Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa (PDF)
- Pagtataguyod Ng Wika Sa Mataas Na Antas (PDF)
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Pagsusuri ng Wikang Filipino: Pag-aaral ng Paggamit sa Iba't Ibang Sektor PDF
- Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas PDF
- Sitwasyong Pangwika: Kalakalan, Pamahalaan, at Edukasyon PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga impormasyon at depinisyon tungkol sa komunikasyon. Kasama sa mga tinalakay ay ang mga katangian, elemento at proseso ng komunikasyon.
Full Transcript
**KOMUNIKASYON** communis = saklaw ang lahat ng mga bunubuo sa lipunan. -pagpapahayag ng idea. -proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe maaring berbal o di berbal (Bernales, et al.,2002) -sining ng pagpapahayag ng kaisipan/ideya (Tanawan, et al., 2004) -Bahagi ng komunikasyon ang mga ma...
**KOMUNIKASYON** communis = saklaw ang lahat ng mga bunubuo sa lipunan. -pagpapahayag ng idea. -proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe maaring berbal o di berbal (Bernales, et al.,2002) -sining ng pagpapahayag ng kaisipan/ideya (Tanawan, et al., 2004) -Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan(salita, basa, kinig, sulat, nood) **KATANGIAN NG KOMUNIKASYON** 1. **ISANG PROSESO** - nagsisimula sa pinanggalingan tungo sa tsanel at patutunguhan ng mensahe. Nagbibigay balik tugon kaya nauukit ang proseso - ENCODING- ano ang mensahe? paano ipadala? anong salita gagamitin? paano isasaayos? anong daluyan at inaasahang reaksyon ng tatanggap? - DECODING- Ano ang kahulugan ng mensahe? ano ang inasahang reaksyon mula sa kaniya? paano tutugunan at paanong paraan? 2. **DINAMIKO** - nagbabago dahil sa impluwensiya ng lugar, oras, pangyayari at taong kasangkot. 3. **KOMPLIKADO** - dahil sa persepsyon ng isa sa sarili, kausap, iniisip ang persepsyon ng kausap sa kanya at tunay na persepsyon ng kausap sa kanya. 4. **MENSAHE**, **HINDI KAHULUGAN,** ANG NAIPADADALA & NATATANGGAP SA KOMUNIKASYON - pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap 5. **HINDI MAARING IWASAN** - di man sinasadya ay nakakapagpadala mensahe 6. **LAGING MAY 2 URI NG MENSAHE** - PANGLINGGUWISTIKA - berbal (pasulat/pasalita) - RELASYONAL - di-berbal **ELEMENTO & PROSESO** 1. **TAGAPAGHATID (SENDER/ENCODER)** - pinagmumulan ng mensahe 2. **MENSAHE** - naglalaman inpormasyon, damdamin, opinion at kaisipan 3. **DALUYAN (TSANEL)** - midyum/daanan ng mensahe - Daluyang Sensori - tuwirang paggamit ng mga pandama (5 senses) - Daluyang Institusyonal - elektroniko (telepono, email, fax, mobile) 4. **TAGATANGGAP (RECEIVER/DECODER)** - nagbibigay kahulugan/magdedecode sa mensahe 5. **BALIK-TUGON (FEEDBACK)** - sagutang feedback ng encoder at decoder matapos maibigay at maunawaan ang mensahe. - Tuwirang Tugon - ipinadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang msg. - Di-tuwirang Tugon- ipinahayag sa pamamagitan ng di-berbal (smile, tango, kaway) - Naantalang Tugon - nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap. (pagsulat) 6. **POTENSYAL NA SAGABAL (NOISE)** - dahilan bakit hindi nagkakaunawaan - Semantikong Sagabal - 1 salita na dalawa or higit pang kahulugan - Pisikal na Sagabal - ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal sound system, hindi mahusay na pag iilaw, hindi comfy upuan - Pisyolohikal na Sagabal - hindi maayos na pagbigkas, hindi maibigkas, kahinaan ng boses o may kapansanan - Sikolohikal na Sagabal - pagkakaiba-iba ng kinalakhang paligid at nakagawiang kultura **ANTAS NG KOMUNIKASYON** 1. **INTRAPERSONAL** - pansarili. pagiisip, pag-aalala, pagdama 2. **INTERPERSONAL** - 2 o higit pang tao 3. **PAMPUBLIKO** - 1 tagapagsalita at maraming tagapakinig. (miting ng politiko, talumpati) 4. **PANGMASA/PANGMADLA** - malawakang midya (tv, internet, pahayagan) 5. **PANG-ORGANISASYON -** samahan. nakatutok sa isang hangarin/adhikain 6. **PANGKULTURAL** - nagpapakilala, nagtatanghal/nagpapakita ng kultura ng isang bansa 7. **PAGKAUNLARAN** - pagpapaunlad ng bansa. Papatungkol sa industriya, ekonomiya o usaping pangkabuhayan **MODELO NG KOMUNIKASYON** 1. **MODELO NI BERLO** - linear; binibigyang-diin ang direksyon mula sa pinanggalingan tungo sa tatanggap; ang mensahe o pagpapadala/pagtanggap ay depende sa encoding & decoding nito. 2. **MODELO NI ARISTOTLE** - unang naglatag ng karaniwang modelo ng komunikasyon kung san ang sender at naghahatid mensahe sa receiver;kaugnay ng sub-prosesong encoding. batay dito \"ang anomang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at bihisan bago maihatid (Discovery \> Arrangement \> Clothing \> Delivery) 3. **MODELO NINA CLAUDE SHANNON AT WARREN WEAVER** - ugat ng lahat ng model; mathematical ang paglalarawan. Nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng nga salik na nakaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise **WIKA** **-**masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may natatanging kultura (Henry Gleason) -may mahalagang papel na ginampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensaheng susi sa pagkakaunawaan (Mangahis et. al., 2005) -isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang simbolo (Webster 1974) -pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawing pantao (Archibald Hil) -parang hininga, bawat sandali ng buhay ay nariyan. palatandaan itong buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumaganit din nito (Bienvenido Lumbera, 2007) TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA - TEORYANG BIBLIKAL 1. **Tore ng Babel** - nahalaw mula sa Lumang Tipan. Noon at iisa ang wika (Aramaic) (Genesis 11:1-8) 2. **Pentecostes** - hango sa bagong tipan sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, nagsalita ang mga apostol ng hindi nalalaman; Nilukob ng maladilang apoy - TEORYANG SIYENTIPIKO 3. **Teoryang Bow-wow** - nagkaroon ng wika dahil ginagaya nila ang tunog ng hayop 4. **Teoryang Ding-dong** - ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog 5. **Teoryang Pooh-pooh** - ang tao at nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin 6. **Teoryang Yo-he-ho** - nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng nga taong sama-samang nagttrabaho 7. **Teoryang Sing-song** - pag-awit ng mga kauna-unahang tao 8. **Teoryang Yum-yum** - ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika 9. **Teoryang Ta-ta** - (Pranses) nangangahulugang \"paalam\"; ginagaya ng dila ang galaw ng kamay ng tao sa okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay tuwing nagpapaalam 10. **Teoryang La-la** - may mga puwersang kinalaman sa romansa. Nagtutulak sa tao upang magsalita 11. **Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay** - natutong humabi ng salita mula sa mga seremonya & ritwal 12. **Teorya ni Charles Darwin** - aklat na Lioberman (1975) na may title na \"On the origin of Language\"; pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo upang makalikha ng iba\'t ibang wika 13. **Teorya ng Kahariang Ehipto** - Haring Psammetichus ay nagsagawa ng isang experimento kung saan ang 1 sanggol ay inilagay sa kuweba na walang maririnig na kahit anong salita; \"Vekos\" unang binanggit na kahulugan ay tinapay **KATANGIAN NG WIKA** 1. Isang masistemang balangkas - binubuo ng makabuluhang tunog (ponema) na pag pinagsama ay makakalikha ng salita (morpema) na bumabagay sa iba pang salita (semantiks) upang makabuo ng pangungusap na nay estruktura (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan ng paggamit ng wika - PONOLOHIYA - pagaaral ng ponema na tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika - MORPOLOHIYA - pagaaral ng morpema na tawag sa pinakanaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika; 3 uri ay salitang-ugat, panlapi, at ponema - SINTAKSIS - pagaaral ng sintaks na tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa 1 wika. Sa fil, maaring mauna ang paksa sa panaguri o vice versa. Samantalang sa Eng, laging paksa ang nauuna - SEMANTIKS - pagaaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw 2. Binubuo ng mga sinasalitang tunog - upang magamit nang mabuti, kailangan maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog para makalikha ng salita 3. Pinipili at iniayos sa paraang arbitaryo - lahat ng wika ay napagkasunduan ng nga gumagamit nito. Ilocano (balay), Chavacano (casa), Tausug (bay) at Ingles (house) 4. Natatangi o may kakanyahan - lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon, & estrukturang panggramatika 5. Nagbabago/Dinamiko - patuloy na nagbabago at yumayaman. Nagbabago ang kahulugan na dunaragdag sa leksikon ng wika 6. Lahat ng wika ay nanghihiram - humihiram ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya itoy patuloy na umuunlad 7. Kabuhol ng kultura -madali makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang ginagamit 8. Ginagamit sa komunikasyon - nabuo ang lipunan dahil sa grupo ng tao na patuloy na naguugnayan; kasangkapan upang magpatuloy ang sirkulasyon ng lipunan 9. Nasusulat - bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alpabeto 10. May lebel o antas - naayon sa kausap, lipunan, panahon o pagkakataon **KAHALAGAHAN NG WIKA** 1. Midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; 2. Ginagamit upang malinaw at epekktibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; 3. Sumasalamin sa kultura at panahong kinabibilangan; at 4. Isang mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. KAPANGYARIHAN NG WIKA 1. **MAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN -** anomang pahayag at maaring magdulot ng ibang interpretasyin sa mga tatanggap bg mensahe nito 2. **HUMUHUBOG NG SALOOBIN** - nagagawa ng taong hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa kaniyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kapwa. 3. **NAGDUDULOT NG POLARISAYON -** pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan. (masama & mabuti, mataas & mahaba, pangit & maganda) 4. **SIYA RING KAPANGYARIHAN NG KUKTURANG NAPAKALOOB DITO -**hindi maikakailang kakambal ng wika ang kultura **ANTAS NG WIKA** **PORMAL** - **PAMBANSA -** aklat pangwika at nagsasa-alang alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit ding wikang panturo at pakikipagugnayan sa pamahalaan. Nagiging pambansa ang isang wika kung ito\'y opisyal na naisabatas para gamitin sa buong bansa. - **PAMPANITIKAN -** nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan dahil nakatali sa hiwaga at sining ang pagpapahayag. **DI-PORMAL** - **LALAWIGANIN -** tiyak at partikular na pook at lakawigan. pagkakaiba ng punto at tono. iti ang dayalekto, may tanging paraan paano binibigkas ang mga salita - **KOLOKYAL -** karaniwan sa tahanan, kaibigan at paaralan. may kagasapangan man, di parin maikakaila na isa itong penomenong pangwikang nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapabilis ang komunikasyon. Napaiikli o napaghahalong 2 or higit pang wika - **BALBAL -** pinakamababang antas. katumbas ng **slang** sa Eng. nilikha upang magsilbing koda. salita ng mga gay at tambay. **MGA TERMINONG PANG-WIKA** **UNANG WIKA -** wikang unang natutuhan ang ginagamit sa pakikisalamuha at unang nakapagpabatid ng mga kaalamang nagiging kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay. **"Mother Tongue" -** akademikong termino ng unang wika. Ito ay sapagkat sa inang nagsilang nanggaling ang wikang ito. Wika nga ni Panganiban, "sinusong wika" ito ng anak sa kaniyang nanay. Ito ang wika ng pagmamahal ng ina sa kaniyang isinilang na anak: pag-aaruga, pagtuturo, paggabay at higit sa lahat, kung paanong huhubugin bilang tao ang sariling sanggol. **PANGALAWANG WIKA** - Anomang kasunod na mga wika na matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. ilan sa mga salik sa pagsibol ng pangalawang wika ay ang migrasyon at emigrasyon, bunsod ng hanapbuhay, pag-aasawa, edukasyon at mga polisiya. **WIKANG PAMBANSA** - \[**FILIPINO\]** may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika nito. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyong 1987, nakasaad na, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Nagdadalq ng pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. **WIKANG OPISYAL -** binibigyan ng natatanging pagkilala sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. \[**FILIPINO AT ENGLISH(Artikulo XIV, SEK 17)\]** **-**Filipino para sa pag akda ng batas at dokumento ng pamahalaan; Lingua Franca o tulay ng komunikasyon sa bansa -English sa pakikipagusap sa mga banyaga at iba\'t ibang bansa sa daigdig; Lingua Franca ng daigdig **WIKANG PANTURO -** gamit sa mga paaralan; **\[FILIPINO (KONSTITUSYON NG 1987)\]** tinawag ding **\"Medium of Instruction\" (MOI) MOTHER TOUNGE -** bilang MOI mula kinder-baitang 3. **LINGUA FRANCA** **-** pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan, wikang nabuo bunga ng magkausap na magkaibang wika at dominanteng wika -tumutukoy sa wikang palasak o malawakang ginagamit at naiintindihan sa isang lugar. (Taga-norte - Iloco; Bisayas at Mindanao - Cebuano; Pilipinas - Filipino; At buong mundo - English) **BERNAKULAR NA WIKA -**wikang katutubo sa isang pook; wikang panrehiyon **KONSEPTO NG BILINGGUALISMO AT MULTINGGUWALISMO** - **BILINGGUALISMO -** paggamit ng 2 wika; **nakapagsasalita siya ng 2 wika nang may pantay na kahusayan** (Bloomfield) - **MULTINGGUWALISMO -** paggamit ng 3 o higit pang wika. Sa Pilipinas may 180. - **HOMOGENEOUS NA WIKA -** gumagamit lamang ng 1 wika, bihara matagpuan - **HETEROGENOUS NA WIKA -** binubuo ng magkakaibang elemento at taglay ang ibat ibang anyo ng wika. \"hindi kailanman magkakatulad ang anomang wika. dala ito ng magkakaibang pangkat ng mga taong may ibat ibang lugar, interes, gawain, pinagaralan atbp\" (Bloomfield 1918) - **LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD** **- termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika** at nagkakaunawaan sa mga espisipikong patakaran o alituntunin sa paggamit ng wika. Nagkakasundo ang myembro ng linggwuwistikong komunidad sa kahulugan ng wika & interpretasyon nito at mafing kontekstong kultural na kaakibat nito. **- (Yule, 2014)** ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan. \- kailangang tandaan na hindi lahat ng nagsasalita sa isang wika ay kasapi sa isang tiyak na lingguwistikong komunidad **GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN** 1. **CONATIVE -** paghimok at pagimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pagutos at pakiusap. ( utos o babala) Sa pamamagitan ng conative na gamit ng wika ay gusto nating humimok o manghikayat, may gustong mangyari o gustong paklusin ang tao. 2. **INFORMATIVE** - sitwasyong may gustong ipaalam sa tao. Nagbibigay datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig. 3. **LABELLING -** nagbibigay bagong tawag o pangalan sa isang tao, lugar, o bagay; Madalas batay sa pagkakakilala o pagsusuri sa kanila (ugali, pisikal na anyo, tranaho, hilig, gawi) **TANDAAN:** **M**aging magalang sa paggamit ng conative kung naguutos. Tiyaking tama at totoo ang gamit ng informative. Iwasan ang pagbibigay ng negatibong bansag o LABEL sa kapwa na maaaring makasakit ng damdamin. 4. **PHATIC -** nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang isang pahayag. Karaniwang maikili. Tinatawag ding **Social Talk o Small talk.** 5. **EMOTIVE -** nagpapahayag ng damdamin o emosyom (lungkot, awa, tuwa, takot); Pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita. 6. **EXPRESSIVE-** nagpapakita ng sariling saloobin o kabatiran, idea at opinion. Nakatutulong upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. **TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN** 1. **INTERAKSYONAL** - pagkukuwento ng malulungkot at masasayang pangyayari; sa pasulat na paraan, hal. nito ang liham pangkaibigan, paggamit ng salitang pang teenager, LGBTQIA, propesyonal jargon, palitang ritwalistik at dayalektong rehiyonal. 2. **INSTRUMENTAL -** makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit sa pakikiusap o paguutos 3. **REGULATORI** - pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. (pagbigay panuto, batas at pagtuturo, manghikayat, pagkontrol, paggabay sa kilos at asal ng iba) 4. **HEURISTIK -** matuto at magtamo ng tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, akademiko at/o propesyonal na sitwasyon. Paghahanap o paghingi ng impormasyon. 5. **PERSONAL** - pagpapahayag ng sariling damdamin ng isang indibidwal, paglalahafld opinyon at kuro-kuro 6. **IMAHINATIBO** - pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan; gumagamit tayutay sa pagsulat. ginagamit sa pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha. **KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA** **PANAHON NG KASTILLA, REBOLUSYONG PILIPINO, AMERIKANO AT HAPON** **-**panahon ng pananakop ng espanya (300 taon) **ESPANYOL** ang opisyal na wika at wikang panturo \- simula ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga katipunero ang **WIKANG TAGALOG** sa mga opisyal na kasulatan \- sa konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-bato noong 1897, ang opisyal na wika ay **TAGALOG**. - **ENERO 21, 1899 - \[**konstitusyon ng Malolos\], pansamantalang opisyal na wika ang **ESPANYOL** - **MARSO 4, 1899 -** napalitan ng **INGLES** ang espanyol. Dumami ang natutong magbasa at magsulat dahil naging wikang panturo batay sa recommendation ng komisyong schurman - **AGOSTO 16, 1934 -** binuo ang kapulungan na bumabalangkas sa saligang batas para sa pagsasarili ng pamahalaan mula sa kamay ng pagbabalik ng amerikano. Binuo ang isang Kombensyong Konstitusyonal ng Pamahalaang Komonwelt upang maisagawa ang ibig mangyari ni Pang. Manuel Quezon. - **PEBRERO 8, 1935 -** Nang makalaya sa Pamahalaang Komonwelt sa loob ng 10 years, pinagtibay ng Pambansang Asemblea na gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at tibay ng pangkalahatang pambansang wika batay sa umiiral na katutubong wika. Ingles at Kastilla ang wikang opisyal hanggat walang itinatadhana ang batas. \"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na nakabatay sa umiiral na katutubong wika\". (Saligang Batas 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV) Nanguna sa paggawa ng resolusyon abt sa wikang pambansa ay si **WENCESLAO VINZONS.** Sa paglunsas ng komonwelt, isa sa unang isinagawa ni manuel quezon ay ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika. - **OKTUBRE 27, 1936 -** nagbigay mensahe si pang. Quezon ukol sa pagtatag ng Surian ng wikang Pambansa, itoy isang ahensya na gagawa ng mga hakbang sa pagaaral at paghahanap ng isang wikang panlahat. - **NOBYEMBRR 13, 1936 -** \[Batas Komonwelt Blg. 184\] pinagtibay ng kongreso upang maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Nakasaad sa Seksiyon 5 sa batas na ito ang mga tungkulin ng SWP: A. Pag-aaral ng wika na ginagamit ng mas nakararaming Pilipino; B. Pagtukoy sa mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga talasalitaan ng mga pangunahing wika sa Pilipinas; C. Pag-aaral at pagtiyak sa ponetiko at ortograpiyang Pilipino; D. Paggawa ng mga komparatibong kritikal na pag-aaral hinggil sa paglalapi ng mga salitang Pilipino; at E. Pagpili ng isang katutubong wika na may pinakamayaman at pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo at panitikan na magiging batayan ng Wikang pambansa. - **ENERO 12, 1937 -** Hinirang ang mga kagawad na bubuo sa SWP.mga kasapi ay nagmula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas. Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) - Pangulo, Cecilio Lopez (Tagalog) -- Kalihim, Santiago A. Fonacier (Ilocano), Filemon Sotto (Bisaya, Cebuano), Casimiro Perfecto (Bicolano), Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) at Hadji Butu (Muslim Mindanao). - **NOBYEMBRE 9, 1937** - Pagkatapos ng masusing pag-aaral, Tagalog ang napili ng SWP na maging batayan ng Wikang Pambansa dahil sa sumusunod na kadahilanan: A. Mas maraming nakapagsasalita't nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang wika; B. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito kung ano ang bigkas ay siyang sulat; C. Tagalog ang ginagamit sa Maynila na sentro ng kalakalan; D. Mayroong historikal na basehan, ito ang wikang ginamit sa mga himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio; at E. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang Wikang Tagalog. - **DISYEMBRE 30, 1937 -** Anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. - **ABRIL 1, 1940 -** bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng pangulo ang pagpapalimbag ng "A Tagalog-English Vocabulary" at "Ang Balarila ng Wikang Pambansa**"** - **HUNYO 19, 1940 -** Nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang publiko at pribado sa buong kapuluan - **HULYO 7, 1940** - Kinilala at pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay maging isa sa Wikang Opisyal ng Pilipinas. - **1941 -** Nailathala ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos. Ito ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog**.** - **1942 -** dumating ang mga Hapon, nabuo ang isang grupong tinatawag na "purista" na nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang pananakop ng mga Hapon dahil sila ang nag-utos na baguhin ang probisyon ng konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Layunin nilang burahin ang kaisipang-Amerikano at mawala ang impluwensiya nito. Sa panahong ito, Niponggo at Tagalog ang naging Opisyal na mga wika. Pinasigla ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga akdang pampanitikan. Tinagurian din ang panahon ng mga Hapon bilang "Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog". **SA PANAHON NG PAGSASARILI AT KASALUKUYAN** - **MARSO 26, 1954 -** Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay na nakasaad na ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay galang sa kaarawan ni Francisco "Balagtas" Baltazar bilang makata ng lahi**.** - **SEPTYEMBRE 23, 1955 -** Nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 186 ni Pang. Magsaysay na ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng "Ama ng Wikang Pambansa" na si Pang. Quezon. - **AGOSTO 13, 1959 -** Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon -- Jose B. Romero, nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang pangkagawaran Blg.7 na ang wikang pambansa ay tatawagin nang Pilipino. Nagkaroon ng konkretong pangalan ang wikang pambansa matapos ang 24 na taon. - **DISYEMBRE 19, 1963 -** Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang pambansang awit sa titik nitong Pilipino**.** - **OKTUBRE 24, 1967 -** Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng mga gusali, episodyo at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino. - **1970** - bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang lupon ng Edukasyon ay inilunsad ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa bansa kung saan gagamitin ang wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga aralin sa paaralan. **WIKANG FILIPINO SA ATING 1987 KONSTITUSYON** **-** \[Artikulo XIV, Seksyon 6\] Pilipino ay magiging Filipino--- isang Pambansang sagisag sa pagkakakilanlan o self-identity ng 1 pambansang pamahalaan. - **ENERO 30, 1987** - Nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.112 ang Pang. Corazon Aquino, ipinasailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isport. Binago rin ang pangalan ng ahensya bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas. - **AGOSTO 14, 1991-** Republic Act Blg. 7104 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na kung saan nakasaad na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). At ipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. - **HULYO 15, 1997 -** Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na ang Buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng Wikang Pambansa at nagtatagubilin sa iba't ibang sangay ng pamahaalan at paaralan na magsagawa ng mga gawaing kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Agosto. Gayonpaman, may dalawang batas na may malaking epekto sa kalagayan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. o Ched Memorandum Order \#20, Serye ng 2012 -- nagbunsod ng paglilipat ng Basic Subjects sa SHS na magdudulot ng kawalan ng espasyo ng Filipino sa Tersyarya. o Implementasyon ng MBT-MLE -- May mabuting maidudulot sa literasi ng mga mag-aaral mula kinder hanggang ikatlong baitang dahil sa paggamit ng unang wika o mother tongue ngunit mapahihina naman nito ang kasanayan sa Filipino sapagkat maituturing lamang na asignatura ito. **KASAYSAYAN NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA** **ORTOGRAPIYA -** representasyon ng mga tunog ng wikang nakalimbag ng mga simbolo tulad ng alpabeto **PANAHON NG AUSTRONESIAN -** lahing Pilipino ay nagmula sa lahi ng Austronesian. Subalit ayon sa Historyador na si Zeus Salazar may sariling kuktura at wika na ang Pilipink bago pa dumating ang mga Austronesian. Ngunit ang kulturang dala dala nila ay kumalat sa Pilipinas gaya ng **kaalaman sa paglalayag, hortikultura o paghahakalaman, pagtatanim, kultibasyon, at paggamit ng kasangkapang gawa sa makinis na bato o metal.** **PANAHON NG KATUTUBO : BAYBAYIN** **BAYBAYIN -** SINAUNANG SISTEMA NG PAGSULAT NG KATUTUBONG PILIPINO.MULA SA SALITANG \"BAYBAY\" = LUPAING NASA GILID NG DAGAT AT\"PAGBABAYBAY\" = SPELLING. **DAPAT TANDAAN** - BINUBUO NG 17 TITIK (3 PATINIG & 14 KATINIG) - BINIBIGKAS ANG KATINIG NA MAY KASAMANG TUNOG NA PATINIG NA /a/. - kung ang katinig ay bibigkasin may may tunog na patinig na /e/ o /i/ lagyann lamang ng kudlit (\') sa taas ng titik. - kung katinig at bibigkasin na may tunog patinig na /o/ o /u/ lagayn ng kudlit (,) sa baba nh titik. - kung nais kaltasin ang anomang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng pantig, gamitan lamang ng krus(+) sa baba. - orihinal na baybayin ay iisang titik lang ginagamit para sa **da** at **ra.** - gumagamit ng 2 palihis na guhit sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat na patapos (\|\|) **PANAHON NG ESPANYOL -** nang sakupin nila ang Pilipinas, marunong bumasa\'t sumulat ang Pilipino. Upang mapabilis ang layunin nila, iisang wika pinairal. Nailimbag ang **Doctrina Christiana en lengua Española y Tagala (1953)** inilimbag gamit Alpabetong Romano o **Abecedario** kasama na ang salin nito sa baybayin. **ABAKADA-** unang alpabeto ng wikang pambansa ayon sa baybaying tagalog ngunit nilapatan ng ilang prinsipyong pangwika ni Lope K. Santos (AMA NG BALARILANH TAGALOG). 20 ANG LETRA NITO (5 PATINIG) Ang 8 nadagdag ay tinaguriang hiram o banyaga **PANAHON NG REBOLUSYON -** maraming nagtungo sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan. Naitatag ang Kilusang Propaganda (1872) at Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Ginamit ang **TAGALOG** sa pagsulat ng panitikan, kautusan at pahayagan. Itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo na ang opisyal na wika ng pamahalaan ay TAGALOG **PANAHON NG AMERIKANO -** sapilitang ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo ng mga Gurong Thomasites. Upang magkaunaawaan ang mga Pilipino at Amerikano. Hindi naging madali. Lumabas ang maraming suliranin tulad ng kakulangan sa kagamitang pampagtuturo, kulang sa kasanayan ang mga guro at kinakailangan ang malaking pera para maisakatuparan ito. Sa pamamagitan ng Batas Sedisyon, pinagbawalan ang mga Pilipinong sumulat ng mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng mga Amerikano na maaring makapagdulot ng pag-aalsa sa kanila. **PANAHON NG HAPONES -** \"**GINTONG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO\"** namayagpag ang iba't ibang akdang nakasulat sa Tagalog. kagustuhan ng mga Hapon na burahin ang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles. ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ng Pilipinas ang Tagalog at Nihonggo. Para sa karamihang Pilipino, biyaya sa larangan ng panitikan ang pangyayaring ito. **BAGONG ALPABETONG PILIPINO (ABAP) -** \[MEMORANDUM PANGKAGAWARAN blg. 194, s. 1976 ng DECS\] pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. dalawampung (20) letra ay dinagdagan ng labing isang letra kaya't naging tatlumpu't isa (31). Kabilang sa mga dinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, Ñ, Q, X, V, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa kahinaan at kalituhan sa paggamit. **ALFABETONG FILIPINO(AAF) -** ilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa at pampamahalaang wika at pagtupad pa rin sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal, muling nireporma ang alpabetong Pilipino gayondin ang mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino. Ang Alfabetong Filipino ay bubuoin na lamang ng dalawampu't walong letra (28). A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y at Z. **2001 REVISYON NG ALPABETONG FILIPINO - (4th time)** ngayo\'y komisyon sa Wikanh Filipino o KWF (dating LWP) ang Alpabetong Filipino pati ang tuntunin sa pagbabaybay. Ibinunsod ng di ganap na pagtupad sa kautusanh pang kagawaran ng 1987. **2009 GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO (GOWF) -** bumuo ang komisyon sa wikanh Filipino ng Lupon Sa ortograpiya noong 2006 **ORTOGRAPIYANG PAMBANSA -** Matapos ang panunungkulan ni dating komisyoner Jose Laderas Santos at napalitan ni Pambansang alagad ng sining Virgillo Almario (Rio Alma) naglimbag at naglathala ang KWF ng mga kasunod pang bersyon ng ortograpiya---ORTAGRAPIYANG PAMBANSA.