Mga Aralin sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Ikalawang Markahan Grade 7 PDF
Document Details
Uploaded by PeaceableArgon8473
Sariaya Institute Child Development Center
Tags
Related
- Aralin 6-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pangkapuluang Timog-Silangang Asya PDF
- Ang Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo - Pag-aaral ng Kasaysayan
- Paunang Panalangin at Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo (PDF)
- AP7 MATATAG Q2 Week 1 - Kolonyalismo at Imperyalismo with Unang Misa PDF
- Aralin sa Gabay sa Pag-aaral ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Tagalog PDF
- Ang Kolonyalismo at Imperyalismo ng Kanluranin sa Timog Silangang Asya PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa kolonyalismo at imperyalismo. Tinatalakay nito ang kahulugan at katangian ng mga konseptong ito, kasama ang mga layunin, gawain, at posibleng mga katanungan.
Full Transcript
IKALAWANG MARKAHAN KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA ARALIN 5 Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo LAYUNIN: Nalalaman ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo Naipaghahambing ang una at ikalawang yugto ng imperyalismong Kanlurani...
IKALAWANG MARKAHAN KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA ARALIN 5 Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo LAYUNIN: Nalalaman ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo Naipaghahambing ang una at ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin PAGBABAHAGI: Ano ang kaya mong gawain para maipagtanggol o mabigyan ng proteksyon ang bansa na iyong kinabibilangan? KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO Ang kolonyalismo at imperyalismo ay magkaugnay ngunit may kani-kaniyang kahulugan at katuturan. Ang dalawang konseptong ito ay may kinalaman sa pagpapalawak ng impluwensiya ng isang bansa, pagkontrol sa teritoryo, na isinasagawa sa magkaibang paraan at hangarin. KOLONYALISMO Ang kolonyalismo ay tumutugon sa gawing pagtatamo, pagtatakda ng panirahan, at pagsasamantala ng isang makapangyarihang o dominanteng bansa. Pangunahing layon nito ay ang pagtatatag at pagkontrol sa pampolitika, pang ekonomiya at pangkulturang kaayusan ng isang bansa. Nagaganap ito sa pamamagitan ng pisikal na pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa mas mahinang bansa hanggang sa ito ay tuluyan nang maimpluwensiyahan. Karaniwang nagaganap ang kolonisasyon sa sumusunod na paraan: Pagpapadala ng mga kolonyalistang bansa ng pangkat ng mga maninirahan sa mga inokupang teritoryo. Pagsasamantla ng mga kolonyalista sa likas na yaman ng bansang inokupa Sapilitang pagpapatanggap ng mga kolonyalista ng kanluran , wika, at pamantayang lipunan sa mga katutubong populasyon Tuwirang pagkontrol sa mga kolonya TUWIRAN AT HINDI TUWIRANG KOLONYALISMO TUWIRANG KOLONYALISMO Ito ay kilala rin sa tawag na pormal o kolonyalismong teritoryal. Ito ay tumutukoy sa tuwirang pagkontrol ng isang kolonyalistang bansa sa teritoryo at estrukturang administratibo o pamahalaan ng sinasakop na teritoryo. HINDI TUWIRANG KOLONYALISMO Ito ay kilala rin sa tawag na impormal o kolonyalismong pang-ekonomiya. Ito ay tumutukoy sa pagmamanipula ng kolonyalistang bansa ang ekonomiya, politika, at kultura ng kolonya upang mapakinabangan ang yamang likas nito at tiyak na makuha ang hinahangad na interes. IMPERYALISMO Ang imperyalismo ay tumutukoy sa alituntunin o ideolohiya ng pagpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ng isang bansa sa iba pang teritoryo o bansa. Mas higit na mas malawak din ang konsepto ng imperyalismo kumpara sa kolonyalismo. IMPERYALISMO Ang imperyalismo ay tumutukoy rin sa paglikha ng isang imperyo na binubuo ng ilang teritoryo o mga bansa sa labas ng hangganan ng isang bansang makapangyarihan at pagpapalawak ng pangingibabaw nito. IMPERYALISMO Ang imperyalismo ay maaaring maganap sa pamamagitan ng hindi tuwirang pagkontrol ng isang kolonya. Sa kasalukuyan ang imperyalismo ay kinatawan ng konsepto ng neokolonyalismo. IMPERYALISMO Ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa ekonomiya at politikal na alituntunin ng isa pang bansa nang hindi naganap ang direktang pananakop dito. Aktibiti: Sagutan ang apat na katanungan sa pahina 145 ng iyong aklat sa pamamagitan ng pag- aanlisa sa larawan na nasa ika 144 na pahina. RUBRIKS Nangangailan Natatangi Mahusay Umuunlad Pasimula gan ng Pamantayan 5 4 3 2 Pagsasanay 1 Kalidad ng Napaka Mahusa Matatang Kailang Mali at Pagpapaliw husay y ang gap ang ang kulang ang anag ng pagpali pagpaliw isaayos pagpapaliw pagpap wanag anag ang anag aliwana pagpap g aliwana g Ang Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Ang unang yugto ng imperyalismo ay tumutukoy sa panahon ng paggagalugad, pagpapalawak, at pagtatag ng mga kolonya sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig noong ika-15 hanggang ika-17 siglo. Ang unang yugto ng kolonyalismo ay kinilala ring Age of Discovery kung kailan nahimok ang mga Europeo na magtamo ng yaman at katanyagan, kasabay ng pagpapalaganap ng Katolisismo. Dito din naganap ang mahahalagang pagsulong sa kaalaman sa nabigasyon, paggawa ng mga barko at paglaganap ng kaalaman tungkol sa heograpiya na nagbigay ng lakas ng loob sa mga Europeo na makipagsapalaran sa labas ng kani- kanilang hangganan at maggalugad ng mga bagong teritoryo. Saklaw rin ng panahong ito ang pagkakatatag ng mga Europeo ng mga kolonya sa India at higit sa lahat, ang pagkakatatag ng Portugal ng kauna- unahang kutang maritimo sa TSA ng masakop nito ang sultanato ng Malacca noong 1511. Ang unang yugto ng imperyalismo ay nagtapos nang angkinin ng mga British ang Kingdom of Kandy, isang monarkiya sa pulo sa Sri Lanka, Timog Asya noong 1815 at itatag ng mga British ang kolonya ng Singapore noong 1819. Samantalang kung susuriin ang unang yugto ng kolonyalismo ang naglatag ng pundasyon ng pagkakaugnay ng mga bansa. Sa pagkakataong makatuklas ng mga bagong lupain, ng mga Europeo ay nagtatag ng mga pangkalakalang kuta at panirahan sa mga estratehikong lokasyon. Ang unang yugto din ng kolonyalismo ang naglatag ng batayan sa pagtatatag ng malalawak na imperyo sa daigdig. Nakatulong din ito sa pagpapalaganap ng wika, relihiyon at kulturang Europeo sa buong daigdig. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo Tulad ng unang yugto, ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay pinasigla nang magkahalong tunggaliang politikal, mga dahilang ideolohiya, pangangailangang pang-ekonomiya, at pag-unlad ng teknolohiya. Ang panahong ito ay tinaguriang panahon ng high imperialism o kasagsagan ng imperyalismo bunsod ng pagpapaligsahan ng mga bansang kolonyal sa pag-angkin ng mga lupain lalo na rehiyong ng TSA at Africa. Ang pangangailangang pang- ekonomiya pa rin ang pinakamahalagang dahilan ng ikalawang imperyalismo. Sa panahong ito, mahalaga ang pangangailangan ng mura at tiyak na mapagkukunan ng mga produktong pagkain, hilaw na materyales, mineral at iba pa. Naging mahalaga rin sa panahong ito ang prestihiyosong kalagayan ng isang bansang makapangyarihan. Sa panahong ito, hindi nasolo ng Britain ang paghahangad na maging makapangyarihang global. Umusbong at nakisali sa mga datihang imperyalista ang Germany, Estados Unidos, Japan, Italy, at Russia. Nakipag- sabayan ang mga bagong teknolohiya na nagpabilis sa bagong imperyalismo. Ang Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas Representative colonial ang ginamit na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng gobernador sa kolonya bilang puno ng administratibong kolonyal. Ang Gobernador ang siyang nangangasiwa sa pagtatalaga ng batas, pagbubuwis, at nagdedesisyon sa mga bagay na nakakaapekto sa bayan. Taong 1565 noong tuwirang pamahalaan ng mga Espanyol ang Pilipinas. Gamit ang patakarang asimilasyon, ipinangaral ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon, sining, eskultura,pagpipinta, musika pati na pang araw-araw na gawi. Dahil dito, nakuhang mapangibabaw ng mga Espanyol ang kanilang lahi sa bansa. Sila din ang umukopa sa matataas na posisyon sa simbahan at pamahalaan sa bansa. Samantalang dahil sa layo ng Espanya sa Pilipinas, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng Viceroy o gobernador ng Mexico na noon ay kolonya rin ng Espanya. Nang makamit ng Mexico ang kasarinlan noong 1821, inorganisa ng mga Espanyol ang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng gobernador-heneral na siya ring namuno sa Royal Audiencia. Ang Royal Audiencia ay a ng nagsisilbing korte ng Espanya pati na ng imperyo nito. Nagtalaga din ang hari ng konseho na siyang nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa kaniyang mga sakop na bansa. Ang Pilipinas ay pinamahalaan sa pamamagitan ng mga batas na likha at mula sa Espanya na para sa kabutihan lamang ng kinatawan nito sa kolonya. Sa ilalim na pamahalaan na ito ang mga Pilipino ay walang karapatang mag-aral at tanging sa mababang posisyon lamang sa pamahalaan gayundin ang kanilang kalagayan at kahilingan ay hindi lubusang pinansin. Sinimulan din ng mga Espanyol ang sistemang Reduccion at Plaza complex. Sa ilalim ng sistemang reduccion at plaza complex ang mga katutubong naninirahan sa maliliit at magkakahiwalay na pamayanan ay sapilitang inilipat sa mga tirahang malapit sa simbahan, na naging bayan o poblacion. Ito ay kanilang ginawa upang mapadali ang pamamahala sa mga katutubong pinagsama-sama sa pagbuo ng isang poblacion kung saan dinig ang tunog ng kampana ng simbahan. Ang pagtunog ng simbahan ang nagiging hudyat ng isang pagtitipon ng mga Pilipino na kung minsan ay nagiging tanda din ng mga okasyong may kinalaman sa Katolisismo. Pinasimulan din ng mga Espanyol ang sistemang encomienda na isang sistemang piyudal kung saan ang isang bahagi ng lupain kasama ang naninirahan at yamang likas nito ay ipagkakaloob sa mga Espanyol bilang gantimpala sa serbisyo sa hari. 12 oras ding pinagtatrabaho ang mga Pilipino sa loob ng isang araw sa loob ng anim na araw sa isang linggo. Ipinatupad din nila ang sistemang polo y servicio kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang nasa edad 18 hanggang 60 sa loob ng 40 na araw. Sa mga panahon ito ang pangkalakalang ugnayan ng Pilipinas ay nakasentro lamang sa Mexico sa kapakinabangan ng mga Espanyol. Ang monopolyo ng tabako na itinatag ni Jose Basco Y Vargas, ika-53 na gobernador heneral ng Espanya sa Pilipinas ay matagumpay na nagpayaman sa Espanyol sa kapinsalaan ng mga Pilipino. Inabuso ng mga Espanyol ang mga mamamayang Pilipino na may pataniman ng tabako. Pinamahalaan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 na taon. Sinikap ng mga Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan hanggang sa maganap ang digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. GOODLUCK and GOD BLESS!