Araling Panlipunan 9 Grade 9: Pagsusuri ng Demand PDF

Summary

This document is a lesson plan or study material on the topic of demand in economics. It defines demand, explains the law of demand, and discusses the factors that influence demand. It includes examples and illustrations. The document is written in Filipino.

Full Transcript

# Welcome to Araling Panlipunan 9 ## Aralin 1: Demand ### Image Description: * A large crowd of people walk through a street market. The market is brightly lit and there are many stalls selling a variety of goods. ### Mga Pamprosesong Tanong: 1. Bilang isang mag-aaral, makapagbibigay ka ba ng m...

# Welcome to Araling Panlipunan 9 ## Aralin 1: Demand ### Image Description: * A large crowd of people walk through a street market. The market is brightly lit and there are many stalls selling a variety of goods. ### Mga Pamprosesong Tanong: 1. Bilang isang mag-aaral, makapagbibigay ka ba ng mga posibleng dahilan kung bakit mas maraming mamimili sa isang tindahan? 2. Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang mga pangunahing salik na humihimok sa mga mamimili para puntahan ang isang tindahan? ### Demand * Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo. ### Batas ng Demand * Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. ### Ceteris Paribus * Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito. ### Bakit magkasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demanded (Qd)? * **Substitution Effect:** Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, hahanap ang konsyumer ng pamalit na mas mura. * **Income Effect:** Ipinahahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinikita ng isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo. ### DEMAND * **Demand Function:** Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded (Qd). * $Qd = a - bP$ * **Qd** = dami ng demand * **a** = dami ng demand kung ang presyo ay zero (horizontal intercept) * **(-b)** = slope ng demand function * **P** = presyo ### Halimbawa * Qd = 60 - 10P * Ilan ang Qd kapag ang presyo ay Php 5.00? * Qd = 60-10(5) * Qd = 60 – 50 * Qd = 10 ### Demand Schedule * Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga konsyumer sa iba't ibang presyo. ### Halimbawa: Demand Schedule para sa Kendi | Presyo (bawat piraso) | Quantity Demanded (Qa) | |---|---| | 5 | 10 | | 4 | 20 | | 3 | 30 | | 2 | 40 | | 1 | 50 | | 0 | 60 | ### Demand Curve * Ito ang grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo ng isang produkto at quantity demanded para rito. ### Halimbawa: Demand Curve para sa Kendi * Image Description: A graph showing the relationship between the price of candy and the quantity demanded. The graph is plotted with price on the Y-axis and quantity demanded on the X-axis. The line slopes downwards, showing the inverse relationship between price and quantity demanded. ### Iba pang Salik na Nakakaapekto sa Demand Maliban sa Presyo 1. **Kita:** * Sa pagtaas ng kita ng isang indibidwal ay tumataas din ang kanyang kakayahang bumili ng mas maraming produkto/serbisyo. * Sa pagbaba ng kanyang kita, bumababa din ang kanyang kakayahang bumili ng mga produkto/serbisyo. * **Normal Goods:** tumataas ang demand para sa isang produkto kapag tumaas ang kita ng isang tao. * **Inferior Goods:** ito ang mga produktong bumababa ang kita kapag tumataas ang kita ng isang tao. 2. **Panlasa (Taste/Preference):** * Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand mo para rito. * Halimbawa: Kung mas pasok sa iyong panlasa ang pagsusuot ng mga flat shoes kaysa high heels ay mas bibili ka ng flat shoes at mas marami ang demand mo para rito. 3. **Dami ng Mamimili:** * Ang bandwagon effect ay maaaring makapagpataas ng demand para sa isang produkto o serbisyo. * Halimbawa: Dahil nauuso ngayon ang mga food parks, maraming tao ang nahihikayat pumunta at kumain ditto. 4. **Presyo ng magkaugnay na produkto.** * **KOMPLEMENTARYO (COMPLEMENTARY GOODS)** * Ito ang mga produktong magkasabay na ginagamit. * Anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. * **PAMALIT (SUBSTITUTE GOODS)** * Ito ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. * Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ay nagdulot ng pagtaas sa demand ng pamalit na produkto. 5. **Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap:** * Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa mga susunod na araw, tataas ang demand para sa nasabing produkto sa kasalukuyan. ### Shift of the Demand Curve * Ang pagtaas ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. * Ang pagbaba ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser