at ng dulang tagalog. Ipinagbawal ang Ingles kayat nagtamasa ang mga vernacular na wika. Nabigyang-sigla ang Pambansang Wika dahil sa pagtataguyod ng mga mananakop Karaniwang damdaming makabayan ang mga naisulat ngunit ang mga manunulat ay ingat na ingat na hindi ito mahalata. Nabigyan ng diin ang katutubong kulay, ang pananalat at kadahupan ng pang-araw-araw na buhay. Isinaaklat ang mga itinuturing na pinakamahusay na Kathang Filipino noong 1943—“25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng 1943” 70 Namalasak ang haiku. Binuhay naman ni Ildefonso Santos ang tulang tanaga Naisulat ang mahuhusay na kuwentong “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes, “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at “Dugo at Utak” ni Cornelio S. Reyes Panahon ng Republika (1946-1972) Lumabas ang dalawang uri ng maikling katha—(1) and komersiyal, at (2) ang pampanitikan. Sinimulan ang taunang timpalak sa Tagalog at Ingles ng Carlos Palanca Memorial Awards noong 1950. Binigyang puwang ng maraming magasing komersiyal ang mga bagong manunulat ng maikling kuwento. Nagkaroon ng maraming paksain ang mga manunulat: ang mga G.I. at ang mga babaeng hanggang piyer lamang, mga suliraning panlipunan, buhay-buhay sa mga barong-barong, sa mga estero, sa Tundo at sa Sapang-Palay. Nagkaroon ng tatak ng makabagong panahon ang mga akda: Kalamnan o paksang-diwa Pamamaran, porma o estilo Paglalarawang-tauhan Pananalita o lenggwahe Ilan sa mga pagbabago sa pamamaraan at porma sa balangkas ng kuwento: Uring may balangkas o bahagyang balangkas, ngunit ang tunay na dula ay wala sa mga pangyayaring nababasa kundi nasa paglalaro ng damdamin Uring walang balangkas at tila sinasadyang guluhin ang pagsasalaysay Uring ginagamitan ng daloy ng kamalayan (stream of consciousness) Uring pinuputol and maikling kuwento pagkatapos na maihatid ang mga tauhan ss bungad ng pinaksukdol na pangyayari. 71 Uring ang maikling kuwento ay binubuo ng pansariling ulat ng bawat tauhan o pangyayari Nagkaroon ng mga pandulaang grupo: Children’s Museum and Library, Inc. Philippine Educational Theater Association (PETA) U.P. Mobile Theater Arena Theater ni Severino Montano Nagkaroon din ng dalawang uri ng dula: (1) ang dulang romantiko, (2) dulang mapanghimagsik. Ang mga mandudula ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ng Realismong Panlipunan at Sikolohikal, ng Ekspresyonismo, at Absurdismo. “Ang Paglilitis kay Mang Serapio” ni Paul Dumol “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat Panahon ng Bagong Lipunan / Panahon ng Batas Militar (1972-1986) Kathang naisulat sa panahong ito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser