MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (UNANG BAHAGI) PDF
Document Details

Uploaded by SincereRadon
Fauget University
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa mga makabuluhang isyu sa ekonomiya at lipunan ng Pilipinas. Kasama sa mga isyung tinalakay ang kahirapan, paglaki ng populasyon, pagkasira ng kalikasan, at iba pa.
Full Transcript
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (UNANG BAHAGI) Kontekstwalisado’ng Komunikasyon sa Filipino MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL Pagkawasak ng kalikasan Paglobo ng populasyon Pagtindi ng k...
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL (UNANG BAHAGI) Kontekstwalisado’ng Komunikasyon sa Filipino MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL Pagkawasak ng kalikasan Paglobo ng populasyon Pagtindi ng kahirapan Paglawak ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap Paglalang kriminalidad (2008) - sumambulat ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya. (2008) - lalong naging lantad ang mga isyung gaya ng kahirapan, migrasyon, at kawalan ng trabaho. (Patakaran sa migrasyon) - maraming mauunlad na bansa na mas humigpit ang patakaran sa migrasyon katulad ng Greece, Great Britain, at France na may ilang grupong rasist ang nanawagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ang pagbabago ng klima na dulot ng daan taong industriyalisasyon sa mauunlad at mga umuunlad na bansa na nagbuga ng napakalaking quantity ng CARBON DIOXIDE at iba pang GREEN HOUSE GAS na naglimita sa kakayaha ng atmospera na pasingawin ang init sa daigdig. Bunsod ng CLIMATE CHANGE, lalong naging mapaminsala ang mga bagyo at tagtuyot sa iba’t-ibang panig ng mundo. MGA PINAKAMALUBHANG SULIRANIN NG MGA PILIPINO SA USAPING PANG-EKONOMIYA Kahirapan Agwat ng mayaman at mahirap Migrasyon Disempleyo ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG PILIPINAS SA KASALUKUYAN Ang Pilipinas ay nananatiling suplay ng hilaw na materyales, mga produktong pangkonsumo (consumer goods) na karaniwa’y semi-manupaktura (semi-processed) lamang, at mga manggagawa ng United States at ng mauunlad na bansa sa halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong gamit. Bukod dito, ineeksport din ng bansa ang tubo ng mga dayuhang korporasyon dito sa Pilipinas, gayundin ang bahagi ng tubo ng mga lokal na korporasyon na may mga kamay-ari (stockholder) o kasosyong dayuhan. Tumatanggap ng puhunan, utang, at makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mula sa ibang bansa. Mas madami ang iniimport kaysa ineeksport ang bansa. Pawang mga hilaw na materyales o kaya ay semi- processed goods ang pangunahing eksport ng bansa sa halip na mga kompletong produkto. EKONOMIYANG NEOKOLONYAL O MALAKOLONYAL Isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga dayuhang mamumuhunan at kanilang mga lokal na kasosyo Isang sistemang ekonomiko na pinakikinabangan lamang ng iilan at nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng mga mamamayan. EKONOMIYANG EKSKLUSYON (PAPA FRANCISCO) Isang sistemang pang-ekonomiko kung saan hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at paglago ng ekonomiya ang malaking porsyento ng mahihirap na mamamayan. ECONOMIC UNDERDEVELOPMENT Ito’y tumutukoy sa kawalang-kakayahan ng isang bansa na likhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na makapagbubunsod upang sila ay makalikha ng iba pang produkto… mga kasangkapan na magagamit sa paggawa ng karayom at gunting, makina, tela, typewriters at xerox (photocopying) machines. INDUSTRIYALISADONG MGA BANSA SA ASYA Japan South Korea Taiwan China ECONOMIC DEPENDENCE SA MGA BANSA’NG MAUNLAD Bansa’ng mauunlad IMPORT at/o DEPENDENSYA SA EKONOMIYA PILIPINAS mayaman sa puhunan/ kapital EKSPORT KAHIRAPAN SA PILIPINAS Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty incidence sa mga pamilyang pilipino noong 2006, 2009, 2012 at 2015 ay 23.4%; 22.9%; 22.3% at 21.6%. Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” (Espiritu, 2017), salaysay ng mga maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay. Pira-pirasong Pangarap sa Pandi” (malubay, 2017), makikita sa pahayagang Pinoy Weekly. Inihayag ng United Nations (UN) sa 2017 Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na pwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng 188 bansa sa buong daigdig na iniraranggo sa pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan ng bawat bansa. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77 noong 2000 at ika-66 noong 1990. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2017, 26% ng mga batang pilipino ang malnourished. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas dahil ito ang humahadlang sa pamilya na makabili ng masusustansyang pagkain. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), may 30,000,000 Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor. Ayon sa psa noong Enero 2018, 5.3% ο 2.33 milyong pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang underemployed. Halos 6,000 araw-araw ang umaalis sa lupang tinubuan para magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) batay sa deployment ng OFWs noong 2016. SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN Ayon sa Bertelsmann Foundation (2014), ang control ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang pangunahing hadlang sa pag-unald at paglutas sa kahirapan ng mga mamamayan. Isang halimbawa ay ang isyu ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Ang kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa Pilipinas ay isa rin sa mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas. “Disempleyo o unemployment” at “underemployment” Kawalan ng “access” sa edukasyon (ayon sa psa 2017, halos 4 milyon ang out of school children and youth na nasa edad 6- 24. Sa PHILIPPINE QUARTERLY UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investigating in Inclusive Growth Amid Global Uncertainty” (Hulyo, 2012), pinaparunayan na mas malaki ang average na kita ng mga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul. Pagkakaroon ng mga protesta laban sa umiiral na kalakaran sa lipunan Pagtaas ng antas ng kriminalidad Pagkakaroon ng paglakas ng mga rebeldeng grupo Pagdami ng mga pilipinong migrante Malnutrisyon Paglala ng prostitusyon Kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa mga prosesong politikal UNDEREMPLOYMENT: MAY SOLUSYON BA? Tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura Makabansa at pambansang industriyalisasyon ➤ 60% ng mga lupang agricultural sa bansa ay kontrolado ng mayayamang pamilya ➤ Pito sa sampung magsasaka ang walang sariling lupa ➤ 75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008 AYON SA WORLD FACTBOOK NG CENTRAL INTELLIGENCE ANGENCY (CIA) 26.9% - Labor force ng bansa ay nasa agrikultura 17.5% - Nasa industriya 55.6% - Nasa serbisyo (call centers, fastfood chains, banks, malls at iba pa.) Malaking bahagi ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasaka. Modernisasyon ng Agrikultura sa bansa Pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon o pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino at magsusuplay sa mga pangangailangan ng bansa. Binigyang diin ni Lichauco (1988) sa kanyang aklat na “Nationalist Economics” ang superyoridad ng gobyerno bilang tagapagsulong ng industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong personalidad ng sambayanan. Kung gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya ng mga mamamayan, mula sa kapangyarihang mag-imprenta ng pera, hanggang sa kapangyarihang linangin (idevelop) at patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong negosyo.” MARAMI’NG SALAMAT! GROUP 6 Alad, John Zedrick Alcantara, Angela Vargas, Loyd BSBA-MM 2ND YEAR BSBA-FM 2ND YEAR BSBA-FM 2ND YEAR