Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan Aralin 1-3 PDF
Document Details
![EagerStonehenge](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-10.webp)
Uploaded by EagerStonehenge
Tags
Related
- Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks Asynchronous Activity
- ARALING PANLIPUNAN 2024 | QUARTER 1 | MA'AM RAZON | PRODUKSYON AT PAGKONSUMO PDF
- Araling Panlipunan 9: Ekonomiks (PDF)
- ARALING PANLIPUNAN 9 Ekonomiks PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9- EKONOMIKS 2ND PERIODIC EXAM REVIEWER (PDF)
- Araling Panlipunan 9: Ikalawang Markahang Pagsusulit (Ekonomiks) PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa Araling Panlipunan 9, Ikalawang Markahan, Aralin 1-3 ayon sa mga pamagat ng bawat pahina. Ang mga paksa ay kinabibilangan ng produksyon, salik ng produksyon, pagkonsumo, at iba't ibang uri ng anunsyo.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9 Ikalawang Markahan Aralin 1 PRODUKSYON Ito ay hango sa salitang Latin na Productio na ang ibig sabihin ay “bring forth”. Ito ang proseso ng pagpapalit ng anyo ng produkto kung saan ang mga salik ng produksyon o input ay pinagsasama-sama upang...
ARALING PANLIPUNAN 9 Ikalawang Markahan Aralin 1 PRODUKSYON Ito ay hango sa salitang Latin na Productio na ang ibig sabihin ay “bring forth”. Ito ang proseso ng pagpapalit ng anyo ng produkto kung saan ang mga salik ng produksyon o input ay pinagsasama-sama upang makabuo ng isang bagong produkto o output. Tinatawag na commodity o kalakal ang mga output na handa nang ipagbili. ANG MGA SALIK NG PRODUKSYON Ang produksyon ay nagiging posible lamang sa pamamagitan ng pagsasama ng mga salik ng produksyon (factors of production). LUPA PAGGAWA KAPITAL ENTREPRENEURSHIP LUPA BILANG SALIK NG PRODUKSYON Sa pag-aaral ng ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang limitado sa mga lugar na tinatamnan ng mga magsasaka o kinatitirikan ng mga bahay. Sumasaklaw din ito sa lahat ng mga yamang likas na nasa ibabaw at ilalim nito, maging ang mga yamang-tubig, yamang-mineral at yamang-gubat o ano mang hindi ginawa ng tao. PAGGAWA Ang paggawa ay sumasaklaw sa lahat ng lakas at panahon na ginagamit ng tao sa pagpoproseso ng mga sangkap upang maging tapos na produkto. Dalawang uri ng lakas-paggawa: WHITE-COLLAR BLUE-COLLAR Ang mga manggagawang may Ang mga manggagawang may kakayahang mental. kakayahang pisikal o mas Hal. Mga guro, manunulat, ginagamit ang lakas ng katawan. abogado Hal. Mga karpintero, tsuper, etc. KAPITAL Ito ay tumutukoy sa mga kalakal na ginawa ng tao at ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal. Napapabilis ang pagpoproseso sa pamamagitan ng paggamit ng mga makinarya o mga kasangkapang gagamitin ng mga manggagawa. Ang salaping kapital naman ay ginagamit bilang puhunan sa negosyo. ENTREPRENEURSHIP Ito ay tumutukoy sa taong nagsisimula, nagtatayo, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Siya rin ang gumagawa ng mahalagang desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kanyang mga produkto at serbisyo ay susi sa pagtatamo ng pagsulong ng isang bansa. ARALING PANLIPUNAN 9 Ikalawang Markahan Aralin 2 PAGKONSUMO Ang paggamit sa mga produkto o serbisyo upang magkaroon ng kasiyahan ang tao mula sa kanyang mga kagustuhan at pangangailangan. MGA SALIK NG PAGKONSUMO PAGBABA NG PRESYO KITA INAASAHAN PAGKAKAUTANG DEMONSTRATION EFFECT ANUNSIYO PAGBABA NG PRESYO Tumataas at bumababa ang produktong kinukunsumo ng mamimili dahil sa pagbabago ng presyo. KITA Ayon kay John Maynard Keynes, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Si A at B ay parehas na fan ng isang K- Pop group, at nais nilang pumunta sa concert nila rito sa Pilipinas. PRICE LIST A P15,000/ month VIP w/ Soundcheck 15,000 Single VIP Standing 13,750 VIP Seated 12,800 Lower Box 9,850 B Upper Box 6,750 P25,000/ month General Admission 3,500 Single MGA INAASAHAN Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Hal. Kung inaasahan ng isang manggagawa na tatanggap siya ng malaking salapi ngayon palang lalaki ang kanyang pagkonsumo dahil sa darating na salapi. MGA INAASAHAN Kung may inaasahan na paparating na bagyo, ano ang mangyayari sa iyong pagkonsumo? Kung inaasahan na tataas ang presyo ng gasolina mamayang hatinggabi, anong mangyayari sa pagkonsumo? Kung inaasahan mo ang 11.11 sale, anong mangyayari sa shopping cart mo? PAGKAKAUTANG Mahihikayat mangutang ang tao kapag ang kakayahan ng kanyang kita ay kulang na makabili ng mga produkto. Dahil sa pagkakautang maaaring maglaan siya ng salapi upang ipambayad dito. Tanong: Tataas ba o bababa ang pagkonsumo ng isang tao kung siya ay may utang? Ipaliwanag. DEMONSTRATION EFFECT Ito ay pagpapakita ng paraan ng paggamit at pakinabang sa produkto upang ang mamimili ay mahikayat na bumili ng produkto. ANUNSIYO Ito ay isang paraan na ginagamit ng mga prodyuser upang makapagbigay impormasyon sa mga konsyumer ukol sa isang produkto at serbisyo. IBA’T IBANG URI NG ANUNSIYO URI PALIWANAG Layunin na ipakita na maraming sumang-ayon o nakiisa ang isang mamimili sa BANDWAGON desisyon ng maraming mamimili. Ang patalastas na ito ay hindi na kailangan gamitan ng sikat na tao o artista o ibang gimick upang mahikayat ang mamimili na bumili. Sa halip ipinapakita na BRAND lamang ang tatak o brand sapagkat ang produkto ay sikat na at may pangalan na. Ito ay gumagamit ng mga sikat na artista, modelo o mga kilalang tao upang TESTIMONIAL magpatotoo at magbigay patunay na ang produkto ay mahusay. Ang paraan na ito ay kakaiba ang presentasyon dahil ang layunin ay magpakita SCARY ng takot sa mga mamimili at kung sakaling hindi bilhin ang produkto maaari silang manghinayang. ARALING PANLIPUNAN 9 Ikalawang Markahan Aralin 3 KONSYUMER Tinatawag din bilang mga mamimili. Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda, nagtataguyod at naglabas ng walong karapatan at limang tungkulin ng mamimili upang maging gabay sa pamilihan. KARAPATAN NG MGA MAMIMILI Ayon sa Department of Trade and Industry KARAPATAN: IMPORMASYON KARAPATAN: IMPORMASYON KARAPATAN: PUMILI KARAPATAN: PAGPAPAHAYAG KARAPATAN: KABAYARAN SA KAPINSALAAN KARAPATAN: MALINIS NA KAPALIGIRAN MGA PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI Ayon sa Department of Trade and Industry