Kakayahang Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag PDF
Document Details
Uploaded by ResoundingHeptagon
TUP
Kristina May J. Hernando
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa Kakayahang Diskorsal. Tinalakay ang mga sangkap na kailangan upang magkaroon ng makabuluhang pahayag sa komunikasyon.
Full Transcript
KAKAYAHANG DISKORSAL: Tungo sa paglikha ng makabuluhang pahayag ANO ANG KAKAYAHANG DISKORSAL? Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan ng kuro” (2010). KAR...
KAKAYAHANG DISKORSAL: Tungo sa paglikha ng makabuluhang pahayag ANO ANG KAKAYAHANG DISKORSAL? Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan ng kuro” (2010). KARANIWANG URI NG DISKORSAL Kakayahang Tekstuwal -tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Kakayahang Retorikal -tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. DALAWANG BATAYAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN (GRICE 1957,1975; SIPI KAY HOFF2001) 1.Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag 2. Pakikiisa -kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon PANUNTUNAN SA KUMBERSASYON (GRICE 1957, 1975) 1. KANTIDAD Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-uusap— hindi lubhang kaunti o lubhang dam8ng impormasyon 2. KALIDAD Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng kasinungalingan o ng anomang walang sapat na batayan 3. RELASYON Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang 4. PARAAN mahaba ang sasabihin MGA MAHAHALAGANG SANGKAP SA PAGTAMO NG MATAAS NA KAKAYAHANG DISKORSAL 1. KAUGNAYAN -tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat. Halimbawa A: Ang kalat naman dito! B: Aayusin ko lang ang mga libro. Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal angmga pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat. 2. KAISAHAN -tumutukoy kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan. -nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (siya, sila, ito) bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga kataga, panuring, at kumplemento upang pahabain ang mga pangungusap. Kristina May J. Hernando