Filipino Ikalawang Markahan – Ang Aking Pag-ibig (Tulang Pandamdamin) PDF

Summary

This document is a set of Filipino literature notes/questions for the second marking period. It includes various topics relating to Filipino poems and stories and also questions. The document also includes an outline of the lesson plan.

Full Transcript

 Filipino  Ikalawang Markahan – Ang Aking Pag-ibig (Tulang Pandamdamin mula sa England) Ang Aralin hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba: Aralin 1 – Ang Aking Pag-ibig Aralin 2- Elemento ng Tula Aralin 3 -Matalinghagang Pananalita sa Tula Aralin 1 Ang Aking Pag-i...

 Filipino  Ikalawang Markahan – Ang Aking Pag-ibig (Tulang Pandamdamin mula sa England) Ang Aralin hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba: Aralin 1 – Ang Aking Pag-ibig Aralin 2- Elemento ng Tula Aralin 3 -Matalinghagang Pananalita sa Tula Aralin 1 Ang Aking Pag-ibig Kompetensing Lilinangin Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70) Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan. May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at patnigan. Ang soneto na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Ito ay may tiyak na sukat at tugma na kailangang isaalang-alang. Binubuo ito ng labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. Gawain 1.1 Lantad-Damdamin Panuto: Ilahad ang damdaming naghahari sa Awit Kay Inay at Ang Aking Pag- ibig. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sagutin ang sumusunod na mga gabay na tanong. 1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan? 2. Anong uri ng tula ang iyong napakinggan? 3. Bakit itinuring ng may-akda na nag-iisa lang sa mundo ang kanyang ina? 4. Punong-puno ba ng pag-ibig ang nilalaman ng tula/kanta? Patunayan ang sagot 5. Anong konklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong mapakinggan ang nasabing awit? 6. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kanyang tula? 7. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tulang Ang Aking Pag-ibig? 8. Anong paraan ang ginamit ng makata upang maging mabisa ang kanyang tula? 9. Ayon sa Bibliya may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag- asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli, ang pag-ibig. Ipaliwanag kung bakit itinuturing na pinakadakila sa lahat ang pag-ibig? Aralin 2 Kompetensing Lilinangin  Nasusuri ang mga elemento Elemento ng Tula ng tula (F10PB-IIc-d-72) Elemento ng Tula Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod. Tugma. Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong. Tono. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa. Talinghaga.Ito’y matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Panuto: Suriin ang elemento ng tulang Ang Aking Pag-ibig at Babang- Luksa gamit ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. (2 puntos bawat sagot) 1. Ang Aking Pag-ibig Aralin 3 Matalinghagang Pananalita sa Tula Kompetensing Lilinangin Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-IIc-d-70) ” Ang Pamana ni: Jose Corazon de Jesus Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. Ang Aking Pag-ibig Mula sa Ingles na “How Do I Love Thee” Sonnet 43 ni Elizabeth Barret Browning Ang Kariktan ng Tula Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa. Pagsanib ng Gramatika at Retorika Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag nang patayutay o tayutay Ang tayutay ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging maganda at makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag sa isang tula. Kaya’t mainam na magsanib ang gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga salita at pagkakabuo ng mga pangungusap na sasabayan ng matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula. Mga Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa. 2. Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. 3. Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag. 4. Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay. Panuto: Pumili ng isang matalinghagang pananalita na ginamit sa bawat saknong ng tulang Ang Aking Pag-ibig. Ibigay ang kahulugan at halimbawang sitwasyon na maaaring maiugnay mo dito. Gawin ito gamit ang H tsart. 1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. 3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin ka. Panuto: Salungguhitan ang matalinghagang pananalita/tayutay na makikita sa bawat saknong ng tula at tukuyin ang uri at ang kahulugan nito. (5 puntos bawat bilang) 1. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. (Ang Aking Pag-ibig) Uri ng Tayutay __________________________________________________ Kahulugan__________________________________________ 2. Para ng halamang lumaki sa tubig, Daho’y nalanta munting di madilig, Ikinaluluoy ang sandaling init, Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig. (Florante at Laura) Uri ng Tayutay __________________________________________________ Kahulugan_________________________________________ 3. Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod. (Saranggola ni Pepe) Uri ng Tayutay ____________________________________________________ Kahulugan___________________________________________

Use Quizgecko on...
Browser
Browser