Filipino 9 Grade 9 Quarter 2 Week 6 PDF

Summary

This document contains Filipino 9 learning materials for Grade 9 students. The content covers "Munting Pagsinta," a play, with lessons on cultural components of Mongolia. The document's structure includes multiple sections such as introductions, teaching aids, exercises, assessments, and questions.

Full Transcript

9 Filipino 9 Ikalawang Markahan – Ikaanim na Linggo: “Munting Pagsinta” (Dula – Mongolia) Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Halaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng i...

9 Filipino 9 Ikalawang Markahan – Ikaanim na Linggo: “Munting Pagsinta” (Dula – Mongolia) Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Halaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng isang Kuwento Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: “Munting Pagsinta” (Dula – Mongolia) Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Halaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng isang Kuwento Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Larry L. Faburada Jr., Rowena R. Estrellanes Editor: Gelyn I. Inoy, Venicar P. Eltanal, Rico C. Tañesa Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin, Vincent Gee R. Abrasado, Crispina P. David Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera Nilita L. Ragay, EdD Renante A. Juanillo, EdD Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] Filipino 9 Ikalawang Markahan – Ikaanim na Linggo: Dula: Munting Pagsinta Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Hinalaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng Isang Kuwento Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dula: Munting Pagsinta Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Hinalaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng Isang Kuwento! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Dula: Munting Pagsinta Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Hinalaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng Isang Kuwento) Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. iv Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v ALAMIN “Munting Pagsinta” (Dula – Mongolia) Mula sa Pelikula ni Sergei Bordrov Halaw ni: Mary Grace A. Tabora Sub-Aralin: Pahayag sa Pagsisimula, Pagpapatuloy ng mga Pangyayari at Pagtatapos ng isang Kuwento MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento F9PS-IIe-f-50 2. Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay F9PU-IIe-f-50 3. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento F9WG-IIe-f-50 4. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-uusap F9PN-IIg-h-48 PANIMULA Isang mapagpalang araw sa’yo! Kumusta ka? Binabati kita sa iyong kahusayan! Alam mo ba na ang kultura at tradisyon ay isang salamin, kayamanan at karunungang taglay ng isang bansa? Ito ay sumasalamin sa sangkatauhan, kaya’t malaki ang naging impluwensiya nito sa pang- araw-araw na pamumuhay ng tao. Ang “Munting Pagsinta” na mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Rhan ni Sergei Bordrov ay dulang nagpapakita ng pagbabawi ng utang na loob sa kapwa, pagsunod sa mga magulang at pagkatuto na tumupad ng mga pangako. Sa araling ito, malalaman mo ang kultura ng bansang Mongolia at mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-uusap ng mga tauhan. MGA LAYUNIN Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay: 1. Nakatutukoy sa tiyak na bahagi at katangian ng dula batay sa tiyak na diyalogo o pag-uusap. 2. Nakapagsasalaysay ng sariling karanasan kaugnay sa kulturang nabanggit sa nabasang akda. 3. Nakasusulat ng isang paglalarawan ng sariling kultura gamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento. 4. Nakapagpapasaya nang tumpak hinggil sa kabuluhan ng kultura ng isang bansa sa buhay ng tao. SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: A. Piliin ang mga salitang kaugnay sa dula na nasa kahon A at isulat sa loob ng kahon B na may bilang 1-10. A B diyalogo manonood 1. ______________________ 2. ______________________ tanghalan direktor 3. ______________________ anyo mahaba 4. ______________________ 5. ______________________ tanghal talinghaga 6. ______________________ gumaganap tugma 7. ______________________ 8. ______________________ sukat yugto 9. ______________________ aktor hayop 10. ______________________ katwiran ritmo iskrip tagpo Panuto B. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong kuwaderno. 11. Saan matatagpuan ang bansang Mongolia? a. Asya c. Silangang Asya b. Kanlurang Asya d. Kanlurang Asya 12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa bansang Mongolia? a. Ang mga pagkain ay nababase sa karne b. Napapalibutan ng kalupaan c. May klimang malamig at tuyot na may mahahabang panahon ng taglamig at sandaling panahon ng tag-init. d. Lahat ng nabanggit 13. Ang mga sumusunod ay mga kultura na ipinagmamalaki nila maliban sa: a. sumasamba sila sa espiritu ng kanilang mga ninuno b. Pagmamano sa kamay c. Sa murang edad ay pumipili na ng mapapangasawa ang anak na lalaki d. Bawal ang magwalis tuwing gabi. 14. Ang pangalan ng diyos na sinasamba ng mga Mongolia. a. Mongke Koko Tengri b. Eternal Blue Sky c. Genghis Khan d. Sergie Bordrov 15. Anong kultura ng bansang Mongolia na may kaugnayan sa kulturang Pilipino? a. Ang pagpili ng mga magulang ng mapapangasa ng kanilang anak. b. Ang pagsuway sa kagustuhan ng magulang c. Ang mga anak ay may kalayaang pumili ng kanilang mapapangasawa d. Ang pagpapakasal sa murang edad. Magaling! Nasubukan mong gawin ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay magsisimula ka na paggalugad ng bagong kaalaman. TUKLASIN GAWAIN 1 Panuto: Basahing mabuti ang usapan ng pangunahing tauhan. Alamin ang kultura ng bansa batay sa diyalogo o usapan ng mga tauhan. Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa. Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang. Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng babaing pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan. Temüjin: Ganoon po ba iyon? Yesügei: Oo, anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng babaing mapapangasawa sa Tribong Merit. Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang ating tribo. SURIIN PAGSUSURI 1. Ano ang pinag-uusapan ng mag-ama sa diyalogo? 2. Anong kultura ng bansa ang masasalamin sa pinag-uusapan ng mag- ama? 3. Anong kultura ng bansang Pilipinas ang masasalamin dito? Ipaliwanag. PAGYAMANIN PAGLALAHAD D Ngayon ay dadako na tayo sa kultura ng Mongolia. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dula na pinamagatang “Munting Pagsinta” na halaw ni Mary Grace A. Tabora mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov. (Basahin ang buong iskrip ng Dula na Pinamagatang “Munting Pagsinta, mula sa Pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov at hinalaw ni Mary Grace A. Tabora sa aklat na “Panitikang Asyano” na makikita sa pahina 151-154.) Alam mo bang may mga pahayag na ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento? Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad. Mga Pangatnig: 1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap. Mga Halimbawa: a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan. b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito. c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito. 2. samantala, saka – ginagamit na pantuwang Mga Halimbawa: a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa. b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa. 3. kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi Mga Halimbawa: a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap. Transitional Devices: 1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos Mga Halimbawa: a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak. b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama. 2. kung gayon – panlinaw Mga Halimbawa: a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral. Mga Gawain Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa inyong kuwaderno. 1. Saan naganap ang pangyayari sa akda? 2. Sino-sino ang tauhan sa dula? 3. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit? 4. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit? 5. Ano ang iyong sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa kanilang anak? 6. Isulat ang hinihinging impomasyon sa grapikong presentasyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Isa-Isahin Ang Mga Bahagi Ng Dula Na Naglalarawan Ng Karaniwang Pamumuhay ISAISIP Ang dula ay akdang pampanitikan na napabilang sa anyong pantanghalan na binubuo ng mga tagpo at maraming tauhan ang gumamaganap sa pamamagitan ng pamamahala ng direktor batay sa iskrip na sinusunod. Walang magulang na naghahangad ng ikasasama ng kanilang mga anak tulad ng ama sa dula, subalit may pagkakataon na kailanangang igiit ang tama kahit ito ay naging kultura tulad ng isang anak sa dula. ISAGAWA PAGLALAPAT Panuto: Sumulat ng isang paglalarawan ng sariling kultura kaugnay sa kulturang lutang sa akda gamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng salaysay. Salungguhitan ang mga pahayag na iyong ginamit sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng pagsasalaysay. (20 puntos) Gamit ang rubrik sa ibaba alamin kung paano mamarkahan ng guro ang iyong gawain. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Lydia B. Liwanag. “Pagtataya ng Natutuhan”. Accessed July 2, 2020. https://bit.ly/3kScZBv REFLEKSIYON Bawat bansa ay may natatanging kulturang sinusunod at tinatangi. Sa iyong sariling pagpapasya, tama ba na ang magulang ang magpapasya para sa kanilang mga anak sa pagpili ng mapapangasawa? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ TAYAHIN PANGWAKAS NA PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan. a. Tagpo b. yugto c. tanghal d. banghay 2. Mga sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor. a. direktor b. gumaganap c. manonood d. ispiker 3. Walang dula kapag walang ___________________. Pinakaluluwa ng isang dula. a. Kaluluwa b. iskrip c. diyalogo d. bumibigkas 4. Ang pook na pinagpasyahang pagdarausan ng isang dula. a. tagpuan b. tanghalan c. dulaan d. lugar 5. Ito ang bahaging pinaghahati sa dula. a. yugto b. tagpo c. tanghal d. banghay 6. Siya ang nag-iinterpret sa iskrip. a. Direktor b. manonod c. actor d. iskrip 7. Tumutukoy sa maayos o sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Malinaw at maayos na simula, gitna at wakas. a. tagpuan b. tauhan c. banghay d. pangyayari 8. Isang mabisang paglalarawan ng karaniwang buhay ng tao sa pamamagitan ng diyalogo o usapan ng tauhan. a. Dula b. maikling-kuwento c. sanaysay d. kuwentong-bayan 9. Ano ang kulturang nangingibabaw sa dulang “Munting Pagsinta”? a. Pagsasagawa ng pagpili sa magiging kabiyak sa hinaharap b. Mabuting pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa c. Pakikipagsapalaran at pagtitiyaga para mabuhay. d. Matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan 10. Ang lugar na pinagmulan ng dulang “Munting Pagsinta”. a. Mongolia b. Tsina c. Pilipinas d. Taiwan Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik “T” kung ang pahayag ay tama at titik “M” naman kung mali. 11. Ang dula ay uri ng akdang pampanitikan ginagamitan ng iskrip. 12. Ang dulang “Munting Pagsinta” ay may tema tungkol sa pagdurusa.. 13. Ang anak sa dulang binasa ay 15 taong gulang na kaya sinamahan siya ng kanyang ama upang hanapin ang mapapangasawa. 14. Ang transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad. 15. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay. Panimulang Pagtataya B. *Tanghalan *tagpo 11. C *Direktor *yugto 12. D *Aktor *diyalogo 13. C *Iskrip *tanghal 14. A *Manonood *gumaganap 15. C Pangwakas na pagtataya 1.a 6. a 2.c 7. c 3.b 8. a 4.b 9. a 5.a 10. a II. Tama o Mali 11. T 12. M 13. M 14. T 15. T SUSI SA PAGWAWASTO MGA SANGGUNIAN Liwanag, Lydia B. “Pagtataya ng Natutuhan”. Accessed July 2, 2020. https://bit.ly/3kScZBv Peralta, Romulo N. et al. Panitikang Asyano. Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., 2016 LARRY L. FABURADA JR. Siya ay nagtapos ng kursong BSED, nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa Negros Oriental State University (NORSU) taong 2016, Lungsod ng Dumaguete. Nag-aaral ng kanyang MAEd-Filipino sa Central Philippine State University, San Carlos City. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa pampublikong paaralan ng Ayungon National High School (ANHS). ROWENA R. ESTRELLANES. Siya ay nagtapos ng kursong BSED mula sa Saint Paul University, Lungsod ng Dumaguete. May asawa at nagkaroon ng tatlong anak. KasalukuyangDistrict Subject Specialist sa Filipino ng Sekondarya ng Jimalalud, Negros Oriental Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net

Use Quizgecko on...
Browser
Browser