Araling Panlipunan 9 Exam Reviewer 20240930 PDF
Document Details
Uploaded by ModernFibonacci9369
Tags
Related
- ARALING PANLIPUNAN 2024 | QUARTER 1 | MA'AM RAZON | PRODUKSYON AT PAGKONSUMO PDF
- AP Reviewer, 1st Quarter PDF
- REVIEWER IN ARALING PANLIPUNAN 9 QUARTER 1 PDF
- Reviewer for First Quarter Araling Panlipunan 9 PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9- EKONOMIKS 2ND PERIODIC EXAM REVIEWER (PDF)
- Reviewer in Araling Panlipunan 9 - Economics PDF
Summary
The Araling Panlipunan 9 Exam Reviewer is a document detailing concepts and information about economics and scarcity; it includes topics such as economic concepts, types of economics, and the impact of economics on daily life. This reviewer also includes review material on topics like production and cost.
Full Transcript
Araling Panlipunan 9 Exam Reviewer Aralin 1 : Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks Ekonomiks - ito ay ang sistematikong pag-aaral kung paano tinutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan base sa mga nakahandang pinagkukunang-yaman sa kapaligiran. Ito ay magmula sa salitang Griyego na oikos na na...
Araling Panlipunan 9 Exam Reviewer Aralin 1 : Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks Ekonomiks - ito ay ang sistematikong pag-aaral kung paano tinutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan base sa mga nakahandang pinagkukunang-yaman sa kapaligiran. Ito ay magmula sa salitang Griyego na oikos na nangangahulugang tahanan at nomos na nangangahulugang pamamahala. Hindi maipagkakaila na mayroong limitado o kapos na pinagkukunang-yaman (scarce resources) ang lipunan kung kaya't ang bawat isa ay may responsibilidad na maging matalino at maparaan sa pagdedesisyon kung paano gagamitin at ibabadyet ang mga likas yaman o resources. *Ekonomista* Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa pagtatalakay ng pakikipagsapalaran ng tao sa kanyang kapaligiran. Ito ay nauukol sa desisyon na ginagawa ng mamamayan, sambahayan, pamayanan, at pamahalaan kung paano gagamitin ang kapos na pinagkukunang-yaman para sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao (unlimited needs and wants). Mga batayang Katanungan sa Ekonomiks 1. Anong produkto ang gagawin? Gaano karami ang gagawin? 2. Paano gagawin o lilikhain? 3. Para kanino gagawin? Sangay ng Ekonomiks 1. Maykroekonomiks - Ang Maykro ay salitang nanggaling sa salitang ugat na Griyego, "mikro" na ang kahulugan ay maliit. Pinag-aaralan sa maykroekonomiks ang maliliit na yunit ng lipunan. Ang maykroekonomiks ay nakatuon sa kilos, gawi, at anumang pagpapadya ng sambahayan, bahay kalakal, industriya, at pamilihan. Ang isang halimbawa ng pinag-aralan sa maykroekonomiks ay kung paano magdedesisyon ang isang nanay sa pagbabadyet ng bibilhin sa pamilihan. 2. Makroekonomiks - Ang Makro ay salitang nanggaling sa salitang ugat na Griyego, "makro" na ang kahulugan naman ay malawak. Pinag-aralan dito ang kabuuang galaw ng ekonomiya. Ito ay nakatuon sa pag-aaral ng pagbaba at pagtaas ng kabuuang output at hanapbuhay ng ekonomiya. Tinatalakay din sa makroekonomiks ang interaksyon ng sambahayan, kompanya, pamahalaan, at pandaigdigang pamilihan. Ang mga solusyon sa krisis pang-ekonomiya na pinag-uusapan ng miyembro ng pamahalaan ay halimbawa ng makroekonomiks. Positibo at Normatibong Ekonomiks Ang positibong ekonomiks o positibong pahayag ay tuwirang paglalarawan ng mga katotohanan sa ekonomiya gamit ang mga konsepto, teorya o pattern ng mga pangyayari sa kasaysayan. Maaaring suportahan ng mga siyentipiko ang pagbibigay ng positibong ekonomiks ang ekonomista. Halimbawa: "Kapag lubos na tumaas ang presyo ng mga Iphone 12, bababa ang bilang ng mabibili nito." Ang normatibong ekonomiks o normatibong pahayag namna ay ang pagbibigay ng payo base sa mga nasaksihan ng mga ekonomista gamit ang datos na nakalap. Kumpara sa positibong ekonomiks, mas mahirap bigyan jg pagpapatunay ang normatibong ekonomiks. Kahalagahan ng Ekonomiks Magiging matalas ang pagsusuri at pag-unawa sa mga bagay na may kaugnayan sa pangkabuhayang pag-unlad. Uunlad ang kaisipang kritikal at pag-unawa sa mga suliraning agrikultura at komersyal ng bansa slna nakakaapekto sa kabuhayan at pagsulong nito. Mapapabuti ang taglay na karununyang pagmamamayan at kaisipang may kamalayan sa importansya ng oangangalaga sa likas na yaman. Maisasakatuparan ang kamalayan at kaisipang pagtangkilik sa sariling produkto tungo sa ikauunlad ng lokal na pamilihan. Nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makatulong sa pagpapalago ng ekonomoya sa paraang akma at sapat dahil sa pagsasavuhay ng mahahalagang konseptong pang- ekonomiya. Aralin 2 : Kakapusan Kakapusan at Kakulangan Kakapusan - tumutukoy sa limitasyon o hangganan sa mga produktong pang-ekonomiya. Nagiging dahilan ito upang humanap ng iba't ibang paraan upang maging lubos ang paggamit ng yaman ng bansa. Kakulangan - isa ring konseptong ginagamit sa pagsusuri at paglalarawan ng mga economic phenomena. Ito ay ang pansamantala o panandaliang pagkukulang sa suplay ng mga produkto o serbisyo, habang papataas o paparami naman ang bilang ng mga nais gumamit nito. Konsepto na may kaugnayan sa Kakapusan; Choice, Opportunity Cost, at efficiency Choice - Ang kakapusan ang nagbibigay kadahilanan sa bawat isa na magkaroon ng pagpili o choice. At dahil bahagi ng reyalidad na hindi natin makukuha ang lahat ng ating nanaisin, namimili tayo ng mga produkto o serbisuo na sa tingin natin ay mas magbibigay ng pakinabang. Opportunity Cost - Ito ay isang produkto o serbisyo ay ang halaga o pakinabang na isinasakripisyo para makamit ant isa pang produkto o serbisyo. Efficiency - Ang kakapusan ay ang reyalidad na limitado ang resources para sa lahat. Dahil dito, dapat na mas maging matalino ang bawat isa sa pagdedesisyon sa paggamit ng mga resources. Production Possibility Frontier ( PPF ) Ang Production Possibility Frontier (PPF) o kilala rin sa tawag na Production Possibility Curve (PPC) ay isang ilustrasyon na nagpapakita ng kumbinasyon ng produkto o serbisyo na maaaring magawa ng isang ekonomiya sa takdang pagkakataon gamit ang mga salik ng produksyon -- lupa, lakas-paggawa o labor, kapital, st entreprenyur, na mayroon ito. Dalawang Imperensya sa PPF : Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain. Halimbawa, gulay at cell phone. Ang pamayanan ay may limitadong pinagkukunang-yaman (fixed supply). Posibilidad Gulay (milyon) Cell Phone (milyon) A 50 0 B 37.5 10 C 25 18 D 12.5 24 E 0 28 Plano A - kung saan lahat ng salik ng produksyon ay magagasta para makalikha ng 50 milyong yunits ng gulay kaya walang magagawang cellphone. "Ceteris Paribus", isang latin na parilala na ang ibig sabihin ay, "Other things being equal". Plano B - makakagawa ng 37.5 milyong yunits ng gulay at 10 milyong yunits ng cellphone. Plano C - makakagawa ng 25 milyong yunits ng gulay at 18 milyong yunits ng cellphone. Plano D - makakagawa ng 12.5 milyong yunits ng gulay at 24 milyong yunits ng cellphone. Plano E - walang produksyon ng gulay at 28 milyong yunits ng cellphone. PPF AT EFFICIENCY - Ang mga punto (A hanggang E) ay kumakatawan sa kumbinasyon ng produksyon ng gulay at cellphone ng bansa gamit ang lahat ng resources. Ibig sabihin nito ag efficient ang kumbinasyon ng produksyon. Ang punto F at lahat ng nasa loob ng PPF ay kumakatawan sa kumbinasyon ng produksyon ng gilay at cellphone na kayang magawa, ngunit nangangahulugang hindi lubos na ginamit ang lahat ng salik ng produksyon. Samakatuwid, ang mga kumbinasyon ay inefficient. PPF AT KAKAPUSAN - ang punto G at lahat ng nasa labas ng PPF ay kumakatawan sa mga kumbinasyon na hindi kayang makamit o infeasible, gamit ang mga salik ng produksyon sa naitakdang panahon. Sa kakapusan ng mga materyales sa pagprodyus, mas mainam kung ang mga kumbinasyon ay ang mga nasa kurba. Nangangailangan ng karagdagang teknolohiya at salik ng produksyon para makamit ang punto F at lahat ng kumbinasyong labas ng PPF. PPF, CHOICE, AT OPPORTUNITY COST - Ang PPF ay kumakatawan sa lahat ng posubleng kumbinasyon ng gulay at cellphone na kayang makamit ng bansa. May choice ang bansa kung ano sng mas makakainam base sa pangangailangan st kagustuhan ng mga tao. Sa pagpili ng posibilidad na kumbinasyon, magiging malinaw na mayroong opportunity cost sa kahit ano kang punto sa PPF. KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN Kapag mataas ang halaga ng pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, prutas, gulay, langis, at iba pang pangunahing ani at produkto. Kapag mas mataas nang mahigit ang demand ng produkto kaysa sa suplay nito sa pamilihan. Kapag umangat ang antas ng kahirapan o poverty rate sanhi ng sakit at kagutuman. Kapag umaangkat ng ibang produkto mula sa karatig-bansa ang pamahalaan para matugynan ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Kapag tumataas ang bilang ng mga migrant workers na tumutungo sa ibang bansa para maghanapbuhay. Maraming suliranin ang nagiging kaakibat ng kakapusan bilang pangunahing isyung pang- ekonomiya. Dumadami ang kumpetisyon ng mga may-ari ng business at kung ano mang alirab dagil sa kakapusan. Tumataas ang crime rate, dumadagsa ang samu't saring sakut at iba pang mga epekto ng problemang ito. Kaya nararapat lamang na magtulungan ang bawat miyembro ng lipunan para tumugon sa isyung ito, bilang isang reyalidad na bawat isa at may walang hanggang pangangailangan at kagustuhan. Nararapat din ang matalinong pagpapasya ng bawat isa kung ano, paano, para kanino, ar gaano karamia nt dapat na magawang mga produkto o serbisyo. Kailangan ajg kasiguruhan na ang limitadong pinagkukunang-yaman at magagamit nang tama ayon sa pangangailangan ng bawat mamamayan. PARAAN UPANG MALABANAN ANG KAKAPUSAN Palakasin ang labor o lakas-paggawa ng bansa upang maging mahusay at magamit abg buong kapasidad ng mga manggagawa ng produkto o serbisyo tungo sa ikakabuti ng ekonomiya. Pag-aaral ng mga makabagong pamamaraan at pagpapaunlad ng teknolohiya upang umangat ang antas ng produksyon. Pagbuo ng mga polisya na magpapataas ng antas ng interes ng mga manggagawa at kumpanya tungo sa mas mahusay na produksyon. Pagkakaroon ng mga striktong panuntunan sa paggamit ng mga likas-yaman (kasama ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga ecological areas ng bansa) na pinagkukunan ng raw materials sa paggawa ng produkto. Paghikayat sa mga mamamayan na maging mapanuri sa mga paggamit ng pinagkukunang- yaman at maging matalino sa pagdedesisyon sa paggasta ng mga resources gamit ang social media. Aralin 3 : Pangangailangan at Kagustuhan Bawat isa sa pamayanan ay mayroong mga pangangailangan dapat matugunan para sa kanyang kagalingan. Mula sa limitadong resources na nagiging sanhi ng mga suliraning pang- ekonomiya, gumagawa ang mga mamamayan ng pagpapasya at pagsasakripisyo ng ilang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na mahalaga sa panga-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Mga halimbawa nito ay pagkain, damit, tirahan, at maayos na kalusugan. Ang kagustuhan naman ay ang pagnanais na lahat ng tao na mas maging magaan, madali, at marangal ang kanyang buhay kaya hindi sapat sakanya ang pagkain, damit, at tirahan lamang. Teorya ng Pangangailangan. Ayon sa kilalangan sikologong Abraham Maslow, patuloy na napupunan ng bawat tao ang mga pangunahin o batayang pangangailangan nito, mas naghahangan itong mapunan din ang matataas na antas ng pangangailangan o higher needs. Sa kanyang artikulo na may pamagat na "Theory of Human Motivation", siya ay nagbigay ng isang herarkiya ng pangangailangan ng tao. Tinawag itong Maslow's Hierarchy of Needs. Pangangailangang Pisyolohikal at Biyolohikal - ito ang pinakapayak na pangangailangan ng tao kaya't sa unang baitang ng herarkiya iti napapabilang. Kasama sa mga pangunahing pangangailangan ang hangin, pagkain, tubig, kasuotan, tahanan, patulog, at iba pa. Kapag hindi napunan ang mga pangangailangan sa baitang nito ay pwedeng magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay. Pangangailangan sa Kaligatasan at Seguridad - Sa ikalawang baitang ng herarkiya matatagpuan ang pangangailangan matapos ang pagtugon sa unang antas. Kabilang dito ang paghahangan ng tao na magkaroon nang maayos at permanenteng hanapbuhay, sapat na ipon at ari-atian, at maging ligyas sa animang kapahamakan o sakuna. Pangangailangang Panlipunan - ang ikatlong baitang ay nagsasabiny kailangan ng tao ang pagmamahal, kapanatagan ng loob, at pagtanggap mula sa pamilya, kaibigan, katrabaho o lipunan. Kabilang narin dito ang pagkakaroon ng kasintahan at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Kailangan ng bawat isa na makopaghalubilo sa kanyang kapwa at makipag- ugnayan sapagkat mayroong pangangailangan ang tao na hindi niya kayang tugunan nang mag-isa. Pangangailangan sa Karangalan - Matatagpuan sa ikaapat na baitang ang pangangailangan ng tao na mabigyan ng galang at Karangalan sa mga nagawa sa buhay. Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang kahalagahan sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao. Pangangailangan sa Sariling Kaganapan - Ito ang pinakamataas na baitang ng pangangailangan ng tao. Ang pangangailangang ito ay nakapokus sa lubusang paggamit ng tao ng kanyang mga abilidad at kakayahan. Hindi natatakot ang isang tao na mapag-isa o kaya makihalubilo sa iba. Ang taong nasa ganitong antas ay lubos ang pang-unawa sa mga makabuluhang bagay sa buhay. MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN Kita - malaki ang naidudulot ng kita ng isang tao sa pagtugon nito sa mga pangangailangan at kagustuhan. Kung maliit ang kita ng isang tao, napipirmi na lamang ito na tumugon sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan, samantalang naghahangad naman ng mas maraming damit at pagkain at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Mas marami ring mga kagustuhan ang napupunan ng mga taong may kakayahan na magkonsumo nito. Edad - nagbabago ang pangangailangang biyolohikal at pangkalusugan ng isang tao habang tumatanda. Magkaibang lubos ang pangangailangan ng kabataan kumpara sa mga matatanda. Ninanais ng mga matatanda na kumain ng mas masustansyang pagkain para mas lumakas ang kanilang katawan samantalang ang mas nakararaming kabataan ay nakapipili ng kahit anong pagkain base sa kanilang panlasa. Antas ng Edukasyon - Mas nagiging masusi ang pagsusuri sa pangangailangan at kagustuhan ng mga taong may lubos na pag-unawa sa konsepto ng pagkonsumo. Mas payak ang pangangailangan at kagustuhan ng taong may payak na antas ng pinag-aralan. Panlasa - ito ay maaaring maiugnay sa kinahihilingan at kagustuhan ng tao na nahubog sa kinagisnan nito. Iba't ibsng istilo ang mayroon ang bawat isa -- sa pananamit, sa istilo ng gupit sa buhok, sa pagkain, sa musika, sa mga pelikuka't palabas, at iba pa. Katayuan sa lipunan - ito Karaman ang pinagtratrabahuhan ay salik din sa pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas ng posisyon sa kanilang hanapbuhay ay maghangad ng sasaktan sapagkat makakatulong ito sa kanyang obligasyon sa trabaho. Ang mga may payak na hanapbuhay ay maaaring kuntento na sa mga pampublikong sasakyan. Panahon, Kapaligiran, at Klima - ang kapaligirang pisikal ay nakakaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung malapit sa mga sakahan at kapatang ang tirahan ng isang tao, maaaring pagsasaka ang hanapbuhay nito. Samakatuwid, malimit na mga kagamitan o materyales sa pagsasaka ang kailangan nito. Ang mga taong naninirahan sa mga malalamig na lugar ay nangangailangan ng heater para labanan ang lamig ng klima. Samantalang, nangangailangan naman ng electric fan, cooler, at air conditioner ang mga taong naninirahan sa mga maiinit na lugar. Nakabase rin sa panahon ang pangangailangan. Halimbawa nito ang pangangailangan ng bisiklita, motorcycle, scooter, at iba pang pampribadong sasakyan sa panahon ng pandemya para mas mapabilis ang pagbyahe, dahil sa pagpapatupad ng panuntunan na "physical distancing" sa mga pampublikong transportasyon. Aralin 4 : Alokasyon ALOKASYON- Ang memanismo ng pamamahagi ng mga resources sa iba’t ibang gamit upang tumugon sa pangunahing problema sa kakapusan ay tinatawag na alokasyon. SISTEMANG PANG EKONOMIKO- Ang sistemang pang-ekonon yo ay isang institusyunal na kaayusan at paraan para mapabuti ang paraan ng produksyonmat paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang ekonomiko ng isang lipunan. Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya TRADISYUNAL NA EKONOMIYA- Nakabatay sa mga paniniwala, kaugalian, tradisyon, at kultura ng mga tao sa lipunan. Sa sistemang ito, ang paraan ng paggawa at paghahatid ng mga produkto at serbisyo ay nagmumula sa mga nakagisnan at matagal nang ginagawa ng mga tao. COMMAND ECONOMY- Ang Estado ang nangangasiwa at may-ari ng pangunahing salik ng produksiyon pati na rin ng pangunahing industriya. Ang Estado rin ang may pagpapasya kung magkano ang sahod ang nais nilang ibigay para sa mga manggagawa nito gamit ang kanilang tingin sa payak na pangangailangan ng mamamayan. MARKET ECONOMY- Ang sistemang pang-ekonomiya ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan (free market). Ang patakaran sa market economy ay batay sa doktrinang laissez faire, mula sa wikang parnses na ang ibig sabihin ay "hayaan na". Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili MIXED ECONOMY -Dito ay malayang nakagagalaw ang mga konsyumer at prodyuser na may pag-gabay ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patakarang pangkabuhayan. Kalayaan sa Ekonomiya Market Economy- Ang mga desisyon sa produksyon at presyo ay ganap na nakaayon sa supply at demand at kontrolado ng mga pribadong negosyante at mamimili. Minimal ang papel ng gobyerno. Mixed Economy- Malaya pa rin ang mga negosyo at indibidwal na magpasya, ngunit ang gobyerno ay maaaring magpatupad ng mga regulasyon o makialam upang maiwasan ang mga monopolyo, protektahan ang mga mamimili, at tiyakin ang pantay na pamamahagi ng yaman. Tungkulin ng Pamahalaan Market EconomyLimitado ang papel ng gobyerno, na kadalasan ay nakatuon lamang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad. Mixed Economy Ang pamahalaan ay may mas aktibong papel sa ekonomiya, tulad ng pagkontrol sa presyo ng ilang produkto, pagbibigay ng subsidiya sa mga sektor tulad ng edukasyon at kalusugan, at pagsisiguro ng proteksyon para sa mga mahihina at marginalized na sektor. Aralin 5 : Pagkonsumo PAGKONSUMO- pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan. Sa malawak na kaalaman tumutukoy ito sa paggamit ng produktong pang-ekonomiya at personal na serbisyo para sa pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan. TUWIRAN O AGARNG PAGKONSUMO Kung agaran ang naging kasiyahan o kapakinabangan ng mamimili mas binili o ginamit ng produkto , ito ay nagpapakita ng tuwiran o direktang pagkonsumo. 2. PRODUKTIBONG PAGKONSUMO Ang pagkonsumong ito ay nagaganap kapag bumili at gumamit ng isang produkto o serbisyo para gumawa o lumikha ng panibagong produkto at serbisyo. 3. MAAKSAYANG PAGKONSUMO Ang uri ng pagkonsumong ito ay tumutukoy sa pagbili at ng mga produkto na hindi naman nakakapagbigay ng kasiyahan at pakinabang sa imamimi, hindi naman layunin na tumugon sa pangangailangan ng tao. 4. MAPANGANIB NA PAGKONSUMO Ang pagkonsumong ito sa mga produkto at serbisyo ay nagdudulot ng sakit o perwisyo sa isang tao. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO KITA- Ito ay ang perang tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto o serbisyo. Ang pagkonsumo ng tao ay naaayon sa kita na kanyang tinatanggap. Nakadepende rito ang pagtugon sa mga pangagallangan at kagustuhan ng tao. PRESYO- Mas nahihikayat ang tao na bumili ng mga produkto kung mababa ang presyo nito sa pamilihan. Kapag mataas naman ang presyo ng mga produkto sa pamilihan, mapapansin na hindi rin ganoon karami ang nais makinabang ng mga produktong ito. OKASYON- Ang mga Pilipino ay lubos na mayroong pagpapahalaga sa mga okasyon. Kumukunsumo ng mga bagay na magagamit sa mga selebrasyon gaya ng mga kaarawan, kapaskuhan, araw ng pagtatapos, at iba pa. PAGKAKAUTANG- Kapag ang isang tạo ay marami ang pagkakautang, maglalaan ito ng malaking bahagi ng kanyang pera sa pagbabayad nito. Dahil dito, maaaring bumaba ang pagkonsumo nito ng ibang pangangailangan dahil sa paglaan sa pambayad pagkakautang. PAGPAPAHALAGA NG TAO- Ang mga kaugalian ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pagkonsumo. Ang mamamayan na may pagpapahalaga Sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng mga bagay bago ito bilhin. Mas binibigyan ng tao ng prayoridad ang mga pangangailangan kaysa sa mga kagustuhan. PANAHON-Ang panahon ay nakakaapekto rin sa pagkonsumo ng mga mamamayan. Sa pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang mga produkto at serbisyo na na bilhin o gamitin ng mga tao. PRODUKSYON Ito ay ang proseso kung saan ang mga inputs ay pinagsama-sama upang lumikha ng outputs. INPUT- Ang Input ay ang mga materyales,sangkap at iba pang mga bagay na ginagamit sa paggawa ng lba pang produkto at serbisyo PROCESS OUTPUT- Ang Output ay ang kinalabasan ng paggawa na maaaring isang produkto o serbisyo. Salik ng produksyon Lupa - ito ay hindi lamang tumutukoy sa pinagtatayuan ng mga gusali o bahay o mga sasakyan. Ito ay sumasaklaw rin sa mga likas na yaman sa itaas at ibaba nito. Kasama rin sa Lupa ang yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat - Renta ay ang tawag sa kabayaran o kita na nakukuha ng tao sa pagbebenta o pagpapaupa ng lupa. Lakas-paggawa- kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo White-Collar Job B. Blue-Collar Job. Sahod(sweldo) -Mga gawaing may kakayahang mental. -Gawaing ginagamit ang pisikal - Pakinabang ng mang- na kakayahan. gagawa sa paglilingkod KAPITAL- Ito ay ang kalakal na nakagagawa ng iba pang produkto. Mas magging mabilis ang paggawa kung may mga kagamitan o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Interes- tawag sa kabayaran ng paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon "Edward F. Denison" - The Contribution of Captital to Economic Growth: "Ang Kapital ay isa sa mga mahalagang salik na nag-aambag sa paglago ng output at produktibidad ng isang bansa." ENTREPRENEURSHIP- tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo Entrepreneur- TAGAPAG-UGNAY NG NAUNANG MGA SALIK NG PRODUKSYON UPANG MAKABUO NG PRODUKTO AT SERBISYO. Nag-aayos, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga pagpapasya sa mga magpaparami o pagbabawas ng raw materials na nakakaapekto sa produksyon. Tubo o Profit ang tawag sa kita na tumutukoy sa entrepreneur kung saan pagkatapos na magtagumpay na nabuo at nakipagsapalaran sa negosyo, maaaring makaipon ng salapi ang isang negosyante mula sa pinagtiyagaan nito sa produksyon. 5 KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG ENTREPRENEUR -Pagiging bukas at handa sa Innovation. -Kakayahang pag-aralan at bigyang kahulugan ang iba't ibang sitwasyon at signal mula sa pamilihan. -Kakayahang maging responsable para sa mga kahihinatnan at hamon ng mga desisyon sa negosyo. -Kagalingan sa pag-oorganisa at pamamahala ng iba pang mga salik ng produksyon.-lakas ng loob at committed