First Quarter Examination in Araling Panlipunan 9 PDF

Summary

This is an examination in Araling Panlipunan 9, focusing on the first quarter's topic. It includes multiple choice questions covering various economic concepts and systems.

Full Transcript

DEPARTMENT OF EDUCATION DIVISION OF VICTORIAS CITY VICTORIAS NATIONAL HIGH SCHOOL VICTORIAS CITY, NEGROS OCCIDENTAL...

DEPARTMENT OF EDUCATION DIVISION OF VICTORIAS CITY VICTORIAS NATIONAL HIGH SCHOOL VICTORIAS CITY, NEGROS OCCIDENTAL ARALING PANLIPUNAN 9 FIRST QUARTER EXAMINATION Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay: a. pamamahala ng negosyo. b. pakikipagkalakalan. c. pamamahala ng tahanan. d. pagtitipid. 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat: a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan. b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig. c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao. d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao. 3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat? a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan? b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo? c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo? d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto? 4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang capital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito? a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa 5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon? a. Dinadaluhang okasyon b. Kagustuhang desisyon c. Opportunity cost ng desisyon d. Tradisyon ng pamilya 6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay: a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon. b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon. c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon. d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan. 7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan? a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap. b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa. c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita. d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa. 8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks? a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo. b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan. c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap. d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks. 9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito? a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman. b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa. c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig. d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa. 10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap. b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon. c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan. d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan. 11.Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng bansa? a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito. c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa. d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral. 12. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya? a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa. b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito. c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang- yaman ng bansa. d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. 13. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuser 14. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa? a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan. b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit. c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos nga pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. 15. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan. a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy 16. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng: a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser 17. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe? a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan. c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman. d. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig. 18. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy? a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano. b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan. c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman. d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain. 19. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan. b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan. c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan. 21.Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalaim ng komprehensibong control at regulasyon a. Prodyuser b. Konsyumer c. Pamahalaan d. Pamilihan 22. Maaring umiiral ang kakapusan sa mga pinag-kukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao at yamang kapital. Anu ang dahilan ng kakapusan? a. dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang yaman at walang katapusang pangangailangan ng tao b. tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa entreprenyur c. kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang sangkap, presyo, at timbang ng produktong binibili d. kapag bumubili ng labis-labis sa mga nangangailangan upang matiyak ang hindi siya mauubusan 23. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paanu ka dapat gumawa ng desisyon a. isinasaalang-alang ang reliyiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon b. isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan c. isinasalang-alang ang trade- off, opportunity cost sa pagdedesisyon d. isinasaalang-alang ang mga dinaluhang okasyon 24. Si Mang Karding ay isang Karpintero at siya ay kumikita sa bawat proyektong kanyang natatapos. Sa anong uri ng paggawa siya nabibilang at ano ang tawag sa kanyang kita? a. White-Collar Job, interes b. Blue-Collar Job, Kapital c. White-Collar Job, Tubo d. Blue-Collar Job, Sahod 25. Dapat bigyan pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya na: a. gumagamit ng produkto at serbisyo b. lumilinang ng likas ng yaman c. lumilikha ng mga produkto at serbisyo d. namamahagi ng pinag-kukunang yaman 26. Alin sa sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung pagbabatayan ang konsepto ng kakapusan? a. Ito ay tumutukoy sap ag-aaral upang matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakaapekto sa rasyonal na pagdedesisyon c. Ito ay ang pag-aaral ng tao at Lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan d. Dito masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan ng kanyang hinaharap 27. Maaring magdulot ng iba’t-ibang sulirananing panlipunan ang kakapusan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito? a. Maaring magdududlot ito ng pag-aaway, kaguluhan, at tungalian ng mga pangkat ng tao. b. Maari ito magdulot ng mataas ng presyo ng mga bilihin na makakabawas ng kakayahan ng mga mamimili na bumili ng mga produkto c. Maari ito magdudulot ng pag-init ng klima sa pangunahing dahilan ng mas malakas na bagyo at mahabang panahon ng El Nino at La Nina d. maari itong magpataas sa pagkakataon na kumita ang mga namumuhunan 28. Ang Trade-off ay ang pagpapkita o pagsasakripisyo ng isang bagay kaapalit ng ibang bagay samanatala ang opportunity cost ay ang haalaga ng bagay o nang best alternatib na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desiyon ( Case, fair, and Oster, 2012 ). Ano ang dahilan kung bakit may trade- off at opportunity cost? a. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao b. dahilan sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon c. dahil may umiiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbiyo d. upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke 29. Ang sumusunod ay maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, maliban sa _________________________ a. hindi maisakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo b. magiging pantay ang kontribusyon ng mga pinagkukunang -yaman sa lahat ng tao c. maaring malutas at mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang yaman d. magiging maayos ang badyet ng pamilya 30. Iayos ang herarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow 1. responsibilidad sa Lipunan 2. pangangailangan sa karangalan 3. pangangailangan sa sariling kaganapan 4. pisyolohikal at bayolohikal 5.pangangailangan sa seguridad a. 2,3,4,5,1 b. 1,2,3,4,5 c. 3,2,1,5,4 d. 4,5,1,2,3 31. Mahalaga ang paglikha ng mga produkto at serbisyo sa bawat salik ng produksyon. Ang bawat salik ay may kabayaran kapag ginamit tulad ng a. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa entreprenyur b. tubo sa may-ari ng lupa , sahod sa lakas paggawa, upa sa kapitalista , at interes sa entreprenyur c. upa sa kapitalista, sahod sa lakas paggawa , tubo sa may-ari ng lupa at interes para sa entreprenyur d. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur 32. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili a. kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakakroon ng sale b. kapag bumili ng Segunda mano upang makamura at makatipid c. kapag sumunod sa badyet at sinusuri ang sangkap , presyo, at timbang ng produktong binili d. kapag bumuli ng labis-labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi maubusan 33. Sino ang may akda ng “An Inquiry into the Nature and Causes of wealth of nation” a. Adam Smith b. Francois Quesnay c. Gloria Arroyo d. Francisco Balagtas 34. Batas na nagbibigay proteksyon sa mga mamimili a. Republic Act 7394 b. Republic Act 9473 c. Republic Act 3794 d. Republic Act 1012 35. Saan galing ang salitang Economiks a. Griyego b. English c. Nipunggo d. Chinese 36.Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon? a. tinataniman ng mga magsasaka b. patayuan ng mga imprastraktura c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon 37. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon? a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit b. maraming output ang mabubuo c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer 38. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng: a. paggamit ng mga hilaw na sangkap b. pagtayo ng mga pabrika c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto d. pagkamalikhain ng mga manggagawa 39. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya MALIBAN sa: a. puno ng inobasyon b. maging malikhain c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo 40. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho. a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon 41. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo? a. interes b. sahod c. subsidy d. tubo o profit 41. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”, alin sa sumusunod ang mga input nito? a. kagamitan, makinarya b. kahoy, kagamitan, makinarya c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy d. tabla, makinarya, teknolohiya 42. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo? a. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto. b. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo. c. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao. d. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto. 43. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job” ay________________. a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero d. nagtatrabaho sa malalaking kompanya 44. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto. a. enterprise b. kapital c. lupa d. paggawa 45. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo? a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao d. Hindi tiyak an gang pangyayari sa lipunan 46. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo? a. kukunti ang suplay b. marami ang suplay c. mataas ang presyo d. mababa ang presyo 47. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect? a. Hindi sumusunod sa uso b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista c. Binibili ang mga napapanahong gamit d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista 48. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao? a. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto c. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto d. Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita 49. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang? a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod b. Lumalaki ang ipon sa bangko c. Walang utang na kailangang bayaran d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo 50. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo? a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan GOOD LUCK ☺ INIHANDA NINA: FRANZ LEMUEL BUENAFE JONALYN CORRAL RICHALYN BALBOA LIZA FRONDA REYSON ESPINOSA

Use Quizgecko on...
Browser
Browser