Mga Konsepto ng Wika sa Pilipinas PDF

Summary

Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa iba't ibang konsepto ng wika sa Pilipinas, tulad ng wikang pambansa, wikang panturo, wikang opisyal, bilingguwalismo, at multilingguwalismo. Tinatalakay din ang mga patakaran at polisiya ukol sa wika sa edukasyon sa bansa.

Full Transcript

IBA PANG konseptong PANGWIKA Presentasyon ni Reuben Reiz Musil Rimberio Travel & Tours WIKANG PAMBANSA -Ang Pambansang WIka ng Pilipinas ay Pilipino. -Ito ay wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. -Nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipuna...

IBA PANG konseptong PANGWIKA Presentasyon ni Reuben Reiz Musil Rimberio Travel & Tours WIKANG PAMBANSA -Ang Pambansang WIka ng Pilipinas ay Pilipino. -Ito ay wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. -Nag-iisang wikang ginagamit batay sa kultura ng lipunan. -Batayan ito ng identidad o pagkakakilanlan ng grupo ng taong gumagamit nito. -Merriam-Webster Dictionary FILIPINO -DE JURE AT DE FACTO, na pambansang wika ng bansa. De Jure -Legal at naayon sa batas. (artikulo XIV, Seksiyon 6 – 9, 1987 Constitution). De Facto -Aktwal na ginagamit at tinatanggap ng mayorya ng mamamayang Pilipino. -65 milyong Pilipino o 85.5% na tao ang gumagamit nito. (Philipinne Census 2000) WIKANG PANTURO -Wikang ginagamit na midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa Sistema ng edukasyon. -Filipino at Ingles ang wikang panturo sa Pilipinas. (Bilingual Education Policy, 1987 Constitution) -Tinukoy ng United Nations Edycational,Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2003 na ang pangunahing suliranin sa edukasyon ay ang wika. WIKANG PANTURO -Mother Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE, 2009) -Focus sa paggamit ng katutubong wika bilang unang wika ng mag-aaral na wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. WIKANG OPISYAL -Itinatadhana ng batas bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na komunikayon ng gobyerno. -Kadalasang gamit sa mga opisyal na dokumento, na may kinalaman sa korte, lehislatura, at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno. -Filipino at Ingles ang wikang opisyal sa Pilipinas. (1987 Constitution) WIKANG OPISYAL -Tiyak na probisyong pangwika sa Artikulo XIV ng Konstitusyon Sek. 7 – Ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles Sek 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles;at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. BILINGGUWALISMO -Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao, na makapagsalita ng dalawang wika. BILINGGUWALISMO -Ayon kay Lowry (2011), may mga kapakinabangan ang bilingguwalismo sa isang indibidwal. Ang mga bilinggwal na bata ay kadalasang mas malikhain at nagpapakita ng kahusayan sa pagpaplano at paglutas ng mga kompleks na suliranin kaysa sa mga batang iisang wikang lamang ang nauunawaan. Para naman sa mga matatandang bilinggwal, nababawasan ang pagkakasakit na may kinalaman sa pag-iisip dala ng pagtanda. BILINGGUWALISMO -Ipinapakitang mas nagkakaroon ng access sa kapwa at kaparaanan ang mga bilinggwal. Hal. Employment rate sa Canada. -Filipino ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Musika at Sining, Physical Education, Home Economics at Values Education. -Ingles ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang Agham, Teknolohiya, at Matematika. Ang Biligual Education Policy (BEP) sa Pilipinas ay gabay kung paanong magkahiwalay na gamitin ang Ingles at Filipino bilang wikang panturo. Nais ng BEP na: 1. Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika, 2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi, 3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa, 4. Malinang ang elaborasyon at intelektuwalisasyon ng Filipinobilang wika ng akademikong diskurso, at 5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang wika ng syensya at teknolohiya. MULTILINGGUWALISMO -Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. -Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. MULTILINGGUWALISMO -Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang multiligguwal kung hindi man bilingguwal. -Ayon sa UNESCO (2003), kailangang uuin ang isang uri ng edukasyong mataas ang kalidad upang matugunan ang ang suliranin sa pagiging eksklusibo ng edukasyon para sa ilan. Gayon din, binuo ang tatlong bahagi ng rasyonal na sumusuporta sa MTB- MLE sa lahat ng antas ng edukasyon: 1. Tungo sa pagpapataas ng kalidad na edukasyong nakabatay sa kaalaman at karanasan ng mga mag- aaral at guro; 2.Tungo sa promosyon ng pagkakapantay sa lipunang iba-iba ang wika; at 3.Tungo sa pagpapalakas ng edukasyong multikultural at sa pagkakaunawaan at paggalang sa batayang karapatan sa pagitan ng mga grupo sa lipunan. Sa Pilipinas, ipinatupad ang multilingguwal na edukasyon sa pamamagitan ng Department of Education Order 16, s. 2012 (Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE) na may layuning: 1. Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na edukasyon at habambuhay na pagkatuto; 2. Kognitibong pag-unlad na may pokus sa higher order thinking skills (HOTS); 3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan sa iba't ibang larang ng pagkatuto; 4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika. HOMOGENOUS NA WIKA -Mula sasalitang Griyego na homogenes hom- uri o klase genos- kaangkan o kalahi -Isang klase mula sa iisang angkan o lahi -Sa wika, tumutukoy ito sa; Pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. Iisang porma o standard na anyo ng wika. HOMOGENOUS NA WIKA Language Uniformity -pagkakaroon ng iisang estandard ng paggamit ng isang partikular na wika. hal. Makikita ito sa mahigpit na pagtuturo ng mga gramatikal na estruktura na patakaran ng kung ano ang istandard na Ingles o Filipino na paaralan. HETEROGENOUS NA WIKA -Magkakaiba-iba ang paggamit ng isang wika batay sa iba’t ibang salik at kontekstong pinagmumulan ng nagsasalita nito. -Pagkakaroon ng iba’t ibang porma o barayti -Pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika -Napakaloob dito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika. HETEROGENOUS NA WIKA -Halimbawa, maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at usi ng wikang Ingles batay sa iba’t ibang grupo ng taong nagsasalita ng British English, American English, o kaya ay mga Third World English gaya ng Filish (Filipino- English), Singlish (Singaporean-English) o kaya’y Inlish (Indian English). LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD -Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyoligguwistik na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o mga alintuntunin sa paggamit ng wika. LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD -Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay ang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi,upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupoong panlipunan. -Hindi lahat ng nagsasalita ng isang wika ay kasapi ng isang tiyak na lingguistikong komunidad. UNANG WIKA -Ay tinatawag ding katutubong wika (mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang nauunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing. -Sa ibang lipunan, tinutukoy ang katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibidwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Samantala, ayon kay Lee (2013), sa kanyang artikulo na the native Speaker: An Achievable Model? Na nailathala sa Asian EFL Journal, narito ang mga gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagpagsalita ng isang wika: 1. Natutuhan ng indibiduwal ang wika sa murang edad, 2. Ang indibiduwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan sa wika, 3. May kakayahan ang indibiduwal na makabuo ng matatas at ispontanyong diskurso gamit ang wika, 4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika, 5. Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad, at 6. May puntong dayalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika. IKALAWANG WIKA -Ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika. -Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng nagsasalita. -Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika. IKALAWANG WIKA -Isa sa mga kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA) na nagpalawig sa pagkakaiba sa acquiring (likas o natural na pagtatamo)at learning (pagkatuto) ng wika. Acquisition -O pagtatamo ay isang natural na proseso Learning -O pag-aaral ay kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika. MARAMING sa pakikinig SALAMAT

Use Quizgecko on...
Browser
Browser