Lipunan at Panitikang Pag-uugat ng Kapilipinohan sa Pagbuo ng Literaturang Pambansa PDF

Document Details

MagnanimousHorse9558

Uploaded by MagnanimousHorse9558

University of Santo Tomas

Ian Mark P. Nibalvos

Tags

Filipino literature Philippine society colonialism cultural studies

Summary

This document discusses Filipino literature and its relationship with Philippine society. It explores the origins of Philippine literature, discusses the effects of colonialism on society and literature, also provides suggestions for preserving Filipino literary traditions.

Full Transcript

Lipunan at Panitikan: Pag-uugat ng Kapilipinohan sa Pagbubuo ng Literaturang Pambansa Pananalikisik ni Ian Mark P. Nibalvos (University of Sto Tomas, Philippines) POKUS 1. Panitikan ng sinaunang Pilipino bilang Panitikang Pilipinong batayan ng ating pagka-Pi...

Lipunan at Panitikan: Pag-uugat ng Kapilipinohan sa Pagbubuo ng Literaturang Pambansa Pananalikisik ni Ian Mark P. Nibalvos (University of Sto Tomas, Philippines) POKUS 1. Panitikan ng sinaunang Pilipino bilang Panitikang Pilipinong batayan ng ating pagka-Pilipino o Kapilipinohan. 2. Ipinag-uugnay rin dito ang lipunan at panitikan upang masuri ang mga pagbabagong idinulot ng kolonyalismo sa lipunan na sanhi ng pagbabagong bihis ng ating panitikan. 3. Mungkahing dapat gawin, upang mapangalagaan ang mga likhang-sining na ito at nang muling maiangat ang dakilang pamana ng ating mga ninuno, ang Panitikang Pilipino, ang ating Literaturang Pambansa. “ Sabihin mo sa akin ang panitikan ng isang bayan at sasabihin ko sa iyo ang mga tao ng bayang ito.” Sebastian at Nicasio PANITIKAN Ang panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksiyon o representasiyon ng buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan. LIPUNAN Ang lipunan ay nagsisilbing tanghalan ng mga kaugalian, halagahan, at mithiing binuhay ng mga taong naharap sa mga sigalot na dulot ng mga pangyayari at ng mga suliraning sa pana-panahon ay dinaranas ng isang lipunan. Tapagtala ang panitikan ng kasaysayan “Ang panitikan at kasaysayan ng isang lipunan ay kapuwa tagapag-ulat ng daloy ng buhay.” PEREZ-SEMORLAN, et al. Pagmamalupit sa Indio, kabataan at kababaihan Bakit mahalagang pag-aralan ang Panitikang Pilipino? a. Malaman ang sariling kultura ng mga Pilipino, pati ang kanilang kasaysayan, at makilala rin ang mga luwalhati ng kanilang lahi tulad ng mga bayani; PEREZ-SEMORLAN, et al. b. Mapag-aralan at makilala ng mga mamamayan ang kanilang sarili at maunawaan din nila ang katangian ng pagkatao ng iba pang mga Pilipino; PEREZ-SEMORLAN, et al. C. Makilala ang kahusayan at kagalingang pampanitikan upang lalo itong mapaganda, mapaunlad, mapadalisay, at mapayabong; PEREZ-SEMORLAN, et al. d. makita at mabatid ang malaking kahalagahan at papel na ginagampanan ng wikang Filipino bilang midyum at behikulo sa pagpapahayag at pagsasalarawan ng saloobin, mga pangarap, layunin, adhikain, paniniwala, pag-uugali, mga karanasan, at mga gawain sa pang-araw-araw na buhay. PEREZ-SEMORLAN, et al. Ang Lipunan at Panitikan sa Sinaunang Pamayanang Pilipino Mayroon ng sarili ng panitikan/ Hindi ito naitala at naisulat. Subastahan sa Lord Ilchester’s library, Holland House 1974 Nangibabaw ang pabigkas na anyo ng panitikan. (Libangan)( Inaawit o binibigkas) Ang Lipunan at Panitikan sa Sinaunang Pamayanang Pilipino Mito sa Bisayas Nagbubukas ang mitong ito sa kalagayan ng lipunan sa sinaunang panahon tulad ng pagkakahati sa tatlong uring panlipunan ng mga katutubo: ang datu, timawa, at oripon o alipin DATU Katawagang ginamit para sa uring panlipunan at sa politikal na katungkulan ng isang tao. Ito ay katungkulang namamana at kailangang pakaingatan upang mapanatili ang dangal ng isang angkan. Isa itong katungkulang pinanghahawakan upang pamunuan ang isang hukbo ng mga mandirigmang nagtatanggol sa kapakanan ng kanilang pinuno. TIMAWA Hindi lamang sila alalay o alabay kundi katuwang din ng datu sa pakikipagdigma. Sila rin ang tumitikim muna ng alak upang malaman kung may lason ito bago inumin ng datu. TAGALOG TIMAWA MAHARLIKA Ang maharlika naman ang Ang timawa ay namamahala sa mga nagsisilbi sa serbisyong militar na pamamagitan ng pandagat. Ang kaibahan pagsasaka at nila sa mga timawa ay ang pangingisda. kanilang tungkuling magbayad ng tributo. IKALAWANG ANTAS NG PANLIPUNANG ESTADO (PAGKAKAHATI ) TIMAWA Katuwang sila ng datu sa gawaing pangangalakal at pangangayaw, at kabahagi rin sila sa mga nasamsam na ari-arian mula sa kanilang pangangayaw. Ito ang nagbibigay sa kaniya o sa kanila ng magandang kabuhayahan na sukatan ng kanilang kalayaan. Kaya naman, binibigyang-kahulugan ang salitang timawa sa ilang diksiyonaryo bilang salitang tumutukoy sa “pagiging malaya” HEADHUNTING ORIPON Ang pinakamababang uring panlipunan. ng mga taong nabibilang sa estadong ito ay hindi maaaring makapag-asawa ng mga datu at may tungkuling pagsilbihan ang kanilang panginoon (datu) at ang katuwang nito (timawa). URI NG ALIPIN SAGUIGUILES (SAGIGILID) Sila ang mga aliping naglilingkod sa loob ng bahay o tahanan. May iba namang may sariling bahay at pumupunta na lamang sa bahay sa pana-panahon upang tumulong sa pagsasaka at pagsama sa paglalayag. NAMAMAHAYES (NAMAMAHAY) Ang mga aliping tumutulong sa paggawa ng tirahan ng kaniyang datu at naglilingkod bilang katulong tuwing mayroon itong bisita at sa tuwing kinakailangan ang kaniyang serbisyo. Ang aliping namamahay ay hindi alipin kundi isang karaniwang tao, may asawa o pamilya, may sariling lupa at tirahan, ari-arian, at pati na ginto. Kabilang sa kaniyang paglilingkod sa datu ang pagbibigay ng pinagkasunduang hatian ng ani ng lupaing sinasaka. LAKANBACO(LAKAN- BAKOD)Tagalog Diyos ng mga prutas sa daigdig. LAKANPATI( LAKAN-PATI) Tagalog Ito ang kanilang pinag- aalayan ng sakripisyo para sa pagkain at mga salita. Hinihilingan ng tubig para sa kanilang mga palayan, at pangingisda para sa masaganang huli. Batata (Ibon na kulay asul)(Bathala) (Tagalog) Buwan- Sa unang pagsulpot ng bagong buwan, sinasamba nila ito at humihingi sila ng mga kaloob tulad ng ginto at masaganang ani ng palay. Ang iba naman ay humihiling ng isang magandang babaeng mapapangasawa o kaya naman matipunong lalaki para sa babae. Kalusugan at mahabang buhay. Mataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagsamba sa mga ito at sa tuwing makakakita sila nito na lumulutang sa tubig tinatawag na “nono” na nangangahulugang kanilang ninuno. Nag-aalay rin sila ng dasal upang hingin ang pagpanaog nito patungo sa kailaliman nang hindi ito makapanakot at makapanakit sa kanila, sa halip ay hamakin nito ang kanilang mga kaaway o kalaban. AYOG (AYOGUIN) (CATALONA-TAGALOG) Katuwang ng datu sa pagpapabuti ng ekonomiya Siya ang tagapagtakda kung kalian dapat sinimulan ang paghahawan sa kagubatan at pagsunog upang mapagtaniman na ito Mahusay sa astronomiya Sinasangguni ang tamang panahon sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagbasa sa mga bituin sa kalangitan. BABAYLAN Katuwang ng datu sa pagpapabuti ng ekonomiya Siya ang tagapagtakda kung kalian dapat sinimulan ang paghahawan sa kagubatan at pagsunog upang mapagtaniman na ito Mahusay sa astronomiya Sinasangguni ang tamang panahon sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagbasa sa mga bituin sa kalangitan. Ang Dulot ng Kolonyalismo sa Lipunan at Panitikang Pilipino Mas mataas ang kultura ng mananakop Itinuring ang mga katutubong gawain bilang gawain ng mga demonyo Ginamit ang relihiyon para sirain ang kapangyarihan ng mga datu at babaylan Ang Dulot ng Kolonyalismo sa Lipunan at Panitikang Pilipino DATU Ginamit nila ang mga datu bilang mga kolektor sa kanilang paraan ng pangongolekta ng buwis. Sa utos ng kolonyal na pamahalaan, ipinatupad nila ang mga imposisyong kolonyal at naging bahagi ng makinaryang nagpahirap sa mga mamamayan. Bumaba ang katungkulan ng mga datu, kung noon sila ang mga naghahari sa kanilang mga nasasakupan, ngayon sila ay naglilingkod na lamang sa mga dayuhang mananakop. BABAYLAN Ang ilan sa kanila ay nahikayat na sumapi sa bagong pananampalataya kaya ang iba ay naging bahagi na rin ng simbahan. Sila ay naging mga manang na tagaareglo ng prusisyon, tagadala ng mga bulaklak sa altar, at paminsan-minsan ay tagabigay ng mga dalagang tutulong sa pari sa gawain sa altar May ibang babaylan ang hindi nagpasakop at nanatili sa mga pangkat etniko o ang tinatawag nating cultural communities Inalis din ang karangalan at kabuhayan ng mga maharlika at timawa Sa bagong lipunang tatag ng mga mananakop, sila ay napabilang sa mga tagadahas sa mga sariling kababayan, ang iba’y hinamak at ginawang alipin ng mga Kastila na naging daan sa tuluyang pagkaparalisa sa dati nilang papel bilang mga mandirigma at bayani. Nawala ang mga kuwentong-bayan, kaalamang-bayan, awiting-bayan, at ilan pang mga anyo ng pabigkas na panitikan ng ating mga ninuno. Ang Dulot ng Kolonyalismo sa Lipunan at Panitikang Pilipino Patuloy nitong inilayo ang kalinangang Pilipino sa kaluluwa at kaisipan ng mga Pilipino. Isang malubhang problema ang ibinunga ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa ating sistema ng edukasyon ang pagsasantabi sa Akademya ng Panitikang Tagalog at iba pang panitikang naisulat sa wikang katutubo (Lumbera 202). Ang Dulot ng Kolonyalismo sa Lipunan at Panitikang Pilipino “ Kalunos-lunos ang naging kapalaran ng ating panitikan nang mapasailalim ito sa kolonyal na paghahari ng dalawang imperyo sa kanluran.” LUMBERA Ang Kritiko at Historyador sa Lapit Kay Balagtas Edgar Allan Poe Henry David Thoreau Emily Dickinson Ernest Hemingway PAMANTAYAN Ang Dambuhalang Pagkakahating Pampanitikan Jose Rizal Graciano Lopez Jaena Marcelo H. Del Pilar Sumalat Gamit ang Espanyol/ “Pinakamahusay na akdang Pilipino” Sumalat sa Wikang Ingles. Nick Joaquin Jose Garcia Villa N.V.M Gonzales Francisco Arcellana Ang mga likha nila ang bumubuo ngayon sa tinatawag na Panitikang Pilipino Panitikang Elite vs. Panitikang Masa Kalinangang-bayan Kulturang Nasyonal Nagmula sa Propaganda bilang Kinalabasan ng proseso ng resulta ng pagkakatatag ng “nacion” pagkakabuo ng mga pamayanang o “nation” sa pamumuno ng elite Pilipino sa Isang Bayang Pilipino. Pangmasa-Kinikilala ang mga akdang naisulat sa wikang Tagalog o mga akdang na likha tulad nila Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus, Lope K. Santos, Liwayway Arceo, Inigo Ed Regalado, Fanny Garcia, Edgar Samar, Bob Ong, Ferdinand Jarin, Ricky Lee, Jerry Gracio Patuloy naman sa pagtulog ang mga akda sa rehiyon Siday (Samarnon, Leytehon) Sugilanon (Sebwano) mga tula at kwento ( Bisaya, Iloko, Kapampangan, Meranao at iba pa.) Akdang Pangmasa Commission on Higher Education (CHED) sa kanilang Memorandum Order No. 59 Series of 1996 o ang tinatawag na “New General Education Curriculum.” Dito isinasama sa anim na yunit ng mga asignaturang literatura sa kolehiyo ang pagtuturo sa panitikan sa mga rehiyon, nakasulat man ito sa katutubo o dayuhang wika. Layunin ng CHED na pangalagaan ang mga akdang pampanitikan at manunulat labas sa National Capital Region (NRC). New General Education Curriculum CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 “ Ayat” (Hamon) Unang Saknong- Pagtupad sa Pangako Palabra de honor o pagkakaroon ng isang salita Pinahahalagahan nila ang mga taong may malinis na imahen sa pamamagitan ng pagbibigay ng espesyal na atensiyon sa tuwing may okasyon “Kuratsa” (isang katutubong sayaw ng mga Waray na kilala pa rin hanggang ngayon). Ipinapares sa kaniya ang isang kilala at iginagalang na tao sa kanilang pamayanan. “Himu-a it imo mga yakan” (Gawin ang iyong sinasabi). “ Ayat” (Hamon) Ikalawang Saknong- Pagtanaw ng utang na loob Sa Samar, inaasahan ng mga tao ang tiwalang kanilang ipinagkaloob sa isang taong kanilang ibinoto o inihalal sa isang puwesto at umaasa silang maibabalik sa kanila ang tiwalang ibinigay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila nang tapat. Itinuturing nila ang kanilang boto na sagrado kaya’t nag-iingat sila sa pagpili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, kahit hindi pa nila ito lubos na kilala, hindi kamag-anak o kaibigan basta’t tapat ang hangarin para sa kapuwa at sa bayan. “ Ayat” (Hamon) Pagkakasundo-sundo o pagkakaisa. Pagkatapos ng ilang araw na pagbabangayan at hindi pag- uusapusap dulot ng magkakahiwalay na paniniwala tuwing eleksiyon, sinisikap ng mga Samarnon na unti-unting magkaunawaan at muling magkaroon ng maayos na relasyon ang bawat isa. Sinisikap ng nagwaging partido ang makipag- ayos sa kalaban na nauuwi sa kamayan at tawanan. Kasalan, namatayan Pagsusulong ng Isang Panitikang Pambansa Ano ang panitikang Pambansa? Ang kulturang Pilipino ay pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura mula sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa. Ang pagkakahabi-habi ng mga kaisipan mula sa akda o panitikan sa iba’t ibang rehiyon ay bubuo sa ating Pambansang Panitikan na siyang paghuhugutan ng ating pagkakakilanlan. PANTAYONG PANANAW PANTAYONG PANANAW Pagpapasibol ng ating orihinalidad bilang mga Pilipino. DAPAT GAWIN Kailangan nating makabuo ng isang kurikulum na magbibigay ng pagkakataong maipasundayag ang mga akdang isinulat sa ating mga rehiyon nang sa gayon ay malaman ng mga mag- aaral ang panitikan ng kanilang bayan na lapat sa kanilang kaisipan at karanasan. Gamitin natin sa ating pagtuturo ng panitikan o ng kahit ano mang asignatura ang mga akdang minana pa natin sa ating mga ninuno o isinusulat ng mga manunulat sa ating mga rehiyon. DAPAT GAWIN Nararapat na mas paunlarin pa ang pananaliksik at pagsusuri sa mga ito upang magkaroon ng malawak na pag-unawa ang mga magaaral sa kanilang sariling panitikan. Mahalaga rin ang pagsasalin sa mga ito sa wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino upang makita natin ang pagkakaugnayugnay ng mga kaisipan at nang sa gayon at magkaroon tayo ng buong pag-unawa sa Panitikang Pambansa. “To decolonize is to tell and to write one’s own story, that in the telling and writing, others may be encouraged to tell their own.” LENY STROBEL “ Walang mawawala sa atin sa pagtuklas at pagbuo ng pinakamararangal at inspiradong imahen ng ating sarili.” PANTAYONG PANANAW “Tayo” “Ganito Tayo” “Ito Tayo” Dr. Zeus Salazar SANGGUNIAN

Use Quizgecko on...
Browser
Browser