ARALING PANLIPUNAN 9- EKONOMIKS 2ND PERIODIC EXAM REVIEWER (PDF)
Document Details
Uploaded by MeticulousRed
Tags
Summary
This document is a reviewer for the Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks exam. Topics covered include demand, supply, market equilibrium, and different market structures like monopoly, oligopoly, and monopolistic competition. It includes explanations, definitions, and concepts related to these economic principles.
Full Transcript
**ARALING PANLIPUNAN 9- EKONOMIKS** **2^ND^ PERIODIC EXAM REVIEWER** - Ang **DEMAND** ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo. - Ang **dami ng demand (QD)** ay bababa tuwing may pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo - Kun...
**ARALING PANLIPUNAN 9- EKONOMIKS** **2^ND^ PERIODIC EXAM REVIEWER** - Ang **DEMAND** ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo. - Ang **dami ng demand (QD)** ay bababa tuwing may pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo - Kung ang presyo ay tumataas nararapat na unahing bilhin ang mga pangunahing pangangailangan. - Ang **BATAS ng DEMAND** ay nagsasaad na kapag ang presyo ay tumataas ang dami ng demand bumababa, at kapag ang presyo ay bumababa, ang dami ng demand ay tumataas, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. - May mga salik na nagpapabago sa demand, isa na dito ang **KITA / SAHOD** na nagdudulot ng pagtaas ng demand. - Lilipat ang kurba sa **kanan(right)** kung tataas ang demand, lilipat naman ito sa **kaliwa (left)** kung ito ay bababa. - Ang demand ay maaaring magbago dahil sa iba't ibang salik gaya ng **populasyon, okasyon, kita, panlasa o kagustuhan, presyo ng kaugnay na produkto at ekspektasyon o inaasahan** - Nagkakaroon minsan ng ***panic buying* tuwing may inaasahang pagtaas ng presyo** - **Ang karaniwang gawi ng konsyumer tuwing may pagtaas ng presyo ay maghahanap ito ng pamalit na produkto.** - **Ang SUPPLY ay tumutukoy sa** dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. - Tataas ang supply kapag ang presyo at tataas. - Ang mataas na presyo ang nagpapaganyak sa mga prodyuser na magbenta ng produkto at serbisyo. - Ang mga prodyuser ay tagalikha sila ng mga produkto at serbisyong kailangan ng mga konsyumer. - Kapag tataas ang gastos sa produksiyon (production cost) ang dami ng supply ay bababa - Ang paglipat ng kurba ng supply pakaliwa o pakanan ay nangangahulugang may pagbabago sa dami ng supply bunga ng iba't ibang salik - Ang paglipat ng kurba sa **kanan (right)** ay nangangahulugan ng pagtaas sa supply. Habang ang paglipat ng kurba sa **kaliwa (left)** ay nagpapakita naman ng pagbaba sa suplay. - Ang supply ay maaaring magbago dahil sa iba't ibang salik gaya ng pagbabago sa presyo ng mga salik ng produksyon, pagbabago sa antas ng teknolohiya, epekto ng panahon at klima, pagbabago sa halaga o presyo ng alternatibong produkto, pagbabago sa mga buwis at subsidies, bilang ng nagtitinda, at ekspekstasyon o inaasahang pagbabago sa presyo. - Bababa ang dami ng supply (QS) kapag may nagaganap na hoarding sa pamilihan - May **ekwilibriyo** sa pamilihan kapag nagkakasundo ang bumibili at nagbibili sa presyo at dami ng produkto. Ito ang punto na magkapareho ang *quantity demanded* (QD) at *quantity supplied* (QS). - Mahalagang magkaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan upang maiwasan ang *shortage at surplus* sa pamilihan - Ang **pamilihan** ay isang mekanismo kung saan nagtatagpo ang mamimili at nagtitinda. Nilalayon ng pamilihan na maisakatuparan ang pangunahing layunin ng Ekonomiks, ang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. - Sa ganap na kompetisyon, walang mamimili o nagtitinda ang makakakontrol ng presyo. - Ang Pamilihang may di-ganap na kompetisyon ay binubuo ng apat na uri: ang monopolyo, oligopolyo, monopsonyo at monopolistic competition. - **Monopolyo-** ito ay isang uri ng pamilihan na kontrolado ng iisang bahay-kalakal ang pagbebenta ng produkto o serbisyo. - **Monopsonyo**-iisa lang ang bumibili ng serbisyo at produkto. - **Oligopolyo-** ito ang pamilihan na may maraming mamimili ngunit iilan lang ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto. - **Monopolistic Competition-**pamilihan na may maraming mamimili at maraming nagtitinda ng magkakaparehong produkto. Ang uri ng produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi magkakahawig. - Nagaganap ang ***collusion*** sa pamilihan kapag nagsabwatan ang mga kompanya ng langis na magtaas ng presyo kahit walang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. - May mabuting dulot sa mga mamimili ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang mapagpiliang produkto at mababa ang presyo nito - Ang *online shopping* ay maituturing na isang pamilihan sapagkat may nagaganap na transaksyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili. - Ang pamahalaan ay isa sa mga haligi at napakahalagang institusyon sa ating lipunan. May taglay itong pangunahing tungkulin at pananagutan na magsilbi sa lahat ng mamamayan. - Ipinatutupad ang **"Price Freeze**" tuwing may kalamidad o sitwasyon kung saan maaaring dehado ang mga konsyumer. Layunin nitong hindi baguhin o taasan ang presyo sa kasagsagan o pagkatapos ng kalamidad upang masiguro na di mananamantala ang mga negosyante. - Makatutulong sa mamimili kung ang pamahalaan ay nagpapatupad ng *price freeze* sa pamilihan sapagkat maiiwasan ang labis na pagtaas ng presyo.