Araling Panlipunan Hybrid AP 9 Q2 M8 W8 V2 PDF
Document Details
Uploaded by LegendaryYeti
SDO Taguig City and Pateros
Tags
Related
- Araling Panlipunan 9 - Pangangailangan at Kagustuhan PDF
- Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks Asynchronous Activity
- Araling Panlipunan Past Paper (PDF) - DepEd Q1 M6
- Araling Panlipunan Q1 Module 2: Kahalagahan ng Ekonomiks PDF
- Araling Panlipunan-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Araling Panlipunan Ikalawang Markahan 2021 PDF
Summary
This document is a collection of learning materials, specifically worksheets for a high school subject in the Philippines called Araling Panlipunan. There are exercises, questions, and activities related to economic concepts.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN Ikalawang Marhahan - Modyul 8 Ik along Linggo SDO TAGUIG CITY AND PATEROS PANIMULA Isang batayan sa pag-aaral ng ekonomiks ang pamilihan bilang isang mabisang mekanismo kung saan natutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Sa lugar na ito,...
ARALING PANLIPUNAN Ikalawang Marhahan - Modyul 8 Ik along Linggo SDO TAGUIG CITY AND PATEROS PANIMULA Isang batayan sa pag-aaral ng ekonomiks ang pamilihan bilang isang mabisang mekanismo kung saan natutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Sa lugar na ito, gumagalaw ang dalawang pangunahing aktor: ang konsyumer at prodyuser. Ang dalawang tauhan ay mahalagang bahagi ng pamilihan subalit magkaiba ang paraan ng pakikibahagi. Ang konsyumer ang gumagawa ng pagkonsumo na nagbibigay ng kita sa mga nagbibili samantalang ang nagbibili naman ang nagpaplano ng produksiyon batay sa itinakdang demand ng mga konsyumer upang kumita bilang isang negosyante. May pagkakataon na ang equilibrium price at quantity ay hindi masyadong mababa o mataas sa tingin ng mga prodyuser o konsyumer. Sa sitwasyong ito, papasok ang pamahalaan. Ano ang gampanin ng pamahalaan bilang isang natatanging institusyon na may kapangyarihan sa pagdedesisyon ukol sa suliranin ng pamilihan at ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa? Itinuturing ang presyo bilang tanging salik na pokus ng pakikialam ng pamahalaan sa pamilihan. Inaasahang mabibigyang-kasagutan ang mga mahahalagang katanungan gaya ng Ano nga ba ang papel na ginagampanan ng pamahalaan pagdating sa aspeto ng pagkontrol ng presyo sa pamilihan? Paano binibigyang proteksiyon ng pamahalaan ang mga konsyumer at mga prodyuser pagdating sa pagkontrol ng presyo sa pamilihan? Sa iyong pagpapatuloy ng araling ito, ikaw ay haharap sa mga tekstong makapagbibigay ng impormasyon at mga mapanghamong gawain na may layuning maghatid sa iyo ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang estruktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Aralin Paksa: Ang Ugnayan ng Pamilihan at 8 Pamahalaan ALAMIN Matapos mong matutuhan ang mga konsepto ng pamilihan at iba’t ibang estruktura nito, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Upang higit na maging makabuluhan at mapukaw ang iyong interes, halina’t simulan mo munang gawin at sagutin ang susunod na mga gawain. Gawain 1: WORD HUNT Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba. Ang salita ay maaaring pababa, pahalang o pabaliktad. 1. DTI 6. Pamahalaan 2. DOLE 7. Pamilihan 3. Kakulangan 8. Presyo 4. Kalabisan 9. Price Ceiling 5. Minimum Wage 10. Price Floor M E A D O L E N P A W P S I E A E I O U A X U R U A N R A W D E M L D I B P T I A E I O A P A C S O P A M I L I H A N E I L G L Y U A N A B G F D L X E D A M Q L E D L Y O I R E N E W A R T O O T K U D O R P A N I O K A L A B I S A N G B R P R E S Y O M A R T E B S K A K U L A N G A N O Gawain 2: ONCE UPON A TIME Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan gamit ang dialogue box. Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Francisco? Maaaring Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito? Maaaring __________________ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng pamahalaan na maraming mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo. Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan? Maaaring ________________ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pamprosesong Tanong: 1. Paano ka nakabuo ng maaaring kahinatnan ng pangyayari? 2. Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang bumuo ng maaaring kahinatnan? Bakit? Gawain 3: PATH OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng iyong kaunlaran sa pagkatuto. Sa bahaging ito ay sasagutin mo ang katanungang nasa kahon. Isulat mo sa bahaging SIMULA ang iyong inisyal na kasagutan. Samantalang ang bahagi ng GITNA at WAKAS ay sasagutan mo lamang sa iba pang bahagi ng iyong paglalakbay sa araling ito. WAKAS PAANO NAGKAKAROON NG UGNAYAN ANG PAMILIHAN GITNA AT PAMAHALAAN ? SIMULA Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksang ugnayan ng pamilihan at pamahalaan, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang paksang ito. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang- aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka sa pagsagot ng katanungan na kung ano ang ugnayan sa pagitan pamilihan at pamahalaan. Umpisahan mo ito sa pamamagitan ng unang teksto na nasa ibaba. ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Alinsunod sa itinatadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics, ipinaliwanag niya ang Principle 7 na “Government can sometimes improve market outcomes”. Ayon sa kaniya, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Ang halimbawa ng mga ito ay ang paglaganap ng externalities gaya ng polusyon at pagkakaroon ng monopoly na nagdudulot ng pagkawala ng kompetisyon. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pakikialam o panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na mapasailalim ang pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan ipinapatupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa dalawang uri: ang price ceiling at price floor. Price Ceiling – Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at maging ang mga instant noodles na minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag na suggested retail price (SRP). Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis. Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto. Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay masyadong mataas sa pananaw ng mga konsyumer. Ang price ceiling ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium price. Labag sa AntiProfiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo. Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan (barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan ay naaayon sa batas. Ang graph sa dakong ibaba ay nagpapakita ng halimbawa ng price ceiling. PRESYO S EKILIBRIYONG 20 PRESYO PRICE CEILING 15 D DAMI 0 30 60 90 Ayon sa graph, Php20 ang ekwilibriyong presyo. Subalit, ang presyong ito ay maaaring mataas sa tingin ng mga konsyumer. Dahil dito, ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng pagpapataw ng Php15 bilang price ceiling ng mga prodyuser. Dahil ang presyong Php15 ay higit na mas mababa kaysa sa ekwilibriyong presyo na Php20, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng quantity demanded na umabot sa 90 na dami. Sapagkat mas mahihikayat ang mamimimili na bumili ng mga produkto at serbisyo kung mababa ang umiiral na presyo sa pamilihan kumpara sa ekwilibriyong presyo na Php20 sa 60 lamang na kabuuang dami. Sa kabilang dako, ang sitwasyong ito naman ay magpapababa ng supply sa pamilihan sapagkat ang mga prodyuser ay hindi mahihikayat na magprodyus. Kung minsan, maaari nilang isipin na malulugi sila dahil mababa ang presyo ng kanilang produkto dulot ng pinaiiral na price ceiling ng pamahalaan. Magkakaroon sila ng ganitong pag-iisip sapagkat ang kanilang gastos sa produksiyon, gaya ng presyo ng mga materyales at pasahod sa mga manggagawa, ay fixed ang presyo. Ang kaganapang ito ay makapagdudulot ng kakulangan (shortage) sa pamilihan. Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equiblibrium price. Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor ng agrikultura at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng minimum wage. Halimbawa, kung masyadong magiging mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang mga magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na magtanim dahil maliit naman ang kanilang kikitain mula rito. Kung magaganap ang sitwasyong ito, magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang pamahalaan ay magtatakda ng price support/price floor o ang pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani. Maliban pa rito, maaaring ang pamahalaan ang magsisilbing tagabili ng mga aning palay ng mga magsasaka upang masiguro na mataas pa rin ang kanilang kikitain at upang maiwasan ang kakulangan ng supply sa pamilihan. Maliwanag na inaako ng pamahalaan ang malaking gastusin upang masiguro ang kapakanan ng mga magsasaka at ng mga mamamayan. PRESY O KALABIS AN S PRICE FLOOR 50 EKILIBRIYON G 25 PRESYO D 0 20 60 100 DAMI Batay sa graph, ang ekwilibriyong presyo na Php25 ay mas mababa sa itinalagang price floor na Php50. Magdudulot ito ng pagtaas ng quantity supplied at magbubunga ng kalabisan (surplus) sa pamilihan. Higit na mas marami ang supply na isandaan (100) kung ihahambing sa dami na dalawampu (20) na quantity demanded. Kapag may kalabisan, maaaring bumaba ang presyo at dami ng supply patungo sa ekwilibriyong presyo. Subalit dahil may pinaiiral na price floor, hindi maaaring ibaba ang presyo dahil ito ang itinakda ng batas. Dahil dito, malinaw na ang price floor ay nagdudulot ng kalabisan (surplus) sa pamilihan. Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage law o batas sa pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo. Ang patakarang ito ay naaayon sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines na nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang manggagawa. Batay sa Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates as of April 2014, ang mga manggagawa sa National Capital Region ay nakatatanggap ng minimum wage na Php466.00. Samantala, ang minimum wage sa mga probinsiya ay magkakaiba halimbawa ang Region IV-A-CALABARZON ay mayroong Php362.50 at ang Region VIII---Eastern Visayas ay mayroong Php260.00. Sa pangkalahatan, hindi maitatangging mahalagang institusyon ang pamahalaan sa pagsasaayos ng pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon kay John Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi maiiwasang patakbuhin sa ilalim ngmixed economy. May partisipasyon ang pribadong sektor o ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Subalit sa panahon na may krisis pang-ekonomiya, gaya na lamang ng pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, maaaring makialam o manghimasok ang pamahalaan upang maisaayos ang pamilihan at kabuuang ekonomiya. Gawain 4: TEKS-TO-INFORM – DISCUSSION WEB CHART Sagutin ang discussion web chart at ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba batay sa tekstong iyong nabasa. MAHALAGA BA ANG PAPEL NG PAMAHALAAN SA PAMILIHAN? DAHILAN DAHILAN Sapagkat Sapagkat KONGKLUSYON Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa? 2. Paano nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan? Gawain 5: VENN DIAGRAM Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ng mahahalagang impormasyon ang Venn Diagram gamit ang mga pamprosesong tanong upang maipakita ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng price ceiling at price floor. \ PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD Pamprosesong Tanong 1. Ano ang pagkakatulad ng dalawang konsepto? 2. Paano naman sila nagkakaiba? 3. Paano ito nakatutulong sa mga konsyumer o prodyuser? Gawain 6: ISIP-TSEK---Chain of Facts Batay sa iyong nakalap na kaalaman sa tekstong binasa, sagutin ang sumusunod na pahayag o katanungan na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagpili ng mga kasagutan na matatagpuan sa circles of facts. MGA PAHAYAG: 1. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang konsyumer at nagbibili o prodyuser upang magkaroon ng palitan. PAMILIHAN 2. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. PAMAHALAAN 3. Ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan. PRICE STABILIZATION POLICY 4. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang negosyante ang kaniyang produkto. PRICE CEILING 5. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ngemergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa). PRICE FREEZE 6. Isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay palawigin ang sistema ng kalakalan at industriya sa bansa. DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) 7. Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan na kung saan, ang supply ng produkto ay hindi sapat sa planong ikonsumo ng tao. SHORTAGE 8. Ang tawag sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo sa pamilihan PRICE FLOOR 9. Isang pangyayari sa pamilihan kung saan may sobra o higit ang supply ng mga produkto sa dami ng planong ikonsumo KALABISAN (SURPLUS) 10. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon?PAGLINGKURAN AT PANGALAGAAN ANG MAMAYAN JOHN PRICE MINIMU MAYNA PRIC STABILIZATI M RD E ON PAMAH KEYNES WAGE CEILIN A G LAAN SURPL PRIC US E FLOO R PRIC DTI E FREEZ E SHORTA GREGO GE DOLE SUBSI RY DY MANKI W BFAD PAMILIH AN PAGLINGKURA N AT PANGALAGAAN ANG MAMAMAYAN Gawain 7: PATH OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang iyong kaunlaran sa pagkatuto. Sa bahaging ito ay sasagutin mo ang katanungan nasa kahon. Isulat mo sa bahaging GITNA ang iyong kasagutan at ang WAKAS ay sasagutan mo lamang sa huling bahagi ng araling ito WAKAS PAANO NAGKAKAROON NG UGNAYAN ANG PAMILIHAN GITNA AT PAMAHALAAN ? SIMULA Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa ugnayan ng pamahalaan at pamilihan, maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ng mga nabuo mong kaalaman ukol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng pamilihan upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Price Freeze, Ipinatupad sa Calamity Areas Iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60- day price freeze sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity. Sa isang pahayag na ipinaskil sa official website nito, sinabi ng DTI na dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong “Glenda” ay hindi maaaring magtaas ang retailers ng presyo ng agricultural at non-agricultural necessities. Kabilang sa agricultural necessities ang bigas, mais, cooking oil, isda, itlog, baboy, manok, karne, sariwang gatas, gulay, prutasr,oot crops at asukal. Itinuturing namang non-agricultural necessities ang canned marine products, evaporated/ condensed/ powdered milk, kape, sabong panlaba, noodles, tinapay, asin, kandila at bottled water. Samantala, naka-freeze din ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene sa loob ng 15 araw. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng Php5,000 hanggang Php1,000,000 at/o pagkakakulong ng isa hanggang sampung taon. — Mary Rose A. Hogaza Gawain 8 –ULAT-PATROL Batay sa balita na iyong nabasa, punan ng mahahalagang konsepto ang tri- radial cycle chart na nasa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: 1. Patungkol saan ang balita? 2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze? 3. Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit? 4. Maglista ng mga pahayag mula sa balita na siyang nagpapakita ng kapangyarihan ng pamahalaan. 5. Bilang isang konsyumer, paano nakatulong sa iyo ang balita? Gawain 9: IMBESTIGA-NOMIKS Sa gawaing ito, ipagpalagay mo na ikaw ay isang imbestigador na konsyumer. Isa kang mamimili na mulat at aktibo sa galaw ng presyo sa pamilihan. Aalamin mo muna ang suggested retail price (SRP) mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ng mga produktong nasa basket. Pagkatapos nito ay alamin ang presyo ng mga ito sa tatlong magkakaibang tindahan. Itala ito sa trapezoid list chart at sagutin ang mga pamprosesong tanong. ASUKAL BIGAS MANTIKA KAPE ITLOG Pinagkunan: http://www.learnersdictionary.com/definition/basket Retrieved on: November 24, 2014 PRODUKTO PRESYO DEPARTMENT OF TRADE & INDUSTRY (DTI) TINDAHAN TINDAHAN TINDAHAN SUGGESTED 1 2 3 RETAIL PRICE (SRP) Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ang mga tindahang ito ang inyong napili? 2. Sa iyong palagay, bakit ang mga produktong nasa itaas ang ibinigay na halimbawa upang alamin at suriin ang presyo? 3. Alin sa mga produktong ito ang sa tingin mo ay mataas ang presyo? mababang presyo? Bakit? 4. Bilang isang mag-aaral at konsyumer, ano ang naging implikasyon nito sa iyong isinagawang gawain? Gawain 10: Pangkatang Gawain – COMIC STRIP Katulong ang iyong kagrupo, kayo ay bubuo ng isang comic strip na maaaring ilagay sa kartolina,manila paper, o illustration board na nagpapakita ng mga sitwasyon kung kailan at bakit nakikialam ang pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Upang maisagawa ninyo nang maayos ang itinakdang gawain ay maging gabay ang rubrik na siyang magiging batayan ng inyong marka. RUBRIK PARA SA COMIC STRIP Natamong Pamantayan Deskripsyon Puntos Puntos Naipakita at naipaliwanag nang mahusay ang kaangkupan ng mga eksena sa comic strip batay Nilalaman 20 sa pangyayari kung kailan at bakit nakikialam ang pamahalaan sa pamilihan. Maliwanag at angkop ang Pagkamalikhain at mensahe sa paglalarawan ng pagkamasining ng konsepto kung kailan at bakit 15 comic strip nakikialam ang pamahalaan sa pamilihan. Kabuuang Malinis, maayos at may presentasyon at kahusayan sa pagpapaliwanag kahusayan sa 15 ang kabuuang larawan ng comic pagpapaliwanag ng strip. comic strip Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng nabuong comic strip? 2. Paano kayo nakabuo ng ideya o konsepto para makagawa ng comic strip? 3. Mula sa gawain, ano ang inyong naging pangkalahatang impresyon tungkol sa ugnayan ng pamahalaan sa pamilihan? Gawain 11: PATH OF KNOWLEDGE Ang gawaing ito ay naglalayong masubaybayan ang baitang ng iyong kaunlaran sa pagkatuto. Sa bahaging ito ay pupunan mo ng kasagutan ang kahon ng WAKAS ayon sa iyong kabuuang natutuhan kung ano ang ugnayan ng pamahalaan at pamilihan. WAKAS PAANO NAGKAKAROON NG UGNAYAN ANG PAMILIHAN GITNA AT PAMAHALAAN ? SIMULA MAHUSAY! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga gawain! ISABUHAY Ngayon ay lubos na ang iyong kaalaman ukol sa konsepto ng demand, supply, pamilihan, at tungkulin ng pamahalaan. Sa bahaging ito ng yunit ay ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga paksang iyong pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang matalinong konsyumer o kaya ay mapanagutang negosyante sa hinaharap? Upang mabigyan mo ng kasagutan iyan ay gagampanan mo ang isang gawain upang maging kapaki-pakinabang ang mga aral na iyong natutuhan. Gawain: INFO-MERCIAL Bumuo ng isang pangkat na may sampu hanggang labindalawang miyembro. Bawat grupo ay gagawa ng isang info-mercial na humihimok at nagtataguyod sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P. Makagawa ng isang info-mercial na nagpapakita ng paghimok at pagtataguyod ng pagiging Goal matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante Miyembro ng isang organisasyong pang mag-aaral na may adbokasiyang himukin at itaguyod ang Role pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante Audience Mga kapwa mag-aaral Sa isang pamilihan na kung saan nagpapakita ng adbokasiya tungkol sa paghimok at pagtataguyod ng Situation pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante Isang video info-mercial na humihimok at Product/ nagtataguyod sa pagiging matalinong konsyumer at Performanc mapanagutang negosyante e Bigyang-pansin ang sumusunod sa paggawa ng info-mercial: a. Komprehensibong pagpapakita ng mga katangian ng matalinong mamimili at mapanagutang negosyante. b. Pangangatwiran na ang katatagan ng pamilihan ay nakabatay sa pagkakaroon ng matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. c. Kahalagahan ng pagtataguyod at paghimok sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. Mungkahing Gawain: INFO-DRIVE Bumuo ng isang pangkat na may sampu hanggang labindalawang miyembro. Bawat grupo ay gagawa ng isang Information Drive na humihimok at nagtataguyod sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P. Makagagawa ng isang Information Drive na magsisimula sa paaralan patungo sa Barangay na nagpapakita ng Goal paghimok at pagtataguyod ng pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. Miyembro ng isang organisasyong pang-mag-aaral na may adbokasiyang himukin at itaguyod ang pagiging matalinong Role konsyumer at mapanagutang negosyante sa paaralan at sa lipunan. Mga kapwa mag-aaral, guro, mga pinuno ng barangay, at Audience mga kasapi ng komunidad Magsasagawa ng isang information drive sa pamamagitan ng isang parada (gamit ang posters, placards, leaflets) sa paaralan o kaya ay sa komunidad ukol paghimok at Situation pagtataguyod ng pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante. Maaaring maging culminating activity ito para Consumer’s Month sa Oktubre. Product/ posters, placards, leaflets Performance Bigyang-tuon ang sumusunod sa paggawa ng information drive: a. Komprehensibong pagpapakita ng mga katangian ng matalinong mamimili at mapanagutang negosyante b. Pangangatwiran na ang katatagan ng pamilihan ay nakabatay sa pagkakaroon ng matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante c. Kahalagahan ng pagtataguyod at paghimok sa pagiging matalinong konsyumer at mapanagutang negosyante TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN: Binabati kita! Napagtagumpayan mong naisagawa ang lahat ng gawain sa bahagi ng yunit na ito ukol sa demand, supply, interaksiyon nito sa pamilihan, at ang ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Nawa’y ang iyong mga natamong kaalaman at kasanayan ay magamit mo upang maging mapanagutang mamamayan kasabay ng iyong pagtugon sa iyong mga pangangailangan. Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangwakas na pagtataya. Sanggunian Ekonomiks Araling Panlipunan - Modyul para sa mga Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Ekonomiks Para sa Mataas na Paaralan http://asia.widmi.com/index.php/philippines/balita-online/news/211065-price-freeze-ipinatupad-sa-calamity-areas Development Team of the Module Writer: VERLYN D. PASION Editors: Content Evaluator: ADELYNE T. PALAS JENIFFER C. VERZOSA Language Evaluator: ZALDY ROSE CARPIO Reviewers: Illustrator: RODOLFO C. DEL ROSARIO JR. Layout Artist: JENNIFER A. MANALO ROBERT M. VALERA Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa… Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City Telefax: 8384251 Email Address: [email protected]