KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 1st QUARTER 2024-2025 PDF

Summary

This is a module for the first quarter of the 11th grade "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino" class at San Beda University. It covers topics like the concept of language, its function in society, and the history of the Filipino language. It includes activities and an introductory assessment.

Full Transcript

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN SAN BEDA UNIVERSITY Integrated Basic Education Department Senior High School Asignatura: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSI...

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN SAN BEDA UNIVERSITY Integrated Basic Education Department Senior High School Asignatura: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Kwarter: UNANG MARKAHAN Baitang: 11 PANIMULA NG MODYUL INTRODUKSYON Kamusta ka Baitang 11! Handa ka na bang harapin ang mga pagbabagong hatid ng “New Normal?” Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagpapatupad ng Online Distance Learning – MODULAR Approach ngayong Akademikong Taon 2021-2022. Layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na pahusayin ang iba’t ibang makrong kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kurikulum na Most Essential Learning Competencies (MELC’s). Hangarin nitong patuloy na linangin at pagyamanin ang mga makrong kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino at pagkilala sa mga dayalekto at iba pang umiiral na wika sa lipunan. Ang kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay tatalakayin sa Unang Semestre. Saklaw nito ang mga araling katulad ng Konsepto ng Wika, Gamit ng Wika, Sitwasyon ng Wika at Kasaysayan ng Wikang Filipino, gayundin ang mga isyung kinahaharap ng ating pambansang wikang Filipino. Umiiral din sa modernong panahon ang paggamit ng iba’t ibang wika ayon sa pangangailangan ng tao o batay sa kulturang kanyang kinamulatan. Sakop din ng kursong ito ang kahalagahan 1 ng paggamit ng teknolohiya upang makasabay sa hamon ng globalisasyon. Page 1 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN MGA ARALIN AT SAKOP NITO MGA KONSEPTONG PANGWIKA Aralin 1 *Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo, Barayti ng Wika GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Aralin 2 *Instrumental, Regulatoryo, Interaksyonal Personal, Heuristiko Representatibo, Imahinatibo KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA *Panahon ng Katutubo, Panahon ng Kastila, Aralin 3 Panahon ng Rebolusyong Pilipino, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapon, Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan GABAY SA MODYUL 2 Page 2 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PANIMULANG PAGTATAYA Bago natin simulan ang pagtalakay, magkakaroon muna tayo ng panimulang pagtataya upang masukat ang iyong paunang kaalaman. Naglalaman ng tatlong bahagi ang pagsusulit na ito na may kinalaman sa magiging paksa natin ngayong Unang Markahan. A. Katotohanan o Opinyon Panuto: Isulat ang titik K kung may katotohanan at O kung opinyon ang pangungusap. _____ 1. Hiniram natin mula sa mga Kastila ang Wikang Filipino, samakatuwid hindi ito sa atin. _____ 2. Binubuo ng 26 na mga letra ang wikang Filipino. _____ 3. May walong pangunahing wika sa Pilipinas. _____ 4. Tungkulin ng mga mamayan na gamitin ang wikang pambansa. _____ 5. Ang wikang Filipino ay itinuturo mula sa Baitang 1 hanggang Baitang 11. _____ 6. Ang wikain at dayalekto ay iisa. _____ 7. Maraming kulturang Pilipino ang pareho sa mga Tsino. _____ 8. Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagtalaga ng pagkakaroon ng pambansang wika. _____ 9. Dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo sa Pilipinas, nabubuo ang mga dayalekto _____ 10. Ang salin sa wikang Filipino ng spelling ay pagbabaybay. B. Pagbuo ng Pangungusap Panuto: Buoin nang maayos ang mga pangungusap. Isulat muli ang mga salita/parirala. 11. administrasyon sa mga balitang maraming hatid ng bagong nagugulat 12. ang talaga paaralan dapat mga bang sundin sa tuntunin 13. klase mga kaya galing iyong bang kasanayan ang ibahagi at sa mo 14. pagbabawas masamanang makatutulong paano at El Niño ng ka ng sa La Niña epekto 15. sa nang iyong mabuti ang kinabukasan mo pag-aaral puhunan ang C. Wastong Gamit ng mga Salita Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. 16. Mahigpit ang bilin (A. ng B. nang) ating magiging bagong pangulong itigil na ang paggamit ng droga. 17. Mahigpit (A. ng B. nang )ipinatutupad ang pagsunod sa mga protocol dahil sa panibagong variant ng Covid-19. 18. Nais (A. subukan B. subukin) ng Komisyon ng Wikang Pambansa ang makabagong pagsasalin ng mga banyagang salita. 19. Gumawa ng paraan ang guro upang (A. subukan B. subukin) ang kanyang mga mag-aaral Kung sila’y gumagamit ng tuwid na Tagalog sa kanilang mga mga post sa social media. 20. Maraming (A. may B. mayroong) dalang mga lumang papel para gawing mga recycled bag. 3 Page 3 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN D. Barayti ng Wika Panuto: Ihanay ang mga salita ayon sa kategorya kung saan ginagamit ang mga salita. (21-30) Lumikha ng anim na hanay. Mga Salita: pagoda Mustah pows? Like ganito? erpats ala eh Magandang araw! Oh my God? Talaga ba? crayola iMiszqekyuh Hane? Peque Galiaga sanhi Puntha khayow Its so init!! haybol Coño o Jejemon Gay Lingo Impresyon Pormal na Balbal Sosyal sa mga Salita lalawigan E. Barayti ng Wika Panuto: Ihanay ang mga salita batay sa disiplina o larangan. (31-40) Mga Salita: written work hearing automaton ulcer average cycle semester boiler inflammation review natural-born item analysis Korte Suprema Medisina Akademiko 4 Page 4 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGTALAKAY SA ARALIN MGA KONSEPTONG PANGWIKA PAGTAMO Simulan na natin ang produktibo at makabuluhang paglalakbay ngayong Unang Markahan. Naglalahad ang bahaging ito ng mga pagganyak, paglalahad ng mga aralin at ang iba’t ibang gawain na kailangan mong gawin upang mahubog ang iyong kaisipan at mas malinang ang iyong pagmamahal sa wika at kulturang Pilipino. PAGGANYAK A. MAPA NG PAGBABAGONG KONSEPTUWAL MGA KONSEPTONG PANGWIKA Gusto kong malaman Dating Kaalaman: tungkol dito: ____________________________ ____________________________ Malalaman ko ito sa ____________________________ pamamagitan ng: ____________________________ ____________________________ _____ BARAYTI NG WIKA Gusto kong malaman Dating Kaalaman: tungkol dito: ____________________________ ____________________________ Malalaman ko ito sa ____________________________ pamamagitan ng: ____________________________ ____________________________ _____ KASAYSAYAN NG WIKA Gusto kong malaman Dating Kaalaman: tungkol dito: ____________________________ ____________________________ Malalaman ko ito sa ____________________________ pamamagitan ng: ____________________________ ____________________________ _____ 5 Page 5 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN B. GAWAING PAGGANYAK Matapos ang iyong pagsusumikap at masigasig na pagsagot sa panimulang pagtataya tutuklasin naman natin ang mga aralin na kinakailangan pang pagyabungin at bigyang pansin. Hindi maikakaila ang kahalagahan ng pag-aaral ng wika bilang isang mag-aaral na Pilipino. Sa pagagamit ng wika mas mahahasa ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika mas magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Mahalaga ang pag-unawa at pagpapayaman sa ng kaalaman sa wika katulad ng mga aralin na sakop ng markahang ito. Ito ay mahahalagang kaalaman sa wika tulad ng Mga Konseptong Pangwika, Gamit ng Wika at Kasayasayan ng Wikang Pambansa. Sa pag-aaral ng wikang Filipino, hindi sapat na matukoy mo ang mga bahagi ng pananalita. Mas magiging makabuluhan ang iyong pagkatuto kung magagamit mo ito sa iyong araw-araw na pakikipagtalastasan. A. Panuto: Ipaliwanag at bigyang interpretasyon ang ideya sa loob ng kahon. Ang wika ay salamin ng kultura at lipunan ng isang bansa. B. Panuto: Tukuyin ang sagot sa bawat bilang. Mga Gabay na Tanong 1. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap. 2. Dalawang salitang katumbas ng lingua sa ating wikang pambansa. 3. Pambansang wika ng Pilipinas. 4. Ahensyang nangangalaga at sumusuporta sa pambansang wika ng Pilipinas. 5. Pangulong labis na nagbigay suporta sa paganist sariling wika. MGA BAHAGI NG ARALIN Bago mo simulan ang paglalakbay sa iba’t ibang aralin natin sa Ikalawang Markahan, mahalagang maunawaan mo muna ang iba’t ibang bahagi o termino na iyong makakadaupang- palad upang mas magabayan ka pa sa nilalaman ng modyul na ito. Ang una hanggang ikaanim na katawagan ay hinango mula sa aklat nina Taylan (2019) na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Ikalawang Edisyon). 6 Page 6 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN LUSONG-KAALAMAN – ang paglusong ay ang unang pagsubok sa isang gawain. Ang bahaging ito ay ang humihikayat sa mga mag-aaral na pumalaot kung saan sila dadalhin ng aralin at nagmumungkahi ng malikhaing gawain na lalo pang pupukaw ng interes sa mga mag-aaral sa paksa ng aralin. GAOD-KAISIPAN – gumagaod ang mga manlalakbay upang kumilos ang sasakyan at makarating sa patutunguhan. Sa bahaging ito inilalahad ang mismong aralin at ginagalugad ang mga ideyang magkikintal ng mahahalagang kaisipan sa mga mag-aaral. LAYAG-DIWA – patuloy ang paglalakbay na may layag na hinihipan ng hangin upang makarating sa malalayong lugar na walang hanggan. Sa bahaging ito susubukin ang pagpapalalim sa kaalamang natutunan ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang gawain. LAMBAT-LIKHA – sinasalok ng lambat ang produktong dagat upang maiuwi at mapakinabangan. Sa puntong ito, inaasahan na makapagsasagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutunan. SALOK-DUNONG – sa bahaging ito ay binibigyang paglalahat ng mga mag-aaral ang mga nasalok nilang kaalaman mula sa mga nakalipas na aralin at binibigyang lapat din ito sa realidad ng buhay. DAONG-KAMALAYAN – matapos ang paglalakbay, dadaong na ang mga mag-aaral. Sa puntong ito hindi sapat na nabusog lamang ang kaisipan o kaalaman bagkus mabigyang pagpapahalaga rin ang iba’t ibang Aral- Benediktino, maging ang misyon at bisyon ng Unibersidad bilang isang tunay at ganap na Bedistang mag-aaral. SUBOK-KAALAMAN – ang pagtatapos ng paglalakbay ay simula pa lamang ng susunod na paglalakbay. Kaya naman sa bahaging ito ay mas patatatagin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang naging 7 paglalakbay sa nakalipas na aralin bilang maging sandigan o sandata sa Page susunod na paglalakbay. 7 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ARALIN 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA MELC # 1: Natutukoy ang kahalagahan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. May kakayahan akong: ✓ Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. ✓ Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd ✓ Naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan ✓ Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. PAGGANYAK Gawain Blg. 1: Watch and React! Panuto: Panoorin ang video na ipakikita ng guro at sagutin ang katanungan sa Padlet. Gabay na tanong: 8 1. Ano ang papel ng wika sa mabisang pakikipagtalastasan? Page 2. Sa iyong pananaw, ano ang nagagawa ng wika sa ating buhay? 8 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Gawain Blg. 2: Alam Ko To! Gabay na Tanong: Ano ang wika para sa iyo? ___ ___ WIKA ___ ___ PAGTALAKAY WIKA Ang wika ang buhay ng tao. Ito ang pangunahing kasangkapan upang maipahayag ang ating kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon mang nais sabihin sa iba, may anumang pagtutol o reklamong nais ipahayag, may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na pahayag na pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbing instrumento. Ang wika ay puwersang nagbibigkis sa mamamayan ng isang bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing paraan upang magkaunawaan ang mga tao sa isang bayan, magkakaiba man sila ng lahi, kasarian, gulang, relihiyon, edukasyon o propesyon, 9 nagsisilbi rin itong pangkalahatang pagkakakilanlan ng mamamayan dahil ang Page wika nga ang impukan-hanguan at daluyan ng kultura (Salazar. 1996). 9 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN San Buenaventura (1985) “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Lumbera (2005) “Ang wika ay tila hininga na sa bawat sandali ng ating buhay ay nariyan. Palatandaan na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa tao. Kung mawawala ang hiningang iyon tiyak na walang saysay ang lahat, ang bansa ay tulad sa estatwa.” Pamela Constantino at Galileo Zafra (2000) "Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao." Henry Gleason “Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga tao na nabibilang sa isang kultura.” TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA Isinasaad dito na mayroon lamang iisang wika ang umiiral noon kaya madaling nagkakaunawaan at nagkakaintindihan ang mga 10 tao. Hindi sila nakararanas ng suliranin sa pakikipagtalastasan sa iba. Page 10 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Naghangad ang mga tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos at marating ang langit kung kaya sila ay bumuo ng toreng pagkataas- taas. Subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan sa lahat, ginuho nito ang tore at ginawang magkakaiba ang wika ng mga tao. Hindi sila nagkaintindihan ang nagpasya na lamang maghiwa-hiwalay. Sinasabing nagmula ang wika sa tunog na nililikha ng mga hayop o sa tunog ng kalikasan. Tinutukoy ang mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid. 11 Page 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Nalilikha ang mga tunog dulot ng iba’t ibang emosyon o damdamin ng tao. Ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal. Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa mga tao upang magsalita tulad ng mga tula o awitin ng pag-ibig. 12 Page 12 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan. Teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Ito ay galing sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Tulad ng pagtaas-baba ng iyong kamay tuwing magpapaalam ay ganoon din ang iyong dila tuwing bibigkasin ang salitang Ta-ta. 13 Page 13 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Ang tunog na nanggagaling sa bibig ng tao ay may kasabay na aksyon ng anumang bahagi ng katawan. Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal. 14 Page 14 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ANTAS NG WIKA Pormal Impormal Pambansa Lalawiganin Pampanitikan Kolokyal Balbal Pormal – Ang antas ng wikang ito ang ginagamit ng mga taong nakapag-aral o may pinag- aralan, mga dalubhasa at nagtuturo ng wika. Mataas na antas ng wika ito sapagkat kinikilala ito ng bansa, pamayanan at maging sa buong mundo. a. Pambansa – itinuturing na opisyal na wika ang mga nasa antas na ito. Itinalaga ito ng batas na maging wika ng komunikasyon sa pamahalaan maging pasalita man o pasulat. Ito rin ang ginagamit sa mga pagtitipon, diskusyon o talakayan at maging sa hukuman. Ang antas ng wikang ito ang nakatalagang gamitin sa loob ng silid-aralan. Halimbawa: nanay paaralan lipunan b. Pampanitiakan – ang antas ng wikang ito ang ginagamit ng mga manunulat ng panitikan tulad ng tula, maikiling kuwento, nobela at dula. Malalalim ang talasalitaan at puno ng haraya, talinhaga at kasiningan ang mga salita o pahayag na ginagamit ditto. Halimbawa 15 ilaw ng tahanan tahanan Page 15 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Impormal – Ang antas ng wikang ito ay palasak o ginagamit sa pang-araw-araw. Simple lamang ang talastasan at nauunawaan ng nakararami. a. Lalawiganin – ginagamit ang antas na ito ng mga taong naktira sa isang tiyak na pook o lalawigan. Nakikilala ang kinalakihan ng isang tao dahil sa punto o tono ng kanyang pagsasalita. Halimbawa guyam (langgam) - Batangas magayon (maganda) - Bicolano malagu (maganda) - Pampanga b. Kolokyal – ito ay ang pang-araw-araw na pananalita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Natural sa antas na ito ang pagpapaikli ng salita upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nay - nanay meron - mayroon sa’yo - sa iyo ganun - ganoon lika na - halika na WIKANG PAMBANSA Ang Pambansang Wika ang itinuturing na kaluluwa ng ating bayan, ang taling nagbibigkis ng pagkakaisa ng mga Pilipino na sumusimbolo sa pambansang pagkakakilanlan. Ito rin ang instrument ng pag-unlad at tulay ng kapayapaan. Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipinp. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin 16 bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa. Page 16 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN 1934 ❑ Mainit na pinagtalunan, pinag-isipan at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili sa wikang pambansa. ❑ Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. ❑ Sinusugan ang mungkahi ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng PIlipinas. 1935 ❑ Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.” ❑ Isinulat ni NORBERTO ROMUALDEZ ng Leyte ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). “Pangunahing tungkulin ng SWP ang “mag-aral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.” 17 Page 17 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Batay sa pag-aaral ng SWP, napili nila ang Tagalog bilang batayan bg wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa pamantayang kanilang binuo tulad ng sumusunod: ✓ Wika ng sentro ng pamahalaan ✓ Wika ng sentro ng edukasyon ✓ Wika ng sentro ng kalakalan ✓ Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan 1937 ❑ Disyembre 30, 1937: Iprinoklama ni Pang. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa batay sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Nagkabisa ang kautusang ito pagkatapos ng dalawang taon. 1940 ❑ Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946 ❑ Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinanhayag din ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt Blg. 570. 18 Page 18 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN 1959 ❑ Mula Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kaustusan Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. ❑ Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radio, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili ng Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa. 1972 ❑ Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1972 kaugnay ng usapang pangwika. ❑ Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas noong 973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2: “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.” 1987 ❑ Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating Pang. Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa ibang mga wika.” 19 Page 19 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN WIKANG PANTURO Ang wikang panturo ay opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan. Ito ang wikang ginagamit ng guro o mag-aaral sa talakayan o pagbabahagian sa klase. WIKANG OPISYAL Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Wika na maaring gamitin sa ano mang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ang alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7, mababasa ang sumusunod: “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang 20 panrehiyon ay pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic. Page 20 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Sa pagpasok ng K-12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue Based – Multililingual Education (MTB-MLE). Tagalog Tausog Kinaray-a Kapampangan Maguindanaoan Yakan Pangasinense Meranao Surigaonon Ilokano Chavacano Bikolano Ybanag Cebuano Ivatan Hiligaynon Sambal Waray Aklanon MONOLINGGUWALISMO Monololingguwalismo ang tawag pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. BILINGGUWALISMO ❑ Leonard Bloomfield (1935) Binigyang kahulugan ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. 21 Page 21 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ❑ John Macnamara 1967 Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. ❑ Uriel Weinreich 1953 Ang paggamit ng wika ng magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilinngguwal. ❑ Cook at Singleton 2014 Balanced Bilingual ang mga tawag sa mga taong nagagamit ang dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. MULTILINGGUWALISMO ❑ Ang Multilingguwalismo ay ang paggamit ng dalawa o higit pang wika ng isang indibidwal. Nahihigitan na ng multilingguwal ang bilang ng mga monolingguwal sa buong mundo. Ang multilingguwalismo ay isang phenomenon na bunga ng pangangailangan sa globalisasyon at pagiging bukas sa mga kultura. ❑ Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Ang ating pagiging bansang multilingguwal ang dahilan ng pagpapatupad ng probisyon ng MTB-MLE na nakasaad sa DO 16, s. 2012. 22 Page 22 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGPAPALALIM Gawain Blg. 1: Wika Mo ay Wika Ko! SDG 4: Mataas na Kalidad ng Edukasyon Panuto: Alamin kung ano ang katumbas ng sumusunod na salita sa mga lalawigang nakatala. Sundan ang halimbawa. Ipasa ang sagot sa Class Notebook. Tagalog - Cebuano ibon - langgam 1. Tagalog - Kapampangan maganda - ____________ 2. Tagalog - Bikolano isda - ____________ 3. Tagalog - Waray bangka - ____________ 4. Tagalog - Pangasinense baliw - ____________ 5. Tagalog - Ilonggo patis - ____________ Gawain Blg. 2: E-paliwanag Mo! SDG 4: Mataas na Kalidad ng Edukasyon Panuto: Sa hindi lalampas sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang mga nakatalang katangian ng wika. Pagtibayin ang paliwanag sa pamamagitan halimbawa gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon sa mga sumusunod na programa sa telebisyon. Ipasa ang sagot sa Class Notebook. 1. Makapangyarihan ang wika. (Balita at Dokumentaryo) hal: 24 Oras, I-witness ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 23 ________________________________________________________________________ Page 23 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Malikhain ang wika. (Entertainment Show, Noontime Show) hal: Eat Bulaga, Showtime ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ PAGLALAPAT Gawain Blg. 3: Wika ng Bedista! SDG 16: Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na mga tanong. Ipasa ang sagot sa Class Notebook. 1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika? a. _____________________________________________________________________ b. _____________________________________________________________________ c. _____________________________________________________________________ 2. Bilang isang anak, ano-ano ang naiisip mong kahlagahan ng wika sa inyong pamilya? a. _____________________________________________________________________ b. _____________________________________________________________________ c. _____________________________________________________________________ 3. Bilang isang mamamayan, ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan? a. _____________________________________________________________________ b. _____________________________________________________________________ c. _____________________________________________________________________ 24 Page 24 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGTATAYA Gawain Blg. 4: Komiks Iskrip SDG 17: Pakikipagkaisa ng Layunin Panuto: Gumawa ng isang masining at makahulugang komiks iskrip na maglalaman ng iyong mga natutunan at naunawaan mula sa mga aralin. Pumili ng pamamaraang nais mong gamitin sa paggawa ng komiks iskrip. Maaaring gumamit ng ibang app maliban sa Cartoon Story Maker App. a. Cartoon Story Maker App Buksan mo ang link na ito para sa pagbuo ng komiks iskrip. https://tinyurl.com/y7924olt b. Gumuhit gamit ang iyong mga pangkulay. Kunan ito ng mga larawan at i-upload ito sa Class Notebook. Pamantayan sa Pagmamarka Nilalaman 25 Pagkamalikhain 15 Wastong gamit ng wika 10 Kabuoan 50pts* 25 Page 25 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ARALIN 2: MGA BARAYTI NG WIKA MELC # 2: Magamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google at iba pa sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika May kakayahan akong: ✓ Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ✓ Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula ✓ Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan ✓ Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan PAGGANYAK Gawain Blg. 1: Panonood ng Video (ASYNCHRONOUS) Panuto: Panoorin mo muna ang bidyo ng kantang Let It Go na gumamit ng gay lingo. Link: https://www.youtube.com/watch?v=zGh6UA0BY8c (Let it Go-Beki Version) Gawain Blg. 2: SPOTify (Spot, Identify and Clarify) Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa napanood na video. Ibibigay ng guro ang link sa Padlet sa Synchronous na pagkikita. Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita? SPOT Alin sa mga katangian ng wika ang maiiugnay mo sa pag- IDENTIFY usbong ng gay lingo? 26 Mayroon bang negatibo o positibong dulot ang paggamit ng CLARIFY Page gay lingo sa awiting Let It Go? Ipaliwanag. 26 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGTALAKAY Ang wika ay buhay at patuloy na dumarami. Ito ay isang pangyayaring hindi mapipigilan ninoman. Dumarami ang mga wika dahil nanghihiram tayo sa iba’t ibang pangkat ng mga tao na may sariling pamamaraan nang pagbigkas at pagpapakahulugan. Dahilan dito, minsan ay hindi tayo magkaunawanan. Ayon kay Alonzo (2001) bawat wika ay may sariling henyo o likas na kakayahan. May kapasidad itong bumuo ng mga salita, magsama-sama ng mga grupo ng mga salita para makabuo ng mga pangungusap na bibigkasin ng tagapagsalita. WIKA AT LIPUNAN WIKA - pasalita man o pasulat ay LIPUNAN - malaking pangkat ng mga isang instrumentong ginagamit ng tao na may karaniwang set ng pag- mga tao sa loob ng lipunang ito sa uugali, ideya at saloobin, namumuhay pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa at sa isang tiyak na teritoryo at ang relasyong panlipunan ay hindi itinuturing ang sarili bilang isang iiral kung walang wika. (Sapir) yunit. (UP Diksyunaryong Filipino) 27 Page 27 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN ❑ Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa. ❑ Nahahati ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuh ay, interes at iba pang panlipunang sukatan. ❑ Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit. SPEECH COMMUNITY ✓ Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksiyon ng mga grupo ng taong ito sa iba pang mga grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita nila na naiiba sa mga miyembro ng ibang grupo. ✓ Nagbubunsod ito ng pagkakaroon ng iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita o speech community. Dell Hathaway Hymes Isa sa mga kauna-unahang nagbigay ng depinisyon kung ano ang speech community. Ito raw ay ang pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika. William Labov Nagkakaroon daw ng isang speech community kung may 28 isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo (salita, tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipagta- Page lastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat. 28 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS NA WIKA ❑ Masasabing Homegenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. ❑ Heterogenous ang tawag sa pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad. C BARAYTI NG WIKA Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba o pagiging katangi- tangi ng uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa at maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sap ag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. DAYALEK/ DAYALEKTO Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o nagkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama’t may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito. 29 Page 29 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Magkakaiba-ibang wikang panrehiyon: ibang klase o magkaparehong wika. Tinatayang may 400 na dayalekto ang Pilipinas ayon sa pag-aaral ni Renato Constantino. HALIMBAWA: ✓ Tagalog Manila – Bakit? ✓ Tagalog Batangas – Bakit ga? ✓ Tagalog Bataan – Bakit ah? ✓ Tagalog Manila – Aba, ang ganda! ✓ Tagalog Batangas – Aba, ang ganda eh! ✓ Tagalog Bataan – Ka ganda eh! ✓ Tagalog Rizal – Ka ganda hane! SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas-panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa kabataan; ng mga maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa palengke; at ng iba pang pangkat. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit 30 ng mga naturang salita. Page 30 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uri ng panlipunan. Ito ay wika na maaaring magbago depende sa antas ng lipunang kinabibilangan ng nagsasalita. Ginagamit ng ilang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataan sa kanilang komunikasyon. HALIMBAWA: ✓ Sige, jujumbagin kita! (Sige ka, susuntukin kita) ✓ May amats na ako ‘tol (Lasing na ako kaibigan/kapatid) ✓ Repapips, alaws na ako datung eh (Pare, wala na akong pera) ✓ OMG! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) ✓ Mama can I make tusok-tusok the fishball? (Mama puwede ko bang tusukin iyong fishball?) IDYOLEK Sa barayting ito ng wika lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas nito nang magkaparehong-magkapareho. Dito lang napatunayang hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay sa kani-kaniyang indibidwal na estilo at paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag. Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. HALIMBAWA: ✓ “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro ✓ “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez ✓ “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio ✓ “Handa na ba kayo?” ni Korina Sanchez ✓ “I-KMJS na yan!” ni Jessica Soho 31 Page 31 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ETNOLEK Wika na nabubuo mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan HALIMBAWA: ✓ Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo ✓ Bulanon – full moon ✓ Kalipay – tuwa o ligaya ✓ Payew – hagdang-hagdan palayan PIDGIN Isang uri ng barayti ng wika na tumutukoy sa wikang walang pormal na istruktura. Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag. Tinatawag na nobody’s native language. Madalas, ang leksikon ng kanilang pag- uusap ay hango sa isang wika at ang estruktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas bunga ito ng kolonasisayon ang barayting ito ng wika. HALIMBAWA: ✓ Kayo bili alak akin (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin) ✓ Suki ikaw bili akin, ako bigay diskawnt (Suki, bumili ka na ng paninda ko, bibigyan kita ng diskwento) ✓ Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.) 32 Page 32 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN CREOLE Barayti ng wika na nabuo dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Isang wika na unang naging pidgin ngunit kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-aangkin dito bilang unang wika. HALIMBAWA: ✓ Chavacano – pinaghalong wikang Espanyol at Filipino REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, paaralan, at iba pa. Ang di-pormal na paraan naman ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya o magbabarkada, gayundin sa pagsulat ng liham-pangkaibigan, komiks, talaarawan at iba pa. HALIMBAWA: ✓ Kausap ang kaibigan: Uy kumusta ang naman ang pagliliwaliw mo? ✓ Kausap ang guro: Magandang umaga! Kumusta po ang bakasyon ninyo? 33 Page 33 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGpapalalim Gawain Blg. 5: Manood, Makinig at Magsulat! SDG 5: Pagkakapantay-pantay ng Kasarian Panuto: Panoorin at pakinggan ang sumusunod na mga programang pantelebisyon at panradyo at sagutin ang mga tanong. Ipasa ang sagot sa Class Notebook. ❑ Batman Joke Time! – Batanggenyo SUPER COMEDY part 2 Ang Batman Joke Time ay mula sa isang programang panradyo mula sa Batangas. Link: https://www.youtube.com/watch?v=mS7nQ-NCR2c ❑ Angelika spoofs Kris Aquino on Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa programang Banana Split Link: https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrxso0 ❑ Bubble Gang: Tuterti meets Kissy Link: https://www.youtube.com/watch?v=sK62vUH8_oM Gabay na Tanong: 1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pananalita sa mga napanood at napakinggang programa? A. Batman Joke Time! _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ B. Aquiknow and Aboonduh Tonight _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ C. Bubble Gang _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2. Bakit dayalek ng mga Batanggenyo ang napiling gamitin sa Batman Joke Time? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 34 Page 34 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN 3. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino at Duterte ang napiling gayahin o i-spoof sa mga pinanood mo? Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 4. May mga nagamit bang jargon ang mga host o bisita? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Gawing gabay ang rubrik para sa kasagutan: Pamantayan Puntos Sa bawat sagot at maliwanag na naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon 4 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon 3 Bahagyang naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon 2 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon 1 35 Page 35 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGTATAYA MGA KONSEPTONG PANGWIKA SDG 4: Mataas na Kalidad ng Edukasyon Panuto: Upang mataya ang ganap na pagkatuto sa aralin sagutan ng tapat ang ebalwasyon. Lagumang Pagsusulit: Mga Konseptong Pangwika at Barayti ng Wika 36 Page 36 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ARALIN 3: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN MELC # 3: Makapagsaliksik ng mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan May kakayahan akong: ✓ Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan ✓ Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula ✓ Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan ✓ Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan PAGtalakay Anumang wika ay may gamit na tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan nito. Halimbawa, hindi lubos na maununawaan ang baryasyon ng wika kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong estrukturang bumubuo rito, at isasantabi ang mga di-lingguwistikong pangyayari o pagkakataon na nagbunsod sa pag-iral nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang layunin sa komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit (functional approach) na pag-aaral sa wika na ipinanukala ni Michael Alexander Kirkwood (M.A.K.) Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957) at iba pa. 37 Page 37 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Pitong Gamit ng Wika Ayon kay M.A.K Halliday INSTRUMENTAL Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. REGULATORYO Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang. partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo INTERAKSIYONAL Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag- ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpali-tan ng kuro-kuro tungkol sa partkular na isyu; pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-pangkaibigan at iba pa. PERSONAL Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa pak-sang pinag-uusapan. Kasama rin 38 dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng Page pagpapa-halaga sa anumang anyo ng panitikan. 38 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN HEURISTIKO Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radio; panonood sa telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon. IMPORMATIBO Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.. Ang ilang halimabawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo. IMAHINATIBO Ito ang gamit ng wika sa pagpapalawak ng imahinasyon. Ito ay paglalagay ng sarili sa isang katauhan na hindi totoo at dala lamang ng malikot na pag-iisip. Karagdagang Kaalaman INSTRUMENTAL (GUSTO KO) DESKRIPSYON ❑ Maganap ang kagustuhan 39 ❑ Matugunan ang materyal na pangangailangan Page 39 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ pagpangalan/pagbabansag ❑ pagpapahayag ❑ pakikiusap ❑ pagmumungkahi ❑ panghihikayat HALIMBAWA ❑ “Gusto kong mahalin mo ako” ❑ “Patawarin mo ako” REGULATORYO (GAWIN MO KUNG ANO ANG SINABI KO) DESKRIPSYON ❑ Pagkontrol sa kilos o gawi ❑ Wikang ginagamit sa pagbibigay ng patakaran o panuto MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ pag-aalalay sa kilos / gawa ❑ pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin HALIMBAWA ❑ “Huwag mandaya lalong lalo na sa oras ng pagsusulit.” ❑ “Bawal tumawid dito” ❑ “Tumawid sa tamang tawiran” INTERAKSIYONAL (IKAW AT AKO) DESKRIPSYON ❑ Makapagpanatili at mapatatag ang relasyon sa kapwa ❑ Wikang ginagamit upang matanggap o hindi MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, pag- aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap HALIMBAWA ❑ “Magandang Umaga” ❑ “Maligayang Kaarawan” ❑ “Pupunta ka ba sa kaarawan ko?” 40 Page 40 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PERSONAL (ITO AKO) DESKRIPSYON ❑ Pagpapahayag ng sariling indibidwalidad at pagpapahayag ng sariling damdamin o personal na nararamdaman MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ paghanga, pagkayamot, pagkainip, pagmamahal, pagrerekomenda, pagkagalit, pagkatuwa, kasiyahan HALIMBAWA ❑ “Palaban ako at hindi ako paaapi!” ❑ “Talagang nakagagalit ang mga taong hindi marunong gumalang sa kanilang kapwa.” IMAHINATIBO (ISIPIN NATIN NA GANITO) DESKRIPSYON ❑ Gamit ng wika sa pagpapalawak ng imahinasyon MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ paglalagay ng sarili sa isang katauhan na hindi totoo at dala lamang ng malikot na pag-iisip HALIMBAWA ❑ “Kung bibigyan ka ng superpowers, ano ito at bakit? ❑ “Kung ikaw ay tutubuan ng pakpak, saan mo balak pumunta? 41 Page 41 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN HEURISTIKO (SABIHIN MO SA AKIN KUNG BAKIT) DESKRIPSYON ❑ Paggamit ng wika sa pagkatuto o mapagtamo ng kaalaman hinggil sa kaniyang kapaligiran. ❑ Ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ pagtatanong, pangangatwiran, konklusyon, haypotesis, katuturan, pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri at eksperimento HALIMBAWA ❑ “Bakit nagkakaroon ng Low Tide?” ❑ “Bakit may umaga at gabi?” IMPORMATIBO (MAY SASABIHIN AKO SAYO) DESKRIPSYON ❑ Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng impormasyon ng mga bagay-bagay sa mundo. MGA BIGKAS NA GINAGANAP ❑ pag-uulat, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari ❑ paghahatid ng mensahe HALIMBAWA ❑ “Ang salitang Lengguwhe ay nagmula sa salitang latin na “Lengua” na ang ibig sabihin ay “Dila” PAGPAPALALIM Gawain Blg. 7: Concept Map 42 SDG 16: Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon Page Panuto: Sa tulong ng concept map sa ibaba, isa-isahin ang pagkakaiba ng mga tungkulin ng 42 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN wika na tinalakay sa aralin. Magbigay lamang ng tatlo hanggang limang katangian sa bawat tungkulin o gamit ng wika sa lipunan. Lagyan ng pangkalahatang paliwanag ukol sa mahalagang papel ng tatlong gamit ng wika sa paglinang ng komunikasyon at panlipunang pakikipag- ugnayan ng isang indibiduwal. Instrumental Heuristiko Regulatoryo Paliwanag: ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 43 Page 43 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PAGTATAYA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN SDG 4: Mataas na Edukasyon Panuto: Upang mataya ang ganap na pagkatuto sa aralin sagutan ng tapat ang ebalwasyon. 44 Page 44 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN MINITASK 1: PANAYAM SDG 17: Pakikipagkaisa ng Layunin Deskripsyon: Makapagsagawa ng isang maikling panayam sa pamamamagitan ng mga online platform na tumatalakay sa aspektong kultural at lingguwistiko ng napiling komunidad na makakatulong sa pagbuo ng sanaysay na naglalahad ng mga isyu at usaping pangwika. HAKBANG SA PAKIKIPANAYAM: 1. Humingi muna ng pahintulot sa taong nais kapanayamin, bago gawin ang panayam. 2. Ang pipiliing kakapanayamin ay kailangang mga propesyonal sa napiling larang. 3. Maghanda ng limang tanong at ito ay kailangang naiwasto ng guro. 4. Maaaring gamitin ang alinmang online platform na opisyal na ginagamit sa paaralan tulad ng MS Teams, Zoom, Google Meet o Facebook Messenger sa pakikipanayam at mahalagang ito ay recorded. Maaring hingin ng guro ang kopya nito, kung kakailanganin. 5. Ang panayam ay hindi dapat lalampas ng 10 minuto. RUBRIK SA PANAYAM Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay Puntos (4) (3) (2) (1) Nakapaghanda nang lubha Nakapaghanda nang Bahagyang nakapaghanda Nangangailangan ng paghahanda sa sa panayam mahusay sa panayam sa panayam panayam. dahil sa nakapagsaliksik dahil sa nakapagsaliksik dahil sa hindi gaanong tungkol sa tungkol sa nakapagsaliksik kakapanayamin at sa kakapanayamin at sa tungkol sa kakapanayamin paksang itatanong. paksang itatanong. at sa paksang itatanong. Naihanay ang mahuhusay Naihanay ang halos lahat Naihanay ang ilan- ilang Walang naihanay namahusay na na tanong sa isang mahuhusay na tanong sa mahuhusay na tanong sa tanong sa isang listahan. listahan. isang listahan. isang listahan. Kahanga-hanga at Pinaghandaang mabuti ang Bahagyang pinaghandaang Kinakailangan pa ng paghahanda pinaghandaang mabuti ang pananamit, pananalita at ang pananamit, pananalita sa pananamit, pananalita at kilos sa pananamit, pananalita at kilos sa pagtatanong. at kilos sa pagtatanong. pagtatanong. kilos sa pagtatanong. Nakapagtanong nang Halos lahat ng tanong ay Mangilan-ngilan lamang Lahat ng mga tanong ay hindi tuwiran at di- paliguyligoy. nasabi nang na tanong ang nasabi nasabi nang tuwiran at di- paliguy- nang tuwiran at di- tuwiran at madalas ay paliguy- ligoy. paliguy- ligoy ligoy. Napakalinaw at malinis Malinaw at malinis ang Bahagyang malinaw at Hindi malinaw at hindi maayos ang ang pagkaka-edit ng video. pagkaka-edit ng video. maayos ang pagkaka-edit video-editing. Hindi kinakitaan ng Kahanga-hanga ang Mahusay rin ang pagiging ng video. Bahagyang pagiging malikhain. Mahina ang pagiging malikhain. malikhain. Malakas ang masining at humihina ang audio kaya’t hindi maunawaan ang Malakas ang audio sapat audio sapat upang marinig audio kaya’t may mga isinagawang panayam. upang marinig ang ang isinagawang panayam. pagkakataong hindi isinagawang panayam. maunawaan ang isinagawang panayam. 45 Page 45 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ARALIN 4: KASAYSAYAN NG WIKA MELC # 5: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag- unlad ng Wikang Pambansa May kakayahan akong: ✓ Natutukoy ang mga mga pinagdaanang pangyayari ng wikang Pambansa. ✓ Naiuugnay ang mga kasaysayan ng wika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam. ✓ Naiiugnay ang kasaysayan ng wika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan ✓ Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa ng kasaysayan ng wikang Pambansa. PAGGANYAK Gawain Blg. 1: Pagsasalin 101 Panuto: Gamit ang Kahoot! sagutin mo ang mga inaakala mong salin ng salita/mga salita sa wikang Filipino. PAMILYAR NA SALITA PANGKARANIWANG SALITA NGUNIT MAY IBANG GAMIT NG MGA KATUMBAS NA WIKANG MILENYALS FILIPINO 1. orange 1. carpenter 1. website 2. typewriter 2. dictionary 2. e-mail 3. math 3. adam’s apple 3. headset 4. charger 46 Page 46 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN Gawain Blg. 2: Manood at Matuto! Panuto: Panoorin mo ang ang video clip na pinamagatang “Wika at Kasaysayan sa Panahon ng Makabagong Makina” Wika at Kasaysayan ng WIka sa Makabagong Panahon_LourdDV Gabay na Tanong: 1. Sa iyong palagay sa usapin ng cyberspace, napapanahon pa ba ang paggamit ng wikang Filipino? 2. Alin sa mga sumusunod ang tunay nating problema; wika, impormasyon, o karungan? 3. Gaano kaya kalawak ang nalalaman mo tungkol sa kasaysayan ng ating wika? PAGTALAKAY Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad. Mahalagang maunawaan at matunton ang pinagdaanang kasaysayan at mga kaganapan tungo sa pagpapaunlad ng ating Wikang Pambasa. 47 Page 47 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PANAHON NG KATUTUBO PANAHON NG KATUTUBO 800 B.C. – 800A.D. Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na baybayin. Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan. Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga diyablo. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong pasaling-dila gaya ng mga bulong, tugmang bayan, alamat mito na anyong tuluyan at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. KARAGDAGANG KAALAMAN ✓ Syllabic Writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin.) Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang letra. ✓ Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama, wika, aklat, galit, sadya. Sandata, mutya, panday at salita. ✓ Mayroon lamang katinig: B, D, G, H, K, L, M, N, NG, P, S, T, W, Y ✓ Ang Wikang Filipino ay batay sa Malayo Polinesyo ✓ Ang mga gawa ng katutubo noon ay sinunog ng mga kastila dahil daw ito ay gawa ng demonyo. 48 Page 48 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PANAHON NG KASTILA Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino. Prayle ✓ Ipinamahala ang edukasyon ✓ Pinag-aralan ang katutubong wika ✓ Hindi itinuro ang kastila sa mga indyo Hindi itinuro ang wikang Kastila sa mga Indyo upang… 1. maging mas maalam sila 2. hindi makapagpahayag sa pamahalaan 3. hindi maunawaan ang batas 4. hindi mapantayan ang mga Kastila sa karunungan Walang Pagtatangkang magkaroon ng WIKANG PANLAHAT dahil… 5. Hindi lahat ay alam ang Tagalog 6. Wikang Kastila ang alam at ang pagkakakilanlan nang mataas ang pinag- aralan 7. Walang nakaisip na magkaroon ng wikang panlahat 8. Mas gusto ng mga Pilipino na matutunan ang Kastila 49 Page 49 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN KARAGDAGANG KAALAMAN GOBERNADOR TELLO Tinuruan ang mga Indio ng wikang Espanyol CARLOS I Ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila HARING FILIPE II Noong Marso 2, 1634 muling inulit ni Haring Filipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang kastila sa lahat ng katutubo PANAHON NG PROPAGANDA ✓ Mahigit 300 taon ang pananakop ng mga Kastila, namulat sila sa kaapihang dinanas. Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming NASYONALISMO (damdamin bumubugkos sa isang too sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon) nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. ✓ Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik. Sa panahong propaganda, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa, Isang Diwa" Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang sinulat. ✓ Noong madiskubre ng mga Espanyol ang katipunan noong Agosto 19, 1896. Napakaraming inaresto at ikinulong na mga pinaghihinalaan na kasapi ng katipunan. Sinimulan ng mga katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang mga cedula. ✓ Ang kanilang pagpunit ng cedula ay sumasagisag sa pagpapalaya ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya, ang pagpunit na ito ay nakilala sa kasaysayan sa tawag na “Sigaw sa Pugadlawin” – ito ang pagsisimula ng Himagsikan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol. Dito ipinakita ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol na handa silang mag buwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng Pilipinas. Ito rin ang nagbigay daan sa pagkilala ng Pilipinas bilang kauna-unahang republika sa Asya. 50 Page 50 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN ✓ Katipunan- Ang layunin nito ay ganap na kasarinlan/ Wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng Wikang Tagalog. ✓ Mga Propagandista Nakipaglaban sa mga Kastila ✓ Graciano Lopez Jaena Isang Pilipinong mamamahayag, tagapagsalita, rebolusyonaryo, at editor sa kilalang pahayagan na La Solidaridad. ✓ Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez Jaena noong 1874 tungkol sa isang paring Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba at upang busugin ang sarili sa pagkain, salapi, at babae. Ang pangalan ng fraile ay hango sa salitang Hiligaynon na “botod” na nangangahulugang bundat o malaki ang tiyan dahil sa sobrang pagkain. Fray Botod ✓ Antonio Luna Antonio Luna ay isang Pilipinong parmasiyotiko, at lumaban sa panahon ng rebulosyon sa pamamagitan ng sulat, merong impresyon na inaambag sa La Solidaridad. Sa kanyang edisyon sa La Solidaridad na sinulat niya ang kuwento na may pamagat na mga impresyon na nakitungo sa mga Kastilang kaugalian sa ilalim ng pangalang "Taga-ilog" Taga- Ilog ✓ Marcelo H. Del Pilar Mas mahusay na kilala bilang Plaridel, ay isang Pilipinong manunulat, abugado, at mamamahayag. Si Del Pilar, kasama sina José Rizal at Graciano López Jaena, ay kilala bilang isa sa mga lider ng Kilusang Propaganda sa Espanya. ✓ Kilusang Propaganda Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1889 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas ✓ Konstitusyon ng Biak-na-bato noong 1899, ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit walang isinasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng republika. ✓ Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagigingmakabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. 51 Page 51 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO T.A. 2024-2025 – UNANG MARKAHAN PANAHON NG AMERIKANO Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga kastila nagging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating noong 1898 sa pamumuno ni Almarante Dewey na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga kastila sa Pilipino, edukasyon naman naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng wikang Ingles at sumunod ang grupong kilala sa tawag na Thomasites. Sa panahong ito, wikang Ingles ang ginamit bilang wikang panturo at wikang pantalasgtasan. BATAS BLG. 74 – Itinakda noong Marso 21, 1901 nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na wikang Ingles ang gagawing wikang panturo. SARBEY NG KAUTUSANG MONROE- Noong 1925 napatunayang may kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa paaralan. JONES LAW -Noong 1916 ang kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon nang matatag na anyo ng pamahalan. Dahil nakikinita nila na ang literasiya at wikang panlahat ang nagiging batayan ng isang matatag na gobyerno, minabuti ng

Use Quizgecko on...
Browser
Browser