Q2 Lingguhang Aralin sa Values Education 7 - Aralin 1 - PDF

Summary

This document contains lesson plans for Values Education 7, Quarter 2, Aralin 1, focusing on the role of family in shaping values. It includes learning objectives and discusses different Filipino family structures. The 2024-2025 edition is covered.

Full Transcript

7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 7 1 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 1 (Li...

7 Quarter 2 Lingguhang Aralin sa Aralin Values Education 7 1 IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 7 Kuwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) TP 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nitong mailahad ang nilalaman ng kurikulum, pamantayan, at mga kasanayang dapat malinang sa mga aralin. Ang anomang walang pahintulot na pagpapalathala, pamamahagi, pagmomodipika, at paggamit ay mahigpit na ipinagbabawal at may karampatang legal na katumbas na aksiyon. Ang mga nahiram na nilalaman na kasama sa materyales na ito ay pag-aari ng mga may karapatang-sipi. Ginawa ang lahat upang malaman ang pinagmulan at makahingi ng permiso na magamit ang mga ito mula sa nagmamay-ari ng karapatang-sipi. Ang mga tagapaglathala at pangkat ng tagabuo ay walang anomang karapatan sa pagmamay-ari para sa mga ito. Mga Tagabuo Manunulat: Jingle P. Cuevas (Benguet State University) Tagasuri: Amabel T. Siason (West Visayas State University) Mga Tagapamahala Philippine Normal University Research Institute for Teacher Quality SiMMER National Research Centre Ang bawat pag-iingat ay ginawa upang masigurado ang katiyakan ng mga impormasyong nakapaloob sa materyales na ito. Para sa mga katanungan o fidbak, maaaring sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 and 8631-6922 o mag-email sa [email protected] VALUES EDUCATION / IKAAPAT NA KUWARTER / BAITANG 7 I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga. B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga natutuhang pagpapahalaga sa mga situwasyong kinakaharap upang malinang ang maingat na paghuhusga. C. Mga Kasanayan at Layuning Nakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng palagiang pagsangguni sa Pampagkatuto mga magulang o tagapangalaga tungkol sa mga karanasan kaugnay ng mga natutuhang pagpapahalaga. a. Naipaliliwanag na ang pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga ay may gampanin na hubugin ang mga anak sa mga pagpapahalaga. b. Natutukoy ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na may impluwensiya sa kaniyang pagkatao. c. Nailalapat ang mga natutuhang pagpapahalaga sa mga situwasyong kinakaharap. C. Nilalaman Pamilya Bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga a. Pamilya bilang Sandigan ng mga Pagpapahalaga b. Impluwensiya ng Iba’t Ibang Konteksto ng Pamilyang Pilipino sa Pagkatuto ng Pagpapahalaga c. Pagtukoy sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na Nagsisilbing Moral na Kompas d. Pagsasabuhay sa mga Pangunahing Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya D. Lilinanging Pagpapahalaga Maingat na Paghuhusga (Prudence) E. Integrasyon Mga Panlipunang Tradisyon at Kultura na may Impluwensiya sa Pampamilyang Pagpapahalaga 1 II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO Bonifacio, R. (2023). Son of A Single Mom Reaches Out to Dad with A Heartbreaking Message After Being Blocked—’I Exist’. Smart Parenting. https://www.smartparenting.com.ph/parenting/real-parenting/dad-blocks-son-solo-parent-a00390-20231018 Gozum, I. E. (2020). The filipino family in the formation of values in the light of john paul ii’s familiaris consortio. Philosophia: International Journal of Philosophy, 21. https://ejournals.ph/article.php?id=15930&fbclid=IwAR00FeY46pchskTqFzH3WESrQ_BY9icevDkRIDKnkzCg6ZJYpC9lfVmeLzc Gratitude Definition | What is gratitude. (n.d.). Greater Good. https://greatergood.berkeley.edu/topic/gratitude/definition#:~:text=%E2%80%9CFirst%2C%E2%80%9D%20he%20writes%2C,goodness %20are%20outside%20of%20ourselves.%20%E2%80%A6 Jensen, A. (2022, August 26). 87 Ways to be Kind and Loving. Six Seconds. https://www.6seconds.org/2022/06/27/kindness-and-loving- 75-ways/ National Center on Parent, Family, and Community Engagement (w.p.). Family Engagement and Cultural Perspectives: Applying Strengths- based Attitudes. https://eclkc.ohs.acf.hhs.gov/publication/family-engagement-cultural-perspectives-applying-strengths-based-attitudes Quizon, C. (2005). Edukasyon sa Pagpapahalaga II. Sulo ng Buhay. Lorimar Publishing Company Inc., Quezon City. Reyes, W. et al. (2008). Valuing Goodness Values Education High School Series. Goodness in the Family. Salesiana BOOKS, Don Bosco Press, Makati City. Scroope, S. (2017). Filipino culture: Family. Cultural Atlas. https://culturalatlas.sbs.com.au/filipino-culture/filipino-culture-family Tarroja, M. H. (2010). Revisiting the Definition and Concept of Filipino Family: A Psychological Perspective. Philippine Journal of Psychology, 43(2). Team, P.(n.d.).100+ characteristics and traits of a responsible person. https://prowritingaid.com/responsible-character-traits#article-head7 The Editors of Encyclopaedia Britannica. (2023, October 23). Joint family | Nuclear Family, Extended Family & Clan. Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/topic/joint-family Mga sanggunian ng larawan: Bayanihan Filipino culture [Online image]. (w.p.). Pininterest. https://www.pinterest.ph/pin/822962531923155066/ Juhele (2016). Windrose/compass-detailed [Online image]. OPENCLIPART. https://openclipart.org/detail/244724/windrosecompass- detailed JuliarS (w.p.). Religion flat icons set vector image [Online image]. VectorStock https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/religion- flat-icons-set-vector-6727890 Serenade [Online image]. (w.p.). Pininterest. https://www.pinterest.ph/pin/291819250835502949 Tree. (n.d.). Openverse. https://openverse.org/image/90400a03-5fde-4ab8-a240-c35dc936e0c8?q=tree [Untititled illustration of a New Year’s Celebration in the Philippines]. PaanoHow. https://www.paanohow.com/okasyon/paano-maging- swerte-o-makaiwas-sa-malas-sa-bagong-taon-ayon-sa-pamahiin-ng-mga-pilipino/ 2 III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO A. Pagkuha ng UNANG ARAW Maaari itong ibigay na worksheet o Dating Kaalaman 1. Maikling Balik-aral gamitin ang Jamboard kung Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain: malakas ang internet. https://jamboard.google.com/ Halimbawa: https://jamboard.google.com/d/12 ZqNQ2_mPQ_yri-gu09zxf_QT- Zub7TpzOmWChOBvcY/edit?usp=s haring B. Paglalahad ng I. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin Ipaunawa ng guro sa mga mag- Layunin Pairalin ang imahinasyon habang binabasa ang mga pangungusap. Isulat aaral na ang mga bata ay sa kabilang hanay ang posibleng mangyari kung ang situwasyon ay maging ipinanganak at inaalagaan sa isang makatotohanan. tahanan kasama ng kaniyang mga Ano kaya ang mangyayari Sagot magulang o tumatayong magulang. kung… Kailangan ng mga bata ang ang bata ay pinipitas tagapag-alaga at tagapagturo ng gaya ng isang tama at mali. Bigyang-diin na sa mangga? araling ito, matututuhan ang kahalagan ng pamilya sa paghubog ang mga bata ay ng pagkatao lalo na ng mga ibinubuga/iniluluwa pagpapahalagang maaaring gabay ng bulkan? sa paghusga at pagkilos sa bawat ang mga bata ay situwasyong kakaharapin sa buhay. namumuhay mag-isa gaya ng isang puno? Pamprosesong Tanong: 1. Sino-sino ang mga nag-aalaga sa isang bata? Gawain 2: Tingnan ang worksheet 2. Bakit mahalaga na maipanganak ang isang tao sa isang tahanan? para sa aktibidad na gagawin ng mga mag-aaral II. Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin Bokabolaryo Gawain 2: Ano Ito? (10 minuto) Tamang sagot: Birtud, Karakter, Pagpapahalaga, Moral na Kompas 3 C. Paglinang at Kaugnay na Paksa 1: Impluwensiya ng Iba’t Ibang Konteksto ng Pamilyang Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang Pagpapalalim Pilipino sa Pagkatuto ng Pagpapahalaga nag-uudyok sa mahusay na I. Pagproseso ng Pag-unawa pagtupad sa tungkulin sa Ang bawat bata ay sumasalamin sa kanilang pamilyang kinabibilangan. pamayanan ay ang Inaasahan na ang bawat bata ay naturuang mabuti ng mga magagandang pagpapahalagang taglay ng isang asal sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Kaya kung may bata na hindi nilalang. Ang mga kumikilos ayon sa kung ano ang tama, makakarinig ng mga komento gaya pagpapahalagang ito ay nahuhubog ng “Hindi ka ba tinuturuan sa bahay n’yo?” o kaya ay “Kaninong anak ba sa tahanan at nag-uugat sa ‘yan?” Mahalagang malinang ang isip at puso mula pagkabata upang sa interaksiyon sa mga kasapi ng pamilya. paglabas sa pamayanan ay maging magalang at kapaki-pakinabang. Iba’t Ibang Uri at Konsepto ng Pamilya sa Paglipas ng Panahon Sa paglipas ng panahon, maraming hamon ang kinakaharap ng pamilyang Pilipino tulad ng pagbabago sa estruktura nito. Sa pananaliksik ng mga sosyologo, kinikilala nila ang pagbabago sa estruktura at komposisyon ng mga pamilyang Pilipino dulot ng iba't ibang isyu tulad ng urban at global migration, pagbabago ng papel ng kababaihan, at iba pang mga isyung panlipunan (Tarroja, 2010). Ang mga uri ng pamilyang tatalakayin sa araling ito ay bunga ng nagbabagong kultura at konsepto ng pamilyang Pilipino. 1. Nukleyar na Pamilya. Sa mga tradisyunal na pamilyang nukleyar, madalas ay naroon ang ama at ina na gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga anak. Ang mga magulang ang nagsisilbing modelo ng pagpapahalaga at sila ang nagkikintal sa puso at isip ng mga anak ng mga dapat gawin sa bawat situwasyon. 2. Pinalawak (Extended) na Pamilya. Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo't lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod. Ang mga pagpapahalagang itinuturo ng mga magulang ay maaaring palakasin ng mga lolo't lola. Mas mabilis din matuto ang mga bata sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil mula pagkabata marami na silang nakakasalamuha. 3. Joint na Pamilya. Ito ay pinalawak na nuclear na pamilya. Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa kontekstong ito ng pamilya, maaaring mapalakas ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa mga anak at maaari ring matuto ang mga anak sa mga pinsan, tiyo at tiya na kasama sa pamilya (The Editors of Encyclopaedia Britannica, 2023). 4 4. Blended na Pamilya. Kapag ang mag-asawa ay may mga anak mula sa nakaraang relasyon at nagsama sa isang tahanan, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagpapahalaga ng mga bata. Maaaring mas mapanghamon ang pagtuturo at mas mangailangan ng pagsisikap at komunikasyon ang bawat kasapi ng pamilya. 5. Mga Pamilyang may Solong Magulang. Ang ganitong pamilya ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang titinataguyod ang kaniyang anak. Maaari ring makaapekto sa epektibong pagtuturo ng pagpapahalaga ang hamon sa pinansiyal at emosyonal na stress. Ang mabuting dulot nito ay hindi naririnig ng bata ang magkasalungat na opinyon o pagtuturo dahil iisang magulang lang ang kaniyang nakakasama. IKALAWANG ARAW I. Gawain: Puno ng Pamilya (Family Tree) Gawain: Puno ng Pamilya Ang mag-aaral ay bubuo ng isang ilustrasyon na nagpapakita ng estruktura Sa gawaing ito, maaaring bigyan ng ng kinagisnang pamilya. Ang isasama lamang sa ilustrasyon ay mga kasapi guro ang mga mag-aaral ng na kabilang sa loob ng tahanan. Magpakita ng halimbawa tulad ng nasa kalayaan na makapagbuo ng ibaba. Pagkatapos ay ipasagot ang mga sumusunod na tanong: malikhaing ilustrasyon. 1. Kung titingnan mo ang iyong ginawa, sa anong uri ng estrukturang Bigyan ng pagkakataon ang mga pamilya mo ito maihahambing? Ipaliwanag ang sagot. mag-aaral sa boluntaryong 2. Paano mo mailalarawan ang ugnayan na mayroon ang mga kasapi ng pamamaraan na maibahagi ang iyong pamilya? kanilang ginawa. Dapat maunawan ng guro na ang aralin na ito ay sensitibong talakayan para sa ibang mga mag-aaral kung kaya’t huwag pilitin ang hindi pa handa na makilahok sa pagbabahagi. Sa pagbabahagi ng mga mag-aaral sa kanilang gawa, ang guro ay dapat maging handa sa paglabas ng mga karagdagan pa na uri ng estruktura ng pamilya na dulot ng II. Pinatnubayang Pagsasanay pagbabago ng panahon at 5 Pagbasa ng Kuwento: Basahin ang dalawang situwasyon sa kuwento. paniniwala. Halimbawa: Ang mag- Suriin kung paano makakaapekto sa pagtuturo ng pagpapahalaga ang aaral ay maaaring bahagi ng isang kanilang situwasyon. pamilya na may LGBTQ+ na Unang Situwasyon: tumatayong magulang. Anak: Tay, Nay, dalawang taon na lang po makakatapos na po ako ng Senior High School. Makakapag-aral pa po ba ako sa kolehiyo? Pagbasa ng Kuwento: Tatay: Oo anak, itataguyod namin ng Nanay mo ang pag-aaral mo. Ang guro ay maaaring magdagdag Bago matulog ang mag-asawa kinagabihan. pa ng mga situwasyong naangkop Nanay: Ano ang gagawin natin? Paano natin pag-aaralin si Jessica sa sa gawain at layunin na kolehiyo? Ilang taon na lang susunod na rin si Jannica. mailarawan ang ibat’t ibang Tatay: Iniisip ko nga na kung dito lang tayo sa Pilipinas, hindi kakayanin estruktura/konsepto ng pamilya at ng maliit na kinikita ko ang pagpapa-aral sa kaniya. Kung mangingibang kung paano ito nakakaapekto sa bansa ako mas malaki ang kikitain bagamat mas malaking sakripisyo paghubog ng mga pagpapahalaga. ang hinihingi nito dahil malalayo ako sa inyo at tiyak ang lungkot na daranasin ko at maging kayo na maiiwan dito. Maaaring hatiin sa maliliit na Tumuloy ang ama sa pangingibang bansa at naiwan ang ina na pangkat ang mga mag-aaral at mangangalaga sa mga bata. magtalaga ng situwasyon na Pangalawang Situwasyon: kanilang susuriin. “Nabubuhay Ako” (I Exist) Kuwento ni Ronna Capili Bonifacio na isinalin at muling isinalaysay ni Jingle Padawang Cuevas “Hello, ikaw ba ang Dad ko? Ang mababasa sa mensaheng pinadala ni Leon noong Oktubre 25, 2022 sa inaakala niyang bayolohikal na ama niya. Walang tugon mula sa kaniyang ama, bagkus ay nakatanggap s’ya ng “Ang taong ito ay hindi available sa Messenger.” Ito ang viral na kuwentong nai-post sa Facebook ng 12 taong gulang na si Leon, isang taon pagkatapos niyang makipag-ugnayan sa kaniyang ama. Ang caption niya sa kaniyang Facebook account ay nagsasabing: Halos isang taon na ang nakalipas at naalala ko noong nagpadala ako ng mensahe sa lalaking ito. Siya ang tatay ko. Naisipan kong kumustahin siya at baka magkaroon ng pagkakataon na makilala siya. Okay naman ang nanay ko. Sinabi pa niya sa akin na mag-aral nang mabuti sa paaralan, makakuha ng trabaho, at hanapin siya balang araw upang tanungin siya kung bakit niya ako iniwan. Ilang minuto matapos maipadala ang mensaheng ito, hinarangan (blocked) niya ako. Alam kong 6 hindi ito makarating sa kaniya pero, kung sakali, labindalawang taon na ako at magtatapos na sa elementarya. Lumaki na ako. Mahilig ako sa pusa, at ang paborito kong asignatura ay Science. Gustong-gusto kong maglaro ng mga laro sa computer at gamit ang aking Nintendo Switch. Alam ko walang saysay ito dahil hinarangan mo ako, ngunit nabubuhay ako (I exist). Tinuruan ako ng nanay ko kung paano magdasal at ipagdarasal din kita palagi. Hindi ako galit sayo. At salamat! Mga katanungan sa binasa: 1. Ano ang mga hamong kinakaharap ng mga magulang at anak sa situwasyon? 2. Bilang isang kabataan, paano nakakaapekto ang mga ganitong situwasyon sa pagkatuto mo ng pagpapahalaga? 3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga anak sa kuwento, paano mo ipapakita ang pagpahalaga sa mga sakripisyo ng mga magulang mo? III. Paglalapat at Pag-uugnay Sa nagbabagong konteksto ng pamilyang Pilipino, paano nito naiimpluwensiyahan ang paghubog ng pagpapahalaga? Sagutan ang sumusunod na gawain. Gawain 4: Pamilya mo, Tukuyin mo Gawain 4: Tingnan ang worksheet IKATLONG ARAW para sa aktibidad na gagawin ng Kaugnay na Paksa 2: Pagtukoy sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa mga mag-aaral Pamilya na Nagsisilbing Moral na Kompas I. Pagproseso ng Pag-unawa Maaring magbigay ng maikling Bagamat may mga pagbabago sa estruktura at komposisyon ng pamilyang balik aral ukol sa nakalipas na Pilipino, nananatili ang natural na pagtuturo ng mga magulang ng mga talakayan. Hikayatin na magbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang pagpapahalaga at paghubog ng karakter at birtud sa kanilang mga anak at natutunan o konseptong natandaan iba pang kasapi. Upang maging mabuting mamamayan sa hinaharap ang a bago dumako sa kaugnay na paksa. bata, sila ay dapat lumaki ayon sa pamantayang etikal na tutulong sa kanila na mamuhay kasama ang iba at bumuo ng kanilang pagkatao. Kaya naman, ang pagtuturo ng mga pagpapahalaga sa mga bata ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Mga Pagpapapahalagang Itinuturo ng Pamilya sa mga Anak 7 1. Pagmamahal at Suporta. Ang walang-kondisyong pagmamahal, pagtanggap, at emosyonal na suporta na ibinibigay, na nagpapaunlad ng pakiramdam ng seguridad, pag-aari, at kagalingan sa lahat ng kasapi ng pamilya. 2. Respeto o Paggalang. Ang pagsasaalang-alang sa mga damdamin, kagustuhan, karapatan, o tradisyon ng iba. Tratuhin ang mga miyembro ng pamilya at iba pang mga tao nang may pag-iingat at pagiging magalang. 3. Responsibilidad. Ang pagkakaroon ng kamalayan na ang iyong mga aksiyon ay may kahihinatnan na mabuti at masama, at iyon ang dahilan kung bakit dapat ingatan at maging responsible sa iyong mga aksiyon. 4. Mapagbigay o Pagkabukas-palad. Ang pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba at pagbabahagi nang hindi umaasa ng anumang kapalit. 5. Pangako (commitment). Ang pagtatakda ng mga layunin at pagsisikap na makamit ang mga ito sa mahabang panahon. Italaga ang iyong sarili sa pagtupad ng mga pangako at layunin. 6. Kapakumbabaan. Ang pagkilala na walang perpekto, na ang bawat isa ay may kanya-kanyang lakas at kahinaan din. 7. Pasasalamat. Ang pagpapahalaga sa mga pagsisikap at kabutihan ng iba. Ito rin ay ang pagkilala na nag lahat ng mabuti ay galing sa isang mas mataas at mas makapangyarihang nilalang. 8. Katapatan. Ang pagsasabi ng totoo, hindi pagsisinungaling o pagbabago ng mga katotohanan. 9. Pakikipagkaibigan. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan, pagbibigay ng suporta at suporta, pag-imbita ng mga kaarawan, pagbabahagi at pakiramdam na pinahahalagahan tayo ng ibang tao. 10. Pasensya. Ang pagpapaliban ng mga kasiyahan, upang maunawaan na na sa maraming pagkakataon ay kailangan maghintay bago makuha ang pinakahihintay na gantimpala. Pamprosesong tanong: 1. Ano ang pinakaunang pagpapahalagang natutuhan mo sa iyong Gawain 5: Tingnan ang worksheet pamilya? para sa aktibidad na gagawin ng 2. Sa paanong paraan ito itinuro sa’yo ng iyong kapamilya? mga mag-aaral Pagbasa ng Tula II. Pinatnubayang Pagsasanay Sa pagproseso ng tula, ipaunawa sa Gawain 5: Ang Tahanan mga mag-aaral na ang isang 8 Mga Panlipunang Tradisyon at Kultura na may Impluwensiya sa tahanan ay binubuo ng isang Pampamilyang Pagpapahalaga pamilyang may impluwensiya sa Ang bawat pamilya ay bahagi ng isang lipunan. Ang lipunan, kasama na dito pagpapahalaga ng bawat kasapi ang natatangi nitong mga kultura at tradisyon, ay may impluwensiya sa nito. Ang mga pagpapahalagang ito paghubog ng pagkatao. Ang kultura ay humuhubog sa ating mga pananaw ay may kaugnayan sa paghubog ng sa mga pangunahing isyu tulad ng mga tungkulin at layunin ng pamilya, pagkatao at nagsisilbing moral na kompas. mga kasanayan sa pangangalaga ng pamilya, pag-aaral, edukasyon, kahandaan sa paaralan, pag-uugali ng bata, at iba pa. Ang mga pagpapahalaga at kaalaman sa kultura ay ipinapasa sa mga kabataan sa Gawain 6: Tingnan ang worksheet pamamagitan ng mga wika, tradisyon, at paniniwala (National Center on para sa aktibidad na gagawin ng Parent, Family, and Community Engagement, w.p.). Ilan sa mga mga mag-aaral pampamilyang pagpapahalaga na ipinapasa sa bawat henerasyon ay bunga Gawain: Suriin at Talakayin ng pagtataguyod ng mga panlipunang kultura at tradisyon. Samakatuwid, Maaari pang magdagdag ang guro ang pamilya at lipunan ay may malapit na kaugnayan sa isa’t isa. Saad ni ng mga larawan. Isang John Paul II na binaggit sa pag-aaral ni Gozum (2020), "Ang pamilya ay may alternatibong paraan ng mahalagang ugnayan sa lipunan dahil ito ang pundasyon nito at patuloy pagsasagawa nito ay ang nitong pinapangalagaan ang lipunan sa pamamagitan ng papel nito sa pangkatang gawain na kahalintulad paglilingkod sa sangkatauhan. Ang pamilya ang pinagmulan ng mga sa larong “Paint Me a Picture.” Sa gawaing ito mahalagang mamamayan, at ang pamilya ang nagsisilbing unang paaralan kung saan matalakay ang epekto ng mga natututunan ang mga panlipunang birtud na siyang nagbibigay-buhay sa pagbabago sa paglipas ng panahon prinsipyo ng pag-iral at pag-unlad ng lipunan mismo.” sa mga nakasanayang kultura at tradisyon. Magpabigay sa mga mag- III. Gawain: Suriin at Talakayin aaral ng kanilang mga obserbasyon Gawain 6: Pagsusuri ng mga Panlipunang Tradisyon at Kultura o karanasan kung paano isinasabuhay ang mga IKAAPAT NA ARAW pangkulturang gawi at tradisyon sa I. Paglalapat at Pag-uugnay kasalukuyan. Halimbawa: Ang Gawain 7: Bahay ng Pagpapahalaga community pantry na isinagawa sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic Kaugnay na Paksa 3: Pagsasabuhay sa mga Pangunahing Pagpapahalaga na ay isang halimbawa ng Natutuhan sa Pamilya pagbabayanihan. I. Pagproseso ng Pag-unawa Paraan ng Pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya 9 1. Pagmamahal. Ang pagsasabi ng “mahal kita” ay isa lamang paraan upang Gawain 7: Tingnan ang worksheet maipakita nag pagmamahal sa pamilya at sa iba. Si Jensen (2022) ay para sa aktibidad na gagawin ng nagbigay ng 87 na paraan upang maipakita ang pagmamahal. Basahin ang mga mag-aaral ilan at tukuyin alin sa mga ito ang isinasagawa. Bahay ng Pagpapahalaga https://www.6seconds.org/2022/06/27/kindness-and-loving-75-ways/ Upang matukoy ang mga 2. Respeto o Paggalang. Ang respeto ay nag-uumpisa sa pagiging magalang natutuhang pagpapahalaga na naituro ng kanikanilang magulang sa salita at kilos. Kung may hindi pagkakaunawaan, matutong makinig at at kung paano nagsisilbing gabay intindihin ang damdamin ng iba. Maging malumanay sa pagsasalita at ang mga pagpapahalagang huwag magtaas ng boses lalo na kapag pinagsasabihan. natutuhan sa pag-iisip, kilos at mga 3. Responsibilidad. Ang paghingi ng paumanhin at paghingi ng tawad kapag desisyons a buhay, ipagawa ang may nagawang pagkakamali ay magandang paraan ng pagpapakita ng bahay ng pagpapahalaga. Kung pagiging responsible sa buhay. Kasama din ang paggawa ng mga inaatang kinakailangan magbigay ng iba na gawain at mga pangako. Basahin ang iba pang maaring gawin ayon kay pang halimbawa upang mas Team sa link na https://prowritingaid.com/responsible-character- maunawaan ng mga mag-aaral ang traits#article-head7 kanilang gagawin. 4. Mapagbigay o Pagkabukas-palad. Kung mayroon kang maibabahagi sa mga pangangailangan ng mga kasapi ng pamilya materyal man o hindi ay Maaaring ipagawa ito sa mag-aaral maaring ibahagi ito sa kanila ng buong puso. bilang takdang-aralin sa ikatlong araw upang ipabahagi na lamang sa 5. Pangako (commitment). Panindigan ang mga binibiwang salita at iilang mag-aaral sa ikaapat na pangako kahit na may mga balakid sa pagtupad ng mga ito. araw. 6. Kapakumbabaan. Matutong magsabi ng “sorry” kung nagkamali at laging isiping hindi mo alam ang lahat ng bagay. Dahil dito, pagsilbihan ang isa’t Hikayatin ang mga mag-aaral na isa upang mapunan ang mga kahinaan. magbahagi ng kanilang mga 7. Pasasalamat. Magpasalamat sa lahat ng pagkakataon maliit man o kasagutan sa gawain (Bahay ng malaki ang mga nagawa ng kapamilya. Kahit dumaraan sa mga pagsubok, Pagpapahalaga). Sikapin na sikaping tingnan ang mga bagay na maaring ipagpasalamat sa mga tukuyin ang pagkakatulad ng sagot situwasyon. ng mga mag-aaral upang 8. Katapatan. Piliin araw-araw na magsabi ng katotohanan at hindi mabigyang diin ang mga magsinungaling. Sumunod sa mga alituntunin upang hindi at tagubilin ng pagpapahalaga na umiiral sa magulang upang hindi malagay sa situwasyon na kailangan magsinungaling. pamilyang Pilipino. 9. Pakikipagkaibigan. Ugaliing ngumiti sa iba, bumati ng magandang umaga o magandang gabi. Kausapin ng maayos at makinig kung sa tingin mo ay kailangan nila ng kausap. 10 10. Pasensya. Iwasang magsalita ng makakasakit sa iba kapag hindi nakuha ang nais. Huminga ng malalim at magkaroon ng kamalayan sa mga tumatakbo sa isipan upang maiwasan ang mga negatibong kaisipan. Mag- isip ng positibo at kontrolin ang sarili. Gawain 8: Tingnan ang worksheet II. Pinatnubayang Pagsasanay para sa aktibidad na gagawin ng Gawain 8: Hamon at Pagpapahalaga mga mag-aaral Gawain 9: Tingnan ang worksheet para sa aktibidad na gagawin ng III. Paglalapat at Pag-uugnay mga mag-aaral Gawain 9: Paglagda ng Kasunduan E. Paglalahat 1. Pabaong Pagkatuto Paano nakakatulong ang pamilya sa paghubog ng pagkatao? __________________________________________________________________________ Bakit mahalagang matutuhan ang mga pagpapahalaga at birtud? __________________________________________________________________________ 2. Pagninilay sa Pagkatuto Bakit mahalagang taglayin mo ang mga pagpapahalagang ito? __________________________________________________________________________ Ano ang maidudulot na kabutihan ng mga ito sa iyong sarili, sa pamilya, at sa iyong bayan? _________________________________________________________________________ Sa mga pagsubok na kinakaharap ng pamilyang Pilipino, ano ang maaari mong gawin o ipayo sa mga nakakaranas nito? __________________________________________________________________________ IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO A. Pagtataya 1. Pagsusulit I. Panuto: Sagutin ang sumusunod. 1. Bakit itinuturing ang pamilya bilang sandigan ng pagpapahalaga? a. Dahil dito ipinanganak ang isang bata. b. Dahil dito natututo at nahuhubog ang pagkatao. 11 c. Dahil nagtutulungan ang mga kasapi ng pamilya. d. Dahil gampanin ng magulang na turuan ang kanilang anak. Sagot: B 2. Ano ang maaari mong gawin upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya? a. Isakilos ang mga ito kung nasa paaralan lalo kung may guro. b. Natural na ipakita ang mga pagpapahalaga sa bawat situwasyon. c. Hikayatin ang mga kasapi ng pamilya na isabuhay ang mga pagpapahalaga. d. Turuan ang ibang bata na isabuhay ang kanilang pagpapahalaga. Sagot: B II. Panuto: 3. Magbigay ng tatlong (3) pagpapahalagang natutuhan sa tahanan at isulat kung paano ito maisasabuhay. ___________________________________________________________________________ III. Panuto: 4. Tinuruan ka ng mga magulang mo na ang pagmamahal ay naipapakita sa pagmamalasakit sa bawat isa. Nakita mong may mga pulubing bata na namamalimos at kumakatok sa bintana ng mga sasakyan sa langsangan. Alam mong mapanganib ito. Ano ang gagawin mo? ___________________________________________________________________________ 5. Isa sa mga natutuhan mo sa iyong pamilya ay ang pagmamahal sa Diyos. Sa paaralan, may mga humihikayat sayong pangkat na may taliwas na paniniwala, paano mo ito isasangguni sa iyong mga magulang? ___________________________________________________________________________ 2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin Gumawa ng liham pasasalamat sa Diyos sa pagkakaloob N’ya sa iyo ng pamilya. Hilingin ang paggabay ng Diyos upang maisabuhay at maipasa sa iba ang mga natutuhang pagpapahalaga. Petsa_________ Mahal kong Panginoon, __________________________________________________________________________ Ang iyong anak, ____________________ 12 B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan Anotasyon sa pagtuturo sa Problemang Naranasan at Epektibong Pamamaraan alinmang sumusunod Iba pang Usapin na bahagi. Estratehiya Kagamitan Pakikilahok ng mga Mag-aaral At iba pa C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: ▪ Prinsipyo sa pagtuturo Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? ▪ Mag-aaral Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? ▪ Pagtanaw sa Inaasahan Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? 13

Use Quizgecko on...
Browser
Browser