2018 Filipino G9 Q3 Learning Module PDF

Summary

This learning module covers literary works from Western Asia, focusing on Filipino Grade 9 students. It includes an introduction, descriptions of various literary genres such as parables, epics, and poems, and learning activities. The document also outlines learning objectives and skills to be developed.

Full Transcript

2018 LEARNING MODULE Filipino G9 | Q3 Mga Akdang Pampanitikan Ng Kanlurang Asya NOTICE TO THE SCHOOLS This learning module (LM) was developed by the Private Education Assistance Committee under the GASTPE Program of the Department of Education. The learning modules...

2018 LEARNING MODULE Filipino G9 | Q3 Mga Akdang Pampanitikan Ng Kanlurang Asya NOTICE TO THE SCHOOLS This learning module (LM) was developed by the Private Education Assistance Committee under the GASTPE Program of the Department of Education. The learning modules were written by the PEAC Junior High School (JHS) Trainers and were used as exemplars either as a sample for presentation or for workshop purposes in the JHS In- Service Training (INSET) program for teachers in private schools. The LM is designed for online learning and can also be used for blended learning and remote learning modalities. The year indicated on the cover of this LM refers to the year when the LM was used as an exemplar in the JHS INSET and the year it was written or revised. For instance, 2017 means the LM was written in SY 2016-2017 and was used in the 2017 Summer JHS INSET. The quarter indicated on the cover refers to the quarter of the current curriculum guide at the time the LM was written. The most recently revised LMs were in 2018 and 2019. The LM is also designed such that it encourages independent and self-regulated learning among the students and develops their 21st century skills. It is written in such a way that the teacher is communicating directly to the learner. Participants in the JHS INSET are trained how to unpack the standards and competencies from the K-12 curriculum guides to identify desired results and design standards-based assessment and instruction. Hence, the teachers are trained how to write their own standards-based learning plan. The parts or stages of this LM include Explore, Firm Up, Deepen and Transfer. It is possible that some links or online resources in some parts of this LM may no longer be available, thus, teachers are urged to provide alternative learning resources or reading materials they deem fit for their students which are aligned with the standards and competencies. Teachers are encouraged to write their own standards-based learning plan or learning module with respect to attainment of their school’s vision and mission. The learning modules developed by PEAC are aligned with the K to 12 Basic Education Curriculum of the Department of Education. Public school teachers may also download and use the learning modules. Schools, teachers and students may reproduce the LM so long as such reproduction is limited to (i) non-commercial, non-profit educational purposes; and to (ii) personal use or a limited audience under the doctrine of fair use (Section 185, IP Code). They may also share copies of the LM and customize the learning activities as they see fit so long as these are done for non-commercial, non-profit educational purposes and limited to personal use or to a limited audience and fall within the limits of fair use. This document is password-protected to prevent unauthorized processing such as copying and pasting. FILIPINO 9 Modyul 3: Mga Akdang Pampanitikan Ng Kanlurang Asya Panimula at mga Pokus na Tanong Isa sa pinakamasining na pamamaraan upang makilala ang kultura ng isang bansa ay sa pamamagitan ng panitikan. Sinasabing nakapaloob sa panitikan ang kasaysayan, kultura at tradisyon ng isang bansa. Ayon sa pagpapakahulugan ng isang batikang manunulat na si Pat Villafuerte, ang panitikan ay tulay sa pagkakaunawaan ng mga lahi sa mundo. Ito ang nagsisilbing daan upang makilala at maunawaan ang pagkakaiba-iba at pagkakapare-pareho ng mga paniniwala, gawi, kultura at tradisyon ng mundo. Hindi maikakaila ang ambag ng panitikan sa mga bansa sa mundo tulad sa Asya. Ang masining na kultura at kasaysayan nito ay naging sandigan ng mundo upang maunawaan ang kanlilang mga paniniwala, relihiyon, gawi at pamumuhay. Ilan sa pinakamasining na mga panitikang nailathala sa Kanlurang Asya tulad ng Rama at Sita, Mahabharata, Isang Libo’t Isang Gabi at marami pang iba. Tunay nga kayang sa mga panitikang ito makikilala ang masining na kultura ng mga bansa sa Kanlurang Asya? Ano nga ba ang pinakamaganda at masining na pamamaraan upang mailarawan ang kulturang Asyano? Tatalakayin sa modyul na ito, tutuklasin mo ang mga sagot sa mga tanong na ibinigay sa pamamagitan ng ating pagsusuri sa iba’t ibang panitikang nakilala sa Kanlurang Asya. SAKLAW NG MODYUL Sa modyul na ito, masasagot ang mga katanungan dahil sa mga sumusunod na aralin. Aralin 1: Ang Pabo na Prinsipe (Parabula ng mga Turko) Aralin 2: Rama at Sita (Epiko mula sa India) Aralin 3: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya (Tulang Liriko mula sa Bhutan) Aralin 4: Ang mga Paghahangad ni Siddartha Developed by the Private Education Assistance Committee 1 under the GASTPE Program of the Department of Education (Maikling Kuwento mula sa India) Aralin 5: Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran (Sanaysay mula sa Israel) Developed by the Private Education Assistance Committee 2 under the GASTPE Program of the Department of Education Sa mga araling ito, matututuhan mo ang mga sumusunod: Modyul: Panitikan Mula sa Kanlurang Asya Sesyon Panitikan Ang Pabo na Prinsipe  Nabibigyang kahulugan ang Parabula salin ni Benjamin B. matatalinhagang pahayag sa Sonajo Jr. (Parabula ng mga Turko) parabula Aralin 1  Napatutunayang ang mga Wika Matatalinhagang pangyayari sa binasang Pahayag parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan Panitikan Rama at Sita  Nailalalarawan ang Epiko (Ramayana) natatanging kulturang salin ni Rene O. Asyano na masasalamin sa Villanueva epiko (Epiko ng India)  Aralin 2 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa Wika Mga Pang-ugnay sa kontekstong pinaggagamitan Pagsusunod-sunod ng  Nagagamit ang mga angkop mga Pangyayari na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya Panitikan Elehiya sa  Nasusuri ang damdamin ng Tula Kamatayan ni Kuya mga salitang ginamit sa isang Aralin 3 salin ni Pat Villafuerte akda (Tulang Liriko mula sa Bansang Bhutan)  Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng Wika Mga Pang-uring pagsusunod-sunod ng mga Nagpapasidhi ng pangyayari sa lilikhaing Damdamin kuwento Panitikan Ang mga  Nasusuri ang mga tunggalian Maikling Paghahangad ni sa kuwento batay sa Kuwento Siddartha ni Herman napakinggang pag-uusap ng Aralin 4 Hesse mga tauhan (Mula sa nobelang Siddartha ng Alemanya/India na muling isinalaysay ni Luoie Jon A. Sanchez Developed by the Private Education Assistance Committee 3 under the GASTPE Program of the Department of Education Panitikan Usok at Salamin:  Naiisa-isa ang Sanaysay Ang Tagapaglingkod mahahalagang element sa at ang pagsulat ng isang sanaysay Pinaglilingkuran  Nagagamit ang angkop na Aralin 5 Isinulat ni Gordon Fillman pang-ugnay na hudyat ng Isinalin ni Pat Villafuerte (Sanaysay mula sa pagsusunod-sunod ng mga Bansang Israel) pangyayari sa lilikhaing kuwento Wika Pamaksa at Pantulong na Pangungusap CONCEPT MAP NG MODYUL Narito ang isang gabay sa pagtalakay ng ating mga aralin Mga Akdang Pampanitikan sa Kanlurang Asya Parabula Epiko Maikling Elehiya Sanaysay Kuwento Pagsusuri sa mga Akdang Pampanitikan bilang Salamin ng Kasaysayan at Kulturang Asyano Pag‐aaral sa Bisa ng Wika Paghahambing ng mga Panitikan sa Kanlurang Asya at Pilipinas Isang Masining na Pagtatanghal ng Kulturang Asyano (Inaasahang Pagganap) Developed by the Private Education Assistance Committee 4 under the GASTPE Program of the Department of Education INAASAHANG KASANAYAN: Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang mga sumusunod: 1. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag (P) 2. Nakapananaliksik tungkol sa mga pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya (K) 3. Naipahahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng may-akda o persona (P) 4. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan (K) 5. Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin (K) 6. Nasusuri ang mga tunggalian sa kuwento (K) 7. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan (K) 8. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kultura ng Kanlurang Asya (P) 9. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan (P) 10. Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay (P) 11. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng akda (K) 12. Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda (K) 13. Naipaliliwanag ang pagbabagong nagaganap sa salita dahil sa paglalapi (P) 14. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa akda (K) 15. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano sa Kanlurang Asya (P) 16. Nasasaliksik sa iba’t ibang reperensiya ang kinakailangang mga impormasyon/datos (P) 17. Naipakikita sa isang masining na pagtatanghal ang kulturang Asyano na masasalamin sa binasang mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya (P) 18. Nabubuo ng plano at kaukulang iskrip tungkol sa isasagawang pagtatanghal ng kulturang Asyano (P) Developed by the Private Education Assistance Committee 5 under the GASTPE Program of the Department of Education PANIMULANG PAGTATAYA Halina’t alamin natin ang iyong mga kaalaman sa mga tatalakaying aralin sa modyul na ito. Iklik lamang ang letra ng inaakala mong tamang sagot. Sagutan ang lahat ng aytem. Pagkatapos kumuha ng pagsusulit, makikita mo ang iyong iskor. Alalahanin ang mga aytem na nagkamali ka at tuklasin ang tamang sagot habang pinag-aaralan ang modyul na ito. 1. Saan kabilang ang kuwento ni Sinbad ay mula sa ______________. A. Mahabharata C. Divina Comedia B. Isang Libo’t Isang Gabi D. El Cid De Compeador 2. Ang akdang Rama at Sita ng India ay isang _______________. A. Tula C. Maikling Kuwento B. Elehiya D. Epiko 3. Uri ng tunggaliang ang kapaligiran ang siyang may pinakamalakas na puwersa laban sa katangian ng tauhan. A. Tao laban sa Tao C. Tao laban sa Kalikasan B. Tao Laban sa Sarili D. Tao laban sa Pangyayari 4. Kibit-balikat niyang tinanggap ang pangaral ng kanyang mga magulang sa kanya. Ang salitang nakabold ay nangangahulugang __________. A. handa na siyang lumaban C. hindi pakikinig B. natuto na siyang magsalita D. pagwawalambahala 5. Isang uri ito ng tunggaliang tao laban sa sarili. A. Sa tuwing magpapasya siyang aalis at maghahanapbuhay sa ibang bansa, di niya maiwasang alalahanin ang mararamdaman ng kanyang kaisa-isang anak. B. Nais niyang maging isang kilalang musikero sa hinaharap ngunit palaging nakahadlang ang kanyang mga magulang. C. Punong-puno ng kaba ang kanyang dibdib, hindi niya malaman kung paano sasabihin ang kanyang pagmamahal sa pinakamatalik niyang kaibigan. * D. Iniiwasan na niyang magbisyo subalit patuloy siyang hinihikayat ng kanyang barkadang balikan ito. 6. Pagsunod-sunorin: 1. kaya’t mahirap man sila’y dapat ding intindihin 2. dahil ito ay bahagi na ng ating buhay 3. tradisyong kinagisna’y mahirap kalimutan 4. pinagkaitan ng kalinga sa kawalan ng yaman Developed by the Private Education Assistance Committee 6 under the GASTPE Program of the Department of Education A. 2134 B. 4123 C. 4231 D. 4321* Ikilik ang kahong katapat na maaaring maging bunga ng sanhing nakasulat. 7. Nag-alok ng tulong si Bantong, isang batang-batang mandirigma sa kaibigang si Handiong upang upang kalabanin ang halimaw na namiminsala sa kaharian ng Ibalon. A. Hindi papaya si Handiong sa tulong ni Bantog dahil baka maaagaw nito ang kanyang posisyon bilang hari. B. Ipakikita ni handiong na kaya niyang kalabaning mag-isa ang halimaw. C. Madaragdagan ang magiting na pinuno ng Ibalon. D. Magiging payapa at maayos ang pamumuhay ng lahat. 8. Hinubad ng ermitanyo ang kanyang damit at umupong walang saplot sa tabi ng lamesang kinaroroonan ng prinsipe. Nagkunwaring tinutuka ang pagkain sa sahig at kumikilos na parang isa ring manok. Ginawa ito ng ermitanyo upang A. Ipakita ang kanyang husay sa panggagaya ng mga hayop sa bukid. B. Makuha ang atensyon ng mahal na hari at gawin siyang kanang-kamay nito. C. Upang maging kaisa ng prinsipe sa kanyang suliraning kinahaharap. D. Di mahalata ng mga kaaway na siya ay mahusay sa larangan ng mahika. 9. Nagwika ang ermitanyo, ang sinumang makalimot sa kanyang sarili ay muling makaaalala. Sa halip na husgahan ay dapat pang samahan sapagkat ito ang itinuturo ng batas ng kabutihan. Ang pahayag na ito ay isang talinhaga mula sa parabulang A. Ang Pabo at ang Prinsipe C. Ibalon B. Indarapatra at Sulayman D. Biag ni Lam-ang 10. Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Ang pahayag ay nagbibigay-diin sa A. Tauhan B. Paksa C. Tagpuan D. Banghay 11. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay ngunit mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban. Humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga unggoy dahil A. sinalakay ng mga agila ang kanilan bayan. B. Dinakip ni Ravana ang kanyang asawang si Sita. C. Hindi niya maabot ang pinakamatataas na bahagi ng mga puno upang labanan si Ravana. D.Takot ang mga higanti sa maliliit na unggoy. Developed by the Private Education Assistance Committee 7 under the GASTPE Program of the Department of Education 12. Hindi niya inabuso ang kanyang kapangyarihan sapagkat alam niyang makasasama ito sa bayan. Piliin ang pang-ugnay na kawsatib sa pangungusap. A. sapagkat B. kanyang C. hindi D. ito 13. Sa pangungusap na, Ang mayamang dalaga ay umibig sa isang mabuti, mapagmahal at mabait subalit dukhang lalaki. Ang dalaga ay _______________. A. Mapagmataas C. Matalino B. Mapagmalasakit D. Tapat na Umiibig 14. Magiting na nilabanan ni Rama ang mapinsalang higanteng lumukob sa kanila. Kung ihahambing ang higante sa totoong-buhay sa kasalukuyan batay sa pagkakagamit sa pangungusap, ang higante ay masasabing __________. A. pagsubok B. takot C. tapang D. pagmamataas 15. Dahil sa kanyang kapabayaan, nakalimutan niyang patayin ang kandilang kanyang sinindihan. Ito ang naging sanhi ng malaking sunog sa kanilang lugar. Ang kanyang mga kapitbahay ay _______________ sa kanya. A. nainis B. nagalit C. napoot D. naasar Isa sa pinakamahalagang matutunan sa paraan ng pagkukuwento ay ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari. Upang maging mahusay ka sa larangang ito, binigyan ka ng iyong guro ng isang pagsubok. Subukan mo nga. 16. Ayusin ang mga salita upang maging isang mabisang pangungusap. 1. ang nawawala nilang/ 2. mga bagong/ 3. hinahanap ng magkapatid/ 4. damit at sapatos A. 3412 B. 3241 C. 3214 D. 3124 Ikaw aang naatsang sumuri sa akdang Kinagisnang Balon ni Benjamin Pascual. Ang akda ay kailangang masuri upang maipalabas na ang mga lugar na pinangyarihan ay may malaking impluwensiya sa kilos, isip at paniniwala ng pangunahing tauhan. 17. Ang iyong bibigyang-diin upang maisakatuparan ang layunin ng iyong pagsusurii ay ang _______________. A. Tauhan B. Banghay C. Tagpuan D. Tema Developed by the Private Education Assistance Committee 8 under the GASTPE Program of the Department of Education 18. Upang masuri ang pakikihamok ng pangunahing tauhan at bigyan-diin ang kanyang mga ginawa upang magtagumpay kailangang matukoy ang pinagmulan ng kanyang pakikipaglaban. Kung ikaw ang susuri ng pinagdaanan ng pangunahing tauhan at masukat ang kanyang naging tagumpay o kabiguan kailangan mong ______________. A. Uriin ang panimulang ginamit ng may-akda B. Tukuyin ang suliranin ng akda at ang paraan ng kanyang pagharap sa suliranin C. Alamin ang naging wakas ng akda at ihambing ito sa kanyang mga ginawang hakbang upang makita ang suliranin D. Mahalagang isaalang-alang ang saglit na kasiglahan ng akda sa pagbanggit ng suliranin 19. Ikaw ay isang hurado sa isang debate ng inyong paaralan. Isa sa mga batayan ay ang paglalahad ng makatotohanang pahayag. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga sumusunod ang pahayag na nagtataglay ng katotohanan? Ang mga pahayag ay nakatuon sa usapin ng sistemang pang- edukasyon n gating bansa. A. Lumikha ng malaking pagkalito sa mga Pilipino ang pagpasok ng programang K to 12 kurikulum sa ating bansa. B. Ayon sa inilathala ng Philippine Daily Inquirer, upang makasulong ang bansa sa larangan ng edukasyon kailangang makipagsabayan ito sa mga karatig-bansa sa Asya. C. Hindi kailanman kayang tugunan ng pamahalaan ang suliranin sa edukasyon dahil sa walang habas na korapsyon ng mga pulitiko. D. Tunay na ang Pilipinas ay lumilikha ng pangalan sa mundo dahil sa mahuhusay na arkitekto, inhenyero, doctor, nurse at iba pang kaugnay na larangan. Iyan ay bunga ng mahusay na sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas 20. Kinaiinisan ni Justine si Barbie dahil sa hindi malamang damdaming nararamdaman nito sa kanya. Ang elementong binibigyang-diin sa pahayag ay ___________________. A. Tauhan B. Banghay C. Tagpuan D. Tema Developed by the Private Education Assistance Committee 9 under the GASTPE Program of the Department of Education Aralin 1: Parabula Panitikan: Ang Pabo na Prinsipe (Parabula Mula sa Turko) salin ni Benjamin B. Sonajo Jr. Wika: Matatalinhagang Pahayag Simulan natin ang aralin sa pagtuklas sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa ilang mahahalagang salitang madalas nating naririnig. Sinasabing napakahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salita upang maging malinaw ang mensahe, tema at paksang tinatalakay ng isang akda. Malaki ang maitutulong nito upang gabayan tayo sa posibilidad na makapagtanghal ng isang malikhaing pagkukuwento na nagtataglay ng malinaw na tema, mensahe at paksa. Sa araling ito, tutukuyin natin ang kahalagahan ng pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang salita o pahayag. GAWAIN 1. KONOTASYON, DENOTASYON May mga salitang nangunguhulugang literal at may mga salitang binibigyang- kahulugan batay sa katangian o tono nito. Sa gawaing ito bigyan mo nga ng kahulugan ang mga salita batay sa katangian o paraan kung paano ito tinatanggap ng lipunan. Sa loob ng kahon sumulat ka ng pangungusap gamit ang pagpapakahulugan sa larawan DENOTASYON KONOTASYON Kahulugan Kahulugan Pangungusap Pangungusap Developed by the Private Education Assistance Committee 10 under the GASTPE Program of the Department of Education Sagutin ang mga prosesong tanong: 1. Naging madali ba sa iyo ang pagbibigay-kahulugan? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ _______________ 2. Ano ang naging basehan mo sa pagbibigay-kahulugan? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ _______________ GAWAIN 2. Basahin Mo, Ano ang Mensahe? May mga pahayag na hindi agad mauunawaan sapagkat ito ay ginagamitan ng mga matatalinhagang pahayag. Ang mga pahayag na ito ay hindi tahas o lantad. Bigyan mo ng kahulugan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong pagkakaunawa. Isaalang-alang ang mga ginamit na salita. Basahin mo ang Talinhaga ng Tusong Katiwala. Iklik mo lamang link upang mabasa ang akda. www.angtalinhagangngtusongkatiwala.google.com Sinabi ni Hesus: Gamitin ninyo sa pagkakaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya din sa malaking bagay. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 11 under the GASTPE Program of the Department of Education Sagutin ang mga pamprosesong tanong: 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagbibigay kahulugan sa binasang pahayag? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 2. Naging madali ba sa iyong bigyang kahulugan ang pahayag? Ipaliwanag. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 3. Paano ba ang wastong pamamaraan upang makita ang tunay na mensahe ng mga pahayag na nagtataglay ng talinhaga? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 4. Naipakita ba ng isang mensahe ang pinagmulan, paniniwala at kultura ng nagsabi ng pahayag? Ipaliwanag. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ Batay sa gawaing iyong sinagutan, ipagpatuloy natin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa Anticipation Reaction Guide na natutungkol sa parabula sa Kanlurang Asya. Susukatin nito ang iyong kaalaman bago simulan ang pagtalakay ng mga aralin. GAWAIN 3. Anticipation Reaction Guide Basahin ang mga pangungusap sa gitnang bahagi ng kolum sa ibaba. Lagyan ng markang tsek (√) ang kaliwang kolum kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mo nang sagutan ang ikatlong kolum. ANTICIPATION-REACTION GUIDE BAGO ANG PAHAYAG PAGKATAPOS NG TALAKAYAN TALAKAYAN Developed by the Private Education Assistance Committee 12 under the GASTPE Program of the Department of Education 1. Ang mga parabula ay mga kuwentong hinahango sa Bibliya 2. Ang mga parabula sa Kanlurang Asya ay may katangiang pagtabihin ang dalawang bagay upang paghambingin 3. Ang mga detalye at tauhan ng isang parabula ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyang diin ay ang aral o mensahe ng akda 4. Hindi kailanman magiging magkatulad ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa mundo dahil sa iba’t ibang pagpapakahulugan sa mga talinhaga ng kanilang pananampalataya 5. Ang mga matatalinhagang pahayag ay nagbibigay sa mambabasa ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mensahe ng akda. 6. Ang layunin ng mga matatalinhagang pahayag ay mapaganda ang paglalarawan at pagalalahad ng dayalogo ng mga tauhan 7. Hinahayaan ng mga matatalinhagang pahayag sa parabula na maging mapanuri at masining ang mga mambabasa nito. Sa puntong ito, tinuklas natin ang iyong mga dating kaalaman tungkol sa matatalinhagang pahayag at detalye na nauukol sa parabula KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS Nasubukan mo ng magbigay kahulugan sa mga pahayag na nagtataglay ng talinhaga. Ngayon mas palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain na makikita sa mga susunod na bahagi ng modyul. Ang matututuhan mo sa susunod na bahagi ng modyul ay makatutulong sa iyong linawin ang mahahalagang detalye na magagamit mo sa pagbuo ng isang masining na pagtatanghal tulad ng masining na pagkukuwento. Developed by the Private Education Assistance Committee 13 under the GASTPE Program of the Department of Education Ang iyong layunin sa bahaging ito ay matutuhan at maunawaan mo ang mga matatalinhagang pahayag na nakapaloob sa isang parabula. Ang pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag gamit ang iba’t ibang grapikong pantulong at mga gawain ay makatutulong sa iyo upang madaling maisagawa ang inaasahang pagganap: malikhaing pagtatanghal. Basahin at unawain ang akda. Sagutin ang mga tanong pagkatapos basahin ang parabula. Basahin Mo: Ano ang Parabula? Ang salitang parabula ay hango sa wikang Griyego na parabole. Ito ay isang matandang salitang nangangahulugang paghahambing ng dalawang bagay upang makita ang pagkakaiba at pagkakatulad. Gumagamit ng tayutay na pagwawangis at pagtutulad upang bigyang-diin ang kahulugan at kaisipang nais ipabatid sa mambabasa o tagapakinig. Ito rin naglalaman ng mga salitang guhit na gumagamit ng imahe o kuwento upang mailarawan ang katotohanan at ang mga aral sa buhay. Itinuturing na kathang-isip lamang ngunit may mahalagang mensahe na kapupulutan sa pang-araw-araw na buhay. Nagtataglay ito ng mga TALINHAGA. GAWAIN 4. PAGHAHAWAN NG BALAKID (Talasalitaan) Bigyang-kahulugan ang mga salitang di-nauunawaan Isulat sa kahon ang mga titik na nawawala upang maging buo ang mga salitang kasingkahulugan ng mga salitang initiman. 1. Pagkatapos magkaroon ng pagkakataon ang mga whistleblower na maglahad ng kanilang salaysay, inusisa ng korte ang katotohanan batay sa mga pahayag. i a m 2. Ang ganid na senador ay nag-utos na dalhin ang mga biktima sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng kanyang pagkabigo sa eleksyon. s a Developed by the Private Education Assistance Committee 14 under the GASTPE Program of the Department of Education 3. Ginigiit ng ilang senador na hindi sila sangkot sa maanomalyang pagnanakaw sa kaban ng bayan. p p i i Basahin at Unawain Basahin ang akdang Ang Pabo na Prinsipe mula sa bansang Turkey. Ang Pabo na Prinsipe salin ni Benjamin B. Sonajo Jr. Isang prinsipe ang hinihinalang nababaliw dahil sa paniniwalang siya ay isang pabo. Hinubad niya ang kanyang kasuotan at umupong walang saplot sa ilalim ng isang lamesa. Sinimulan niyang tukain ang inaakalang pagkain sa sahig. Ang hari at reyna ay nahintatakutan dahil ang kanilang kaisa-isang tagapagmana ng trono ay kumikilos ng hindi normal. Ipinatawag nila ang iba’t ibang uri ng pantas at manggagamot sa kaharian maging sa kalapit na kaharian ng kanilang palasyo. Hinikayat nila ang mga pantas at manggagamot na subukang pagalingin ang prinsipe at ibalik sa katinuan ngunit walang nagtagumpay. Isang araw, dumating ang isang ermitanyo sa kaharian at sinabing kaya niyang pagalingin ang prinsipe. Nagtiwala ang hari at reyna. Hinubad ng ermitanyo ang kanyang damit at umupong walang saplot sa tabi ng lamesang kinaroroonan ng prinsipe. Nagkunwaring tinutuka ang pagkain sa sahig at kumikilos na parang isa ring manok. Di nagtagal, tinanggap siya ng prinsipe bilang isang kaibigan. Sinabi ng ermitanyo sa prinsipe na ang mga pabo ay nagsusuot din ng damit at kumakain sa hapag ng lamesa. Tinanggap ng prinsipeng nag-asal pabo ang sinabi ng ermitanyo. Unti-unting nagbalik sa normal ang prinsipe hanggang sa ito ay gumaling. Nagwika ang ermitanyo, ang sinumang makalimot sa kanyang sarili ay muling makaaalala. Sa halip na husgahan ay dapat pang samahan sapagkat ito ang itinuturo ng batas ng kabutihan. Developed by the Private Education Assistance Committee 15 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 5. PAGHAMBINGIN NATIN! Susuriin mo ang dalawang pinaghambing sa parabulang nabasa upang maging malinaw ang mensahe ng akda. TAUHAN Prinsipeng Pabo Ermitanyong Pabo Maglahad kung paano kumilos ang tauhan sa akda. Maglahad kung paano kumilos ang tauhan sa akda. Kaasalang ipinakita… Kaasalang ipinakita… Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong. 1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kumilos na parang pabo ang prinsipe? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 2. Bakit kaya inisip ng prinsipe na siya ay isang pabo? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 3. Masasabi bang wala sa wastong pag-iisip ang prinsipe? Pangatwiranan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 16 under the GASTPE Program of the Department of Education ___________________________________________________________ _______________ 4. Kailan masasabing ang isang tao ay wala sa kanyang katinuan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 5. Masasabi bang mahusay manggamot ang ermitanyo? Ipaliwanag. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 6. Anong damdamin ang namayani sa iyo nang mapagaling ng ermitanyo ang prinsipe? Ipaliwanag ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 7. Anong kaisipan ang namayani sa iyo matapos basahin ang parabula? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 8. Ano-anong mga bahagi sa parabula ang kakaiba sa ating kultura? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 9. Masasabi bang ang parabula ng mga Turko ay iba o tulad ng sa atin? Pangatwiranan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 10. Masasabi bang mabisang pamamaraan ang parabula upang maipakita ang mensahe, kultura at paniniwala ng isang bansa particular sa Asya? Pangatwiranan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ Developed by the Private Education Assistance Committee 17 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 6. Ipaliwanag Mo! Sa gawaing ito, ipaliliwanag mo ang mga pahayag batay sa mga pangyayari at nais ipakahulugan sa binasang parabula. Isulat sa katapat na kahon ang iyong mga kasagutan. PAHAYAG KAHULUGAN Isang prinsipe ang hinihinalang _____________________________ nababaliw dahil sa paniniwalang siya _____________________________ ay isang pabo. Hinubad niya ang _____________________________ kanyang kasuotan at umupong _____________________________ walang saplot sa ilalim ng isang _____________________________ lamesa. Sinimulan niyang tukain ang _____________________________ inaakalang pagkain sa sahig. _____________________________ Hinubad ng ermitanyo ang _____________________________ kanyang damit at umupong _____________________________ walang saplot sa tabi ng _____________________________ lamesang kinaroroonan ng _____________________________ prinsipe. Nagkunwaring _____________________________ tinutuka ang pagkain sa sahig at _____________________________ kumikilos na parang isa ring _____________________________ _____________________ pabo. _____________________________ Nagwika ang ermitanyo, ang _____________________________ sinumang makalimot sa kanyang _____________________________ sarili ay muling makaaalala. Sa _____________________________ halip na husgahan ay dapat pang _____________________________ samahan sapagkat ito ang _____________________________ itinuturo ng batas ng kabutihan. _____________________________ _____________________ Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong. 1. Paano mo binigyang kahulugan ang mga matatalinhagang pahayag/ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 18 under the GASTPE Program of the Department of Education ___________________________________________________________ _______________ 2. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa pagbibigay ng kahulugan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 3. Masasabi bang sinasalamin ng mga pahayag ang kultura, gawi o kaasalan ng taong pinatutungkulan sa parabula? Ipaliwanag. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 4. Paano ipinakita ng parabula ang kultura ng mga bansa sa Kanlurang Asya? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 5. May kaibahan ba ang paraan ng pagbibigay mensahe ng mga parabula sa Kanlurang Asya sa mga parabula natin sa Pilipinas? Pangatwiranan ang iyong sagot. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ Ngayong naisagawa mo na ang mga gawain na natutungkol sa pagbibigay- kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag, basahin mo ang susunod na bahagi upang mas lalong maging malalim ang iyong kaalaman tungkol sa mga matatalinhagang pahayag ng mga parabula. TANDAAN MO! MATATALINHAGANG PAHAYAG Sa pagbabasa ng iba’t ibang uri ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento at tula, karaniwang may mababasang matatalinhagang pahayag. Ito ay maaaring salawikain, kasabihan o kaya’y matatalinhagang pahayag. Nagbibigay ito ng panibagong lasa sa mga nababasa nating mga akda. Developed by the Private Education Assistance Committee 19 under the GASTPE Program of the Department of Education Hinahayaan nitong maging mapanuri at masining ang mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mga talinhaga, mas napapaganda ang paglalarawan at paglalahad ng mga dayalogo ng mga tauhan maging ang paglalarawan ng tagpuan at banghay ng akda. Ayon sa pormulasyon nina Ligaya Tiamson-Rubin at Lilia F. Antonio, ang mga sawikain o idyoma ay may ibang kahulugan sa tunay na ibig sabihin ng mga salitang ginamit – ito ay ang mga talinhagang bukambibig. Ang kahulugan nito ay naiiba, di-tuwiran o di-sadyang nauukol sa literal na kahulugan nito. Mas nagiging masining at makabuluhan ang pagpapahayag kapag ginagamitan ito ng mga sawikain o idyoma. Hango sa Tanglaw sa Wika at Panitikan IV TALINHAGA  Salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin.  Sinasadya nang pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita sa paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin. Ang ilan ay mga halimbawa ng mga pasawikaing pagpapahayag. Ilalahad ang kahulugan at paraan kung paano ito ginamit sa pangungusap. 1. bukas na aklat – lantad, walang itinatago, alam ng lahat Bukas na aklat ang buhay ko sa aking mga kaibigan. 2. di-mahulugang karayom – sobrang daming tao Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang di-mahulugang karayom na pagdalo ng mga tao sa pinakamapayapang rebolusyon sa mundo, ang EDSA 1. 3. balat-sibuyas: sensitibo, madaling masaktan Ikinagulat ko ang kanyang pagiging balat-sibuyas sapagkat bilang matalik na kaibigan natural sa amin ang magbiruan 4. nag-aagaw-buhay: naghihingal Hindi niya kayang tingnan ang nag-aagaw-buhay niyang ina dulot ng malakas na pagbangga ng kanilang sinasakyang bus. 5. bumaha ng luha: labis na pag-iyak o pagtangis Bumaha ng luha ng pumanaw ang pinakamabuting alkalde ng kanilang bayan. GAWAIN 7. Magsanay Tayo! Ibigay mo ang kahulugan ng mga salitang initiman batay sa paraan ng pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Developed by the Private Education Assistance Committee 20 under the GASTPE Program of the Department of Education 1. Isa sa pinakamasakit ay ang pagtaksilan ka ng mga taong may sanga-sangang dila na ituring mong kaibigan. 2. Di-maliparang uwak ang aking natatanaw na lupain na pag-aari ng isang pulitikong napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan. 3. Tunay na matalik na magkaibigan sina Micks at Cecil, magkabungguang- balikat ang dalawa kahit saan magpunta. 4. Nagliliyab sa galit ang kanyang ama ng matuklasang hindi siya pumapasok sa paaralan. 5. Pinakamaganda si Carmela sa kanilang bayan kaya marami ang naniningalang-pugad sa kanya. Ngayong nabigyan mo na ng kahulugan ang mga salita/pahayag, masasabing ikaw ay may malalim ng pang-unawa sa araling tinatalakay. Mas lalo nating pagyamanin ang iyong kaalaman sa bahaging ito ng aralin sa pamamagitan ng mga sumusunod na aralin. Sa bahaging ito matutukoy at maipaliliwanag mo ang mga matatalinhagang pahayag upang matukoy ang kahulugan at mensahe ng akda. GAWAIN 8. ISULAT MONG MULI… AT TUKUYIN Isulat ang matatalinhagang pahayag na matatagpuan sa saknong sa loob ng kahon. Isulat din sa kahon ang kahulugan ng mga napiling matatalinhagang pahayag mula sa iba’t ibang panitikan. Developed by the Private Education Assistance Committee 21 under the GASTPE Program of the Department of Education Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw lalong pakaingata’t kaaway na lihim ang siyang maaaring kakabakahin Florante at Laura Matatalinhagang Pahayag Kahulugan Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susing walang makalapit sigaw ng bilanggo sa katabing muog anaki’y atungal ng hayop sa yungin -Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez- Matatalinhagang Pahayag Kahulugan Developed by the Private Education Assistance Committee 22 under the GASTPE Program of the Department of Education Si Haring Pilipino at Reyna Malaya’y iba namang sakit ang sumasakanila taling nakagapos ay hindi makita lubog na sa utang ay nakangingiti pa -Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez- Matatalinhagang Pahayag: Kahulugan: GAWAIN 9. PAGBUO NG KONSEPTO Pagbuo ng konsepto mula sa mga natutunan sa buong aralin. Tinutukoy nito ang iyong mga nakalap na kakayahan at kaalaman na maaaring magamit sa pagbuo ng inaasahang pagganap. Mahalaga ang bahaging ito kaya’t huwag mong kalilimutang sagutan. Buuin ang Konsepto Ang kahalagahan ng pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag ay ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ______________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 23 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 10. MAGTSEKLIST TAYO! Deskripyon: Sa puntong ito, aalamin natin ang mga kasanayang iyong natutunan sa aralin. Layunin ng tseklist na ito na makita ang kalakasan sa pagbuo ng iyong inaasahang pagganap. Kakayahan Aking nagawa Pagbibigay-kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag Pagsusuri sa nilalaman ng mga akdang pampanitikan Pagbibigay paliwanag sa mga sagot Pag-uugnay ng mga kaalaman sa totoong buhay Katapusang Bahagi ng Paglinang: Sa bahaging ito, tinalakay natin ang kahalagahan ng pagbibigay kahulugan sa mga matatalinhagang pahayag at ang kahulugan at kalikasan ng isang parabula. Ngayong alam mo na ang mahahalagang kaalamang ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng ating modyul. Palalimin natin ang iyong kaalaman sa susunod na bahagi ng modyul. Bilang panimula sa bahaging ito, ibig kong magkaroon ka ng pansariling pagtataya. Sa iyong palagay, sa tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang kaya mo nang tatasin o bigyang kahulugan ang mga parabula o matatalinhagang pananalitang iyong nababasa? Magagamit mo ba ang mga mga mensaheng ito upang mas maging mabuting tao sa lipunan? Bilang pagpapatuloy sa araling ito, nakabubuti munang balikan mo ang Konsepto ng Pagbabago na iyong nasimulan sa ilalim ng PAGTUKLAS. Alin sa mga naging sagot mo ang nangangailangan ng pagbabago? Ilahad mo rin ang mga dahilan kung bakit kinailangan mong palitan ang iyong mga naging sagot. Sagutin mo ang kolum pagkatapos ng talakayan. Developed by the Private Education Assistance Committee 24 under the GASTPE Program of the Department of Education ANTICIPATION-REACTION GUIDE BAGO ANG PAHAYAG PAGKATAPOS TALAKAYAN NG TALAKAYAN 1. Ang mga parabula ay mga kuwentong hinahango sa Bibliya 2. Ang mga parabula sa Kanlurang Asya ay may katangiang pagtabihin ang dalawang bagay upang paghambingin 3. Ang mga detalye at tauhan ng isang parabula ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyang diin ay ang aral o mensahe ng akda 4. Hindi kailanman magiging magkatulad ang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa mundo dahil sa iba’t ibang pagpapakahulugan sa mga talinhaga ng kanilang pananampalataya 5. Ang mga matatalinhagang pahayag ay nagbibigay sa mambabasa ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mensahe ng akda. 6. Ang layunin ng mga matatalinhagang pahayag ay mapaganda ang paglalarawan at pagalalahad ng dayalogo ng mga tauhan 7. Hinahayaan ng mga matatalinhagang pahayag sa parabula na maging mapanuri at masining ang mga mambabasa nito. Bakit kinakailangan mong baguhin ang mga naging sagot? Isulat ang mga dating sagot sa unang kahon. Isulat ang iyong mga bagong sagot mula dating kaalaman sa ikalawang kahon. Isulat ang iyong sagot sa PALIWANAG na kahon. Dating Kasagutan Bagong Kaalaman Paliwanag: Developed by the Private Education Assistance Committee 25 under the GASTPE Program of the Department of Education Paliwanag: Paliwanag: GAWAIN 11. VIDEO ANALYSIS/WEB READING I-klik mo ang mga sumusunod na link. Ilista ang mga kaalamang makakalap sa panonooring video. Ang mga video ay tungkol sa iba’t ibang parabulang mababasa sa Bibliya. Kumalap ng mga balitang maaaring iugnay sa parabula. Tukuyin mo ang mensahe at kung paano ito magagamit sa mga tunay na pangyayari sa buhay. Developed by the Private Education Assistance Committee 26 under the GASTPE Program of the Department of Education Link Bilang 1: www.parableoftheworkers/youtube.com Parabula ng mga Manggagawa Mahahalagang Pangyayari: ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Kaugnay na Balita/Pangyayari: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Mensahe ng Parabula: ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 27 under the GASTPE Program of the Department of Education Link Bilang 2: www.parableofthegreatfeast/youtube.com Parabula ng Dakilang Piging Mahahalagang Pangyayari ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Kaugnay na Balita/Pangyayari: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Mensahe ng Parabula: ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 28 under the GASTPE Program of the Department of Education Link Bilang 3: www.theparableoftheblindandtheelepahant/google.com Parabula ng Bulag at ng Elepante Mahahalagang Pangyayari: ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Kaugnay na Balita/Pangyayari: ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Mensahe ng Parabula: ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 29 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 12. PUNAN MO…. Mula sa mga parabulang iyong binasa, buuin mo nga ang mga parirala sa ibaba upang maging buo ang diwa. Sinasalamin ng mga parabula ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Makatutulong ang parabula upang ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Katapusang Bahagi ng Pagpapalalim: Sa bahaging ito, tinalakay natin ang mga kaalaman hinggil sa iba’t ibang mensahe at tulong na magagawa ng isang parabula. Ano-anong bagong kaalaman ang iyong nakuha na maaari mong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at ano ang nakatulong sa’yo upang matamo ang mga ito? Ngayon at may malalim ka ng pag-unawa sa paksa, handa ka nang gawin ang isang proyektong may kinalaman sa pagalalahad ng mga mensahe bilang paghahanda sa isang masining na pagtatanghal. Ito na nga ang huling bahagi ng aralin ng modyul na talaga namang inilaan upang higit pang mapayaman ang iyong kaalaman at mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Mga natutuhang magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin ng bahaging ito na sukatin ang iyong natutuhan sa pamamgitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasakatuparan ng proyekto tungkol sa isang masining na pagtatanghal. Sa ngayon upang maihanda ka sa iyong inaasahang pagganap tungkol sa malikhaing pagtatanghal, gawin mo muna ang mga paunang gawain ito. Developed by the Private Education Assistance Committee 30 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 13. Mini-Task TANDAAN MALIKHAING PAGKUKUWENTO Ang pagkukuwento ay isang mahalagang sining. Katunayan na kinalakhan ito ng maraming bata sa ating bansa. Maraming bata ang nakikinig sa mga kuwentong inilalahad ng kanilang mga magulang o lolo’t lola. Ito ay itinuturing na libangang kinahihiligan ng marami. Subalit higit pang makaakit ng tagapakinig ang tagapagkuwento kapag ito ay isinasagawa sa malikhain o masining na pamamaraan. Narito ang ilang patnubay upang maging malikhain ang iyong isasagawang pagkukuwento: 1. Basahin nang ilang beses ang ikukuwento. Mahalagang mabasa at maunawaang mabuti ng tagapagsalaysay ang kanyang ilalahad na kuwento. Hindi kailangang kabisado ngnit dapat pamilyar ang nagsasalaysay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at damdamin ng mga tauhan sa akdang babasahin. 2. Magsanay nang magsanay upang lalong mapabuti ang kuwentong isasalaysay. Iparinig sa iba ang gagawing pagkukuwento upang makapagmungkahi ang sila ng mga paraang mas mahusay sa inaakala nilang paraan ng iyong paglalahad. 3. Gawing masigla, madula at malikhain ang pagsasalaysay. 4. Gawin ang ekspresyon ng mukha at boses. Ang angkop na ekspresyon ay makatutulong upang mapaniwala ang iyong mga tagapakinig. 5. Sanayin ang sarili sa angkop na lakas o tinig ng iyong boses. Ang mainam na lakas, pag-iiba-iba ng tono at wastong damdamin ay may malaking maitutulong sa iyong pagsasalaysay. 6. Ilarawan ng mabisa ang tagpuan at tauhan. Maaaring gumamit ng props o kasuotan upang mas maging masining. 7. Manaliksik tungkol sa ikukuwento. Magiging higit na kapana-panabik sa tagapakinig kapag may nalalaman ang tagapagkuwento tungkol sa ilang bagay sa likod ng kuwento. Developed by the Private Education Assistance Committee 31 under the GASTPE Program of the Department of Education Basahin ang kuwentong Ang Ama, Anak at ang Kalabaw MAGKUWENTO KA! ANG AMA, ANAK AT ANG KALABAW Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka samantalang mabuting maybahay ang ina. Isang lalaki ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong taon na ngayon ang kanilang anak. Nang minsang bumaba sa bundok ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at ng malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid. Tigib ng saya ang batang lalaki habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak. Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapong-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakapugal sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig na lamang nila: Hay naku, anong klaseng ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw. Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at binuhat ang anak sa pasakay na kalabaw. Hapong-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagod na pagod ang ama sa pag-aararo nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang nagpagal para sa pamilya. Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak. Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid na pinanggalingan. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang Developed by the Private Education Assistance Committee 32 under the GASTPE Program of the Department of Education naisip na sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik… tsik… Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo. Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din. Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalaki habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan. Nang makarating ng bahay, hindi maintindihan ng babae ang itsura ng kanyang mag-ama. Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong: 1. Anong uri ng panitikan ang iyong binasa? 2. Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang isang kuwentong bayan at parabula? 3. Ibigay ang mga matatalinhagang pahayag na matatagpuan sa akda. 4. Ano ang mensahe ng akda? 5. Paano makapaghahatid ng pagbabago sa ating lipunan ang binasang akda? GAWAIN 14. IPOST MO! I-upload mo ang iyong malikhaing pagkukuwento gamit ang aplikasyong Present.me. Padalhan ng kopya ang guro. Maaari mo ring i-post sa discussion board ang iyong ginawang video upang makita ng iyong mga kamag-aral at makapagbigay sila ng mga komento.  I‐video ang gagawing malikhaing pagkukuwento gamit ang aplikasyong Present.me  I‐upload sa discussion board at padalhan din ng kopya ang guro.  Ang video ay mamarkahan gamit ang rubric na inihanda ng guro. Developed by the Private Education Assistance Committee 33 under the GASTPE Program of the Department of Education RUBRIC SA MALIKHAING PAGKUKUWENTO Katangi-tangi Mahusay Nalilinang May Kahinaan 4 3 2 1 Lubos na mabisa at Paggamit ng salitang Hindi maayos ang Walang naipakitang kaaya-aya ang angkop sa ginamit na boses paglakas at paghina paglakas at paghina tagapakinig. Mabisa sa damdaming ng boses. ng boses na ang paglakas at ipinahahayag ng Tinig nababatay sa paghina ng boses. akda dahil minsan damdamin ng Angkop ang tinig sa ang paglakas at nagpapahayag damdaming paghina ng boses ipinahahayag. ay hindi bagay. Lubhang Mahusay na Nakalilito ang Hindi naging malinaw napakahusay at naipakilala ang paglalahad ng ang paraan ng natatangi ang paraan tauhan, layunin, banghay ng paglalahad ng Pagkukuwento ng paglalahad ng suliranin, tunggalian at kuwento. banghay ng kuwento. Paraan ng banghay ng kuwento. tema ng kuwento. Maayos ang daloy at hindi nawawala ang kawilihan at kasabikan sa bawat pangyayari sa kuwento Kakaiba ang Angkop na May kakulangan sa Walang ekspresyon Kaangkupan ng Kilos o Galaw ekspresyon ng ekspresyon ng mukha, ekspresyon ng ng mukha, kumpas at mukha, kumpas at kumpas ng kamay at mukha, kumpas at pagbibigay halaga sa pagbibigay halaga sa pagkilos bilang pagbibigay halaga mga pangyayari. mga pangyayari. pagbibigay diin sa sa mga pangyayari. mahahalagang pangyayari. Napakasining ng mga Angkop ang Hindi angkop ang Walang ginamit na Kaangkupan ginamit na kasuotan kasuotang, props na ginamit na kasuotan at props Kagamitan at props na makapagpapatibay sa kasuotan at props upang makatulong sa ng mga nakatulong sa eksena ng paglalahad upang makatulong pagpapatibay ng mga pagpapatibay ng mga sa pagpapatibay ng eksena ng akda. eksena ng akda. mga eksena ng akda. Malakas ang dating Sapat lang ang dating Mahina ang Hindi nakinig at ng pagganap sa mga ng pagganap sa mga atensyon ng mga napahangan sa Tagapakinihg Reaksyon ng manonood. manonood. manonood na paraan ng Kapansin-pansin ang makinig sa pagkukuwento. mga paghanga nila sa kuwento. paraang ng pagkukuwento. Pagtatapos ng PAGLILIPAT: Sa bahaging ito, naisagawa mo ang isang masining na paraan ng pagtatanghal. Ngayong paano mo ilalarawan ang iyong isinagawang pagganap? Paano Developed by the Private Education Assistance Committee 34 under the GASTPE Program of the Department of Education nakatulong ang gawain upang maunawaan mo ang iba’tibang uri ng pagtatanghal gamit ang mga akdang pampanitikang nagpapakita ng kultura at paniniwala? Ngayon handa ka ng ipagpatuloy ang pagsagot sa modyul na ito sa pamamagitan ng susunod na aralin. Developed by the Private Education Assistance Committee 35 under the GASTPE Program of the Department of Education Aralin 2: Rama at Sita (Epiko mula sa India) Panitikan: Rama at Sita: Isang kabanata sa Epikong Hindu salin ni: Rene O. Villanueva Wika: Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari Matapos ang naunang aralin, halina’t tuklasin ang mga bagong kaalaman at konseptong matututunan sa panibagong aralin. Maituturing na mayaman sa panitikan ang bansang India. Ang kanilang mga panitikan ay nagkaroon ng malaking impluwesiya sa pag-unawa sa kultura at paniniwala ng mga Hindu. Masasalamin sa kanilang mga panitikan ang kanilang mga pangarap, paniniwala, gawi, kultura at tradisyon. Tulad ng ating bansa, mayaman ang panitikang India sa mga epiko na nagpapakita ng mayaman nilang kultura at tradisyon. Sa loob ng maraming taon, hindi maikakailang napanatili ng mga taga-India ang kanilang kultura na umakit at napamahal sa napakaraming dayuhang bumibisita sa bansa. Sa bahaging ito, inaasahang mas mauunawaan mo ang masining at mayamang kultura ng bansang India sa pamamagitan ng akdang Rama at Sita na isinalin sa wikang Filipino ni Rene O. Villanueva. Sa araling ito, susubukan nating sagutin ang mga sumusunod na tanong: Paano inilarawan ang kultura at kasaysayan ng mga taga-India mula sa akdang ating babasahin? Masasabi mo bang magkatulad sa ilang mga gawi at paniniwala ang mga Pilipino at mga Hindu? GAWAIN 1. PANOORIN AT MAGLISTA! (List All Factors) Pagtatala sa tsart ng dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Kanlurang Asya na sumasalamin sa pag-ibig at pagiging bayani sa pamamagitan ng LAF. Panoorin mo ang link na ito: www.theheartofindia/youtube.com LIST ALL FACTORS (LAF) PANITIKAN SA KANLURANG ASYA SA USAPING PAG-IBIG at PAGIGING BAYANI A. B. C. Developed by the Private Education Assistance Committee 36 under the GASTPE Program of the Department of Education THINK ALL CONSEQUENCES (TAC) Itinuturing na sa isa sa may pinakamalaking ambag sa kasaysayan, paniniwala at kultura ng mundo ay ang panitikang naisulat sa Kanlurang Asya tulad ng mga panitikang nagmula sa India at Saudie Arabia. MAAARING MAGANAP KUNG HINDI NAKAPAG-AMBAG NG PANITIKAN ANG MGA BANSA SA KANLURANG ASYA A. B. C. D. GAWAIN 2. Magbasa/Word Association Magsulat ka ng mga bagay na may kinalaman sa salitang nasa gitna. Maaaring manaliksik upang mas maging malalim ang iyong kaalaman sa nasabing mga salita. Saliksikin ang sanaysay na Quit India na isinulat ni Mahatma Gandhi. Buuin ang word association at sagutin ang mga pamprosesong tanong pagkatapos magbasa. Mahatma Gandhi Mga Pamprosesong Tanong: 1. Paano kinilala bilang isang bayani si Mahatma Gandhi? Developed by the Private Education Assistance Committee 37 under the GASTPE Program of the Department of Education ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________ 2. Paano ipinakita ni Gandhi sa kanyang mga kababayan na ang karahasan ay walang maidudulot na mabuti sa pagkakamit ng kanilang kalayaan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ____________________ 3. Anong uri ng demokkasya ang pinangarap ni Gandhi para sa kanyang mga kababayan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ____________________ 4. Kinilala ba si Gandhi bilang isang bayani ng kanyang mga kababayan? Patunayan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _________________________ 5. May mga pangayayari ba sa ating bansa na nahahawig sa naganap sa India na pinangunahan ni Mahatma Gandhi? Ilahad at ilarawan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ______________________________ 6. Masasabi bang may pagkakatulad ang Pilipinas at ang bansang India? Patunayan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 38 under the GASTPE Program of the Department of Education ___________________________________________________________ _________________________ Batay sa gawaing iyong sinagutan, ipagpatuloy natin sa pamamagitan ng pagsagot ng isang IRF: Konsepto ng Pagbabago na natutungkol sa paghahambing at paglalarawan ng panitikan ng India at Pilipinas. Susukatin nito ang iyong kaalaman bago simulan ang pagtalakay ng mga aralin. GAWAIN 3. Magbasa/Word Association Sagutin ang tanong sa IRF Chart. Punan ng mga paunang impormasyon ang bahaging I (initial) ng tsart. Huwag mo nang sagutan ang bahaging R at F. Tanong: Paano mo ihahambing at ilalarawan ang epiko ng mga taga-India at Pilipinas? I (Initial) R(Revised) F(Final) KATAPUSAN NG PAGTUKLAS: Nasubukan mo ng magbigay kahulugan sa mga saitang may kinalaman sa bansang India at sa usaping pag-ibig. Ngayon mas palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain na makikita sa mga susunod na bahagi. Ang matutunan mo sa mga susunod na bahagi ay makatutulong sa iyong linawin ang mahahalagang detalye na magagamit mo sa pagbuo ng isang masining na pagtatanghal. Ang iyong layunin sa bahaging ito ay matutunan at maunawaan ang konsepto ng pag-ibig na nailalarawan sa pamamagitan ng ibang kultura. Basahin at unawain ang akda. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng pagbasa. Developed by the Private Education Assistance Committee 39 under the GASTPE Program of the Department of Education Basahin Mo: Ano ang Epiko? Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na ang ibig sabihin ay salawikain o awit. Isa itong mahabang tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao na angat sa kalikasan. Inaawit o kaya’y binibigkas nang patula na may tiyak na layunin. Karaniwang ang mga pangyayari ay hindi kapani- paniwala at nagtataglay ng maraming kababalaghan. Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Nagsimula ang mga epiko sa pamamagitan ng mga ritwal na ginagawa ng ating mga ninuno. Layunin nilang ipangaral sa mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa sambayanan. Sinasalamin ng mga pangaral sa pamamagitan ng mga epiko ang mga paniniwala, kaugalian, kultura at mithiin sa buhay ng mga tao. Pinatunayan ito ng mga eksperto sa kasaysayan na sina Padre Colin, Joaquin Martinez de Zuniga at Antonio Pigafetta. Ang epiko ay isang uri ng panitikang pasalindila. Ibig sabihin ito ay nailipat o naibahagi ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagkukuwento sa iba dahilan kung bakit mahirap makilala ang pinakamatandang epiko na naisulat sa ating bansa. Hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ang mga epiko ng iba’t ibang rehiyon sa ating bansa dahil sa sumasalamin ito sa pagkakakilanlan ng kanilang lugar at nagpapakilala ito ng ating kultura at ng ating lahing pinagmulan GAWAIN 4. PUNAN MO AT BUUIN MO! Ngayong alam mo na ang ilang mga bagay tungkol sa epiko, subukan mong punan ng mga salitang may kinalaman sa epiko ang mga kahon. Maaari kang manaliksik kung sa tingin mo ay kinakailangan. Developed by the Private Education Assistance Committee 40 under the GASTPE Program of the Department of Education EPIKO Ang arili kong pagpapakahulugan sa epiko ay ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Malaki ang maitutulong ng pag-aaral ng epiko sa kasalukuyang panahon ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Developed by the Private Education Assistance Committee 41 under the GASTPE Program of the Department of Education Basahin at Unawain Tandaan ang mga salitang hindi mo gaanong mauunawaan habang binabasa mo ang akda. RAMA AT SITA (Isang kabanata sa epiko ng India) Salin ni Rene O. Villanueva Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi maari, may asawa na ako” sabi ni Rama Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin ngunit mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo mula kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana ngunit tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito. Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban,tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos”. Sabi ni Maritsa. “Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita. Developed by the Private Education Assistance Committee 42 under the GASTPE Program of the Department of Education Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!” Matagal na naghintay ang dalawa ngunit hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot ngunit ayaw pa ring umalis ni Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana. Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba, humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.“Bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga! Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita ngunit wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas. Mula sa isang mataas na bundok, narining ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa. Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Developed by the Private Education Assistance Committee 43 under the GASTPE Program of the Department of Education Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Ngunit hindi niya napasuko si Sita. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay ngunit mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.*** GAWAIN 5. PAGHAHAWAN NG BALAKID (Talasalitaan) Isulat sa unang kahon ang mga salitang iyong tinandaan sa epiko. Ihanap ito ng kasingkahulugan at gamitin sa makabuluhang pangungusap. Salita Kahulugan Halimbawang Pangungusap Developed by the Private Education Assistance Committee 44 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 6. Character Profile Susuriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita upang masabing sila ay malaya. RAMA Kilos Pananalita Damdamin Maglahad kung paano kumilos Maglahad ng ilang pahayag ang Isulat ang ilang damdaming ang tauhan sa akda. tauhan sa akda namayani sa tauhan batay sa mahahlagang tagpo sa akda _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ Kaasalang ipinakita… Kaasalang ipinakita… Kaasalang ipinakita… Masasabi bang naging isang bayani si Rama batay sa kanyang kilos, pananalita at damdamin? Pangatwiranan ang sagot. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Paano ipinakita ni Rama ang kanyang tunay na pagmamahal kay Sita? ___________________________________________________________ _____________________________________________________ 2. Masasabi bang ang pag-ibig ay lubos na makapangyarihan? Pangatwiranan. ___________________________________________________________ _____________________________________________________ 3. Dahil ang akda ay nagmula sa India, paanong ang pag-ibig ay walang kinikilalang lahi? ___________________________________________________________ _____________________________________________________ 4. Nailarawan ba ng akda kung paano umibig ang isang Hindu? Pangatwiranan. Developed by the Private Education Assistance Committee 45 under the GASTPE Program of the Department of Education ___________________________________________________ ___________________________________________________ __________ 5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging si Rama, gagawin mo rin ba ang kanyang mga isinakripisyo upang maipakita lamang kay Sita ang kanyang tunay na pag-ibig? Ipaliwanag ang sagot. ___________________________________________________________ ____________________________________________________ 6. Paano sinasalamin ng akdang Rama at Sita ang kultura ng mga Hindu sa larangan ng pag-ibig. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________ 7. Bigyang patunay na ang pamamaraan ng mga Pilipino at Hindu sa pag-ibig ay hindi nagkakaiba. ___________________________________________________________ _____________________________________________________ 8. Ano ang masasabi mo tungkol sa kultura ng mga taga-Asya pagdating sa pag-ibig? Paano ito naiiba sa iba pang kontinente? Ipaliwanag. ___________________________________________________ ___________________________________________________ _________ GAWAIN 7. Tatasin Natin… Tutukuyin at susuriin mo ang iba’t ibang bahagi ng akda na nagpapakita ng kultura ng mga taga-India. Isulat sa mga kahon ang inaakala mong nagpakita ng kultura ng mga Hindu. Ipaliwanag mo ang bahaging ito sa katapat na kahon. Isulat mo naman sa kahon sa ilalim kung may pagkakatulad ba ang kanilang kultura sa kultura nating mga Pilipino. Developed by the Private Education Assistance Committee 46 under the GASTPE Program of the Department of Education BAHAGI NG AKDA PALIWANAG Developed by the Private Education Assistance Committee 47 under the GASTPE Program of the Department of Education Basahin Mo… MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO Ang elemento ng isang epiko ay hindi naiiba sa isang maikling kuwento. Bagamat ang epiko ay isang tulang pasalaysay, ito ay nagtataglay pa rin ng tauhan, tagpuan at banghay. Tagpuan: Mahalagang bigyang-pansin ang tagpuan ng epiko sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay linaw sa paksa, sa banghay at maging sa mga tauhan. Dahil sa tagpuan mas nabibigyang-diin ang kilos at isip ng tauhan. Tauhan: Isa sa mga pangunahing kaibahan ng epiko sa iba pang mga akda ay ang mga tauhan epiko. Mapapansing halos karamihan ng pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan. Bagamat ang ilang mga tauhan ay karaniwan lamang ngunit dahil sa kanilang pamumuno, kakaibang tungkulin sa pamayanan at ang kakayanang ipagtanggol ang mga tauhan laban sa sinumang kaaway ay kabayanihan. Samakatuwid ang pangunahing tauhan sa epiko ay itinuturing na bayaning may kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na kanilang kinabibilangan. Sa tulong ng tunggalian, higit na napapalutang ang katangian o katauhan lalo na ng mga pangunahing tauhan. Ang pangunahing tauhan ay kailangang magkaroon ng suliraning lulutasin sa kabila ng mga hadlang o sagabal. Ang tunggalian ay mauuri sa apat – ito ay ang tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan at tao laban sa sarili. Banghay: Ang banghay ng epiko ay maaaring maging payak o komplikado. Ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan bagamat may mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng isang partikular na rihiyon o lugar. Kung susuriin ang epiko ay matutunghayan sa paraang patula ngunit dahil ito’y isang uri ng salaysay mababakas pa rin sa balangkas ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Halaw mula sa Pluma I 2011 Developed by the Private Education Assistance Committee 48 under the GASTPE Program of the Department of Education GAWAIN 8. GUIDED STORY PLOT Subukin mong buuin ang grapikong pantulong patungkol sa elemento ng akdang Rama at Sita. Punan ang bawat bahagi ng nararapat na kasagutan. RAMA AT SITA Tauhan: (Ibigay ang Uri ng Tunggalian) Tagpuan: Banghay: Isulat sa katapat na kahon ang bahaging tinutukoy sa epiko. May isang pangunahing tauhang may suliranin Ihahanap ng pangunahing tauhan ng kalutasan ang kanyang suliranin. Magkakaroon ng mga sagabal ang pangunahing tauhan kaya’t magkakaroon ng mga tunggaliang lilikha ng kapanabikan Titindi ang tunggalian hanggang sa umabot sa kasukdulan. Ito ay agad susundan ng kakalasan na naging bunga ng tunggalian. Susunod ang kakalasan o wakas Developed by the Private Education Assistance Committee 49 under the GASTPE Program of the Department of Education Mga Karagdagang Tanong: 1. Magkatulad ba ang mga Pilipino at mga Hindu sa paraan ng kanilang pakikipaglaban sa pag-ibig? ___________________________________________________ ___________________________________________________ __________ 2. Naging mabisa ba ang epiko sa paghahatid ng mensahe tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig? ___________________________________________________________ _____________________________________________________ Basahin Mo… Kasama sa pagtalakay ng mga elemento ng isang maikling kuwento ay ang pagtalakay ng tunggalian ng kuwento. Sa bahagi ng maikling kuwento na makikita sa dayagram sa ibaba, malaki ang bahagi ng tunggalian. Sapagkat sa bahaging ito, sinusubukan nang resolbahin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin. Hindi lamang isa kundi iba’t ibang pamamaraan ang ipakikita ng pangunahing tauhan upang mabigyang solusyon ang kanyang suliranin. Ang mga pagtatangkang gagawin ng pangunahing tauhan ay hindi nangangahulugan ng pagtatagumpay ng pangunahing tauhan kundi maaari ring magresulta ng isang kabiguan. TATLONG URI NG TUNGGALIAN Ang pangunahing tauhan ay maaaring makipagtunggali sa mga sumusunod na suliranin. Developed by the Private Education Assistance Committee 50 under the GASTPE Program of the Department of Education 1. Tao laban sa Tao: ang tunggaliang ito ang pinakapangkaraniwan sa lahat ng uri ng tunggalian. Ang tunggaliang ito ay ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa kapwa niya tao. Tunggalian ng lakas at talino. Halimbawa: Magnanakaw laban sa mga Pulis, Pulitiko laban sa Taong- bayan 2. Tao laban sa Sarili: itinuturing na ang pinakamahirap na kalaban ng isang tao ay ang kanyang sarili. Ang suliraning ito ay maaaring tumalakay sa kanyang sariling kahinaan sa pag-iisip at damdamin. Halimbawa: Tao laban sa kanyang pagkabaliw, tao laban sa pagkabigo 3. Tao laban sa Kapaligiran: ang tunggaliang ito ay madalas na hindi inaasahang kakaharapin ng pangunahing tauhan sapagkat ito ay bunga ng kalikasan. Ang suliraning ito ay hindi kontrolado ng pangunahing tauhan. Halimbawa: Tao laban sa lindol, tao laban sa kalamidad GAWAIN 9. Makipagtunggali at Magsanay Tayo! Tukuyin ang uri ng tunggaliang ipinahahayag. Isulat mo ang titik sa loob ng kahon. 1. Nagpapakita ito ng tunggaliang tao laban sa kalikasan. A. Inumaga na siya ng uwi dahil sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. B. Kinalimutan niya ang kanyang pangako dahil sa magulang ng kanyang kasintahan. C. Hindi niya inalintana ang malakas na buhos ng ulan masulyapan lamang ang kasintahang ikinakasal sa iba. D. Lumapit siya at ipinagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman. 2. Isang uri ito ng tunggaliang tao laban sa sarili. A. Sa tuwing magpapasya siyang aalis at maghahanapbuhay sa ibang bansa, di niya maiwasang alalahanin ang mararamdaman ng kanyang kaisa-isang anak. B. Punong-puno ng kaba ang kanyang dibdib, hindi niya malaman kung paano sasabihin ang kanyang pagmamahal sa pinakamatalik niyang kaibigan. C. Iniiwasan na niyang magbisyo subalit patuloy siyang hinihikayat ng kanyang barkadang balikan ito. D. Nais niyang maging isang kilalang musikero sa hinaharap ngunit palaging nakahadlang ang kanyang mga magulang. 3. Isang uri ito ng tunggaliang tao laban sa tao. Developed by the Private Education Assistance Committee 51 under the GASTPE Program of the Department of Education A. Ginagawa niya ang lahat upang mapabuti sa trabaho subalit lagi siyang sinisiraan ng matalik na kaibigan. B. Matagal niyang pinaghandaan ang pag-uwi sa probinsya ngunit tinangay ng baha ang kanilang tahanan. C. Nagbalik siya sa kanilang bayan at tinanggap ang kapalarang siya ang papalit sa iniwang trabaho ng ama. D. Naging ganap siyang abogado ngunit hindi siya makaramdam ng ligaya. Basahin Mo… MGA KAWSATIB NA PANG‐UGNAY Mahalaga sa paglalahad ang wastong pagkakasunud‐sunod ng mga pangyayari. Dapat ay malinaw ring makikita ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga upang makuha agad ng mambabasa ang mensaheng nais iparating ng may‐akda. Sa pag‐uugnay na ito ay ginagamit ang mga kawsatib na pang‐ugnay. Sa pamamagitan ng mga kawsatib na pang‐ ugnay, matutukoy ng mambabasa kung alin ang sanhi at at kung alin ang bunga sa isang pahayag. Halimbawa:  Kawsatib na pang‐ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan: sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, at kasi/naging  Kawsatib na pang‐ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, at tuloy GAWAIN 10. Magsanay Tayo! Tukuyin mo kung ang mga salitang nakabold sa pangungusap ay sanhi o bunga. Iklik lamang ang tamang sagot. 1. Naging masaya ang mga mamamayan dahil sa pagkapanalo ng isang mapagmalasakit at mapagmahal na pinuno ng bayan. SANHI BUNGA Developed by the Private Education Assistance Committee 52 under the GASTPE Program of the Department of Education 2. Dahil sa kabutihan at pagmamahal ng isang guro sa kanyang mga mag- aaral, hindi siya nalimot ng kanyang mga mag-aaral nang siya’y yumao na. SANHI

Use Quizgecko on...
Browser
Browser