Hand-out Filipino 11 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This handout provides an introduction to Filipino language, a key component of the Filipino curriculum, covering topics such as definitions, characteristics, importance, and uses of language and cultural contexts.
Full Transcript
Aralin 1: Mga Konseptong Pangwika 1. Wika 2. Wikang Pambansa 3. Wikang Panturo KAHULUGAN NG WIKA “Ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay kahulugan sa mga tunog upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng ibang tao.” (Tumangan,...
Aralin 1: Mga Konseptong Pangwika 1. Wika 2. Wikang Pambansa 3. Wikang Panturo KAHULUGAN NG WIKA “Ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay kahulugan sa mga tunog upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng ibang tao.” (Tumangan, 1997) “Ang wika ay nagpapakilala sa kabuuan ng kaisipan ng mga taong lumikha nito.” (Whitehead) “Ang wika ay kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao” (Pamela Constantino at Galileo Zafra) “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura” (Henry Gleason) KAHALAGAHAN NG WIKA 1. Nagpapadaloy ng kaisipan 4. Nagbubuklod sa mga tao 2. Nagpapabago ng isang Sistema 5. Nag-iingat ng kasaysayan 3. Nagpapalapit sa Mundo 6. Nagtataguyod ng kultura KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay mayroong sistemang balangkas Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap dahil sa sistematikong pamamaraan ng pagsasaayos ng mga titik at salita. Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mg salita, maaari na itong ayusin bilang parirala, pangungusap, o talata. Halimbawa: OJESIRZAL Maaaring buuin bilang JOSE RIZAL ayon sa mga titik Maganda Marian artista paborito Maaaring makabuo ng pangungusap na “Maganda ang paborito kong artista na si Marian.” 2. Ang wika ay arbitraryo Sumsalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar. Napagkakasunduan ng mga mamamayan ang pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin sa kanilang kabuhayan, edukasyon, pagkain, at pagpapalaganap ng kultura at tradisyon. Indikasyon din na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang sinasalita ng mga tao sa isang lugar ay hindi siya bahagi ng kanilang pamayanan at isa lamang itong dayuhan. Gayunman, kung mamamalagi ito sa lugar na iyon, ay imposibleng hindi niya malaman at matutuhan ang wika. Dahil magiging bahagi na rin ng kaniyang buhay ang pananalita, ay mababatid niya rin ang paggamit nito. Halimbawa: Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika 3. Ang wika ay buhay at dinamiko Sa paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad at pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging makabago ang paraan ng pakikipag-usap na tinatawag na komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga nito ang pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang bokabularyo ng mga tao dahil sa mga bagong ideyang nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon. Halimbawa: Mabisang paraan upang malaman ang pagbabago ng wika sa mga salitang ginagamit sa teknolohiya. SALITA Lumang Kahulugan Bagong Kahulugan Mouse daga Device na ginagamit sa pagpapagalaw ng kursor ng kompiyuter Tablet Tableta, uri ng gamot Isang mobile device na karaniwang mas malaki sa cellphone Wall Dingding; bakod Bahagi ng social media account kung saan maaaring mag-post ang mga kaibigan Windows Mga bintana Isang uri ng operating system ng mga kompiyuter Inilalagay sa isang cellphone upang makapagpadala ng mensahe at makagawa o Load Pasanin makakuha ng datos 4. Ang wika ay nanghihiram Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan o hiraman ng mga salita. Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya naman ang nagiging solusyon dito ay ang panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika. Ito rin ang dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at umuunlad. Sa panghihiram din mas nagiging bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang mamamayan o nasyon. Ang wikang Filipino ay salamin ng wikang nanghihiram. Magkakahalo ang mga salitang Kastila, English, Arabe, at iba pang Austronesian na salita. Siyempre kabilang dito ang mga likas na wika tulad ng Tagalog, Waray, at ibang lokal na wika. Halimbawa: Wikang Italian: Spaghetti Wikang Kastila: Cuarto Wikang Filipino: Ispageti Wikang Filipino: Kuwarto Wikang English: Computer Wikang Chinese: Siumai/ siu mai Wikang Filipino: Kompiyuter Wikang Filipino: Siomai 5. Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura Ginagamit din ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o pamayanan. Sa pamamagitan ng wika ay mababatid ang makulay na kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga tao. Sa katunayan, para sa mga dayuhan sa isang bayan, ang mga salitang may kaugnayan sa mga pista, pagdiriwang, pagkain, at iba pang mahahalagang kagamitan ang nagsisilbing tanda nila sa isang lugar. Iniuugnay nila ang mga salita sa kultura sa mga tao at lugar para manatili ito sa kanilang isip, na kalaunan ay tuluyang nagiging pagkakakilanlan ng nito para sa nakararami. Halimbawa: o Ang salitang VINTA ay naiuugnay sa Zamboanga City o Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong Pilipinas kahit hindi naman lahat ay nagsasalita ng wikang Kankanaey. o Ang BALUT at ADOBO ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng Pilipinas sa buong mundo lalo na sa mga dayuhang dumarayo sa bansa. o Alam nating ang PANSIT, LUMPIA, SIOPAO, at TOKWA ay mula sa kulturang Chinese kahit na bahagi na ito ng kulinarya ng Pilipinas. 6. Ang wika ay makapangyarihan Makapangyarihan ang salita at wika. Kung nagagamit ito sa pakikipag-usap sa kapuwa, kaya rin nitong tuligsain ang isang masamang gawi. Sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang paraan ay maaaring maiparating ang pagsalungat sa hindi wastong pamamamahala o pagturing sa isang tao. PAMBANSANG WIKA o Isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ng pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. o Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. Pahapyaw na Pagtanaw sa Pagkakahirang ng Filipino bilang wikang Pambansa 1934- Pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sa wika. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikang bernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyod sa wikang Ingles. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wikain sa Pilipinas at sinusugan ni Manuel Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng bansa. 1935- Sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika. Sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ni Pang. Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa 1937- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ipinatupad noong 1937 “…bilang alinsunod sa mga tadhana ng Seksiyon 7 ng Batas Komonwelt, at sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa na isinasaad sa isang resolusyong nabanggit, ay napagtitibay ng adapsiyon ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas, at sa pamamagitan nito’y nagpapahayag at nagpoproklama sa pambansang wikang batay sa diyalektong Tagalog, bilang pambansang wika ng Pilipinas.” 1959- Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino bilang wikang pambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon. 1973- Naging resulta ng maraming pagtatalo at pag-aaral ang probisyong Seksyon 3 ng Artikulo XV sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas: “Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.” 1987- Pinagtibay ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Komisyong Konstitusyunal, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika na nagsasaad: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” WIKANG PANTURO Ipinatupad ng pamahalaan ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974. Ipinalabas ang bagong patakaran sa edukasyong bilingguwal na humalili sa patakaran ng 1974, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang wikang panturo. Noong 2009, nagkaroon naman ng DepEd Order no. 74 na nagsasaad na gagamitin na sa pag-aaral ang mother tongue o ang unang wika ng bata. Noong 2012, pinalakas pa ito ng DepEd Order no. 31, na nagsasaad na “Mother tongue shall be used as a medium of instruction and as subject for Grades 1 to 3. English and Filipino shall be used from Grades 4 to 10.” 19 na wika at dayalekto na itinadhana ng DepEd: Tagalog Hiligaynon Aklanon Kapampangan Waray Kinaray-a Pangasinense Tausug Yakan Chavacano Maguindanaoan Surigainon Ilokano Merenao Ybanag Bikol Ivatan Cebuano Sambal WIKANG OPISYAL Ayon kay Virgilio S. Almario, ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Legal na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyong panggobyerno, pasulat man o pasalita. Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya. Tinatanggap din na ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal. Aralin 2: Mga Konseptong Pangwika 1. Unang wika 4. Bilingguwalismo 2. Ikalawang wika 5. Multilingguwalismo 3. Monolingguwalismo UNANG WIKA Ang unang wika na natutuhan ng isang bata ay ang kanyang nakagisnang wika. Ito ang wika na siya niyang napakinggan mula kapanganakan. Anomang iba pang wika na natutuhan o natamo ay ang kanyang ikalawang wika. Tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” o “arterial na wika” o ang kowd na ‘L1’ o ‘language 1’. Sa wikang ito pinakamatatas at pinakamabisang naipahahayag ng tao ang mensahe. IKALAWANG WIKA Ang kahulugan ng ‘akwisisyon ng ikalawang wika’ ay nagaganap kapag ang nakagisnang wika ay ganap nang nagagamit at naiintindihan ng isang bata. Ang akwisisyon ng ikalawang wika ay isang proseso ng pagkatuto ng iba pang wika maliban sa kanyang nakagisnang wika. Ang lahat ng wikang matututuhan pagkatapos ng L1 ay tinatawag na pangalawang wika o L2. MONOLINGGUWALISMO Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura May iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay BILINGGUWALISMO Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang knayang katutubong wika. Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal. Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Mahirap mahanap ang mga taong nakakagawa nito dahil karaniwang nagagamit ang bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap. (Cook at Singleton:2014) MULTILINGGUWALISMO Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan. Aralin 3: Mga Konseptong Pangwika 1. Homogenous at Heteregenous 2. Linggwistikong Komunidad 3. Barayti ng Wika ANG LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD SA LOOB NG LIPUNAN Ang speech community o lingguwistikong komunidad ay pinakasentro ng pag-aaral ng mga sosyolingguwista. Sa pamamagitan nito ay nauunawaan at nabibigyang pagpapakahulugan ang wikang ginagamit ng tao sa lahat ng aspeto ng lipunan. Ayon sa Amerikanong lingguwistikang si Willian Labov, ang lingguwistikong komunidad ay isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang sila lamang ang nakaaalam. Ayon naman kay Dell Hymes (1927-2009), isang Amerikanong lingguwista, ito ay komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Ayon kay Harriet Joseph Ottenheimer, isang propesor at antropologo, ito ay grupo ng mga taong kabilang sa paggamit ng isa o higit pang barayti ng wika. Ang lingguwistikong komunidad ay maaaring maiklasipika bilang homogeneous o heterogeneous. Ayon sa lingguwistang Pranses na si Ferdinand de Saussure, ang homogeneous na speech community ay yaong binubuo ng mga miyembrong kabilang at nagkakasundo sa iisang koda na sila lamang ang nagkakaunawaan. At ang kanilang kodang ginagamit ay kumakatawan sa kanilang pagiging yunik sa iba pang pangkat. Ang homogeneous na lingguwistikong komunidad ay dala ng kawalan ng contact o tuwirang pakikipag-ugnayan ng mga miyembro nito sa iba pang pangkat ng tao. Ang miyembro sa ganitong pangkat ay sinasabing monolingguwal o nakapagsasalita lamang at nakakaintindi ng iisang wika lamang. Ang heterogeneous a lingguwistikong komunidad ay yaong mga miyembrong may tuwirang ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan. Ang digri o antas ng direktang ugnayan nito sa isa’t isa ay nagiging dahilan kung bakit bilingguwal (paggamit ng dalawang wika) o multilingguwal (paggamit ng higit sa dalawang wika) ang mga miyembro mnito. Ang bilingguwal at multilingguwal ay ang kaalaman o paggamit ng mahigit sa isang wika ng isang indibidwal o isang komunidad. BARAYTI NG WIKA Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika. May walong uri ng barayti ng wika: Idyotek, Dayalek, Sosyolek / Sosyalek, Etnolek, Pidgin, Creole, at Register. 1. IDYOLEK Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez “Hoy Gising” – Ted Failon “Di umano’y -” – Jessica Soho 2. DAYALEK Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan. Halimbawa: Tagalog – “Mahal kita” Tagalog – “Hindi ko makaintindi” Hiligaynon – “Langga ta gd ka” Cebuano – “Dili ko sabot” Bikolano – “Namumutan ta ka” 3. SOSYOLEK Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa: Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado) 4. ETNOLEK Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya, tuwa, kasiya Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan 5. PIDGIN Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. Halimbawa: Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo. Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan. 6. CREOLE Kasama rin sa Barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal mula sa magkaibang lugar o bansa. Ang tawag dito ay creole. Nag-umpisa raw ang konsepto ng mga wikang creole noong ika-17 hanggang ika-18 siglo kung saan laganap ang pagsakop sa iba’t ibang bansa. Sa Pilipinas, ang wikang Kastila ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop ng mga ito. Nagkaroon pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang wikang Tagalog at Kastila, ang Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at Zamboanga. Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko “Buenas noches.” (Magandang gabi.) Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano? “Mi nombre?” (Ang pangalan ko?) “De donde lugar tu?” (Taga-saan ka?) “Gracias!” (Salamat) “Adios!” (Paalam) “Nada!” (Wala) “Buenos dias!” (Magandang umaga!) 7. REGISTER Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito: Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? Tenor- ayon sa relasyon ng mga nag-uusap Halimbawa: Jejemon Binaliktad Pinaikli sa teks TANDAAN: Ang pagkakaiba o Barayti ng wika ay maaring maging daan ng pagkakaunawaan at pagkakasalungat ng mga taong gumagamit ng wika. Ang mahalaga ay matutuhunan ng bawat isa na galangin ang pagkakaiba dahil salamin ito na ang wika natin ay mayaman at dinamiko. Aralin 4-5: Gamit ng Wika sa Lipunan 1. Instrumental 4. Personal 2. Regulatoryo 5. Heuristiko 3. Interaksyunal 6. Representatibo Naniniwala si Michael A.K. Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema. Ibig sabihin, ang wika bilang potensyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na panlipunang setting ng komunikasyon. Instrumental Ang gamit ng wika sa lipunan may layuning makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. Ginagamit ito kung nais na may mangyari o maganap na bagay-bagay. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at panghihikayat. Kapag pasulat naman, ito ay sa pamamagitan ng pagsulat ng liham-pangangalakal, mga liham na humuhiling o umoorder. Magandang halimbawa nito ay ang pahayag na naglilinaw ng kagustuhan tulad ng “Sa akin, gusto ko nang magpakasal” o “Nais kong makasama ka.” Kailangang maging mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip o nararamdaman. Interaksyunal Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyunal na tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa paligid. Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapwa gaya ng “Mahal Kita,” “Kumusta?” “Mabuhay!” at “Magandang araw!” Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyunal gaya ng paggamit ng mga katangiang hindi gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos). Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba- iba ang ekspresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-usap. Pinalalakas nito ang pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan. o Pasalita: pormulasyong panlipunan (hal. Mandang umaga!, Maligayang kaarawan! Ang pakikiramay ko., pangungumusta, pagpapalitan ng biro) o Pasulat: Liham pangkaibigan Regulatoryo Ang regulatoryong gamit ng wika ay may kakayahang makaimpluwensiya at kumontrol sa pag-uugali o gumabay sa kilos at asal ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid. Maaari itong gamitin sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Sa pasalitang aspekto halimbawa ginagamit ang regulatoryo sa pagbibigay ng panuto, direksiyon o paalala. Sa pasulat naman, magandang halimbawa nito ang mga resipi, sa mga batas at iba pa. Halimbawa ng regulatoryong gamit ng wika ang pahayag na “Huwag mong tanggalin ang iyong face mask!”, “Huwag ka na lang lumabas, mas ligtas ka sa bahay!”, o “Huwag kaligtaan ang pag-inom ng iyong bitamina, isang beses sa isang araw”. PERSONAL o Nakapagpapahayag ng sariling personalidad batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw, o opinyon. o Ang paggamit kung minsan ng salitang “Ito ako” ay naghuhudyat sa ganitong gamit ng wika. Pasalita: pagtatapat ng damdamin sa isang tao, gaya ng pag-ibig Pasulat: editoryal, liham sa patnugot IMADYINATIB o Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan. Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan Pasulat:: akdang-pampanitikan, gaya ng tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa HEURISTIK o Naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman. Pasalita: pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam Pasulat: sarbey IMPORMATIB o Nagbibigay ng impormasyon o datos para mag-ambag sa kaalaman ng iba. Pasalita: pag-uulat, pagtuturo Pasulat: pananaliksik-papel Aralin 6-7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa 1. Panahon ng Katutubo 2. Panahon ng mga Kastila 3. Panahon ng mga Amerikano 4. Panahon ng Hapon 5. Panahon ng Pagsasarili Hanggang Kasalukuyan PANAHON NG KATUTUBO Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig PANAHON NG MGA KASTILA Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. Sinunog ang mga nakasulat na mga panitikan ng mga katutubo dahil ito raw ay trabaho ng demonyo. Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon. Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle. Pinangalanan ang bansa na Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya. Ipinakilala ang Abecedario bilang pamalit sa baybayin Natutuhan ng mga Pilipino ang dalit, awit, korido, nobena, sermon at ilang tulang pansimbahan. PANAHON NG MGA AMERIKANO Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Ingles ang nagging wikang panturo noong panahong ito. Ginamit na instrumento ang pambansang sistema ng edukasyon sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan. Ang mga sundalo ang kinikilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles na kilala sa tawag na Thomasites. Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. LAYUNING MAITAGUYOD AND WIKANG INGLES AT MGA ALITUNTUNING DAPAT SUNDIN: Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin Pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa paaralan Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa. Ipinalabas noong 1973 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambans. PANAHON NG HAPON o Nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. o Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anomang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. o Ipinagamit nila ang katutubong wika – partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. o Namayagpag ang panitikang Tagalog. o Ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). o Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG KASALUKUYAN o Tinawag ding panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4, 1946. o Dahil sa bumabangon pa lamang ang Pilipinas nang mga panahong iyon, sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya ang mga Pilipino. Naramdaman pa rin ang impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano. Maraming mga banyagang kapitalista, na karamiha’y Amerikano, ang dumagsa sa ating bansa. o Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad, at paggamit ng wikang pambansa. Bagama’t ang pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang Pilipino, naging paboritong midyum pa rin ang Ingles. o Pinagtibay ang Tagalog at Ingles bilang wikang opisyal ng bansa sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. o Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang Tagalog sa Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon. Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Pilipino. o Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s.1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal. o Nang umupo naman si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos niya, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino. o Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga ulong liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino kalakip ng kaukulang teksto sa Ingles. o Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa ng tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. o Ang memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na pangungunahan ng SWP sa iba’t ibang purok-lingguwistika ng kapuluan. o Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagpagpaganap Blg. 187 na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon. o Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. o Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong batas Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong ang paggamit ng wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 ay nagsasaad ng sumusunod: o SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. o SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic. o SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. o SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. o Corazon C. Aquino – nilagdaan niya ang Executive Order No.335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komumikasyon, at korespondensiya. o Gloria Macapagal Arroyo – ipinalabas niya ang Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo – ang wikang Ingles sa halip na Filipino. o Noong ika-5 ng Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-19 ay nagkasundo ang Kaluponan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: