PARABULA, MITO, AT FAIRY TALE: Isang Gabay sa Panitikang Filipino
Document Details
Uploaded by BullishInspiration
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang genre ng panitikang Filipino, kabilang ang parabula, mito, fairy tale, at talinghaga. May mga halimbawa at paliwanag na ibinigay para sa bawat uri.
Full Transcript
## PARABULA - Nagmula sa salitang Griyego na PARABOLE na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaring tao, hayop, lugar, o pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa banal na aklat. - Ang mga aral na napupulot dito ay nagsisilbing patnubay s...
## PARABULA - Nagmula sa salitang Griyego na PARABOLE na nagsasaad ng dalawang bagay (na maaring tao, hayop, lugar, o pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa banal na aklat. - Ang mga aral na napupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. - MENSAHE ay isinulat sa patalinghagang pahayag. - Di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao. - Maigsing kuwento na naghahatid ng aral o mensahe na magsisilbing gabay upang marangal na mamuhay at makipamuhay. - Madalas na gumagamit ng pagwawangis o metapora kundi man simbolismo ang parabula. - Di gaya ng pabula, tao ang mga tauhan sa parabula. Wala ring pangyayaring kagila-gilalas o mahirap mapaniwalaan. ## PINAKATANYAG NA PARABULA - Mula sa Bagong Tipan ng Bibliya - Mabuting Samaritano, Ang alibughang anak, Ang Nawawalang Tupa, Ang Manghahasik ng mga buto - May mga parabula rin mula sa Buddhismo, at maging sa mga sinaunang pilosopong Tsino - na mas nauna pa kaysa sa mga kuwento ni Kristo. Hindi man tahasan o direkta ang pagpapahatid, madaling makukuha o mahuhugot ng isang tagapakinig o mambabasa ang pinakaaral o mensahe ng parabula. Nakikita niya kasi ang kaugnayan ng salaysay lalo na ang mga partikular na pangyayari sa tunay na buhay. - Pamilyar siya na naganap at malamang na mangyari muli ang isinasalaysay kahit sa kasalukuyan. Dahil hindi tahasan ang paglalahad sa aral o mensahe, maaaring ang pagpapakahulugan ay magkakaiba (dahil na rin sa nagkakaiba ng karanasan at pananaw ang tao), pero hindi nagkakalayo bagkus magkakaugnay pa rin ang mga lilitaw na interpretasyon. - Sa pagdedesisyon hindi dapat magpadalos-dalos. Ito ay dapat na pinagiisipan. At kung dumating ka sa sitwasyon na ikaw ay naguguluhan lumapit ka una sa magulang, pangalawa sa tamang tao na makatutulong sa iyo at pangatlo ay lumapit ka sa ating Panginoon. ## MITO - Katulad lamang ng mga alamat at mga pabula ay mga halimbawa ng karunungang bayan. Ito ay mga kwentong naipasa sa atin ng ating mga ninuno simula pa noong unang panahon. - Ito ay isang uri ng literatura na naglalarawan sa mga kwento ng mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. - Mas maunawaan at maintindihan ang ating kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon ng ating bansa. - Ang mitolohiya ay napapagana ang mayaman na imahinasyon at malikhaing pag-iisip nating mga Pilipino. - Ito'y mahalagang parte ng ating kasaysayan na dapat nating pag-ingatan at bigyang halaga. - Naging parte ang mga ito ng kasaysayan ng literatura ng Pilipinas. - Isang tradisyunal na kuwento na maaaring sumagot sa mga pangkalahatang katanungan sa buhay, tulad ng pinagmulan ng mundo (ang alamat ng paglikha) o ng isang tao. Ang mito ay maaari ding isang pagtatangka na ipaliwanag ang mga misteryo, supernatural na mga kaganapan, at kultural na tradisyon. Kung minsan ay sagrado sa kalikasan, ang isang mito ay maaaring may kinalaman sa mga diyos o iba pang nilalang. Ito ay nagpapakita ng katotohanan sa mga dramatikong paraan. ## FAIRY TALE - Maaaring may kasamang mga engkanto, higante, dragon, duwende, duwende, dwarf, at iba pang pantasya at kamangha-manghang puwersa. Bagama't orihinal na hindi isinulat para sa mga bata, sa pinakahuling siglo, maraming mga lumang fairy tales ang "Disneyfied" upang hindi gaanong malas at nakakaakit sa mga bata. Ang mga kuwentong ito ay kinuha sa kanilang mga buhay. Sa katunayan, maraming klasiko at kontemporaryong mga libro, tulad ng "Cinderella", "Beauty and the Beast", at "Snow White", ay batay sa mga fairy tale. ## TALINGHAGA - Mga ekspresyong may malaim na salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino