Mga Tanong sa Tulang "Isang Dipang Langit" PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong at sagot tungkol sa tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez. Ang mga tanong ay nasa anyong pagpipilian. Ito ay magandang gamitin sa pag-aaral at pagsusulit sa paksa.

Full Transcript

Q2 ARALIN: Isang Dipang Langit Panuto: Basahin at unawain ang tulang "Isang Dipang Langit" by Amado V. Hernandez sa pahina 99-100. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pangunahing damdamin ng tula? o A. Pag-ibig o B. Kalun...

Q2 ARALIN: Isang Dipang Langit Panuto: Basahin at unawain ang tulang "Isang Dipang Langit" by Amado V. Hernandez sa pahina 99-100. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pangunahing damdamin ng tula? o A. Pag-ibig o B. Kalungkutan at paghihirap o C. Kalayaan at kasiyahan o D. Pagkakaibigan 2. Ano ang ibig sabihin ng "isang dipang langit" sa konteksto ng tula? o A. Kalungkutan sa kulungan o B. Piraso ng kalangitan na kanyang natatanaw o C. Tagumpay sa buhay o D. Katahimikan ng daigdig 3. Ano ang sinisimbolo ng "kutang malupit" sa tula? o A. Kaligayahan o B. Kaibigang handang tumulong o C. Bilangguan o piitan o D. Pook ng kasayahan 4. Bakit ikinulong ang makata, ayon sa tula? o A. Siya ay nagkasakit o B. Siya ay may ginawang krimen o C. Siya ay nagrebelde laban sa mapaniil na liderato o D. Siya ay nawalan ng tahanan 5. Anong uri ng tanawin ang kanyang nakikita mula sa kulungan? o A. Mga puno at halaman o B. Sandipang langit at kalungkutan o C. Malawak na karagatan o D. Mga bundok at mga ilog 6. Ano ang kahulugan ng linyang "sintalim ng kidlat ang mata ng tanod"? o A. Mabilis gumalaw ang tanod o B. Mahigpit at mapanupil ang pagbabantay ng tanod o C. Natutulog ang tanod o D. Mabait ang tanod 7. Ano ang nararamdaman ng bilanggo tungkol sa kanyang pagkabilanggo? o A. Siya ay nalulungkot ngunit hindi nawawalan ng pag-asa o B. Siya ay masaya at nagpapasalamat o C. Siya ay walang pakialam o D. Siya ay nagagalit at nagmumukmok 8. Ano ang mensaheng nais ipahayag ni Hernandez sa linyang "ang tao't Bathala ay di natutulog"? o A. Ang tao at Diyos ay walang pakialam sa buhay o B. Walang sinumang kayang tulungan ang bilanggo o C. Ang tao at Diyos ay laging gumagawa ng paraan para sa katarungan o D. Pareho silang natutulog 9. Ano ang ibig sabihin ng "habang may Bastilya’y may bayang gaganti"? o A. Magiging masaya ang mga tao o B. Maghihiganti ang bayan sa mga mapaniil o C. Matutulog ang bayan o D. Hindi papansinin ng bayan ang Bastilya 10. Sa dulo ng tula, ano ang umaasa na mangyayari ang bilanggo? o A. Ang araw ng tagumpay at kalayaan o B. Ang pagbagsak ng araw o C. Ang kanyang pagbabalik sa kulungan o D. Ang pagdating ng kanyang pamilya 11. Ano ang ibig sabihin ng "linsil na puno" sa unang taludtod? o A. Isang masipag na lider o B. Isang mapanlinlang at mapang-abusong pinuno o C. Isang mabait na kaibigan o D. Isang banal na guro 12. Ano ang simbolismo ng "isang dipang langit" sa tula? o A. Kalayaan at pag-asa sa gitna ng piitan o B. Kalungkutan at paghihirap o C. Pagpaparusa at pagkakakulong o D. Pagkabigo sa buhay 13. Ano ang tinutukoy ng may-akda sa linya, "lubos na tiwalag sa buong daigdig"? o A. Siya ay naglalakbay o B. Siya ay walang kaibigan o C. Siya ay lubos na nahiwalay sa kanyang karaniwang buhay o D. Siya ay walang pag-asa 14. Ano ang sinasabi ng makata sa linyang "sa pintong may susi't walang makalapit"? o A. May tanod sa pintuan na mahigpit magbantay o B. May bisita ang may-akda o C. Binabantayan ng hayop ang pintuan o D. Madaling makatakas mula sa kulungan 15. Ano ang nararamdaman ng bilanggo sa linyang "ang maghapo'y tila isang tanikala"? o A. Kaligayahan o B. Pagkapagod sa paulit-ulit na araw o C. Kasiyahan sa tanikala o D. Pag-asa sa kalayaan 16. Anong imahe ang nililikha ng linya, "ang buong magdamag ay kulambong luksa"? o A. Masayang gabi sa kulungan o B. Pagtulog nang tahimik o C. Madilim at malungkot na gabi sa bilangguan o D. Masiglang selebrasyon 17. Ano ang ipinahihiwatig ng linyang "kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw"? o A. May nawawala sa kulungan o B. May nagaganap na paglisan o pagpanaw o C. May kasiyahan sa kulungan o D. May nagtatago sa kutang malupit 18. Ano ang ibig sabihin ng "ang tao't Bathala ay di natutulog"? o A. Walang tulog ang tao o B. Walang awa ang Diyos o C. Ang katarungan ay parating, kahit sa harap ng pang-aapi o D. Patuloy ang paglaban ng tao 19. Sa anong simbolo isinasalarawan ng makata ang kanyang pag-asa para sa kinabukasan? o A. Lumang batingaw o B. Kulungang may tanikala o C. Sandipang langit na puno ng luha o D. Gintong araw ng tagumpay 20. Ano ang pangunahing layunin ng may-akda sa pagsusulat ng "Isang Dipang Langit"? o A. Magbigay ng babala sa mga pulis o B. Ipagdiwang ang kanyang kalayaan o C. Iparating ang hirap at pag-asa ng isang bilanggo sa piitan o D. Magpasalamat sa kanyang mga tanod

Use Quizgecko on...
Browser
Browser