Kultura at Kulturang Popular (Tagalog) PDF

Document Details

CoolestYtterbium

Uploaded by CoolestYtterbium

University of Southern Mindanao

Tags

Tagalog culture Cultural studies Philippine culture Anthropology

Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa kultura at kulturang popular. Tinalakay ang mga katangian, elemento, at impluwensya ng kultura, pati na rin ang mga papel na ginagampanan ng kultura sa lipunan at pag-uugali ng tao.

Full Transcript

KULTURANG POPULAR Ang Kalinangan ng isang bansa ang siyang batayan kung ito ay maunlad o hindi at ang institusyong itinatag ng tao ang siyang salamin ng mga paniniwala ng tao at siyang larawan ng antas ng kaniyang kalinangan. Ang tao ang siyang natatanging nilalang na may angkop na katalin...

KULTURANG POPULAR Ang Kalinangan ng isang bansa ang siyang batayan kung ito ay maunlad o hindi at ang institusyong itinatag ng tao ang siyang salamin ng mga paniniwala ng tao at siyang larawan ng antas ng kaniyang kalinangan. Ang tao ang siyang natatanging nilalang na may angkop na katalinuhan upang baguhin ang kaniyang kapaligiran at magtatag ng mga institusyon gaya ng kasal at pagpapamilya, sining at agham, edukasyon, relihiyon, pamahalaan at iba pa. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan KULTURA (Timbreza,2008) = may katumbas na salitang KALINANGAN na may salitang ugat na LINANG ( Cultivate ) at LINANGIN ( to develop/ to cultivate) Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay isang kabuuan o totality Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay ukol sa pagmamanang lipunan ( social inheritance) Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay tumutukoy sa ugali ng pamumuhay (way of life) Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay sikolohikal at ginagamit ang pakikibagay (adaptation), pag-aaral (learning) at kaugalian (habits) Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay tumutukoy sa pagtutulad (patterning o pagbubuo ng kalinangan) Alfred Kroeber at Clyde Kluckholm (A Critical Review of Concepts and Definitions ) Ang kalinangan ay tumutukoy sa kabuuang resulta (accumulated whole) ng buhay sa pangkat o grupo. ( Leslie A. White )  ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa aksyon, bagay at iba pang mga kasangkapan, ideya, at sentiment ( Charles M. Hudson )  ang kultura ay mga kaalamang nakuha o impluwensiya ng mga tao sa kanyang kapaligiran o sa kanyang lipunan. ( Ward H. Goodenough )  ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns for behavior (designed for that life) (Salazar,Zeus A. ) = ang kultura ay ang kabuuan ng isip, gawi, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng angking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao. Ayon sa karaniwang tao: Ang kalinangan ay tumutukoy sa mga taong may pinag-aralan Edward Burnett Tylor Ang kalinangan ay iyong masalimuot na kabuuan na binubuo ng mga paniniwala, sining, mga niloob tungkol sa kilos o asal, batas at iba pang kakayahang natamo ng tao bilang kasapi ng samahan. Panopio (2007) Kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao Rubrico (2009) Pangkabuuang pananaw ng tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Mooney (2011) Tumutukoy sa kahulugan at pamamaraan ng pamumuhay na nalalarawan sa isang lipunan. Ang kultura ay kabuuan ng mga tradisyon,paniniwala,kaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalimuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo. MGA TUNGKULIN NG KALINANGAN 1. Nagtatakda ng taas ng antas ng tao sa kalipunan ng mga hayop 2. Nakatutulong sa pag- unlad ng personalidad o katauhan ng tao. ( Hal., ang mga batas, kaugalian, pamantayan o kahalagahan ) Ito ay nagpapatinag sa tao upang siya ay kumilos nang ayon sa inaasahan 3. Nagtuturo sa tao upang mapagbigyang kasiglahan ang kaniyang kailangang pangkatawan, panlipunan at pansikolohikal. 4. Tagahadlang panlipunan o panlipunang tagahadlang ( social control ). Nakatutulong sa pag- ayos at pamamahala ng kilos ayon sa pamantayan ng lipunan. MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 5. Culture is organic and superorganic. organic- rooted to individual superorganic – it outlives- livelong the people and the particular org. It is product of human society and not only by biology. MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 6. Culture is both overt and covert. Overt- there are actions and artifacts Covert – inferred from what the person say or do. ( Kailangang magbasa ka ng folklore, literatura para mapag- aralan ang mga natatagong kaugalian). MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 7. Culture is both implicit and explicit Implicit- things one cannot explain because it is understandable and unobservable or because it is taken for granted. ( phonemes and structure of a language, verbal play) MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 8. Culture is both implicit and explicit Explicit- that can be described easily by those who performed them. ( driving a car, sewing a dress) MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 9. Culture is stable yet always changing. internal- discovery, invention external- borrowing & acculturation MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 10. Culture is composed of ideal manifest behavior Ideal- consists of what ought to be Manifest- compose of a actual behavior MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 11. Learned/ natutunan Enculturation- natutunan niya rito ang sarili niyang kultura. Socialization- pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Acculturation- ang isang indibidwal ay pumapasok sa bagong kultura kaya nagkakaroon ng isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya sa kulturang iyon. MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 12. Ibinabahagi- ang ibinabahaging kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. MGA KATANGIAN NG KALINANGAN 13. Naaadap- Ang kultura ay nag- aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses. MGA KATANGIAN NG KALINANGAN ( Murdock ) 14. Ang kalinangan ay bunga ng karunungan ( product of learning) 15. Ang kalinangan ay panlipunan (social). 16.Binibigyan ng kalinangan ng kasiyahan ang mga pangangailangang biyolohikal at sikolohikal ng tao. 17. Ang kalinangan ay naisasalin sa mga salinlahi sa pagsusulat o pagbibigkas. 18. Lahat ng sangkap ng kalinangan ay magkakaugnay. 19. Binibigyan ng tao ang kalinangan ng isang sistema ng kahalagahan upang mahanay niya ang mga bagay- bagay kung masama o tama, kung ayon sa batas o hindi atbp. MGA SANGKAP/KOMPONENT NG KALINANGAN DI- MATER YAL NA KULTURA Ang mga kultura at kaugaliang hindi nahahawakan ngunit maaaring mapansin batay sa galaw ng tao. Ito rin ay naipapasa sa bawat henerasyon kung kaya’t ito ay hindi namamatay. Kabilang dito ang norm, paniniwala, valyu at ang wika. DI- MATER YAL NA KULTURA 1. PAMANTAYANG PANTAO = pag- aakma ng tao sa kaniyang ikinikilos sa kanyang lipunang ginagalawan. = napapaloob dito ang mga katutubong gawi, batas, mores, mga institusyon at kaasalang sama- sama. 2. KATUTUBONG GAWI AT KAASALAN ( folkways ) = ito ay nabubuo ng di- sadya at siyang nagiging pamatnubay sa asal. = ayon kay William Graham Summer, ito ay kaugalian ng tao sa lipunan na bunga ng pagpupunyaging mabigyang katuparan ang mga pangangailangan. 2. KATUTUBONG GAWI AT KAASALAN ( folkways )  Katulad na lamang ng pasusuot na maayos na damit tuwing may pupuntahan, mainit na pagtanggap ng bisita, atbp. 3. MORES mga katutubong gawi na mahalaga at tinatanggap na walang tanong- tanong at siyang naglalarawan ng mga kuro- kuro sa asal o moralidad ng isang grupo 3. MORES Ang pinakamahalaga at pinakamataas na uri ng kaasalan na nararapat na ilapat ng tao sa kanilang buhay. Kinakailangang isabuhay ang mga kaasalang ito upang mapanatili ang kaayusan at pamantayan sa loob ng pangkat. 3. MORES Halimbawa na lamang nito ay ang pagbabawal ng pag-aalaga ng aso ng mga muslim, pagpapakulay ng buhok , pag- inom ng alak. Hindi lamang nila ito sinusunod dahil sa isa mababaw na kadahilanan lamang ngunit may kaakibat na mabigat na kaparusahan ang kanilang matatanggap kapag nilabag nila ito. 4. BATAS = ito ay ang mga pamantayang pormal na galing sa isang pamahalaan at maaaring gamitin ng tao dahil kinikilala at pinaiiral ng pagpapasiya ng isang hukuman. 5. MGA KAASALANG SAMA- SAMA ( collective behavior ) = mga kaugalian na ginagawa sa panahon na ito’y namomoda. Kadalasang panandalian lamang. 6. INSTITUSYON = mga gawi ng ating lipunan na nagiging pormal at nagkakaroon ng kaayusan 7. MGA KURO- KURO = di- materyal na anyo ng kalinangan na tumatagal at naisasalin sa mga salinlahi. = kabilang dito ang mga paniniwala at kahalagahan. 8. MGA PANINIWALA  ito ay tumuturol sa mga matitibay na paniniwala sa katotohanang walang sapat na batayan o saligan upang makapagbigay ng tiyak na kaalaman. = kasama rito ay ang mga pamahiin, mga alamat, pabula, palaisipan at iba pa. 9. MGA KAHALAGAHAN itoay tumuturol sa katangian ng isang bagay kaya’t ito ay minamahalaga, inaasam at nagiging kapaki-pakinabang.  ito ang nagsisilbing budhi o konsensiya ng lipunan. 10. WIKA = sistema ng mga tunog, may simbolo at maaaring pasalita o pasulat na ginagamit ng isang tao sa pakikipag- usap o pakikipagkomyunikeyt. 11. TECHNICWAYS = these are social adjustments to technological change. (paggamit ng bagong kagamitan at pagsunod sa moderno o popular na kultura o global na pagbabago) 11. NORMS = aktuwal na ginagawa o ikinikilos ng isang tao na ideal at istandard na inaasahang uugaliin niya sa isang partikular na sitwasyon. ( pagsabi ng “po” bilang palatandaan ng paggalang) 11. NORMS  Isang konkretong halimbawa nito ay ang pagpila ng maayos dahil may nakalagay na “Fall in Line.” 2. KALINANGANG MATERYAL = ito ay tumuturol sa kapaligirang gawa ng tao at sumasanib sa lahat ng bagay na gawa o binago ng tao na sadya o di- sadya. = tools, utensils, furnitures, clothing, arkitektwal na disenyo, automobiles etc. PAGHAHATI- HATI NG KALINANGAN 1. PAGSASALITA ( speech ) a. Wika b. Sistema ng pagsulat 2. MGA KATANGIANG MATER YAL a. Mga gawi sa pagkain b. Kublihan c. Sasakyan d. Pagdaramit e. Mga kasangkapan f. Mga sandata g. mga gawain ( occupation ) 3. SINING a. Larawang inukit b. Larawang ipininta c. Mga guhit d. tugtugin 4. MGA ALAMAT AT KAALAMAN SA AGHAM 5. MGA KAUGALIAN SA RELIHIYON a. Mga ritwal b. Panggagamot sa maysakit c. Pagpapalagay sa mga namamatay 6.SISTEMANG PANG- ANGKAN AT PANLIPUNAN a. Mga uri ng kasal b. Paraan ng pagtuturing ng mga relasyon c. Pagmamana d. Panghadlang panlipunan e. Mga palakasan at mga laro 7. PAG- AARI a. Tunay at personal b. Pamantayan ng pagpapahalaga at palitan c. pangangalakal 8. PAMAHALAAN a. Mga anyong pulitikal b. Pamamaraan sa batas at hukuman 9. DIGMAAN Alternatibo/ mga Alternatibo Nabibigyang karapatang mamili ang isang tao sa kung ano ang nais niya batay sa kung ano ang nakakapagbigay ng ligaya sa kanya at para sa kanyang ikabubuti. PAGTINGIN SA KULTURA NG IBA  Noble Savage- tanggap nila kung ano sila. Hindi nila ikinahihiya kung ano sila.  Ethnocentrism- paniniwala ng iba na ang kanyang kultura ay tama at nakahihigit.  Cultural Relativity- pag-unawa sa ibang kultura. Kabaliktaran ng ethnocentrism.  Xenocentrism KULTURAL NA KATANGIAN NG TAO  POLYCHRONIC- sa ibang kultura may mga taong gumagawa ng isang bagay nang sabay- sabay. Makakatrabaho rin sila nang maramig gawain nang sabay-sabay.  MONOCHRONIC- ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho. Bawat trabaho ay may oras. KATANGIANG KOMUNIKATIBO (Hofstede, 1984)  Individualist – sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa kanya. Wala siyang pakiaalam sa damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.  Collectivist- iniisip niya ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat. Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba. KATANGIANG KOMUNIKATIBO (Harry Triands, 1990)  Allocentric- mahalaga ang iba  Idiocentric- ako ang mahalaga FORMS OF SOCIAL CONTROL  Backbiting (panlilibak)  Ostracism- banning from a group by popular vote  Cultural Impediments- codified in laws and mores of society. They define what should be done SOCIAL RELATIONSHIP  Bilateral- landlord to tenant, husband to wife  Group relationship- bigger relationship  Social system- composite of all the social relationships Hal. Paano dinidisiplina ng ama ang anak Ang kayarian ng pagkatao ay may malaking kaugnayan sa mga kakaibang kilos, galaw, pag-uugali at asal panlipunan ng isang indibidwal na lumilitaw at nasaksihan sa araw-araw niyang pamumuhay, pakikisalamuha’t pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa. Kung ano ang ikinikilos, inaasal o inuugali at kung paano gumagalaw at umaasta ang isang tao ay siyang nagpapamalas ng kanyang likas na pagkatao. ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay magiliw tumanggap (hospitable)  Ito ang pinaka popular na katangian ng mga Pilipino. ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay malapit sa kaniyang angkan at kamag-anak  tradisyon gaya ng reunion, sa kasalan, binyagan at araw ng kapanganakan ANG KATAUHANG FILIPINO  May diwang “Bayanihan”  ito ay namalas na sa mga karanasan ng mga tao sa mga oras ng panganib at oras ng pangangailangan ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay magalang  mataas na tingin sa mga nakatatanda  opo, oho at ho ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay mapaniwalain sa tadhana at guhit ng palad  ugaling may kaakibat na paniniwala sa hula, sa dwende, at sa signos ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay Mapagtanaw ng “utang na loob”  Ang “pakikisama” ay isa pang katutubong kaugalian ng mga Pilipino  Ang isa pang kaugaliang Pilipino na matutukoy ay ang “crab mentality” May kaugaliang “hiya” o “delicadeza Mapaniwalain sa kapalaran ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay may paninindigan.  Ang pangako at kombiksyon ang malapit na naglalarawan ng kahalagahang paninindigan. Ang isang opisyal ng pamahalaan na hindi makasariling naglilingkod sa kanyang nasasakupan at sa lipunan at nagpapakita ang integridad sa kabila ng katiwalian at kabulukang laganap sa paligid, ay may paninindigan ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay may Katangiang personalismo.  Tinurol ni Bonifacio (1975:4) na ang personalismo ay nakaugat sa ating pangunahin at pangakong moral sa pamilya at kamag-anak at umaabot sa mga kumpadre, mga kapitbahay, kaibigan o kahit na mga suki. Nangangahulugan ito ng pangingibabaw ng grupong panloob sa kalahatang lipunan o kalahatang kabutihan. ANG KATAUHANG FILIPINO  Ang Pilipino ay matiyagang Paghihirap o Pagtitiis.  Ang matiyagang paghihirap o pagtitiis ay ipinapakita ng saloobing ang ilang mga pwersang tulad ng kahirapan, kawalan ng katarungan, sakit o anumang bagay ay lubhang makapangyarihan upang maigupo ANG KATAUHANG FILIPINO ( Florentino T. Timbreza)  Mapanlamang  Palakasan  Madaya  Pagtitimbang  Panghihiram  Pikon  Magwawala  Pandesal  Pagbibinbin ANG KATAUHANG FILIPINO ( Florentino T. Timbreza) Ang ugaling Pilipino na lumalabas at napapansin sa araw-araw niyang pakikisalamuha sa kanyang kapwa ay salamin ng kanyang pagkatao. Marami pang sangkap ng kanyang kaluluwa ang hindi kayang ilarawan ng wika. ANG KATAUHANG FILIPINO ( Florentino T. Timbreza) Panlabas na anyo lamang ang ating namamalas sa kanya. Hindi natin lubos na matarok ang kalikasan ng kanyang kalooban. KULTURANG POPULAR Narito tayo sa edad ng kulturang popular. Ito ang ating kinakain, iniinom, pinapanood, inaamoy, pinapakinggan at isinusuot; ito ang ating kinikilusan, iniisip at dinaramdam KULTURANG POPULAR  May kakaibang kapangyarihan ang kulturang popular.  Ang produkto ng kulturang popular ay may halagang gamit (use) at palitan (exchange).  gamit- may silbing emosyonal sa tumatangkilik  palitan- ito ay may bayad kapalit ng kasiyahang dulot  Ang produkto ng kulturang popular ay culturally odorless  Ang kulturang popular ay preconstituted at preconditioned KULTURANG POPULAR  Ang produkto ng kulturang popular ay may katangiang popular dahil ito ay sumasaklaw sa pinakamaraming bilang ng mga tao  Ang kultural naman sa kulturang popular ay tumutukoy sa antas ng kamalayan.  Ang kapangyarihan ng namamayaning kaayusan ay hindi panatag na naiimplementa.  Porous- iba-iba ang antas ng ating pagdanas at pagdaloy sa kapangyarihan  Ang usaping kultural ay tumutukoy sa politikal na isyu. KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR  Ang kulturang popular ay ginagawa para sa kita.  Ang kulturang popular ay transgresibo sa mga kategorya (Malawak ang sakop ng kulturang popular) KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR  Ang kulturang popular ay ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya.  media- print, broadcast, film, computer at iba pa  kultural na teknolohiya- edukasyon at sining  domestiko- tulad ng telebisyon o mga 110 na voltage ng imported na appliances Mga Kahinaan ng Programang Pantelebisyon  Pwede bang bumati  Before anything else  I would like to thank  The first runner up goes to  Irritating barking station break announcers  Vis-over-emoting MTV jocks  Awards, awards, awards everywhere  She swallowed the cd  Napakasakit kuya Eddie  Slapstick at toilet humor KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR  Ang kulturang ay pumapailanlang sa nosyon ng sado- masokismo  Ang kulturang popular ay nanggaling pangunahin sa sentro  Folk – gawa ng Kristiyanong grupo sa kapatagan.  Katutubo – mga taal na grupong Filipino  Islamiko – mga tumatanggap ng relihiyong Islam. ANG PATALASTAS  Isang uri ng komunikasyong inilaan upang manghimok ng isang madla upang kumuha ng ilang aksyon  ang pangkalahatang layunin ay ang magbenta o magbigay ng isang bagay sa isang target na madla.  magbigay ng impormasyon  magbigay direksyon ANG URI NG PAG-AANUNSYO O PATALASTAS  BRAND O PAMBANSANG PATALASTAS- ang tatak ng isang produktong kilala na o matagal ng pinagkakatiwalaan ng mga mamimili ay matagal ng ginagamit sa pag-aanunsyo dahil madali itong makaakit ng atensyon.  TESTIMONIAL- binabayaran ang mga kilalang tao upang maendorso ang isang produkto ANG URI NG PAG-AANUNSYO O PATALASTAS  SCAR Y- ipinapakita ang mga negatibong bagay na maaaring mangyari kung hindi tatangkilikin ang produktong ipinakikita sa anunsyo.  BANDWAGON- ipinakikita ng anunsyong ito na maraming taong gumagamit at nagtitiwala sa produkto upang mahikayat ang iba na tangkilikin na rin ang produkto. ANG URI NG PAG-AANUNSYO O PATALASTAS  ANUNSYONG PANGKALAKALAN  mangangalakal ang naglalayong maghimok ng tagapamahaging bilhin ang kanyang produkto at ipagbili sa publiko  TINGIANG PATALASTAS  mahikayat ang mamamayan na bumili ng mga produkto sa tingiang tindahan HAKBANG SA PAGBUO NG PAG-AANUNSYO O PATALASTAS  BUMUO NG KONSEPTO  ALAMIN ANG TARGET NG PATALASTAS  ALAMIN ANG BUDGET NG PAGGWA NG ANUNSYO  GUMAWA NG STOR YBOARD  MAG-SHOOT NG PATALASTAS SINAUNANG PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  Kulturang Popular Bilang Instrumento ng namamayaning Kaayusan  tinitingnan ang tumatangkilik sa kulturang popular bilang pasibong nilalang ,mga sponghang walang ginawa kundi sipsipin ang likido mula sa naghaharing uri. SINAUNANG PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  Kulturang Popular bilang daluyan ng taal na kamalayang Filipino  tinitingnan ng ganitong pananaw na ang kulturang popular, dahil ito ay popular, ay isang kulturang paghahalawan ng kaalaman hinggil sa pagiging Filipino. PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  ITAAS AT IBABA  Itaas- ang mga pwersa ng namamayaning sistema  Ibaba- ang piniping mga boses ng mga naisantabing pwersa.  KULTURAL na KATEGOR YA  ang siyang nagpapahiwatig ng mga posisyong nagbibigay sa ating afinidad sa iba pang grupo PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  KASAYSAYAN , LIPUNAN AT MODERNISMO  Kasaysayan- ang panahon ang kinakatawan nito na siyang nagbibigay pribilehiyo sa produksyon ng kaalaman.  Espasyo- ay tumitingin sa pormasyon ng lipunan at kapaligiran  Pagkatao- dulot ng magkatuwang na epekto ng modernismo. PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  GLOBAL AT LOKAL  Lokal- nagpapahiwatig ng posisyon ng isang taal na grupo, karaniwan yaong nasa labas ng pandaigdigang poder ng kapangyarihan  Global- ang posisyon ng sporadikong pagkilos ng kapital sa kasalukuyang yugto.  namamayani (dominant)- kultura ng naghaharing kaayusan  latak (residual)- ito ang lumang kultura, pasulpot-sulpot at hindi mamatay-matay  umuusbong (emergent)- ito ang nagbabadyang bago, direktang supling. PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  NASYONAL at TRANSNASYONAL  Nasyonal- sinisipat naman ang artikulasyon ng pambansa bilang daluyan ng magkatunggaling kamalayan ng namamayaning kaayusan at nakikibakang kilusan.  Transnasyonalismo- tumutukoy sa dalawang proyekto ng kapitalismo. o Imperialistang globalisasyon- lumulusaw sa pambansang identidad o Internasyonalistang solidaridad- nagbubuklod sa mga pambansang pakikibaka. PANANAW SA PAG-AARAL NG KULTURANG POPULAR  INSTITUSYONAL na PANAW  nagbibigay pansin sa kapasidad ng mga kultural at politikal na institusyon at industriyang pangkultura na hubugin ang kamalayan ng tao.  POPULARISTANG PANANAW  binibigyang pribilehiyo ang literal- hindi ang saykoanalitikal na kasiyahan ng tao sa pagtangkilik sa kulturang popular.  INTERDISIPLINAR YONG PAG-AARAL  dayalektong ugnay ng namamayaning kapangyarihan at pwersang panlipunan mula sa ibaba. MALL RATS

Use Quizgecko on...
Browser
Browser