LE_Q3_Filipino-7_Lesson-2_Week 2 PDF

Summary

This is a Filipino lesson plan for 7th grade, covering lesson 2 of week 2, quarter 3, for the 2024-2025 school year. The document outlines learning objectives, teaching materials, and assessment activities for Filipino language teaching.

Full Transcript

7 Kuwarter Lesson 1 3 Lingguhang Aralin Lesson sa Filipino 2 Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (para sa ikalawang linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga gur...

7 Kuwarter Lesson 1 3 Lingguhang Aralin Lesson sa Filipino 2 Modelong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7 Kuwarter 3: Aralin 2 (para sa ikalawang linggo) SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Mga Tagapagbuo Manunulat: Mercy B. Abuloc (Philippine Normal University - Mindanao) Tagasuri: Joel C. Malabanan, Ph.D. (Philippine Normal University - Manila) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMERR National Research Centre Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected]. FILIPINO/ BAITANG 7/ IKATLONG KUWARTER (ARALIN 2 - para sa Ikatlo at Ikaapat na Linggo) I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, malikhain, at kritikal na pag- Pamantayang unawa at pagsusuri ng mga tekstong Pampanitikan (Tuluyan) sa Panahon ng Katutubo at Pangnilalaman tekstong impormasyonal (eskpositori) para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens. B. Mga Pamantayan Nakabubuo ng brochure para sa bayograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda sa Pagganap na isinasaalang- alang ang elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan. C. Mga Kasanayan Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa. at Layuning (a) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng akda batay sa sariling pananaw, moral, katangian at Pampagkatuto karanasan ng tao. (b) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari ng teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda. Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa mga elemento. (a) Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal. Nakabubuo ng isang bayograpikal na sanaysay sa isa sa mga tauhan ng epikong bayan sa pamamagitan ng tekstong multimodal (gaya ng comic book brochure). (a) Natutukoy ang mga elemento ng comic book brochure na paglalapatan ng bayograpikal na sanaysay ng epikong bayan. D. Nilalaman Mga Akda sa Panahon ng Pananakop ng Espanya Akdang pangkagandahang-asal E. Integrasyon Edukasyong pangkapayapaan II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 7 (V. M. Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. Cabardo, R., Dy, J. L., Ipaz, J. P., & Bejison, R. M. (2022). Tuon-Dunong: Batayang Aklat at Modyul sa Filipino 8 (V. M. Villanueva, Ed.) [Filipino]. Johnny and Hansel Publications. 3 De Castro, M. (1902). Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza. Retrieved January 02, 2024 from http://pebh.kite.ph/preview.php?id=75 Komisyon sa Wikang Filipino. (2021). Filipino at Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino. https://www.bsp.gov.ph/Media_And_Research/Public_Advisories/Paliwanag-sa- Tema-ng-Buwan-ng-Wika.pdf Panitikang Pilipino: Filipino Modyul para sa Mag-aaral 8. Santiago, L. (2007). Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing Inc. Villanueva, V. M. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Unang Araw Dating Kaalaman Maikling Balik-aral Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain. Ang mga nakitang halimbawang gawain ay a. TANONG-SAGOT: Balikan ang akdang Pasyon Ang Mahal na Passion ni Jesu maaaring maging gabay Christong Panginoon Natin at subuking sagutin ang mga tanong na nasa kahon. o pagpipilian para TANONG SAGOT lubos na maunawaan a. Ano ang pasyon? ang mga paksa na may kinalaman sa akdang b. Anong damdamin ang namayani pampanitikan sa sa Pasyon at bakit ito ang panahon ng Espanyol. damdaming namayani sa akda noon? c. Anong mensahe ang nais iparating ng akda? d. Anong kaugalian at paniniwala ng mga Pilipino ang ipinakita sa akda sa panahon ng pananakop ng Espanyol? 4 b. USAP-SALITA: Upang mas mapag-usapan ang paksa sa nakaraang tagpo, pag- usapan ito kasama ang iyong mga kaklase sa pamamagitan ng pagtala sa tsart. Magtanong sa iyong kaklase kung ano ang kanilang natutunan sa paksa. (Pumunta sa pahina 4 ng Sagutang Papel) B. Paglalahad ng 1. Panghikayat na Gawain Malaki ang ambag ng Layunin Gawin ang sumusunod na paraan sa interaktibong talakayan: gawaing ito upang (Pumunta sa pahina 5 ng Sagutang Papel) makuha ang atensiyon ng mga mag- aaral. Gamiting modelo ang a. SURI-ASAL gawaing inihanda. (Pumunta sa pahina 5-6 ng Sagutang Papel at sundan ang mga gabay na tanong 1-3) 2. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto ng Aralin Ikalawang Araw Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol hindi lang relihiyon ang kanilang binigyang-pansin. Pinasigla rin ng mga prayle ang pagsusulat at saka lantarang iniangkop sa panitikan ang relihiyon. Kasama ring ipinaloob sa panitikan ang etika Mga gawaing at moralidad na naging sanhi ng pagiging palasunurin ng mga Pilipino sa mga panghikayat ang tuon ng dayuhan. bahaging ito. Malaki ang ambag ng gawaing ito Hindi lamang relihiyon, moralidad, at wika ang pinagkakaabalahang ituro sa mga upang makuha ang katutubo. Nilibang ng mga Kastila ang sambayanan sa pamamagitan ng pagdadala rito ng mga tulang romansa at iba pang akdang Europeo. Karaniwa’y salin o atensiyon ng mga mag- kaya’y iniangkop, ang mga ito ay inangkin na sarili ng mga katutubo nang maging aaral tungo sa laganap at popular. Sa pangkalahatan, ang panitikan noon ay mauuri ayon sa interaktibong nilalaman: pangrelihiyon at pangmoralidad, panlibangan at pangwika. pagsasanay. Gamiting modelo ang gawaing Para mas mapahalagahan ang pagtalakay sa paksa, basahin ang sumusunod na inihanda. tanong bilang gabay sa susunod na gawain o talakayan. a. Tungkol saan ang akdang binasa? b. Bakit nagustuhan o di-nagustuhan ang kuwento? Sa bahaging ito, c. Paano nakatutulong ang mga gawain para mas maunawaan ang akdang mahalagang maipahayag binasa? ang kahalagahan kung 3. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin bakit dapat pag-aralan Para mas maunawaan ang akdang babasahin, bigyang-kahulugan ang ilang ang akda na mahihirap na salita na ginamit sa akda. Pagkatapos ay gamitin ito sa sariling nagpapahayag ng 5 pahayag. magandang-asal na siyang pangunahing SALITA KAHULUGAN PAHAYAG paksa ng mga akda sa kamusmusan Panahon ng Espanyol. naglulumpagi nararahuyo Paghahawan ng balakid. Ang gawaing mabuyo ito ay puwedeng gawing pangkatan o isahan nakaririmarim para ang lahat ng mag- manglilibak aaral ay may partisipasyon sa loob ng klase. C. Paglinang at IKALAWA AT IKATLONG ARAW Pagpapalalim Kaugnay na Paksa: Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza ni Presbitero D. Modesto de Castro Tiyaking bago ipabasa ang akda, muling magamit Pagproseso ng Pag-unawa ang mga susing salita sa pag- uugnay sa konteksto Patnubay na Tanong: Basahin ang mga gabay na tanong bago basahin ang akda ng bagong aralin. Sa bilang gabay sa inyong pag-unawa. ganitong paraan, mahalaga 1. Ano-anong mga mahahalagang aral ang iyong dapat matutuhan sa akda? ang patnubay upang 2. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni M. de maiproseso ang iba’t ibang Castro ang akda? palatandaan ng pag- 3. Paano ipinapahayag sa akda ang mensaheng nais ipabatid nito sa mga unawa. mababasa? 4. Gaano pinapahalagan ng may-akda ang kagandahang-asal na dapat mabatid ng mga Pilipino? 5. Paano inilalarawan ng may-akda ang kaibahan ng dalawang mundong ginagalawan ng dalawang tauhan? Pinatnubayang Pagsasanay Gawin ang mga nakahandang gawain pagkatapos basahin ang akda. PINATNUBAYANG PAGBASA: 6 Si Urbana kay Feliza -Maynila FELIZA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa huling sulat, noong ika... Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang Mahalagang maghanda dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ng pamatnubay na iba’t ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na ibang anyo ng gawain sinaysay ko sa iyo. Sa mga batang ito, na ang iba' y kasing-gulang mo, at ang iba'y upang magabayan ang humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani- mag-aaral sa nilalaman kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa at kasanayan sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa lunsarang babasahin sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba'y hindi marunong ng ano mang tulong ng mga dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, pagsasanay. sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba'y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba'y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro'y nanampalasan sa kapuwa-bata. Si Urbana kay Feliza – Maynila FELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo'y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki'y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito'y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata't lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata't hanggang sa kumpisala'y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga't sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala. Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan. Si Urbana kay Feliza -Maynila FELIZA: Sa alas-siete't kami'y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka't ang kalinisan at kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-ocho, gagamit ang isa't isa ng aklat na pinag-aaralan; 7 ang iba'y darampot ng pluma, tintero't ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako'y nananahi o naglilinis kaya ng damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito'y kung makita ng Maestrang marumi, kami'y pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit ang isa't isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata'y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa'y matuwid at iniaanyo sa lugal. Si Feliza kay Urbana -Paumbong URBANA: Si Honesto't ako'y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa kapwa- bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga'y mananaog sa halamanan, pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba't ibang kulay, pinag- aayos, ginagawang ramilyete, inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, ay linalangkapan ng tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko'y angelito, na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa. Si Urbana kay Feliza -Maynila FELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo'y isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro't salawal na gagamitin ay malins; nguni't ang kanilinisa'y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka't ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain, sapagka't kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan, nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag- almusal, ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba 8 kayang pinaka-matanda sa bahay. Sa pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing. Si Urbana kay Feliza -Maynila FELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba'y aral kay Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinanggap ko kay Doña Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga bario, *ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan. Si Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama't kay ina; sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manglilibak sa kapwa- bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang pinag- aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit. Si Urbana kay Felisa -Maynila FELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao, ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto, na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at madali ang tanong, at nang huwag kayamutan. Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain, huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka't ang kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo. Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu, na ang kahulugan ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis. Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng 9 mabuting asal sa iba -halaw mula sa nobelang Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza ni Presbitero D. Modesto de Castro Paglalapat at Pag-uugnay A. BIGAY-ARAL: Gamit ang tsart, isa-isahin ang mga mabubuti at di-mabubuting kaasalan na nabanggit sa akda at bigyang-paliwanag ayon sa iyong sariling moral at paniniwala. Ikaapat na araw KAGANDAHANG- Paliwanag DI KAGANDAHANG- Paliwanag ASAL ASAL B. BAHAGINAN: Gamit ang inihandang concept organizer, ibahagi ang iyong kaalaman sa sumusunod na mga katanungan. a. Anong panahon naisulat ang akda? b. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng Ang gawaing ito ay may-akda ang sulatan nina Urbana at Feliza? c. Anong pinaghuhugutan ng may-akda sa mensaheng nais ipabatid sa maaaring gawing mga mambabasa? malayang talakayan o di (Tingnan ang pahina 10 ng Sagutang Papel upang makita ang larawan) kaya’y pangkatang C. MENSAHE KO...SULAT KO... gawain. Sa bahaging ito, ililipat mo ang iyong natutuhan sa kasalukuyang panahon. Sumulat ng FB Messenger na magpapaalala sa mga kabutihang-asal na dapat taglayin ng mga kabataan ngayon. Basahin ito sa loob ng klase pagkatapos. Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral sa D. LARAWANG-SURI: gawaing ito. Magbibigay Panuto: Suriin ang larawan. Iugnay ito sa mga pangyayaring nailahad sa rin ang guro ng mga binasang akda sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. 10 rubriks. Kategorya Marka Mga tanong: Nilalaman 10 1. Tungkol saan ang larawan at ang Estilo 5 binasang akda? Pagsulat 5 2. Anong pangyayari sa binasang akda ang naipakita sa larawan? 3. Anong elementong biswal ang dapat taglayin upang mas maunawaan ang mensahe ng akda? mula sa https://esupermk.live/product_details/43798466.html D. Paglalahat IKAAPAT NA ARAW D. BAWAT BAHAGI Pagkatapos mabasa ang akda, suriin ang dalawang pangunahing tauhan sa akda. Talakayin ang larawan Ulo (Ano ang inisisp gamit ang mga ng tauhan?) nakahandang tanong tungo sa pagtalakay ng Puso (Anong biswal na teksto. damdamin ng tauhan? Kamay (Ano ang ginawa ng tauhan?) Paa (Saan tayo dinala ng tauhan matapos mabasa ang akda?) 1. Pabaong Pagkatuto Gawing gabay ang konsepto sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa Ang mga nakikitang natutuhan sa aralin. dagdag na konsepto ay mga batayang BINTANA ng PAG-UNAWA: kaalaman na may Urbana at Feliza kaugnay na kasanayan 11 Ito ay akda na naglalaman ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at mula sa Gabay Feliza. Pawang nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t Pangkurikulum. malaki ang nagawang impluwensiya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Malaya ang gurong Pilipino. Ito ay isinulat ni P. Modesto de Castro noong ang tinaguriang Ama ng gumawa ng paraan Klasikong Tuluyan sa Tagalog. kung pano ito ilahad o talakayin sa mga mag- Sa isang lalawigan ay may tatlong magkakapatid na sina Urbana, Feliza, at aaral habang binabasa Honesto. Nagtungo si Urbana sa Maynila para mag-aral samantalang nanatili at inuunawa ang naman sa lalawigan sina Feliza at Honesto. Lagging nagsusulatan sina Urbana at Feliza, at sa kanilang liham ay lagging nilang ipinapaalala sa bawat isa ang mga lunsarang aralin. ginintuang- aral gaya ng pakikipagkapwa tao, ngpagiging isang mabuting anak, ang Maaari ring magdagdag pagtanggap sa kahatulan ng Diyos lalo na noong namatay ang ama, at iba pang ng guro sa bahaging ito. dakilang aral. Ilan sa mga aral na tinalakay sa Urbana at Feliza: Pakikipagkapwa-tao. Dapat laging kumilos nang may pagpapakumbaba, paggalang at pag-ibig sa magulang at sa kapwa pagpasok sa paaralan. Dapat pabasbas ang bata sa magulang bago pumasok sa paaralan. Dapat na tuluy-tuloy siya sa paaralan at huwag makialam sa away at kaguluhan sa daan. Pakikipag-kaibigan. Dapat sa taus-puso at hindi paimbabaw ang pagbibigay-puri sa kaibigan. Kahinhinan ng babae. Huwag magdadamit ng maninipis, maigsi at maluwang ang gupit sa leeg. Kalinisan. Ang isang pumanhik sa bahay nang may bahay ay dapat maunang maglinis o magpunas sa sapin ng paa sa pamunasan bago pumasok sa bahay. Pag-iingat ng ina sa anak na Babae. Ipinapayo ng pari na huwag pabayaang mag-isa ang anak na babae sa piling ng kasintahan. Malapit daw sa tukso ang anak. Dagdag Kaalaman... Pagbuo ng mga Tekstong Biswal Ang mga biswal na elemento ng teksto ay mga paraan ng presentasyon ng mga ideya na ginamit upang maiparating ang mensahe tungkol sa mas malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa. Mahalagang kagamitan sa sulating teknikal ang mga biswal na elemento na kinakilangan ng mga pigura, dayagram, drowing, ilustrasyon, grap, tsart, iskematik, mapa, litrato at talahanayan. Pangkalahatang patnubay sa paggamit ng mga biswal na elemento Maglagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung may dahilan kung bakit kailangan ang mga ito. Sa bagahing ito, 12 Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal. maaaring balikan ng Kailangan ding isama ang interpretasyon ng datos na inilahad. guro ang larawan sa Tiyaking may numero at pamagat ang lahat ng biswal. gawaing Larawang- Tiyakin ding lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa Suri upang talakayan diskusyon sa teksto. Kailangang maitahi ang paliwanag sa mga ito sa ang kaangkupan ng diskusyon. Ang mga pamagat nito ay nararapat na akma sa tinatalakay na elementong biswal na diskusyon. ginamit sa akdang Gawan ng tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na may binasa. copyright o iyong mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram. Ilagay ang source line sa tabi ng numero at pamagat ng biswal. 2. Pagninilay sa Pagkatuto Ikalimang Araw SAYSAY-BUOD: Gamit ang sariling natamong kaalaman, ibuod ang nabasang akda at isaysay ang iyong mga natutuhan sa paksang tinalakay. Mahalagang malagom ang naging pagninilay ng mga mag-aaral batay Buod ng akda Mahahalagang natutunan sa akda sa naging karanasan sa buong proseso ng pagtuturo. ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ 13 IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit Maaaring hikayatin ng mga TAMA o MALI: Isulat ang T kung pahayag ay Tama at M kung ito ay guro ang mga mag-aaral na nagsasaad ng hindi kawastuan. magkaroon ng quiz notebook 1. Ang akdang Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza upang masubaybayan ang ay isinulat ni Dr. Jose Rizal. kanilang pang-akademikong pag- 2. Ang "Urbana at Felisa" ay naglalaman ng makabuluhang mensahe hinggil unlad. Ang quiz sa lipunan at kultura noong panahong isinulat ito. notebook ay maaari ding 3. Si Felisa ay isang dalagitang may mabuting asal at itinuturing na haligi ng magsilbing homework kaniyang pamilya. notebook. 4. Ang pagkakaroon ng mabuting edukasyon ay hindi isang mahalagang tema Susi ng Pagwawasto: sa nobelang ito. 1. M 2. T 5. Si Urbana ay naging biktima ng pang-aapi ng kaniyang pamilya. 3. T 4. M 6. Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga aral ukol sa pagpapahalaga sa 5. M tradisyon at kahalagahan ng pamilya. 6. T 7. Si Felisa ay nagkaroon ng masamang impluwensiya dahil sa kaniyang mga 7. M kaibigan. 8. T 9. M 8. Ito ay naglalahad ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng mga 10. T pangunahing tauhan sa kanilang buhay. 9. Sa simula ng nobela, ipinapakita ang pagiging mabait at masunurin ni Felisa, ngunit sa bandang huli ay nagbago ito. 10. Ang pagbabasa ng nobelang ito ay nag-aambag sa pag-unlad ng kabatiran at pag-unawa ng mga mambabasa hinggil sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. 14 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa papel. Magbahagi ng iyong kaisipan. 15 B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa Problemang Hinihikayat ang mga guro na Epektibong Anotasyon pagtuturo sa alinmang Naranasan at Iba magtala ng mga kaugnay na Pamamaraan sumusunod na bahagi. pang Usapin obserbasyon o anumang kritikal na kaganapan sa pagtuturo na Estratehiya nakakaimpluwensya sa pagkamit ng mga layunin ng aralin. Maaaring gamitin o baguhin ang Kagamitan ibinigay na template sa pagtatala ng mga kapansin-pansing lugar o alalahanin sa pagtuturo. Bilang karagdagan, ang mga tala Pakikilahok ng mga Mag-aaral dito ay maaari ding maging sa mga gawain na ipagpapatuloy sa susunod na araw o mga karagdagang aktibidad na At iba pa kailangan. C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang mga entry sa seksyong ito ay mga pagninilay ng guro tungkol ▪ Prinsipyo sa pagtuturo sa pagpapatupad ng buong Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa aralin, na magsisilbing input sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking para sa pagsasagawa ng LAC. ginawa? Maaaring gamitin o baguhin ang ibinigay na mga gabay na tanong ▪ Mag-aaral sa pagkuha ng mga insight ng Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano guro. natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 16

Use Quizgecko on...
Browser
Browser