Aralin 3: Ang Pamilya ni Rizal at Kanyang Kabataan Lesson 3-Rizal's Family and Childhood PDF

Document Details

HilariousAllegory9111

Uploaded by HilariousAllegory9111

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

Tags

Rizal's family Rizal's childhood Filipino history Philippine history

Summary

This document discusses the family and early life of Jose Rizal, a prominent figure in Philippine history. Details about his parents, siblings, and birthplace are provided.

Full Transcript

Pamantasan ng lungsod ng Valenzuela Department of Social Studies Riz1 – Life and Works of Rizal Aralin 3: Ang Pamilya ni Rizal at Kanyang Kabataan Aralin 3.1: Ang Pamilya ni Rizal Buong...

Pamantasan ng lungsod ng Valenzuela Department of Social Studies Riz1 – Life and Works of Rizal Aralin 3: Ang Pamilya ni Rizal at Kanyang Kabataan Aralin 3.1: Ang Pamilya ni Rizal Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda Kapanganakan: Hunyo 19, 1861 “sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi, bago magkabilugan ng buwan” Lugar ng Kapanganakan: Calamba, Laguna Araw ng Pagkamatay / Pagkamartir: December 30, 1896 According to Narcisa and Maria: “Jose was a very tiny child. But his head grew very large. When he began to walk by himself, he often fell, his head being too heavy for his frail body. Because of this, he needed a nanny to look after him.” (Joaquin, 2021) 1. Ang Pinagmulan Pangalan ng Pambansang Bayani JOSE San Jose - Ama ni Jesus Jose Soler - lolo, kapatid ng kanyang Lola Brigida? Jose Maria Alberto Alonzo – tiyo na Rizal, paboritong kapatid ng kanyang ina? Don Jose Florentino – kinatawan sa Cortes ng Espanya? PROTACIO mula sa Katolikong kalendaryo mula kay San Protacio – isang santo at martir mula sa Milan nang ikalawang siglo, ang may kapistahan sa araw ng kanyang kapanganakan MERCADO nangangahulugang pamilihan 1731 nang ito ay kinuha ng kanyang ninuno na si Domingo Lamco bilang Kastilang apelyido RIZAL mula sa kastilang salita na “Ricial” na nangangahulugang “bukid na tinataniman ng trigo, inaani habang lunti pa at muling tutubo” ikalawang apelyido bilang pagsnod sa kautusan ni Gob. Hen. Narciso Claveria y Zaldua, na ang lahat ay nararapat na magkaroon ng apelyido at nakabatay ito sa Catalogo Alfabetico de Apellidos. ALONZO mula sa unang apelyido ng kanyang ina REALONDA mula sa pangalawang apelyido ng kanyang ina *Pepe – ang palayaw ni Rizal; mula sa salitang Latin na “Pater Putativus”, na nangangahulugang pagkilala kay San Jose bilang ama-amahan o “step father” ni Jesus dito sa lupa may pagdadaglat (abbreviation) na “P.P” na binibigkas sa salitang Espanyol bilang “Peh, Peh”. 2. Ang mga Magulang ni Rizal Ama: Don Francisco Engracio Mercado Rizal y Alejandro Ipinanganak sa Biñan, Laguna noong Mayo 11, 1818 Mga Magulang: Juan Mercado at Cirila Alejandro Bunso sa 13 magkakapatid – (Petrona, Gabino, Potenciana, Leoncio, Tomasa, Casimiro, Basilisa, Gabriel, Fausta, Julian, Cornelio, Gregorio, and Francisco Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Maynila Namatay sa Maynila, Enero 5, 1898, 2 taon pagkaraang mabitay si Dr. Jose Rizal sa edad na 80. “Huwaran ng mga Ama” ang paglalarawan ni Dr. Jose Rizal sa kanya Ina: Doña Teodora Alonzo Realondo y De Quintos Ipinanganak sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826 Mga Magulang: Lorenzo Alberto Alonzo at Brigida de Quintos Pangalawa sa magkakapatid – (Narcisa, Teodora, Gregorio, Manuel at *Jose) Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa sa Maynila Ikinasal kay Francisco Mercado noong Hunyo 28, 1848 Namatay sa Maynila, Agosto 11, 1911, kung kaya’t nasaksihan pa niya ang pagbibigay ng maayos na libing at parangal kay Dr. Jose Rizal. Namatay sa edad na 85 Inilarawan ni Rizal ang kanyang butihing ina “Ang aking nanay ay katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag-Espanyol kaysa sa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa.” Rizal para kay Blumentritt, London, Nobyembre 8, 1888, Epistolario Rizalino, Vol.5 pp.335 3. Ang mga Kapatid ni Dr. Jose Rizal 1. Saturnina “Neneng” (1850-1913) panganay sa magkakapatid napangasawa si Manuel Hidalgo, mula sa mayamang angkan sa Batangas subalit nakaranas din ng pagmamalupit dahil sa koneksyon niya sa mga Rizal. Napatapon ng 2 ulit na naging dahilan ng pagkahiwalay sa pamilya, sa Bohol at sa Mindoro. Nag-aral sa Coelgio de La Concordia sa Maynila Nagmana sa kanyang ina bilang negosyante Naglatha ng Noli Me Tangere na isinalin ni Pascual Poblete sa Tagalog 2. Paciano (1851-1930) Pangalawa sa magkakapatid, panganay sa mga lalaki Walang asawa subalit nagkaanak kay Severina Decena at nagkaroon ng anak, si Emiliana Nagtapos sa Colegio de San Jose sa Maynila Naglingkod bilang heneral ng rebolusyon sa ilalim ni Emilio Aguinaldo pagkaraan ng pagkamatay ni Pepe Naging katuwang ng kanilang ama sa bukid pagkaraang hindi magpatuloy ng pag-aaral dahil sa kaso ng pagkakabitay sa GOMBURZA partikular sa kanyang guro at kaibigan na si Padre Jose Burgos Isa sa mga tagapagtatag ng “La Juventud Liberal” ang sangay pangkabataan ng “Comite de Reformadores” isang samahan na nagtataguyod para sa reporma sa pamahalaan at sekularisasyon ng mga kaparian kung saan mga kasapi ang GOMBURZA. Nagsilbing impluwensiya kay Pepe ng pakikipaglaban para sa bayan Naging tagapantustos sap ag-aaral ni Rizal sa Europa, at nagkaroon sila ng kasunduan na isa lamang ang mag-aasawa sa kanilang dalawa. Sa panahon ng himagsikan at nakaranas ng “torture” mula sa mga Espanyol lalo na nang mahuli ang nakakababatang kapatid na si Pepe na diumano’y naging impluwensiya raw sa naganap na himagsikan. Pagkaraan ng digmaan sa mga Espanyol at Amerikano ay piniling mamuhay ng tahimik bilang magsasaka sa Los Baños. Sa pagkamatay ni Pepe ay hindi na siya nagkwento ng tungkol sa kanyang kapatid, hindi na rin nagsalita ng wikang Espanyol, subalit natutong magsalita ng Ingles sa pamamagitan ng sariling pag-aaral Naging paboritong peryodiko ang Philippine Free Press 3. Narcisa “SIsa” (1852-1939) ikatlo sa mga magkakapatid na guro at musikero napangasawa si Antonio Lopez, isang guro mula sa Morong, Bataan, na pamangkin ni Padre Leoncio Lopez, ang pari sa kanilang simbahan sa Calamba Napangasawa ng anak na si Antonio ang kanyang pinsan na si Emiliana, anak ni Paciano. Ang kanilang anak, si Francisco Lopez ay naging pangulo ng samahang “Descendants of Rizal”. Si Narcisa ang nakatuklasan sa pinaglibingan kay Rizal sa Paco Cemetery pagkaraan ng kanyang eksekyusyon ni Rizal sa Bagumbayan, at naglagay ng pansamantalang marka sa puntod nito na binaligtad na inisyal ng pangalan ni Pepe upang di malaman ng awtoridad na nalaman na nila ang kinahihimlayan ng kanilang kapatid. Sinasabing kaya niyang bigkasin ang lahat ng mga tula ni Pepe 4. Olympia (1855-1887) Pang-apat sa magkakapatid Napangasawa si Silvestre Ubaldo, isang telegraph operator. Namatay sa panganganak habang nasa Europa si Rizal 5. Lucia (1857-1919) Panlima sa magkakapatid Napangasawa si Mariano Herbosa, namatay sa kumalat noong epidemya ng cholera na napagkaitan ng basbas ng simbahan dahil sa kanyang koneksyon kay Dr. Jose Rizal Ang anak nitong si Delfina Herbosa ay naging miyembro ng Katipunan dahil sa pangyayari sa kanyang ama. Kasama sina Marcela Agoncillo at anak nitong Lorenza Agoncillo ang tumahi ng watawat ng Pilipinas mula sa disenyo ni Emilio Aguinaldo 6. Maria “Biang” (1859-1945) Pang-anim sa magkakapatid Napangasawa si Daniel Faustino Cruz ng Biñan, Laguna Siya ang pinagsabihan ni Pepe ng kanyang pag-ibig kay Josephine Bracken nang ang karamihan sa kanyang mga kapatid ay tutol Ang apo (sa tuhod) nito na si Gemma Cruz (Araneta) ang naging unang Ms. International ng Pilipinas noong 1964 7. Dr. Jose Protacio “Pepe” (1861-1896) Pangpito sa magkakapatid at bunsong lalaki Napangasawa si Josephine Bracken 8. Concepcion “Concha” (1862-1865) Namatay sa edad na 3 taon Ang itinuturing na unang kasawian ni Rizal sa edad nito noong 4 na taon 9. Josefa “Panggoy” (1865-1945) Pang-siyam sa magkakapatid Namatay na matandang dalaga sa edad na 80 10. Trinidad “Trining” (1868-1951) Pangsampu sa magkakapatid Ang huling namatay sa magkakatid sa edad ng 83 Kasama si Panggoy na nanirahan sa Maynila at naging tagapag-ingat ng mga kagamitan ni Rizal sa kanyang pagkamatay Nasa kanyang pag-iingat ang “Mi Ultimo Adios” ni Pepe 11. Soledad “Choleng” (1870-1929) Bunso sa magkakapatid Napangasawa si Pantaleon Quintero Ang naging kamag-aral ni Leonor Rivera sa Colegio de La. Concordia Ang anak nitong si Amelia ay naging asawa ang panganay na anak ni Hen. Miguel Malvar ng Batangas * Ñor at Ñora – paano tawagin ang mga nakatatandang kapatid sa halip na ate at kuya * Dalawampu (20) taon ang pagitan ng panganay at bunso *Para sa karagdagan at mas malinaw na impormasyon tungkol sa mga naging buhay ng inianak at inapo ng angkan ni Dr. Jose Riza, panoorin ang The Family History of Dr. Jose Rizal ni Mona Magno Veluz mula sa 7th Magiting Digicon, Rizal Revealed: Muling Kilalanin ang Magiting na Bayani ng Ayala Foundation na matatagpuan sa file Section ng MS Teams o sa link na ito >>> https://www.youtube.com/watch?v=VVaGq02APnQ 4. Ang Pinagmulan ng Lahi ng Pambansang Bayani Genealogy – ang masistemang pag-aaral ng kasaysayan ng mga pamilya at mga angkan 4.1 Ang Lahi ng Kanyang Ama Nagmula kay Domingo Lam-co / Lamco (1662-1752) Mula sa Chinchew (Changelow,Changchow), Lungsod ng Fukien isang distrito sa China Nabinyagan bilang Kristiyano sa Simbahan ng San Gabriel sa parian noong Hunyo, 1697 sa edad na 34 at kinuha ang Domingo bilang pangalan, na nangangahulugang Linggo Mga magulang: Siang-co at Zun-nio 1731 nang makarating ng Maynila Napangasawa ni Domingo Lamco si Inez dela Rosa, na halos kalahati ng kanyang edad Ikinasal sila sa parehong simbahang parian at pari kung saan siya bininyagan Ang mga magulang ni Inez de la Rosa ay si Agustin Chinco at Jacinta Rafaela, isang mestisang Tsina Naging kaibigan nila sina Fray Francisco Marquez, awtor ng Chinese grammar at Fray Juan Caballero, dating misyonero sa Tsina – kaya sila napatira sa isang Dominican estate sa Biñan na ipinangalan kay San Isidro Labrador Naging anak ni Domingo Lamco at Inez Dela Roza si Francisco Mercado (1731-1801) at napangasawa ang isang mestisang Tsinong Pilipina, si Cirila Bernacha, at nahalal na gobernadorcillo (Capitan-Municipal) ng bayan (3 beses) Naging anak nila si Juan Mercado (lolo ni Jose Rizal) na napangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestisang Tsinong Pilipino, naging gobernadorcillo din ng Biñan (3 beses) tulad ng kanyang ama. Sila ang mga magulang ni Don Francisco Mercado Rizal, ang ama ni Jose Rizal Ang kapatid ni Don Francisco na si Potenciana ang nag-alaga sa kanya sa pagkamatay ng kanilang ama, nang si Don Francisco ay 8 taong gulang pa lamang, kaya sila nalipat sa Calamba sa tahanan nina Petrona 4.2 Ang Lahi ng Kanyang Ina Pinaniniwalaang nagmula ang lahi kay Lakandula Kanununuan ay si Eugenio Ursua na may lahing Hapon na nakapangasawa si Benigna (walang tala tungkol sa apelyido). Sila ay nagkaanak, si Regina Ursua na ikinasal kay Atty. Manuel Quintos, isang abogadong Tsino- Pilipino mula sa Pangasinan. Naging anak nila si Brigida Quintos na napangasawa si Engr.Lorenzo Alberto Alonzo, kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Biñan na naging kapitan ng Biñan taong 1824 Sila ay nagkaroon ng 5 anak na kinabibilangan ng ina ni Dr. Jose Rizal, si Doña Teodora Alonzo Realonda *Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ilang isyu sa pamilya ni Doña Teodora Alonzo, lalo na ang tungkol sa kanyang pagiging “illegitimate” at eskandalo tungkol sa kanyang pagkakakulong noong Kabataan ni Rizal, panoorin ang Mga Lihim ng Pamilya Rizal, isang dokumentaryo ni Howie Severino mula sa I-Witness na nasa folder na Dokumentaryo o maaaring panoorinsa link na ito >>>https://www.youtube.com/watch?v=qu4AV5wp5OY&t=54s Ilan pang Impormasyon sa Pagsilang ni Rizal Nahirapan sa panganganak si Doña Lolay sa panganganak dahil may kalakihan ang ulo ni Rizal kung kaya’t nagdasal ito sa Birhen ng Antipolo upang gabayan siya sa panatang isisimba nila si Pepe sa Simbahan ng Antipolo pagsapit nito ng 7 taong gulang. June 22, 1861- 3 araw na gulang nang siya ay binyagan bilang isang Katoliko Padre Rufino Collantes- kura-paroko ng simbahan ng Calamba, ang nagbinyag kay Rizal Napansin ni Padre Collantes na malaki ang ulo ni Pape kung kaya’t pinagbilinan niya si Doña Lolay na ingatan ang batang si Jose sapagkat nakikita niyang magiging dakila ito sa hinaharap Padre Pedro Casañas- ang ninong ni Jose, isang katutubo ng Calamba at malapit na kaibigan ng pamilya Rizal Padre Leoncio Lopez – ang kura-paroko ng simbahan na lumagda at nagpatunay sa Partido de Bautismo (Birth Certificate) ni Pepe, kaibigan ng pamilya at tiyuhin ng asawa ni Lucia na si Antonio Lopez; nakaimpluwensiya kay Rizal sa aspektong panrelihiyon Sa araw ng binyag ni Rizal ay ilang araw na lamang bago ang kapistahan ni San Juan Bautista ang patron ng lugar kung kaya’t masigla ang paligid at may bandang lumilibot bilang bahagi ng paghahanda sa kapistahan. Aquilina Alquitran – ang yaya (nanny) ni Pepe Lieutenant-General Jose Lemery- ang gobernador-heneral ng Pilipinas nang siya ay isinilang 5. Ang Tahanan ng mga Rizal 5.1 Calamba Sampung oras sa kabayo patimog mula Maynila Bayang tinitirhan ng mga tatlo-apat na libong katao, ay nasa pusod ng kasaganaang agrikultural, natatamnan ng tubo at palay ang kapatagan sa paligid nito, ang kakahuyang hitik sa iba’t ibang uri ng prutas (Ocampo, 2011 p. 24) Nagmula sa mga salitang pinagsamang “Kalan at banga” (clay stone and jar) at “kalan ba?” na ayon sa kwento ay pagtatanong ng isang nagtitinda sa isang Kastila nang magtanong ito kung anong lugar iyon. Sa di pagkaunawa sa nasabi ng dayuhan, ay ipinalagay na nais bumili ng kanilang paninda, kaya ito sumagot ito ng “kalan ba?” (Joaquin, 2021) Ang pangunahing industriya ay paggawa ng mga produktong mula sa luwad (clay) Haciendang unang pagmamay-ari ng mga Heswita na kinalauna’y napunta sa mga Dominiko (Joaquin, 2021) Landmark ng Calamba ang Bundok Makiling, na tumataas sa kanyang nag-iisang kalakhan, bulkan ang kahugisan, sa bandang timog lang ng bayan. Kaharap ng mga bintana sa likod ng bahay Rizal ang Bundok Makiling na, depende sa kaaninagan, paminsan parang ang lapit-lapit at lulukob na sa bahay, at nagpapadama sa lahat ng pagkakataon sa mga himala ng kalikasan, pagkadamang pinagsimulan ng mapanlikhang pag-iisip ng bata (Ocampo, 2011 p. 24) Nasa 5,000 ang populasyon Bigas ang pangunahing produkto katunggali ang Biñan Ito ay sentro ng kalakalan 5.2 Laguna de Bay o Laguna de Bai (Ba’i) “Sa dulo ng bayan naroon pa ang isang likas na kaanyuan, ang lawing Laguna de Bay, may mga baklad at bangka, may buhay sa tubigan na talagang kakaiba sa mayamang kabukiran sa may bayan.” (Ocampo, 2011) Pinagmulan ng katawagan sa lalawigan - Laguna (Espanyol ng “lagoon”) Hugis parang “higanteng bakas ng paa” Ang paniniwala ay bahagi ito dati ng “South China Sea” Mayroon itong sinaunang kaharian (Barangay), ang Ba’i (o Bae) Sikat ang lugar sa kalakalan lalo na mula sa mga Tsinong mula sa Tondo or Sta. Ana Nang maisaayos ng mga Espanyol bilang Provincia ay naging kapital Kilala rin ang lugar dahil sa mga paniki at buwaya “Sa makinis na buhangin ng dalampasigan ng Bay nagpalipas kami ng maraming oras ng aming kabataang nag-iisip at nangangarap kung ano kaya ang matatagpuan sa dako pa roon, saka kabilang panig ng mga alon.” (Ocampo, 2011 p. 24) 5.3 Ang Tahanan ng mga Rizal Sa katimugan ay makikita ang maalamat na Bundok Makiling na halos kalapit na rin ng Batangas Sa Silangan ng bayan ay ang Lawa ng Laguna Sa bandang hilaga ay ang bayan ng Antipolo Calle Real –pangunahing kalye kung saan matatagpuan ang bahay ng pamilya Rizal; dito rin matatagpuan ang kabahayan ng mga principalia at kilala sa lugar 3 ang bahay na pag-aari ng mga Rizal, isa ang nasa Calle Real, isang bahay na baton a kanilang inuupahan at isang bahay kubo na nasa kanilang bakuran kung saan madalas namamalgi si Rizal Taong 1860, isa na ang mga Mercado sa mayayamang naninirahan sa hacienda ng Calamba Simbahan ng San Juan Bautista, Casa del Gobierno, Casa Hacienda, plaza at pamilihan Calle Ylaya na naghihiwalay sa kalapit na Bundok Makiling at Calle Ibaba na malapit sa Ilog San Juan Bahay na Bato – ang madalas na pagkakakilanlan sa bahay ng mga Rizal dahil namumukod- tangi ito ang istrukturang ito sa kanilang lugar, ang kanilang pamilya ang unang nakapagpatayo nito Katangi-tangi na may 2 palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, ang estilo ay tulad ng mga bahay sa Maynila Ang kanilang bahay ay matatag at matipuno, may mga pundasyong ligtas sa lindol at itinayo mismo ni Francisco Nasa gitna ng 3 parallel na kalye ng Calamba, nakatindig ito katabi ng simbahan ng Parokya ng San Juan Bautista (Ocampo, 2011 p. 26) Ang unang palapag ay yari sa bato na naging imbakan ng mga inaning pananim at nagsilbing tindahan ni Doña Lolay, mayroon itong hurno (oven) kung saan niluluto ang mga tinapay, gilingan ng cocoa at kape May bintanang kapis, ang bubong ay yari sa pulang tisa, may azotea Una ang kanilang pamilya na nagmay-ari ng piano, kwadra at karwahe at sariling aklatan sa bahay Hiwalay ang kwarto ng mga babae at lalaki, 2 ang kanilang silid-kainan, ang isa ang palagiang ginagamit sa simpleng araw, at ang isa ay kapag may handaan May malapad at malalim na imbakan ng tubig-ulan para magamit sa bahay May maliit na kubo sa likod bahay kung saan naglalagi ang batang si Jose, kinalalagyan ng kanyang mga pinagkakaabalahan nang siya ay bata pa May manukan at mga alagang pabo at malaking hardin ng mga namumungang puno “Sa likuran ng kanilang bahay, may mga punong prutas. Mabilis niyang nalaman ang mga pangalan nito, turing sa bawat puno ay parang matalik na kaibigan. Hinangaan niya ang bawat puno nang may nagsisimulang pagkilatis na artistic at sayantifik sa iba’t ibang katangian ng bawat isa sa mga ito, at gayundin sa maraming uri ng ibong namumugad dito sa gabi” (Ocampo, 2011 p.25) Aralin 3.2: Ang Alaala ng Kabataan ni Rizal Mga Masasayang Alaala ng Kabataan ni Rizal Masasayang araw sa hardin Alagang-alaga siya ng kanyang mga magulang Ipinagpatayo siya ng kanyang ama ng maliit na kubo sa likod bahay - humubog gamit ang kley at wax, gumuguhit, nagsusulat at naglalarong mag-isa; nagmumuni-muni sa kagandahan ng kalikasan Nakikipaglaro sa mga alagang hayop at ibon Alipato – pangalan ng kanyang batang kabayo, na nakapangalan kay Paciano Berganza – pangalan ng kanyang aso, kasama niyang mag-jogging sa umaga Karaniwang agahan nila ang suman, pagkaraan ay sinangag at batchoy, minsan naman ay champorado sa halip na sinangag, at daing sa halip na batchoy; meryenda sa umaga ang klasikong pagkain ng Laguna – kombinasyon ng pandesal, kesong puti at tsokolateng batirol, minsan naman ay puto Karaniwang tanghalian – (Ginataan) ginataang kalabasa, ginataang manok, ginataang alimango at kare-kare; piniritong bangus at adobong pato at bistek; carne asada – ang paboritong ulam ng nagkakaedad na Pepe Siesta pagkaraang kumain ng tanghalian Merienda sa hapon ng pamilya – tinapay at latik, puto, salabat at buko Pagdarasal ng orasyon (Angelus) tuwing alas sais, at pagrorosaryo Ang hapunan ay kadalasang nakahain ang natira sa tanghalian Isa siyang totoy na makisig, may mga matang malawak ang tanaw at ekspresyong bukas at prangka sa ilalim ng isang balumbon ng itim na buhok na nagpipilit tumubong tuwid sa lahat ng direksyon. Pero marahil sapagkat napakahina ng katawan niya hindi siya kailanman naging katuld ng isang normal na bata; tahimik siya at palaisip, palaging higit na tagamasid kaysa kalahok; at kakaumpisa lang na namamayagpag, lumilikha na ng mga bagay-bagay (Ocampo, 2011 p. 25) Nagkukukwento ang yaya ni Rizal tungkol sa mga engkantada, nabaong yaman, punong namumunga ng brilyante, at mga kwento ng kababalaghan May mga gabing ayaw kumain ni Rizal, tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga aswang, nuno sa punso, tikbalang at balbas saradong bumbay Nagsasama-sama ang mag-anak pagkaraang kumain ng hapunan, may mga kompetisyon ng kantahan, tula at arithmetic (paborito ni Doña Lolay) at pagkukuwentuhan. Bihirang natotoka sa kwentuhan si Don Francisco Kapag kabilugan ng buwan ay isinasama siya sa ilog Bilang isang bata, konsyus kung gaano siya kaliit at kahina, positibo naman siyang nalulong sa ideya ng lakas, ang mga kwentong samo niya sa kanyang ama ay palaging tungkol sa mga taong malalakas at higante (Ocampo, 2011 p. 31) at nagpapakita siya ng larawan ng mga bayani tulad ni Alexander the Great, Napoleon Bonaparte etc. Tumimo ang mga ito sa utak ni Pepe, nang minsang mag-ukit siya ng wangis ni Napoleon Bonaparte ay napansin ng kanyang mga kapatid na babae na kahawig niya ito, pinagtawanan siya ng mga ito sa pag-aakalang siya ito, kaya’t nawika niya: “Sige pagtawanan ninyo ako ngayon! Pag namatay ako, tingnan Ninyo lang kung hindi ako ilililok ng mga tao” Nang sanay nang magbasa, na mas maaga sa pangkaraniwan sa kanyang edad ay napag- aralan niya ang mga dakilang tao at natutuhan mula sa mga larawan nito mula sa malawak na aklatan ng kanyang mga magulang Sa edad na anim ay tinuruan siya ng kanyang Tiyo Manuel ng tungkol sa isports at mga gawaing pampalakas ng katawan (pangangabayo, paglangoy, ehersisyo, regular na ensayo, kahit ang madalas na paglalakad) Kinakitaan siya ng katalinuhan sa edad pa lamang na dalawang taon. Sa edad na 3 ay sanay na siyang bumasa ng alpabeto Sa batang edad ay sanay na rin siyang magdasal ng mga pangunahing dasal sa 3 wika: Latin, Espanyol at Tagalog Isinama siya ng kanyang ama sa Antipolo bilang bahagi ng panata ni Doña Lolay nang siya ay ipanganak bago pa siya magpitong taon, si Doña Lolay noon ay kapapanganak pa lamang kay Trinidad kung kaya’t ang kanyang ama ang kanyang nakasama. Mga Malulungkot na Sandal isa Buhay ni Rizal 1. Pagkamatay ng kanyang sinundang kapatid na si Concha, na kanyang kalaro at pumanaw sa edad na 3 2. Pagkakakulong ng kanyang ina – naparatangang nilalason nila ng kanyang Tiyo Jose ang asawa nito na si Teodora Formosa Antonio Vivencio del Rosario – ang gobernadorcillo ng kanilang bayan na may lihim na galit sa kanilang pamilya 3. Pagkasaksi sa pagbitay sa GOMBURZA 4. Ang pagkasaksi sa marahas na trato ng mga Guardia Civil sa kanyang mga kababayan maging sa simpleng hindi pagtatanggal ng sombrero ng mga ito bilang pagbibigay-galang sa kanila 5. Hindi makataong pagtrato sa mga kababaihan at mga Kabataan Sanggunian: 1. Zaide et al.(1997). JOSE RIZAL: Buhay, Mga Ginawa at mga sinulat ng isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani.All Nations Publishing Co. 2. Pasigui et al. (2014). JOSE RIZAL: The Man and the Hero, Chronicles, Legacies, and Controversies. C and E Publishing Inc. 3. Jose Rizal, My Genealogy sa Pasigui et al. (2014). JOSE RIZAL: The Man and the Hero, Chronicles, Legacies, and Controversies. C and E Publishing Inc. 4. Howard De Witt (1997). Jose Rizal, Philippine Nationalist as Political Scientist sa JOSE RIZAL: The Man and the Hero, Chronicles, Legacies, and Controversies. C and E Publishing Inc. 5. Ocampo, N.S. (2011). Austin Coates’s Rizal: Makabayan at Martir. UP Press 6. Joaquin, N. (2021). Rizal in saga: A life for student fans. 2nd ed. Milflores Publishing Inc. 7. Ariola, M. (2013). Life, works and writings of Dr. Jose Rizal. Purely Books Trading and Publishing Corp. 8. Craig, Austin (2005). Lineage, Life and Labors of Jose Rizal: Philippine Patriot [eBook edition]. Project Gutenberg. http://www.gutenberg. net 9. GMA Public Affairs. (December 10, 2022). Mga Lihim ng Pamilya ni Rizal,’ dokumentaryo ni Howie Severino [Video].Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=qu4AV5wp5OY&t=17s 10. Ayala Foundation.(January 26, 2023). The Family History of Dr. Jose Rizal | 7th Digital Magiting Conference [Video]. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=VVaGq02APnQ&t=26s 11. https://www.joserizal.com/jose-rizals-sisters/ 12. https://thelifeandworksofrizal.blogspot.com/

Use Quizgecko on...
Browser
Browser