KONKOM MIDTERM REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by ZippyOboe
Tags
Related
- KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO PRELIM REVIEWER PDF
- KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO PRELIM REVIEWER PDF
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Reviewer: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (PDF)
- Komunikasyon Grade 11 Quarterly Exam Reviewer PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Filipino PDF
Summary
This document is the review materials for KONKOM midterm. It covers topics about the Filipino language and communication. It includes different lessons, attributes and origins of the language.
Full Transcript
ARALIN 1: Kahulugan at Katangian ng Wika Wika - Ang salitang “wika” ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Henry Gleason (1988)- ayon sakanya ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang m...
ARALIN 1: Kahulugan at Katangian ng Wika Wika - Ang salitang “wika” ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Henry Gleason (1988)- ayon sakanya ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.” Edward Sapir - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin Carrol (1964)- ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay masistemang balangkas 2. Ang wika ay binubo ng tunog 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos 4. Ang wika ay arbitraryo 5. Ang wika ay patuloy na ginagamit 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura 7. Ang wika ay dinamiko 8. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon 9. Ang wika ay may iba’t ibang antas KAHALAGAHAN NG WIKA 1. Instrumento ng Komunikasyon 2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman 3. Nagpapayabong ng kultura 4. Nagsisismbulo ng Soberanya 5. Nagsisilbing Lingua Franca PINAGMULAN NG WIKA/ IBA’T IBANG TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA San Juan 1.1 - “Noong una ay nilikha ang mga tunog at naging salita” Tore ng Babel - batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Teoryang Bow-Wow- paggaya sa tunog na nililikha ng mga hayop. Teoryang Ta-Ta – Kumpas ng kamay Teoryang DingDong- tunog galing sa mga bagay sa paligid Teoryang Yo-he-ho- pwersang pisikal Teoyang Pooh-Pooh- masihing damdamin Teoryang Tararaboom-de-ay- ritwal ARALIN 3: Ang wika at iba pang kaugnay na Impormasyon Dell Hymes- Pagtataglay ng kakayahang gamitin ito sa angkop na sitwasyon tulad ng sino ang kakausapin, bakit nakikipag-usap, saan makikipag-usap, paano ang takbo ng usapan, at ano ang paksa ng usapan. (SPEAKING) Peter Trudgill- Hindi lamang pakikipagtalastasan at pagbibigay impormasyon, bagkus ito ay para sa pagpapanatili ng ugnayan ng mga tao sa isa’t isa, naglalayon din itong lumikha ng pagbabago sa kilos, isipan, at damdamin ng gumagamit nito at pinaggagamitan. M.A.K Halliday (Michael Alexander Kirkwood)- “Explorations in the Functions of Language” ang wika ay batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa sa atin ✓ Heuristiko – makamit o makapaghanap (serbey, reseach) ✓ Imahinatibo/Imajinativ- imahinasyon ✓ Instrumental- pagtugon sa pangangailangan ✓ Interaksyunal- pakikipagkapwa o pakikipagrelasyon ✓ Personal- naipapahayag ang sariling saloobin ✓ Regulatoryo- control ✓ Informativ/Representatibo- naibibigay ang kaalaman o impormasyon ARALIN 4: Antas ng Wika Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Pambansa- ginagamit ito ng lahat at nauunawaan ito ng buong bansa. Ginagamit din itong wikang panturo at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Pansemantika/Panretorika- pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayaman ito sa paggamit ng mga idyoma, tayutay, at matatalinghagang pananalita. (may malalim na mga salita) Panteknikal- mga salitang ginagamit sa agham at matematika Impormal- madalas nating gamitin sa pang-araw-araw Lalawiganin- ginagamit sa partikular o specific na lugar o pook Koklokyal- pinaikling salita Balbal- pinaka mababang antas, slang sa English ARALIN 5: Bayarti ng Wika Fantini (2000) - Ang barayti ng wika ay bunga ng ilang mahahalagang salik panlipunan tulad ng lugar, paksa, uri ng komunikasyon, gamit ng interaksyun at participant. ✓ Dayalek – partikular na pangakat mula sa partikular na lugar (HAL: Kapampangan – Sasmuan) ✓ Idyolek- personal na wika (HAL: Excuse me po! Ni Mike Enriquez) ✓ Sosyolek- jejemon, conyo, gay language ✓ Etnolek- etnolinggwistikong grupo ✓ Ekolek- mga salitang ginagamit sa loob ng bahay (HAL: KUBETA) ✓ Pidgin- “nobody’s native language” walang structure. (HAL: ikaw utang) ✓ Creole- Ang wikang nagmula sa isang pidgin at kalaunan ay naging unang wika sa isang lugar. (HAL: CHAVACANO) ✓ Jargon- terminolohiyang ginagamit isang tiyak o partikular na pangkat ng gawain o propesyon. ARALIN 6: Ang Wikang Pambansa Filipino - ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. 1987 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 - Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito dapat ay pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7- “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’ walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.” Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 8 - “Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.” Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. HISTORIKAL NA KONTEKSTO SA PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 - “Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay ng pagpapaunlad ng wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan. Hangga’t ang batas ay hindi nagtatakda ng iba, ang wikang Ingles at Kastila ay mananatiling mga wikang opisyal.” PLANO O HAKBANG Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) na nagtatag sa tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang SWP ay binigyang kapangyarihan na pag-aralan ang lahat ng katutubong wika sa kapuluan. WALONG (8) PANGUNAHING WIKA SA PILIPINAS NA PINAGPILIAN Tagalog Cebuano Ilocano Kapampangan Hiligaynon Pangasinense Waray Bicolano Disyembre 30, 1937 - lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing TAGALOG ang batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 - ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero, isinasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging PILIPINO upang maiwasan ang ang mahabang katawagan na “Wikang Pambansang Pilipino” SAMAHAN O ORGANISASYON NA PINAGLABAN ANG WIKANG FILIPINO Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, INK. (PSLLF) Tanggol Wika Hunyo 21, 2014 – itinatag ang taggol wika Jaime C. De Veyra (Bisayang Samar) Tagapangulo Cecilio Lopez (Tagalog) Kalihim Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad Felimon Sotto (Bisayang Cebu) Kagawad Felix S. Salas Rodriguez (Hiligaynon) Kagawad Casimiro F. Perfecto (Bikolano) Kagawad Hadji Butu (Muslim) Kagawad MGA PAGYAYARI SA PAKIKIPAGLABAN SA WIKANG FILIPINO 2013- sinimulang ipaglaban ang wikang filipino ng mga guro,.. CHED MEMO ORDER (CMO) Blg. 20, Serye 2013 – pagpapatanggal sa subject na filipino sa kolehiyo Patricia Licuanan – lumagda Abril 21, 2015- naglabas ang korte ng TRO (Temporary Restraining Order) 2018- tuluyang tinanggal ang asignaturang filipino sa kolehiyo Marso 5, 2019- Denied with finality ARALIN 7: Ang Komunikasyon at Kahalagahan nito KOMUNIKASYON Ito ay nagmula sa salitang Latin na “Communicare”. Ito ay isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa. Magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo ay naisasakatuparan ang pakikipagkomunikasyon. ETIMOLOHIYA NG SALITA Keith Davis (1967) - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag- unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. Verderber (1987) - ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at transaksyunal. SARILI KAPWA PRAKTIKA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON ✓ Pangangailangan upang makilala ang sarili. ✓ Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo. ✓ Pangangailangang praktikal. Kahalagahang Panlipunan - nagiging kasangkapan ito upang makihalubilo sa kanyang kapwa para sa makipagkilala at makipagkumustahan. Kahalagahang Pangkabuhayan - nagiging daan upang maipakilala ang produkto at matugunan ang pangangailang pangpananalapi Kahalagahang Pampulitika - nagsisilbing boses ito upang makapaghayag ng saloobin sa pamahalaan at isyung KOMPONENT NG KOMUNIKASYON Ayon kay Arnilla 2013 may walong component o elemento ang komunikasyon at ang mga ito ay mahalaga para sa katuparan ng buong proseso ng pakikipagkomunikasyon. TAGAHATID O TAGAPAGDALA - siya ang kadalasang pinagmumulan ng mensahe o tagagawa ng mensahe. MENSAHE - Ito ang impormasyong o mensahe nais ipahatid ng tagahatid. HADLANG O SALIK - Ito ang anumang bagay o pangyayari na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang usapan. TSANEL - Nagsisilbing daanan ng mensahe o instrumentong ginamit para maipahatid ang mensahe sa tungo sa tagatangap. TAGATANGGAP - Siya ang tumatanggap ng mensaheng hatid ng tagapagpadala nito PIDBAK - Tumutukoy sa tugon ng tagatanggap ng mensahe mula rito. Nakasalalay rito ang pagpapatuloy ng komunikasyon. KAPALIGIRAN - Ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon. KONTEKSTO - Tumutukoy ito sa sitwasyon ng komunikasyon at nilalaman ng usapan mula sa dalawa o higit pang nag-uusap. ANTAS NG KOMUNIKASYON Komunikasyong Interpersonal ✓ Ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit na grupo. ✓ Tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao. Komunikasyon Intrapersonal ✓ Nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng isang tao. ✓ Kadalasang sinasabi na ito ay pakikipag-usap sa sarili. Komunikasyon Pangmadla ✓ Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. ✓ Pagtatalumpati, komunikayong pampolitika, panlipunang pamimili at pagtitinda SALIK NA NAKAAAPEKTO SA KOMUNIKASYON ✓ SEMANTIKANG SAGABAL - pagkakaiba ng interpretasyon. ✓ PISIKAL NA SAGABAL - anyo ng paligid ✓ PISYOLOHIKAL NA SAGABAL - Pangangatawan ng tagapaghatid at pagtanggap (illness) ✓ SIKOLOHIKAL NA SAGABAL - Kultura ng tao DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON 1. Kinesika- kilos o galaw ng katawan 2. Pictics – expression ng mukha 3. Oculesis- galaw ng mata 4. Vocalics- may tunog pero walang salita 5. Haptics- haplos 6. Proxemics- distance 7. Chronemics- time ✓ Pagtatampo (pagkabigo) ✓ PAgmumukmok ✓ Pagmamaktol ✓ PAgdadabog