RUQA Grade 9 Araling Panlipunan Q3 PDF
Document Details
![CoolestAlgorithm8405](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-8.webp)
Uploaded by CoolestAlgorithm8405
2024
RUQA
Tags
Related
- Araling Panlipunan 9 - Pangangailangan at Kagustuhan PDF
- Araling Panlipunan Q1 Module 2: Kahalagahan ng Ekonomiks PDF
- Araling Panlipunan-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Araling Panlipunan 9 Q2 Week 2 PDF
- Araling Panlipunan 9 (Week 3) - Past Paper PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9 - IKALAWANG MARKAHAN - AP 9 Q2 Week 5 PDF
Summary
This RUQA Grade 9 Araling Panlipunan Past Paper covers third quarter topics on economics in the Philippines. It includes multiple choice and short answer questions.
Full Transcript
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Third Quarter – Grade 9 (Araling Panlipunan) GENERAL INSTRUCTIONS. Do not write anything on this test paper. After carefully reading all the questions, reflect all your answers on the separa...
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Third Quarter – Grade 9 (Araling Panlipunan) GENERAL INSTRUCTIONS. Do not write anything on this test paper. After carefully reading all the questions, reflect all your answers on the separate ANSWER SHEET. Shade the circle that corresponds to your chosen answer. 1. Kilatisin kung paano ang naging ikot at daloy ng ekonomiya? a. Mga ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya b. Kita at mga gastusin ng pamahalaan sa bawat araw c. Mga kalaakalan sa loob at labas ng bansa d. Mga transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal 2. Suriin ang pagkakaugnay-ugnay ng ikot ng ekonomiya sa sambahayan at bahay- kalakal. a. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal b. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang mkabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. c. Sa sambahayanan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal. d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon karagdagang trabaho sa mga bahay-kalakal. 3. Sa iyong Palagay, alin sa mga sumusunod ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto? a. Sambahayan c. bahay-kalakal b. b. pamahalaan d. lahat ng mga nabanggit 4. Suriin sa mga sumusunod ang may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. a. Sambahayan c. bahay-kalakal b. b. pamahalaan d. lahat ng mga nabanggit 5. Alin sa mga sumusunod nakabatay ang pagtaas ng produksyon? a. Pamahalaang pinansiyal b. Paglago ng pambansang ekonomiya c. Mga presyo ng iba pang mga produkto at serbisyo d. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod 6. Ipaliwanag ang salik na paglago ng ekonomiya sa isang bansa a. Pagdami ng konsumer b. Paglaki ng kita c. Paglaki ng kapital d. Paglaki ng pamumuhunan 7. Sumulat ng isang plano na kung paano magiging matatag ang isang ekonomiya. a. Kailangan marami ang tumatangkilik sa isang produkto b. Kailanagn dumami ang populasyon c. kailangan may sapat na kapital ang mga mangangalakal d. Kailangan may sapat na ipon ang sambahayan 8. Tuklasin kung paano maging matagumpay ang daloy ng kalakal sa isang bansa? a. Maging balance ang kapital at konsumer b. Maging balance ang kita at kapital c. Maging balance ang produkto at serbisyo d. Maging balanse ang pag-iimpok at ang pamumuhunan 9. Suriin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paglago ng pambansang ekonomiya? a. Ang pangungutang sa World Bank b. Sa pamamagitan ng pamumuhunan c. Ang pagtaas ng demand ng sambahayan d. Sa pamamagitan ng pagtaas ng produksyon at produktibidad ng pamumuhunan 10. Bigyang solusyon ang pagtaas ng demand ng suplay. a. Kapag tumaas ang presyo ng mga pamalit, tataas ang demand b. Kapag bumaba ang kita, ang mga tao ay may mas kaunting pera upang gastusin at ang demand ay bumababa. c. Ang pagtaas ng kita ay hahantong sa pagbaba ng demand dahil ang mga mamimili ay kailangang magbawas sa paggasta. d. Kapag bumaba ang presyo, tataas anmg demand 11. Iugnay ang mga pangyayari kung paano patatagin ang ekonomiya ng bansa. a. Makalikha ng negatibong motibasyon ang mga Gawain ng pamahalaan, b. Maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. c. Makalikha ng negatibong gawain d. Maghatid ng hindi kaaya ayang paglilingkod 12. Ano ang tawag sa kita mula sa buwis ng mga tao? a. Public service b. Public revenue c. Public inflation d. Lahat ng nabanggit 13. Ilapat kung ano ang nararapat na mangyari upang maging matagumpay ang isang pampublikong paglilingkod? a. Maging produktibo c. maging masipag b. Maging matipid d. maging uliran 14. Suriin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na pamamaraan sa pagsukat sa Gross National Income? a. Expenditure Approach c. Industrial origin Approach b. Income Approach d. economic Freedom Approach 15. Bumuo ng hinuha kung ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay napakabagal base sa pagsusuri sa economic performance nito, nararapat bang gumawa ng mga hakbang ang pamahalan upang mapataaas ito? a. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya b. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. c. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin. d. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayna sa ekonomiyang pandaigdigan. 16. Ito ay tumutukoy sa kabuuoang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. a. Gross National Income c. Gross Domestic Product b. Gross Domestic Income d. Pambansang kita 17. Ito ay tumutukoy sa pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon na nagaganap. a. Consumer Price Index c. implasyon b. Hyperinflation d. Implicit Price Index 18. Paano maipapakita ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer? a. Sa pmamagitan ng consumer price index (CPI) b. Sa pamamagitan ng implicit price index c. Sa pamamagitan ng producer price index d. Sa pamamagitan ng whole sale price index 19. Surring ang magiging bunga ng implasyon kung may pagtaas ng suplay ng salapi a. Tataas ang palitan ng dolyar b. Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas c. Bababa ang halaga ng piso d. Lahat ng nabanggit 20. Bumuo ng plano kung paano makatulong sa paglutas ng implasyon. a. Sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iipon b. Sa pamamagitan ng paghihingi ng kailangan sa mga magulang c. Sa pamamagitan ng paggasto sa sobrang pera d. Lahat ng nabanggit 21. Ibuod ang kahulugan ng salitang implasyon. a. Ito ay tumutukoy sa pagtaas na paggalaw ng presyo sa isang bansa b. Ito ay tumutukoy sa pagbababa ng halaga ng presyo c. Ito a tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo d. Ito a tumutukoy sa patuloy na pagbaba ng presyo 22. Mangatwiran kung paano nagbubunga ang implasyon sa monopolyong kartel. a. Nakokontrol ang presyo kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, Malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo. b. Nakokontrol ang presyo kapag nakontrol ang dami lamang ng produkto. c. Nakokontrol ang presyo kapag nakontrol ang pagtaas ng dolyar d. Lahat ng nabanggit 23. Imungkahi kung paano ang kalalabasan ng implasyon dahil sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. a. Dahil sa dami ng pumapasok na dolyar kaya ito nangyayari b. Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso. c. Dahil sa pagtaas ng kalidad ng dolyar d. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin 24. Ipaliwanag ang epekto ng implasyon sa mga mamamayan. a. Nalulugi ang mga taong nag-iimpok dahil bumababa ang halaga b. Nalulugi ang mga negosyante c. Nalulugi ang mga nagpapautang d. Nalulugi ang mga namumuhunan 25. Imungkahi kung ano ang paraan ang gagamitin ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang pisikal upang mapangasiwaan ang paggamit ng ng pondo. a. Nagaganap ito kung masigla ang ekonomiya b. Naisasagawa ito upang pasiglahin ang matamlay na ekonomiya c. Nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya d. Nagaganap ito upang bawasan ang gastusin 26. Suriin kung alin sa mga sumusunod ang expansionary Fiscal Policy a. Pagbaba ng singil sa buwis b. Pagbaba ng pagluluwas ng produkto c. Pagbaba ng halaga ng piso d. Wala sa nabanggit 27. Ilapat kung anong fiscal policy ang mga sumusunod na pahayag “Ito ay ang paggasta sa mga proyektong pampamahalaan”. a. Expansionary Fiscal Policy b. Contractionary Fiscal Policy c. Parehong Expansionary at Contractionary fiscal Policy d. Constraction Policy 28. Ano ang kahalagahan ang ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang pisikal? a. Upang hindi maisaayos at panatilihin ang katatagan ng ekonomiya b. Upang hindi maitakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay c. Upang Makita ang kondisyon ng bansa d. Upang maiayos ang pamamamalakad sa ilang problemang pang ekonomiya 29. Ito ay tumutukoy sa isang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. a. Salapi b. sobre c. enbelop d. lahat ng nabanggit 30. Suriin kung anong policy ang tumutukoy sa isang patakaran lamang na nagpapalawak (nagpapalaki) ng supply ng pera. a. Expansionary money policy b. Contractionary money policy c. Expansionary fiscal policy d. Contractionary fiscal policy 31. Suriin kung anong policy ang tumutukoy sa ng monetary ay nagkontrata (nagpapababa) ng supply ng pera ng isang bansa. a. Expansionary money policy c. Expansionary fiscal policy b. Contractionary money policy d. Contractionary fiscal policy 32. Kilatisin kung ano ang kahalagahan ng pag-iimpok? a. Ito ay indikasyon ng malusog na ekonomiya b. Ito ay indikasyon ng pagtaas ng halaga ng piso c. Ito ay indikasyon ng pagtaas ng demand d. Lahat ng nabanggit 33. Kilatisin kung ano ang kahalagahan ng pamumuhunan? a. upang ito'y magbunga ng kita o tumaas pa ang halaga sa hinaharap at maaaring ipagbili sa mas mataas na presyo b. upang lumago at makabuo ng dagdag kita c. upang madagdagan ang kayamanan d. lahat ng nabanggit 34. Ipaliwanag kung paano mag-impok ayon sa mga ekonomista upang makatulong sa ating mga suliraning pang-ekonomiya. a. Ang pag-iimpok ay makatutulong sa pamumuhunan b. Ang pag-iimpok ay likas na ugali ng mga Pilipino c. Kinikilala ng mga ekonomista ang kontribusyon natin sa ekonomiya d. Ang pag-iimpok ay mabuting Gawain 35. Ipaliwanag ang naging ugnayan ng graph sa ipinakikita na dayagram sa ibaba. presyo dami a. tuwirang ugnayan sa presyo at dami b. positibong ugnayan sa presyo at dami c. direktang ugnayan sa presyo at dami d. di – tuwirang ugnayan sa presyo at dami 36. Batay sa sumusunod, ibukod ang sitwasyon na nagpapakita ng implasyon. a. Mataas ang halaga at bawas ang produkto at serbisyo b. Karagdagang baon sa pagtaas ng pamasahe c. Karagdagang produkto at serbisyo sa parehong halaga d. pagbabawas sa produkto at serbisyo sa parehong halaga 37. Pangatwiran ang pagpapakahulugan sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo. a. Deplasyon b. Depresasyon c. Debalwasyon d. Implasyon 38. Suriin ang sumusunod na pahayag, “pagkatapos ng ilang taon pagtatarabaho sa abroad, nakaipon na din si Mr. Mario, at minabuti niyang magnegosyo na lamang dito sa Pilipinas. Nagsimula siya sa isang maliit na pagawaan ng handicraft na may tatlong tauhan lamang. Sa ginawa ni Mr. Mario, ano sa palagay mo ang paraan niya upang makatulong sa paglutas ng suliraning pang-ekonomiya ng ating bansa? a. Nakapagbigay siya ng karagdagang kita sa kanyang pamilya b. Nakapagpakilala siya ng bagong produkto c. Maaari nang maging produktibo ang kanyang oras dito sa bansa d. Nakalikha siya ng karagdagang oportunidad sa trabaho 39. Ilapat ang tamang salita ayon sa binigay na kahulugan, “ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo upang masukat ito”. a. HUMAN DEVELOPMENT INDEX b. CORRUPTION INDEX c. CONSUMER PRICE INDEX d. GROSS NATIONAL PRODUCT 40. Bilang mag-aaral, suriin kung alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon. a. Pamumuhunan sa isang negosyo b. Pagiging magastos sa lahat ng kagustuhan c. Pag-iimpok ng pera upang may sapat na magagamit sa darating na panahon d. pag-aaral na Mabuti upang makamit ang mithiin sa buhay 41. Gawing basehan ang sumusunod na datos ukol sa inaprobahang badyet ng kongreso ng Pilipinas para sa taong 2025. PAMBANSANG BADGYET (SA BILYONG PISO) 120 100 80 60 40 20 0 DEPED DPWH DNR DILG DAR Batay sa graph sa itaas, Ipaliwanag ang ipinapahiwatig ng datos. a. Makikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan b. Makikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaan c. Makikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan d. Makikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan 42. Magplano kung ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng badyet. a. Magbabawas ng baon b. Magbigay ng donasyon c. Magbayad ng tamang buwis d. Maghahanap ng karagdagang pondo 43. Ihandog ang tamang layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) upang mapatatag ang halaga ng ating salapi. Matutugunan ang layuning ito kung…. a. Mataas ang palitan ng piso sa dolyar b. Nananatili o walang pagbabago sa presyo c. Mataas ang implasyon d. Bumababa ang mga presyo 44. Suriin at tuklasin alin sa mga sumusunod ang angkop na pupuntahan ng mga negosyante upang makautang ng puhunan? a. Kooperatiba b. Bangko c. GSIS/SSS d. Pag-ibig 45. Tayahin kung alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating pamahalaan? a. Buwis b. Pangungutang c. Pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaan d. Tulong mula sa ibang bansa 46. Ikategorya kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maling gamit ng dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. a. Ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan b. Ginagamit ito bilang reserba ng bansa c. Ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapi d. Ginagamit ito sa operasyon ng black market 47. Suriin kung alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng agrikultura. a. Pagmimina b. Pagtatanim c. Paggugubat d. Pangingisda 48. Tuklasin sa sumusunod na pagpipilian kung alin sa pangunahing sector ang naaapektuhan sa panahon ng matinding bagyo. a. Industriya b. Paglilingkod c. Pangangalakal d. Agrikultura 49. Aling sa mga sumusunod ang pangunahing epekto kapag gumamit ng mataas na uri ng binhi sa agrikultura? a. paglaki ng gastos ng mga magsasaka b. pagbaba ng gastos sa produksyon c. pagtaas ng ani d. pagsipag ng mga magsasaka 50. Ano ang ibig sabihin ng mga katagang “Ang Pilipinas ay isang bansang agricultural”? a. malawak ang lupang laan sa agrikultura b. higit na malaki ang kita sa agrikultura kaysa industriya c. tanging agrikultura ang batayan ng ekonomiya ng bansa d. sa agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan _______________________________________________________________________________________ Congratulations! You completed the test! _______________________________________________________________________________________