REVIEWER ON ARALING PANLIPUNAN 9 2nd Semi-Quarterly Examination PDF
Document Details
Uploaded by ThumbsUpBouzouki
Tags
Summary
This document is a past paper for a 2nd-semester exam on Araling Panlipunan 9. The paper covers concepts related to demand and demand functions, with examples and problem-solving exercises. It is focused on economics and microeconomics for a secondary school level.
Full Transcript
**REVIEWER ON ARALING PANLIPUNAN 9** **2^nd^ Semi-Quarterly Examination\ ** **Demand-** Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba\'t ibang presyo sa isang takdang panahon. **Demand Function-** Ito ay isang *equation* na nagpapakita ng **ugnayan n...
**REVIEWER ON ARALING PANLIPUNAN 9** **2^nd^ Semi-Quarterly Examination\ ** **Demand-** Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba\'t ibang presyo sa isang takdang panahon. **Demand Function-** Ito ay isang *equation* na nagpapakita ng **ugnayan ng *Qd* at *P.*** ito ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variable: ang **P** na kumakatawan sa **presyo** at nagsisilbing **independent variable** at ang **Qd** na kumakatawan sa **quantity demanded o bilang ng nais at kayang bilhin**, na siya naming nagsisilbing **dependent variable.** *Formula:* DF=[\$\\frac{\\text{Qd}\_{1 -}\\text{Qd}\_{2}}{P\_{1 -}P\_{2}}\$]{.math.inline} *Example:* *Qd~1~= 75* DF=[\$\\frac{75 - 25}{4 - 2}\$]{.math.inline} *Qd~2~= 25* DF=[\$\\frac{50}{2}\$]{.math.inline} *P~1~= 4* DF= 25 *P~2~= 2* **Ituring naman na unknown ang Qd~1~ at P~1~** Formula: DF=[\$\\frac{\\text{Qd}\_{1 -}\\text{Qd}\_{2}}{P\_{1 -}P\_{2}}\$]{.math.inline} Example: *Qd~1~= 75* *Qd~2~= 25* *P~1~= 4* *P~2~= 2* **Demand Schedule-** Ito ay isang chart o talaan na nagpapakita ng dami ng produkto na kayang bilihin ng mga mamimili sa iba't-ibang presyo. ![](media/image8.png)**Demand Curve-** Paglalapat ng datos mula sa demand schedule upang makabuo ng demand curve **Problem Solving** Kaarawan mo ngayon at binigyan ka ng 3,000 pesos ng iyong magulang para ilibre ang iyong mga kaibigan ng lunch sa Mcdo. Sa budget na 3,000 pesos, makakabili ka ng 40 mix-and-match meals na nagkakahalaga ng 79 pesos bawat isa. Samantalang sa kabilang banda, makakabili ka ng 30 single chicken meals sa halagang 99 pesos bawat isa. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Formula:** | DF=[\$\\frac{\\text{Qd}\_{1 | | | -}\\text{Qd}\_{2}}{P\_{1 | | | -}P\_{2}}\$]{.math.inline} | +===================================+===================================+ | **Qd1:** | 40 mix-and-match meals | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **P1:** | 79 pesos | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Qd2:** | 30 single chicken meals | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **P2:** | 99 pesos | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pagkompyut ng *Demand | DF=[\$\\frac{40 - 30}{79 - | | Function:*** | 99}\$]{.math.inline} | | | | | | DF=[\$\\frac{10}{- 20}\$]{.math | | |.inline} | | | | | | DF= -0.5 | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Ituring na unknown ang Qd1 at | -0.5= [\$\\frac{\\text{Qd}\_{1 - | | P1:** | 30}}{P\_{1 - 99}}\$]{.math | | |.inline} | | | | | | -0.5(P~1~-99) =Qd~1~-30 | | | | | | -0.5P~1~+49.5=Qd~1~-30 | | | | | | -0.5P~1~+49.5+30=Qd~1~ | | | | | | -0.5P~1~+79.5=Qd~1~ | | | | | | Qd= 79.5-0.5P | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Definition of Terms** **Inverse-** Isinasaad dito na magkasalungat ang ugnayan ng presyo sa quantity demand. **Substitution Effect-** kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ang mámimíli ay hahanap ng mas murang produktong maipapalit dito. *Halimbawa: Bumili ka ng mas murang siomai dahil tumaas na ang presyo ng dati mong binibili.* **Income Effect-** kapag mababa ang presyo ng produkto mas nagiging malaki ang kakayahan ng kíta ng mámimíli na makabili ng produkto. *Halimbawa: Nagkaroon ng December Sale sa isang mall kaya naman pinili mong mamili* **Inferior Goods-** Inferior goods tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita. *Halimbawa: Tumaas ang iyong posisyon sa iyong trabahao kasabay nito ang pagtaas ng iyong sahod kaya naman mas pinili mo ng bumili ng mga pagkaing hindi mo pa natitikman dati tulad ng steak, salmon, atbp* **Normal Goods-** Kapag dumami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. *Halimbawa: Dahil sa pagtaas ng iyong sahod, hindi mon a binibili ang mga produktong mura tulad ng mga de lata o canned goods tulad ng sardinas at mga instant noodles tulad ng pancit canton* **Elastic-** Ang elastic ay uri ng elastisidad na kung saan hindi ito pinaglalaanan ng malaking budget sapagkat hindi naman ito kailangan *Halimbawa: Mga Wants o Kagustuhan tulad ng Luxury Goods* **Inelastic-** Ang elastic ay uri ng elastisidad na kung saan ito ay pinaglalaanan ng malaking budget sapagkat ito ay pangunahing kailangan. *Halimbawa: Mga Needs o Pangangailangan tulad ng Bahay, Pagkain, Damit, atbp.* **Market Demand-** Ang market demand ay ang kabuuang demand ng isang produkto o serbisyo. Ito ang pinagsama-samang dami ng demand ng bawat indibidwal sa naturang produkto o serbisyo. Ito ay sinusukat upang matanto ang dami ng produksyon at ang wastong pagpepresyo ng mga produkto. **Ceteris Paribus-** Ito ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay "all other things remain constant" o walang ibang salik na nagbabago. **Presyo lamang ang nakaaapekto sa Quantity demand**. **MGA SALIK NA NAKAAPEKTO SA DEMAND** - **Panlasa-** Nakakaapekto ang pagbabago ng panlasa ng mga mamimili sa demand ng isang produkto. Ang pagkahilig ng mga tao sa mga imported na produkto at ang pagkasawa sa isang-produkto ay halimbawa nito. - **Kita**-Dahil ang salapi na natatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto o serbisyo ay tinatawag na kita. Ito ang basehang ng pagtakda ng budget ng pamilya. Pinagkakasyaang kinikitang salapi pagbili ng mga bagay na kailangang matamo. - **Populasyon-**Nakakaapekto ang populasyon kapag ang dami ng tao ay naglalarawan ng nagtakdang demand, kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas atingdemand sa ibat-ibang produkto. - **Ekspektasyon**-Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang nangyayari sa ating bansa, ang mga konsyumer ay nag-iisip na maaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa at pagtaas ng presyo ay maaring maganap tulad ng malawakang pagbaha, bagyo, lindol, landslide, tsunami, atbp. - **Okasyon**-Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga pilipino ang ipagdiwang ang iba't ibangokasyon na dumarating. Pinahahalagaan natin ang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay, kaya bawat selebrasyon tumataaas ang demand sa mga produkto na ayon sa okasyong ipinagdiriwang tulad ng pasko, bagong taon, birthday, binyag, atbp. **Note: Please bring calculator and coloring materials during the exams. Strictly no borrowing of materials.** ![](media/image9.png)***\"To everyone with a dream, know that your dreams are valid, and on your path, you are never denied, and only redirected.\" - Sir Jedi***