Parabula at Talinghaga (PDF)
Document Details
Uploaded by ReadyCouplet
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga parabula at mga talinghaga sa panitikang Tagalog. Ang mga parabula ay mga maikling kuwento na naglalaman ng mga aral sa buhay at moralidad.
Full Transcript
Ano ang Parabula? Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga aral na mapupulot dito ay magsi...
Ano ang Parabula? Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang pamumuhay. Ang mga mensahe ng parabula ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid. Mga Halimbawa ng Parabula 1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32) 2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37) 3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31) Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang- maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang makasundo na sila sa isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya mag-ikasiyam ng umaga. Lumabas siyang muli nang tayo-tayo lamang sa palengke. Nakita niya ang iba pang tatayung-tayo at pabalengke. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa." At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikalima ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima nang hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. "Bakit tatayuy-tayo lang kayo rito sa buong maghapon? Sabi sa amin ng trabaho, sagot nila. Kaya't sinabi niya, "Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho." Nang gumaGabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, "Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauuna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, "Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang naghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?" Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, "Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y nagmamagandang-loob sa iba?" Ayon kay Hesus, "Ang nahuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli." Ano ang Matatalinghagang Pahayag? Ang matatalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o di kaya'y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita. Alamin mo naman kung ano ang tawag sa pagpapapakahulugan ng matatalinghagang salita? Ang pagpapapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na pagpapapakahulugan. Mga Halimbawa: 1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketball (literal) Pangungusap: Dalían mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron. b. bola - pagbibiro (metaporikal) Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola. 2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal) Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka mapasma. b. pawis - pinaghhirapan gawin (metaporikal) Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo. Elehiya sa Kamatayan ni Kuyá (Elehiya ng Bhutan) Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu't isa, isinugo ang buhay. Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na dalawampu't isa, isinugo ang buhay. Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw. Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap. Di maipikitang pagmamahal. At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga. Maniwala't dili panghihina at pagbabagsak! Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, aklat, talalarawan, at iba pa. Wala nang dapat ipagbunyi. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita. Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhakan at ang ligayang di- malilimutan. Walang katapusang pagdarasal. Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang kinalahatan. Mula sa maraming taon ng paghihirap. Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral. Mga mata‘y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala. O’ ano ang naganap. Ang buhay ay saglit na nawala Pema, ang immortal na pangalan. Mula sa nilisang tahanan. Walang imahe, walang anino, at walang katawan. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba. Ang bukid ay nadadaanan ng unos. Malungkot na lumisan ang tag-araw. Kasama ang pagmamahal na inilaay. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita. Ang masayang panahon ng pangarap.Elehiya, kayang- kaya! Maraming mahahalagang kaalaman tungkol sa elehiya ang iyong dapat na matutuhan. Halika't iyong tuklasin ang ilan dito. Ano ang elehiya? Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng pagbubula-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. Sa elehiya, binibigyang- halaga ang mga nagawa ng mga namamayapang mahal sa buhay. Mga Elemento ng Elehiya 1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay konkretong kaisipan o batay sa karanasan. 2. Tauhan - Tauhang pinapask na nakapaloob sa elehiya. 3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya. 4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang sa elehiya. 5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda. 6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda. 7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang antas: a. Pormal - Ito ang wikang standard na kinikilala at tinatanggap ng mga nakapag- aral ng wika. b. Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang iyong maging gabay para sa mas mabisa at mas makabuluhang pagbuo nito. E - Emosyon ang palutangin. L - Laging isaisip at isapuso ang pagkikila sa taong pagaalayan nito. E - Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdadanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito. H - Hayagang malayang maisulat ang naisip ngunit marapat na basahing muli pagkatapos. I - Isaalang-alang ang paggamit ng wika sa pagbuo nito. Y - Yaring mapaparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapaginlay na mensahe sa mga mambabasa. A - Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.