Lektura 6: Bayan, Pueblo at Ciudad: Bagong Pamayanan, 1663-1745 PDF
Document Details
![LovableSet7685](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-6.webp)
Uploaded by LovableSet7685
Tags
Summary
Ang lekturang ito ay nagbibigay ng isang pangkalahatang-ideya ng mga pagbabago sa mga pamayanan sa Pilipinas sa panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa pagitan ng 1663 at 1745. Pinag-aaralan nito ang konsepto ng reduccion at ang mga epekto nito sa mga komunidad. Tinatalakay din nito ang mga pagbabagong sibilisasyon dulot ng impluwensya ng mga Español.
Full Transcript
Bayan, Pueblo at Ciudad: Bagong Pamayanan, 1663-1745 Introduksyon Noong 1663, nakaligtas ang kapangyarihan sa Maynila sa nakabantang pananalakay ni Koxinga dahil sa ito'y namatay. Mula rito hanggang 1745 ay maipagpapatuloy ng mga Kastila ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng Maynila sa i...
Bayan, Pueblo at Ciudad: Bagong Pamayanan, 1663-1745 Introduksyon Noong 1663, nakaligtas ang kapangyarihan sa Maynila sa nakabantang pananalakay ni Koxinga dahil sa ito'y namatay. Mula rito hanggang 1745 ay maipagpapatuloy ng mga Kastila ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng Maynila sa iba't-ibang dako ng Pilipinas sa pamamagitan ng reduccion. Tulad ng natutunan natin sa nakaraang lektura, ang kapangyarihan ng Maynila ay nakabatay o nakasalalay sa pagkakaugnay-ugnay ng bayan, pueblo at ciudad. Ang pagkakaugnay-ugnay na ito ay nagbigay-daan sa isang bagong pagkakaayos ng pamayanan-- ang Pamayanang Pilipino. Sa kalawakan ng Pilipinas, mananatili ang dating mga bayan, lalo't higit sa mga rehiyong Muslim at sa mga liblib na lugar at kabundukan tulad ng sa Mindanao, Mindoro at Cordillera hanggang Zambales at sa ilang bahagi ng Cagayan. Introduksyon Iyong ibang mga bayan ay isinaayos muli ng Kastila sa pamamagitan ng paggawa sa kanila ng mga pueblo. Pueblo ay yaong may sentro na ang pinakakatangian ay ang plaza, kaya tawag dito ay plaza complex. Ang paggawa ng pueblo mula sa bayan ay bahagi ng tinatawag na reduccion, sapagkat pinagtitipon-tipon ang mga mamamayan mula sa iba't ibang dako sa loob ng isang bayan. Yaong mga Pilipino na nagmula sa iba't ibang barangay na hindi pa maaring matipon sa bayan na malapit sa kanila ay dinadala sa ibang bayan. Ang mga organisayon ng pueblo ay kagaya din ng dating organisasyon ng bayan.. Introduksyon Ang pinakamakapangyarihan na hari, radya, lakan o gat ay nagiging mga gobernadorcillo o kapitan, samantalang ang mga dating datu ay naging cabeza de barangay. Ang tanging nagbago ay ang sentro ng bayan na nagkaroon ng plaza, simbahan at munisipyo. Bukod dito, naging mahalaga ang kura paroko ng pueblo. Ang ciudad na natalakay na sa nakaraang lektura ay siyang naging sentro ng rehiyon at pinakamahalaga at ang punong ciudad ay ang Maynila. Introduksyon Mahahati sa tatlong bahagi ang lekturang ito Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) Upang mapamunuan ang bagong kolonya at upang mapabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo, tinangkang baguhin ang dating kaayusang Pilipino sa mga rehiyong naokupa ng Kastila Reducción ang katawagan dito. Dahil sa ang simbahang itinatag sa bawat komunidad, lumakas ang mga prayle lalo na ang mga kasapi sa mga kasamahang Agustino, Dominiko, at Heswita. Ang dating mga bayan ay ginawang mga “pueblo” na ang pagkakaayos ay nasasalalay sa plaza bilang sentro kung saan nakatayo ang simbahan, munisipyo at mga bahay ng mga kolaborador ng mga pamilyang maginoo. Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) Ang reducción ang paglilipat ng mga Filipinong nasa maliliit at kalat-kalat na barangay sa isang lugar na madaling maabot ng mga prayle. Itinatayo sa lugar na ito ang isang simbahan, pamilihan, himpilang militar, at ang munisipyo o casa tribunal. Nasa gitna nito ang isang malawak na liwasan at sa paligid ay ang tahanan ng mga may kayang Pilipino. Sa pamamagitan nito, matututukan ng prayle ang pagtuturo sa mga Pilipino ng doktrina at mga panalanging kailangan para sa kanilang pagbibinyag bilang mga Kristiyano. Mula dito'y uminog ang pueblo kung saan ang paninirahan ay tanda ng pagsasailalim ng sarili sa hari ng Espanya at sa mga kinatawan nito sa Filipinas. Kakabit, samakatuwid, ng pagpasok sa isang reducción o pagtira sa pueblo ang pagpasok sa mga institusyong itinatag ng mga Espanyol. Pagpapalawak ng Reducción (1663 - 1681) naging mas matatag ang mga villas at ciudades bilang sentrong administratibo, kasama ang mga presidios at commandancias sa mga rehiyong di pa “napapayapa.” Mula sa mga pueblo, villa at ciudad na ito -- na ang sentro’y Maynila -- lalo pang lalaganap sa panahong ito ang reduccion na, sa mga lugar na di pa napapasipika ay, poprotektahan ng mga presidios at commandancias militares. Sa pagitan ng mga taong 1663-1681, sinasabing nakaranas ng pansamantalang kapayapaan ang pamahalaang kolonyal kaya’t napagtuunan nito ang pagtatatag ng reduccion sa maraming bahagi ng kapuluan. Sinaunang Kaayusan ng mga Pamayanan sa Panahon ng Pagtatagpo Ilawud/Sa-ilud – nakahilera ang mga kabahayan malapit sa wawa ng ilog Sinaunang Kaayusan ng mga Pamayanan sa Panahon ng Pagtatagpo Ilaya/Sa-raya – pulutong na mga pamayanan kadalasang nasa interyor/kabundukan Sibilisasyong Pinagmulan ng mga Español Pamanang Greco-Romano Civitas Civilizacíon = urbanismo “Urbanismo” Pinatutunayan ng pagkakaroon ng sentro: ciudad May mga istrukturang pisikal gaya ng templo, tanggulan, mauseleo, at iba pa. “naniniwala ang mga Español na sa pamamagitan lamang ng pagtira o pagtigil sa mga pueblo at ciudad magagawa ng mga tao na malinang nang husto ang kanilang indibidwal at kolektibong potensyal” (Shurz, 1954, 339-40). Karanasan ng mga Español sa Pagtatag ng mga Pueblo sa Timog Amerika Karanasan sa pagtatag ng mga pueblo at iba’t ibang sentrong administratibo. Ginamit ang kaayusang cuadricula (grid pattern) Misyon ng paghahatid ng civilización Paghubog ng mga pamayanan batay sa kolonyal na kaayusan Kaalinsabay ng sumusunod: 1.Kristiyanisasyon 2.Pagpapaaamo 3.Pagmamatyag sa mamamayan Reducción Mula sa salitang Español na reducir (sa madaling salita, programa ng resettlement) Tipunin ang mga tao “bajo de las campanas” Doctrina Reducción – paghahanda sa mga tao para sa gobyerno Doctrina – upang igayak ang mga tao sa kanilang magiging buhay sa loob ng mga parokya Pueblo Konsepto ng Español na katumbas ng “bayan” o ng modernong konsepto ng “munisipyo” Nagmula sa mga sinaunang reducción. Minsan, tinutukoy din bilang poblaciones (mga bayan) Ang pagtatag ng mga pueblo sa kapuluan ay ginabayan ng isang real decreto na ipinalabas ni Felipe II noong Hulyo 3, 1573 (Nuttall, 1922, 249-254). Plaza Complex Plaza sa sentro Iglesia at convento Casa tribunal Bahay ng mga principalia Dantaon 20: pamilihan at paaralan Plaza Plaza – sentro ng isang pueblo Konsepto ng open space na karaniwan na makikita sa Europa Iglesia at Convento Iglesia – simbahan na itinatag ng mga misyonerong Español; naging sentro ng pamumuhay ng mga mamamayan Convento -- tahanan ng fraile Casa Tribunal Casa Tribunal (municipio) – sentrong pulitikal Para sa mga dayuhang manlalakbay – transient house Kabahayan ng Principalia Kabahayan ng Principalia Ang mga elite ay nagpatayo ng bahay sa paligid ng plaza Bahay-na-bato Simbolo ng estado sa buhay Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 Ayon kay Legaspi, ito ay daanan ng kalakalang nag-ugnay sa maraming komunidad sa kapuluan maging sa ibayong dagat Ayon kay Morga, ang Bohol ay kabilang sa mga tanyag at naglalakihang pulo, mataas ang bilang ng populasyon Ayon kay Loarca, ang mga katutubo ay kilalang mahusay sa paglalayag at pagsasagawa ng pangangayaw Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 Ayon sa mga ulat na nabanggit, ilang mga pamayanan sa Bohol ang maunlad: 1. Baybaying pamayanan ng Dauis 2. Baybaying pamayanan ng Baclayon 3. Interyor na pamayanan ng Loboc Ang mga komunidad ding ito ang naging sentro ng reduccion Baclayon Dauis Loboc Mapa ng Bohol taong 1900 (mula sa Pretchett, 1900) Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 A. Pagdating ng mga Heswita Taong 1571 nang ito ay naging encomienda Taong 1596 nang dumating ang dalawang Heswitang misyonero, nanatili sila sa Baclayon, nakipagpalagayang loob sa datung si Katunao Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 Nasa pagitan ng dalawa hanggang apat na misyonero lamang ang nakatalaga sa Bohol mula 1612 hanggang huling bahagi ng dantaon 17. Tatlo lamang na pamayanan ang may permanenteng nakahimpil na kura. Mula sa huling bahagi ng dantaon 17 hanggang mga unang bahagi ng dantaon 18, nasa pagitan lamang ng 6-7 bayan ang naisaklaw sa proseso ng reducción. Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 B. Pananatili ng nakagisnan at pagpamalas ng pagtutol Ayon kay Alcina, dalawa hanggang limang lugar ang kinailangang libutin ng isang misyonero, dahil dito, nanatili ang pagkahilih ng mga katutubo sa pag-inom at pagsasaya Dahil sa kakulangang ng misyonero, ang tagumpay na inani sa loob ng 19-20 araw na pamamalagi sa mga misyon ay kagad na naglaho sa paglisan ng mga nito Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 B. Pananatili ng nakagisnan at pagpamalas ng pagtutol Ikinukubli ng mga katutubo ang pagyao ng kanilang mga mahal sa buhay bilang pag-iwas sa paggawad ng mga sakramento Dagdag pa ni Alcina, sa kada 100 táong pumanaw, 30 lamang sa mga ito ang nabigyan ng basbas Nililisan ng mga katutubo ang mga reducciones kung wala ang pari at nananatili sa mga lugar na may layong dalawa hanggang anim na leguas na maari lamang marating sa paglakbay ng buong araw. Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 B. Pananatili ng nakagisnan at pagpamalas ng pagtutol Lulan ng bangka, dumadalaw lamang ang mga katutubo sa mga reducciones sa mga banal na pagdiriwang at kaagad namang lilisan pabalik sa kabundukan Ayon pa kay Alcina, sa una, madaling makumbinsi ang mga pinuno kasama ang kanilang sakop na magtayo ng mga kabahayan sa tabi ng simbahan, bumabalik din sa kabundukan kasama ang mga sakop Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 K. Pakikipagpalagayang loob at pakikiayon sa mga katutubo Pagsali sa kalakalan ng mga misyonero, dala ang mga kagamitang yari sa metal tulad ng gunting, karayom at kutsilyo, mga tela Pagbahagi ng kaalaman sa pagsasaka at agrikultura upang makapagbukas ng diskusyon sa mga katutubo Sa pagkalat ng sakit na trangkaso sa Loboc, nilakbay ng mga Heswita ang mga tagong pook upang gamutin ang mga katutubong dinapuan ng sakit Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 K. Pakikipagpalagayang loob at pakikiayon sa mga katutubo Sa lugar ng Talibon sa hilaga, kunwari nagpakita ng kawalang interes ang mga misyonero sa pagmimina ng ginto, sa pamamagitan ng pag-apak sa mga ito. Ang mga aral Kristiyano ay ibinahagi sa anyo ng mga katutubong porma ng kaalaman tulad ng awit at dula. Dahan-dahan napalitan ng mga temang Kristiyano ang mga awit na dating nagtampok sa buhay ng mga bayani, anito at kwentong pag-ibig. Inaawit ito ng mga katutubo sa bukid, sa loob ng kanilang mga tahanan maging sa paglalakbay Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 K. Pakikipagpalagayang loob at pakikiayon sa mga katutubo Ngunit maaring tingnan bilang paghahanay lamang kay Kristo at mga santo sa mga lumang bayani at anito Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 D. Halimbawang Pag-aangkin: Simbahan bilang Ilihan Ayon sa isang talasalitaan na inilimbag hinggil sa wikang Bisaya sa panahon ng Kastila, tinawag na ilihan ang simbahan Ayon kay Alcina, ang ilihan ay komunidad tanggulan sa tuktok ng burol o bundok Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 D. Halimbawang Pag-aangkin: Simbahan bilang Ilihan Malapit ito sa mga bayan upang maging kanlungan sa panahon ng pananalakay Sadyang tinapyas ang kagiliran ng ilihan upang maging higit na matarik Nakaimbak ang tubig at pagkain, madaling ipagtanggol sa pamamagitan ng paghulog ng malaking bato Ang Reduccion sa karanasang Bol-anon, 1663-1681 Sa Kabuuan Naroon na sa lumang tradisyon ng mga Bol-anon at Pilipino sa kabuuan ang ilang kasalukuyang pagkaunawa sa simbahan bilang konsepto at istrukturang pisikal Sa kabila ng pagiging kolonyal na simbolo, ang saysay nito ay itinakda ng pook at lipunang kinapalooban, patunay nang pag-iral ng katutubong kalinangan Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Dahil sa mga pang-aabuso na idinulot ng reducción, nagulo ang mga Pilipino. Maraming namundok. Ang mga lumikas ay binansagan ng mga Kastila na mga “remontados” at “alsados.” Bilang kanilang reaksyon sa reducción ay nag-alsa ang mga Sambal. Kahit na lumaganap ang reducción, hindi pa rin kinalimutan ng mga Pilipino ang mga kinagisnang kaugalian. Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Gayumpaman, hindi lahat ng Pilipino ay nagkaroon ng ganitong reaksyon sa mga pagsubok na Kastilang baguhin ang ayos ng pamayanang Pilipino; may ilang mga Pilipino na nagnais na matuto ng wikang Kastila, higit sa lahat mula sa uring maginoo. Mga ladino ang mga ito; naging katulong sila ng mga Kastila. Noong una pa, sa pagpapalaganap ng reduccion; pagkatapos, sa mga opisina’t sa pagsalin ng mga sulatin ng mga prayle. Reaksyon ng mga Bayan (1681 - 1719) Hindi gaanong nasiyahan ang mga ladino nang sikapin nilang pumasok at di tinanggap sa mga orden. Kadalasan pa ay tuta ng mga prayle ang gobernador heneral na namumuno sa Pilipinas; ngunit hindi kabilang sa kanila si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustamante. Pinuna niya ang pagnanakaw na ginagawa ng mga prayle mula sa Kalakalang Galyon. Pati ang paggamit ng mga pekeng pangalan ng mga prayle para sa kalakalan ay pinansin ni Bustamante. Bilang ganti pinapatay ng mga prayle si Bustamante noong 1719. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 SAKLAW AT PALIWANAG SA PANAHONG INAARAL MULA TAONG 1681 HANGGANG TAONG 1719 Ito ang taon na nagsimula ang Ito ang taon ng muling pagbabalik paghihimagsik ng mamamayan sa ng Espanya sa Mindanao na Zambales at Cordillera bunsod pinasimunuan ni Bustamante sa nang naganap na ekspedisyon ng pamamagitan ng ginawang pinagsamang lakas ng mga reportipikasyon ng Fort Pilar Pampango, Iloco, at Mardicas de bunsod nang walang saysay na Ternate (Malayang Tao, Bihasa sa ekpedisyon sa Cordillera. Dagat, mulang Mollucas) Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 KONTEKSTO NG PANAHONG INAARAL Pagkamatay ni Koxinga (1663) Pagkamatay ni Sultan Kudarat (1671) Malaking tinik sa lalamunan ng mga Malaki ang naidulot ng kamatayan ni Espanyol at pangamba sa kanilang Sultan Dipatwan Kudarat sa puso ang dalang panganib ni pagkaroon ng kapayapaang Koxinga (suportado ni Haring hinahangad ng Espanya sa Pilipinas. Jungle ng Tsina) sa pamahalaang Nagdulot ang pangyayaring ito sa Espanyol sa Pilipinas. Naging multo pagpasok ng mga produkto galing sa kanilang sandatahang lakas ang India, Tsina, at Europa (Olandes) bagsik ng hukbo nito na nagpakita anupa’t nakaranas ng relatibong ng tagumpay sa Formosa nang kaunlaran ang kolonya sa panahong matagumpay na gupuin ng hanay ito na nagagamit sa mga inilulunsad nito ang hukbo ng mga Olandes sa na ekspedisyon. Itunuon nila ang ilalim ng pamumuno ni Hen. Coyett ekspedisyon sa kabundukan ng sa naturang dako. Zambales at Cordillera. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 PAGSASALARAWAN SA KONTEKSTO NG PANAHON (PANLABAS) Wala nang pakikidigma sa mga Olandes, maging sa iba pang bahagi ng ibayong dagat, maging ang paghihimagsik mula sa ibang lalawigan. Ang mga Mindanaos ay hindi na rin nagsagawa ng kanilang nakagawiang pananalakay, at mayroong nangingibabaw na pamalagiang kapayapaan dahilan sa matahimik na pamumuhay na bunsod nang pagyao ni Sultan Kudarat. (Blair & Robertson, TPI, Tomo 37, pah. 277.) Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 1640 OLANDES 1671 KAMUSLIMNAN 1663 TSINO Treaty of Pagkamatay Pagkamatay Munster ni Kue-Sing ni Sultan (Koxinga) Kudarat Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 PAGSASALARAWAN SA KONTEKSTO NG PANAHON (PANLOOB) Nasugpo na rin sa panahong ito ang suliranin ng mga mananakop hinggil sa mga pag-aalsa sa loob—Kabisayaan at Luzon. Ang pag-aalsa halimbawa nina Tapar ng Panay, Francisco Maniago ng Pampanga, Andres Malong ng Pangasinan, at Pedro Almazan ng Ilocos. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 TAPAR MANIAGO Iloilo Pampanga Pangasinan Ilocos MALONG ALMAZAN Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 MULA 1681 HANGGANG 1719: ISANG PAGSASALARAWAN Ang bunga ng mga lupain ay lubhang naging masagana…Ang pamayanan ng Maynila na namuhay sa matagal na panahon na walang humpay na pangingilakbot, sa ngayon ay wala ng iba pang namamalas kundi ang mga kalakal at paninda, at mga katuwaan at pagsasaya. (Blair & Robertson, TPI, Tomo 37, pah. 277). Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 EPEKTO NG PAGKASUGPO NG PAGHIHIMAGSIK, PAGKAMATAY NG DALAWANG KILABOT AT ANG TANGKANG KONSOLIDASYON AT INTEGRASYON NG MGA PAMAYANANG NASA KABUNDUKAN Larangang Pang-ekonomiko Larangang Pangmilitar Nabuksan ang Kalakalan mula sa Pagsimula ng mga Espanyol para sa Tsina (Canton, Macau, at Ningpu) kanilang makasaysayang ekspedisyon sa pamamagitan nina Don Juan tungong Zambales—Espanyol, Enrique de Lozada at Fray Francisco Mecinas—Barks ng Pampango, at Mardicas Macau, Somas ng Canton, at Seda Pagsimula ng mga Esapanyol para sa ng Nimpu kanilang makasaysayang ekspedisyon Pagpasok ng mga kalakal mula sa tungong Cordillera—Espanyol, Malabar, India--mga sinulid at tela Pampango, at Mardicas habang ang na lubha at higit na mas pulido at mga Pintados naman ay para sa mga sopistikado kaysa mga produktong Camucunes Tsino at Olandes Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 RESULTA NG EKSPEDISYON (ESPANYOL, PAMPANGO, ILOKANO, AT ZAMBAL) Tanggulang-muog Tanggulang-muog ng Pignauen ng Cayang (Zambales) (Cordillera) Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 TANGKANG KONSOLIDASYON (Pagsasama para sa Isang Kabuuan) Pangkat ng mga Misyonero Hukbong Ekspedisyonaryo Katulad ng nakagawian, ang pagdadala Matapos hinirang si Almirante sa tuwina ng kaparian sa mga ekspedisyon ay naganap rin at ito ay Pedro Duran de Monforte at kinasangkutan nina Fray Alonso pinagkalooban ng titulong Quijano na itinalagang tagapaghirang tinyente kapitan-heneral, ng manggagawa ng misyon para sa pangangaral at pagtuturo ng mga bayan pinagkalooban siya ng sapat na na mapailalim sa kanilang bilang ng mga hukbong kapangyarihan. Nasama sa gawaing ekspedisyonaryo na pagmimisyong ito sina Fray Lorenzo de Herrera (dating pari ng Narvacan, kinabibilangan ng mga Espanyol, Ilocos), Fray Luis dela Fuente, at Fray Kapampangan, Ilokano at Gabriel Alvarez. Zambal. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 PAGTATAG NG PRESIDIOS DE ORORI (Malapit sa Pantabangan at Karanglan sa Nueva Ecija) Dahil sa ginawang ekspedisyon ng mga hukbong sandatahang espanyol at isinagawang reduccion ng mga prayle sa Cordillera, mula sa paunang bayang nabuo—Cayang at Loling—naging daan sa mas kongkretong aksyon na walang iba kundi ang pagkakatatag ng Presidios de Orori. Mahalaga ang nasabing presidio na nagagamit laban sa mga pangkat Zambal at mga Igorot para sa simulaing integrasyon. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 PANGAGAYAW NG MGA CAMUCONES, AT PAGHIHIMAGSIK NG PANGKAT REMONTADOS-- IGOROT, AT ZAMBAL (1681-1719) Igorot Himagsik Camocones Zambal Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 A. SULIRANING DALA NG MGA CAMUCONES AT ZAMBAL Hanggang sa panahon ng pagmumuno ni Gob. Hen. Juan Vargas Hurtado minana pa rin ng nasabing pangkalahatang gobernador ng Pilipinas ang gayong suliraning dala ng mga Camucones na pinalala lalo ng isa pang suliraning hatid ng pag-aalsa ng mga Zambal sa Playa Honda sa pook ng Zambales na gumawa nang di-kaaya-ayang gawain sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 B. 1684: PAGTUGON NG MGA ESPANYOL Simula ng umupo ang bagong pangkalahatang gobernador ng Pilipinas na si Gabriel de Curuzealegui noong ika-24 ng Agosto 1684, sinimulan niya nang harapin ang trabahong nakaatang sa kaniyang balikat na walang ibang pangunahin sa mga ito kundi ang paglupig sa kanilang mga kaaway na mga Camucones at Zambal. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 C. PAGTUGON NI GOB. HEN. CURUZEALEGUI Pampango Sinagupa rin ni Gob. Hen. de Curuzealegui ang kanilang Mardicas Espanyol kinamumuhiang mga mamumugot- (Cachil Duco) (Martin de Leon) ulong Zambal ng Playa Honda. Isinagawa ito sa pamamagitan ng mga ZAMBALES pinagsanib ng lakas ng mga Mardicas, Pampango, at Espanyol. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 D. MGA BUGSO NG INILUNSAD NA INTEGRASYON (Paghuhugpong para sa Pagpapatibay ng Kasbuuan) Bago lisanin ng mga kolonyalista ng Zambales, lalo na yaong malawak at matatayog na galugod ng kabundukan ng Cordillera, nakapaglunsad pa ng dalawang pangunahing tangkang integrasyon ang mga ito sa nasabing dako. Naganap ito noong 1693 sa ilalim ni Gob. Hen. Faustino Cruzat, at noong 1701 naman sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Hen. De Zabalburu. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 Taon Namuno Naisakatuparan Mahigpit no koleksyon ng tributo at buwis para tustusan ang kampanya para sa integrasyon ng Gob. Hen. Faustino Cruzat pamayanang nasa kabundukan. 1693 Nagpagawa ng malalaking galyon para sa pagpapalakas ng kalakalan. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan ni Cruzat ngunit wala ring pagtatangka para harapin ang mapangahas na mga Camucones. pampublikong struktura ay ang mga pantalan sa Gob. Hen. De Cavite, mga bodega ng pamahalaan, pagbalangkas 1701 Zabalburu muli ng pagawaan ng pulbura sa Malate na may angkop na depensa sa naturang pasilidad. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 TANGKANG INTEGRASYON (Paghuhugpong para sa Katatagan ng Bagong Loob--Kolonya) 4. Manaoag Pangunahing naglunsad ng integrasyon ng 3. Pao Bulubundukin mga pamayanan sa hilagang Luzon ay ang Malapit sa Kapatagan mga paring Dominikano. Ginawang Asingan Sentro ng mga ito ang San Bartolome (sa 2. San Luis Beltran may bahaging bulubundukin ng Maoacatoacat Pangasinan). Gayunman, dahil sa madalas Agno itong kinukubkob ng mga Igorot, 1. San Bartolome napilitan silang ilikas sa taong 1709 ang Ambayabang kanilang sentro ng misyones sa mga pook ng Pao, at pagkaraka, sa Manaoag, Pangasinan. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 Bunsod ang reportipikasyon ng Zamboanga ng mga pangyayari mula 1662 hanggang 1719. Ang pag-atras ng mga Espanyol mula timog tungong Luzon para labanan ang mga Tsino ay humantong sa walang saysay na kampanya sa Cordillera. Nagtulak ito kay Manuel Bustos Bustamante para balikan ang Mindanao pagsapit ng taong 1719 – ang reportipikasyon ng Zamboanga. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 Sa Kabuuan Nagdala ang panlabas at panloob na kaganapan—relatibong kapayapaan—na binunsod ng Tratado ng Munster, at di-inaasahang pagkamatay ni Kue-Sing; gayundin, higit sa lahat ng kaganapana hinggil sa pagkakasugpo ng mga pag-aaalsa sa Kabisayaan at Luzon. Malinaw na nagdala ang kaganapang nabanggit sa pagkakabukas ng kalakalan sa India (Malabar), at Tsina (Macau, Canton, at Ningpu) upang pasinayaan ang masasabing pagdaloy ng yamang nagagamit ng mga mananakop, bukod pa sa naririyang ekstraktibong polisiyang pang- ekonmiya ng Espanya. Pagtatangka ito na sabayan, kung hindi man, alpasan ang marubdob na kalakalang China-Sulu. Pakikipagpalagayang Loob at Himagsik, 1681-1719 Sa Kabuuan Binunsod ang pagkakaroon ng mga kalakaran sa remontados, at muling pagbangon ng alzados sa Pilipinas na higit na maging maigting pagsapit ng ika-18 siglo na pinalala ng kampanyang militar sa Mindanao pagsapit ng taong 1719 (Reportipikasyon ng Zamboanga). Pamamayani ng Relihiyon (1719 - 1745) Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Paano nagiging legal ang pananakop ng isang teritoryo? Ayon sa Siete Partidas o mga batas na tinipon ni Alfonso El Sabio, Hari ng España (1252-1284) Pag-iisang dibdib Pagwawagi sa isang makatarungang digmaan Malayang pagtanggap ng mga taong nadatnan Paano naging legal ang pananakop ng Pilipinas? Kristiyanisasyon… May naganap na isang “Referendum” noong 1599… Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Lahat ng mga institusyong ipapakilala ng mga Español sa Pilipinas ay naglalayong ipakalat at panatilihin ang Kristiyanismo. Kristiyanisasyon=Sibilisasyon= Hispanisasyon Ang taong sibilisado ay Kristiyano at ang mabuting Kristiyano ay mabuting Español at taga-sunod ng Hari ng España. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Bakit Almacen de Fe o Kamalig ng Pananampalataya? Sa mahabang panahon ng kolonyalismong Español, ang Pilipinas ang pangunahing pinagmumulan ng yamang ginagamit para sa pagpapakalat ng Kristiyanismo, sa loob man mismo ng Pilipinas at sa mga karatig na bansa sa Asya lalu na sa Tsina… Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Ano ang kahalagahan ng mga hugpungang taon ng 1719 at 1745? 1719 – Taon ng pagpaslang sa Gobernador Heneral na si Manuel Bustamante y Bustillo 1745 – Taon ng malawakang rebelyong agraryo sa Luzon. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Ano ang saysay ng pagkakapaslang kay Bustamante? Ang pagpaslang kay Bustamante ay rurok ng pagsisikap ng mga Fraile at mayayamang Español sa Pilipinas na maipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa. Pagpapautang ng kayamanan ng mga Obras Pias. Pag-utang ng mayayaman sa Obras Pias upang makasama sa Kalakalang Galyon. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Naging pagkakataon din ito upang pansamantalang humalili ang Arsobispo Francisco de la Cuesta ng Maynila. Hudyat ito ng pagsisimula ng Unang Praylokrasya na magtatapos sa taong 1745 sa panunungkulan ng obispo ng Nueva Segovia na si Juan Arrechedera. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Para sa mga fraile: ang mga repormang tinatangka ni Bustamante upang kumita ang pamahalaang sibil ng kolonya ay nagiging sagabal sa pagpapakalat ng ebanghelyo. Nais ng mga reporma ni Bustamante na kumita ang pamahalaan sibil sa halip na masentro lamang sa Simbahan at mga kaalyado nitong mayayamang Encomendero. Ang pag-akyat naman ng mga fraileng ars/obispo sa pagiging gobernador heneral ang nagbigay ng lehitimasyon sa kanilang pagkamal ng mga lupaing ipinapagkatiwala ng mga Encomendero sa mga fraile kapalit ng “buhay na walang hanggan.” Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Dahilan naman ito ng dahan-dahang paglawak ng lupain ng mga fraile na umabot sa mga lugar na dating hindi naaabot ng koleksyon. Bilang paglaban ng mga Pilipino, isang rebelyon noong 1745 na pinamunuan ni Jose de la Vega kasama ang mahigit sa isang libong katao mula sa iba’t-ibang lugar na agrikultural tulad ng Cavite, Tondo, Bulacan, Batangas etc… Bagamat hindi nagwagi, nagpakita naman ito ng mga problemang hindi malulutas maging sa kasalukuyang panahon. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Sa Pangkalahatan: Ang mga kaganapan sa panahong ito ang siyang magtatatag ng mga pundasyon sa mga susunod na pangyayari hanggang sa ika-19 na dantaon. Ang paglakas ng mga fraile ang siyang magiging dahilan kung bakit sa kabila ng mga repormang pulitikal sa España na nasa panig ng Liberalismo ay mananatiling konserbatibo sa kolonya. Pagtindi ng Unang Praylokrasya sa Kolonya (1719-1745) Sa Pangkalahatan: Ang mga fraile ang siyang magiging tanging kakampi ng pamahalaan upang mapanatili ang kolonyang Pilipinas kung kaya magiging sila ang makapangyarihan sa kolonya. Sa panig ng mga Pilipino, ito rin ang pagsisimula ng walang tigil na pagpupunyagi para sa mga pagbabago sa mga kalupaan.