EsP9_q3_CLAS3_Kagalingan-sa-Paggawa_v1-1 PDF
Document Details
![ComelyTonalism9783](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-4.webp)
Uploaded by ComelyTonalism9783
Schools Division of Puerto Princesa City
Tags
Related
- Antique National School Edukasyon sa Pagpapakatao 9 PDF
- SPEFil 1: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 3) PDF
- KPWKP_17 Gamit Ng Wika II: Gamit Sa Lipunan (PDF)
- M2 L5 PDF - The Political Self Past Paper
- Traditional Filipino Games Learning Activity Sheet PDF
- Contemporary Philippine Arts G11 PDF
Summary
This document is a Filipino learning activity sheet for Grade 9 on the topic of Kagalingan sa Paggawa. It contains questions and activities focusing on the value of diligence & good work ethic in Filipino education. It is from the Schools Division of Puerto Princesa City.
Full Transcript
PANGALAN:_____________________________________ 9 BAITANG/SEKSYON:___________________________ ____ EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter III – Linggo 3 Kagalingan sa Paggawa CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOO...
PANGALAN:_____________________________________ 9 BAITANG/SEKSYON:___________________________ ____ EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter III – Linggo 3 Kagalingan sa Paggawa CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 10 Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Kwarter III – Linggo 3: Kagalingan sa Paggawa Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat: Matilde A. Dadosano Pangnilalamang Patnugot: Analen N. Gerbolingo Editor ng Wika: Alvin G. Buñag Tagawasto: Lodgie Sornito Tagasuri: Shirley F. Lilang Tagaguhit: Matilde A. Dadosano Tagalapat: Matilde A. Dadosano Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS Loida P. Adornado PhD ASDS Cyril C. Serador PhD CID Chief Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager Shirley F. Lilang EPS- EsP Eva Joyce C. Presto PDO II Rhea Ann A. Navilla Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad, Glenda T. Tan at Joseph Aurello Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Telephone No.: (048) 434 9438 Email Address: [email protected] Aralin Kagalingan sa Paggawa MELC: Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang bagay o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito. (EsP9KP-IIIa-11.1) Mga Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga indikasyon na may kalidad sa paggawa ng isang bagay o produkto. 2. Natutukoy ang mga paraan kung paano maipamamalas ang kagalingan sa paggawa ng may wastong paggamit ng oras. 3. Nakapaglalarawan ng mga bagay, produkto o gawaing natapos na may kalidad o kagalingan sa paggawa. Subukin Natin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. _______1. Isang indikasyon na may kalidad ang isang bagay na natapos kapag nagagamit sa tama ang mga pandama (senses) sa pamamaraang kapakipakinabang sa tao. Anong katangian ito? A. Pagiging Palatanong B. Bukas sa Pagdududa C. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama D. Pagkakakilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay ______ 2. Ano ang tawag sa katangian sa paggawa kung saan napangangalagaan ng maayos ang kalusugan ng tao? A. Curiosita C. Corporalita B. Sfumato D. Connessione _______3. Ano ang tawag kapag nagkakaroon ng maayos na produksiyon sa paggawa ng bagay o produkto dahil nasusunod ng tao? A. Tiyak (specific) C. Naaabot (attainable) B. Nasusukat (measurable) D. Takdang panahon (time bound) _______4. Alin sa sumusunod ang pinakaunang hakbang na dapat isagawa kapag gagawa ka ng isang bagay o produkto? A. Isaalang-alang ang mga materyales na gagamitin sa paggawa. B. Isagawa na ang piniling bagay ayon sa plano. C. Bumuo ng plano na magiging gabay sa pagbuo ng bagay o gawain. D. Maglagay ng takdang panahon kung kailan ito dapat tapusin. 1 _______ 5. Nakatitiyak na mayroong kalidad ang iyong produkto kung___________. A. isinauli ang ilan sa pinamili ng mamimili. B. kapag kinakitaan ng pagiging pulido at matibay ang produkto. C. kapag palaging may suhestyon ang iyong mga mamimili. D. kapag nagkaroon ng maraming surplus sa iyong mga paninda. Ating Alamin at Tuklasin Paghawan ng Balakid Kagalingan sa Paggawa- pagpapamalas ng kahusayan sa pagbuo ng isang bagay o produkto gamit ang kaisipan at mga kakayahan. Pamamahala sa oras- ito ay tumutukoy sa tamang paggamit ng tao sa kanyang oras habang gumagawa.. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land ). Natatandaan mo pa ba kung ano ang katarungan panlipunan? Kailan magkakaroon. ng tunay na katarungan panlipunan? Ngayon, batid mo na, na ang pagkakaroon ng higit na kaalaman ukol sa katarungang panlipunan ay maaari mo nang gamitin upang maibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya. Paano ka ba gumagawa ng kilos o gawain sa inyong tahanan ngayon? Maayos at mabilis mo bang natatapos ito? Ang pagsasagawa ng isang gawain o produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan, angking kahusayan at may tamang pamamahala sa oras. Subalit bago ito totoong mangyari ay may mga katangiang nararapat kang isabuhay bilang isang tao at manggagawa. Narito ang mga indikasyon na may kalidad ang paggawa. Ito ay mga katangian na ipinamalas ni Leonardo da Vinci na makatutulong sa pagkakaroon ng matalinong pag-iisip kaugnay sa kagalingan sa paggawa ng bagay o produkto. 1. Pagiging Palatanong (Curiosita)- may likas na katangiang mahilig alamin ang mga bagay-bagay sa paligid. 2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang pagpupunyagi at karanasan (Persistence) at pagiging bukas na matuto sa mga pagkakamali (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto mula sa hindi malilimutang karanasan sa buhay na nagdulot ng pagpupunyagi o tagumpay. 3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama (Sansazione) –tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama upang maging kapaki-pakinabang sa tao. 4. Pagiging bukas sa mga pagdududa o kawalang katiyakan (Sfumato) – ito ay ang pagiging bukas ang kaisipan(open minded) sa mga bagay-bagay bago simulan ang produkto o gawain. 5. Ang pananatili ng kalusugan at Paglinang ng Grace, at Poise (Corporalita)- ito ang tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang karamdaman. 6. Ang Pagkakakilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)- ito ay ang pagkilala at pagbibigay halaga sa kaugnayan ng lahat ng bagay at pangyayari sa isa’t isa. (Law of Ecology) 2 Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mga pagpapahalaga(values) upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad o kagalingan. Ang pagiging masipag, pulido sa gawain, pagkamalikhain ay indikasyon na makabuluhan ang iyong paggawa. Gayundin, ang wastong pamamahala sa oras ng paggawa ay isang malaking bagay. Mahalagang tandaan na hindi magiging matagumpay ang paggawa ng gawain o produkto kung hindi nagagamit ng wasto ang oras. Pagtakda ng Tunguhin sa Paggawa Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras kailangan ang pagtatakda ng tunguhin sa iyong paggawa. 1. Tiyak (Speficic) - tiyakin mo ang nais na gawain o produktong nais tapusin. 2. Nasusukat (Measurable) – kailangang isaalang alang ang mga kakayahan at materyales na kakailanganin sa gawain o pagbuo ng produkto. 3. Naaabot (Attainable) - ang tunguhin sa gawain ay madaling abutin. 4. Makatotohanan (Realistic) - mahalagang isaalang-alang kung ito ba ay kayang kaya na mangyari o mabuo ang gawain o produkto. 5. Panahon (Time-Bound) – Bigyan ng takdang panahon kung kailan dapat maisakatuparan ang gawain. Sa pagsasagawa ng bagay o gawain ay may mga malinaw na pamamaraan upang makabuo ng kagalingan sa paggawa kaakibat ng wastong pamamahala sa oras at ito ay malinaw na makikita sa mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas ni Leonardo da Vinci. (Pinagkunan: Sheryll T. Gayola,et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao 9:, Pasig City: Department of Education, 2015, 70-74). Tayo’y Magsanay Gawain 1 Panuto:Lagyan ng hugis puso ( ) ang bawat pangungusap kung ito ay may indikasyon na may kalidad o kagalingan ang paggawa at tatsulok ( ) naman kung wala.. ______ 1. Ang taong mausisa o palatanong ay indikasyon na siya ay may kakayahang makabuo ng isang bagay o gawaing may kalidad. _______2. Kung gagamitin ang mga karanasan at pagpupunyaging iyong naranasan sa buhay ito ay palatandaan ng pagtatagumpay sa mundo ng paggawa. _______3. Ang pangangalaga sa kalusugan habang gumagawa o naghahanapbuhay ang tao ay kasiguruhan na ang manggagawa ay makabubuo ng isang may kalidad na produkto o bagay. _______4. Ang pagpapaliban ng mga gawain dahil naging abala ka sa paggamit ng social media. _______5. Ang wastong pamamahala sa oras ng paggawa ay palatandaan na makabubuo ang tao ng may kahusayan sa paggawa. 3 Gawain 2 Panuto: Unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng indikasyon ng kagalingan sa paggawa at ekis (X) kung hindi. _____ 1.Paggawa ng malinaw na plano sa paggawa. _____ 2.Paglalagay ng takdang panahon kung kailan dapat tapusin ang produkto. _____ 3.Sinisikap kung ang planong gawain ba ay madaling abutin batay sa mga resources na gagamitin? _____ 4. Palaging nakararanas ng panghihina ng katawan dulot ng pag over time. _____ 5. Bumagsak ang iyong proyektong ipinasa hindi pa man natapos suriin ng iyong guro. Masusi mo bang naunawaan ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ang isang bagay o produkto? Ating Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Pagsunod sunurin ang mga pamamaraan upang makabuo ng may kalidad sa paggawa ng bagay o produkto. Lagyan ng bilang isa ang pinaunang dapat gawin hanggang bilang 4 sa pinahuling dapat gawin. _____ Maglagay ng takdang panahon kung kailan ito dapat tapusin. _____ Pagpaplano na magiging gabay sa pagbuo ng gawain. _____ Isaalang –alang ang mga materyales na gagamitin sa paggawa. _____ Isagawa na ang piniling bagay o produkto. 4 Gawain 2 Panuto: Ilarawan ang mga bagay o produkto ng paggawa na iyong nabuo sa loob at labas ng inyong tahanan. Maaaring bigyang pansin ang iyong mga nabuong bagay o gawain sa inyong tahanan ngayong pandemya. Pumili ng titik ng mga salita sa ibaba at isulat ito sa loob ng hugis oblong. A. Nakapaghahanda ng malinis at maayos na pagkain sa tamang oras B. Nakabubuo ng isang kapaki-pakinabang na bagay na kinahihiligan sa maghapon. C. Nakapagwawalis ng isang beses sa loob at labas ng tahanan. D. Pagdidilig ng mga halaman tuwing hapon. E. Paghuhugas ng plato ng dalawa o tatlong beses sa maghapon depende sa aming napagkasunduan. F. Paggamit ng selpon nang hindi lalampas ng dalawang oras sa umaga at hapon. G. Paglalaba ng sariling damit tuwing Sabado o Linggo. H. Madalas na pagliligpit ng higaan pagkagising. I. Pamimili sa palengke ayon sa ibinilin ng ina. 1._____ Mga bagay o produkto ng paggawa na kinakitaan ko ng 3.______ Kalidad o Kagalingan 2. ______ sa Paggawa 4.______ 5.______ Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawaing pinili? Nasunod mo ba ang mga indikasyon ng may kalidad na paggawa at pamamaraang iyong natutuhan sa wastong paggamit ng oras? 5 Ang Aking Natutuhan Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa bawat talata sa ibaba. Isulat ang tamang salita na angkop upang mabuo ang diwa ng pahayag. pag-iisip kapaki-pakinabang Leonardo da Vinci tao pamamahala Ang paggawa ng isang bagay o produkto ay magiging 1._____________________ kapag naisabuhay ang mga katangiang ipinamalas ni ____________________________ Upang magkaroon ng matalinong ________________ at upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa. Gayundin kailangan itong sabayan ng wastong 4._____________________ sa paggamit ng oras upang magkaroon ng kaganapan ang paggawa bilang isang _________. Ano ang iyong mga naging reyalisasyon mula sa iyong mga natutuhan sa aralin? Ating Tayahin 1. Ang sumusunod ay palatandaan ng may kalidad sa paggawa MALIBAN sa isa. A. Pagpasok sa trabaho sa tamang oras. B. Paggawa ng proyekto ayon sa Project Plan na inyong pinag-usapan. C. Pagbuo ng gawaing bahay na iniatang sa iyo ng iyong magulang sa maghapon. D. Pagpapagawa sa mga magagaling mong kaklase ng iyong proyekto. 6 2. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan? A. Masipag mag-aral si Josh, ibinibigay niya ang kanyang panahon at oras ng buong husay. B. Si Zea ay hindi na kailangang utusan pa ng kanyang Ina sa gawaing bahay. C. Si Yana ay palaging nagbibigay ng malasakit sa anumang gawain. D. Masipag maglinis si Tonzi hindi lamang upang makibahagi sa mga gawain subalit nais rin niyang mabigyan ng pabor mula sa guro. 3. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspekto? A. Pamamahala sa oras B. Pamamahala sa mga output ng guro C. Paramihan ng organisasyong kinaaaniban D. Pagsagot ng lahat ng modyul sa loob ng maghapon at magdamag. 4. Sa wastong pamamahala sa oras, ano ang ibig sabihin ng R sa acronym na SMART? A. Relevant C. Real B. Realistic D. Ready 5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga bagay o produktong natapos na may kagalingan sa paggawa MALIBAN sa isa. A. Hindi nasisira ang proyekto ni Berto kahit na naiuwi na sa bahay. B. Pulido at matibay ang pagkakabuo ng lalagyan ng halaman ng iyong Nanay. C. Maluwag ang pagkakagawa ni Mang Leo sa inyong pinagawang bakuran. D. Masinsin ang pagkakasahig ng trabahador sa inyong tahanan. 7 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. C 2. C 3. A 4. C 5. B Tayo’y Magsanay Gawain 1 1. 2. 3. 4. 5. Gawain 2 1. ̸ 2. ̸ 3. ̸ 4.X 5. X Ating Pagyamanin Gawain 1 2 1 3 4 Gawain 2 Paalala: kahit alinmang 5 kasagutan mula sa mga opsiyon ay tama Ang Aking Natutuhan 1. matagumpay 2. Leonardo da Vinci 3.pag-iisip 4.pamamahala 5. tao Ating Tayahin 1. D 2. D 3. A 4. B 5. C Sanggunian Aklat Gayola, Sheryll T., Goeffrey A. Guevarra, Maria Tita Y. Bontia at Suzanne M. Rivera, Edukasyon sa Pagpapakato 9. Department of Education. 2015. 8 FEEDBACK SLIP A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI 1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito? 2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito? 4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Wala Contact Number : __________________________________ PANGALAN NG PAARALAN: Pangalan at Lagda ng Guro: Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng CLAS: Petsa ng Pagbalik ng CLAS: 9