Parabula, Elehiya, at Iba pang mga Uri ng Tula (FILIPINO) - PDF

Document Details

FaithfulMandolin

Uploaded by FaithfulMandolin

Tags

Filipino literature literary devices poetry analysis language studies

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon hinggil sa iba't ibang uri ng mga tula sa wikang Filipino, kabilang ang parabula, elehiya, tulang liriko, awit, soneto, at iba pa. Isinasama rin ang mga elemento ng bawat uri ng tula at ang kahulugan nito sa panitikan.

Full Transcript

**Parabula** ay nagmula sa salitang griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni hesus batay sa nakasaad sa banal na aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing p...

**Parabula** ay nagmula sa salitang griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni hesus batay sa nakasaad sa banal na aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. **Elehiya** ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. **[Elemento ng elehiya: ]** **Tema** ang kabuuang kaisipan ng elehiya. **Tauhan** mga taong kasangkot sa tula. **Kaugalian o tradisyon** nakikita ang makaugalian o isang tradisyong masasalamin sa tula. **Wikang ginagamit** maaaring pormal o di-pormal. **Di pormal** ay karaniwang salita na ginagamit sa pang araw-araw na usapan. **Pormal** ay standard na wika na naghahatid ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. **Simbolo** gumagamit upang ipahiwatig ang isang kaisipan o ideya. **Matalinghagang pahayag** ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang filipino. **Patula** isang tula na ginagamit ng mga tayutay tulad ng metapora at simile upang mapahusay ang emosyonal na epekto. **Tulang liriko** itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay ng kalagayang kinaroroonan. **Awit** ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa at kalungkutan. **Soneto** ito ay tulang may 14 nataludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kapatiran sa libas na pagkatao. **Oda** ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang tao o bagay o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. **Pang-uri** ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan sa mga pangalan o panghalip o nagbibigay turing sa tao, bagay, hayop, o pook ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. **Pagpapasidhi ng damdamin** tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin o emosyon sa paraang may pabigat o paglaki ng nararamdaman. Ibig sabihin, ito ay ang pagpapataas ng antas ng emosyon na ipinapahayag. **Pag-uulit ng pang-uri** ay isang paraan upang bigyang diin o palabasin ang kahulugan nito. **Paggamit ng panlapi** ginagamit ito upang pasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri. **Nobela** gayundin ang maikling kwento ay kakitaan ng tunggaliang pumupukaw sa damdamin ng mambabasa. Ito ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang ito ay ang labanan sa pagitan ng magkakasalungat na pwersa. **Tunggalian** ito ay labanan sa pagitan ng magkasalungat na pwersa. Ito ay umiiral ng pakikipaglaban, pakikipag-away, pakikipagtunggali ng mga tauhan sa isang akda. **Panlipunan (tao laban sa kapwa tao)** dito naman ang tao ay laban sa tao ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan. Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may kaugnayan sa lipunan. **Panloob (tao laban sa sarili)** ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng isang tao. **Tao laban sa tadhana** nangyayari ang tunggaliang ito kapag ang tadhana ang nagdidikta sa nangyayari sa tauhan. **Etimolohiya** ay ang likas na kahulugan ng isang salita. Ito ay mabatid sa pag-alam sa pinagmulang wika na salita at sa pagsusuring istruktura o kayarian nito. Ito\'y ang pag-aaral din ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon. Ito ay nagmula sa salitang griyego na etymologia ang ibig sabihin ay maibig sabihin o may kahulugan. **Pagsasama ng mga salita** nabubuo mula sa 2 o higit pang salitang pinagsama na nabago o nanatili ang kahulugan. **Hiram na salita** ito ay banyagang salita ugaling sa ibang wika at kultura. Kadalasan inaangkop ng lokal na wika ang mga salita mula sa kulturang pinagmulan kung gayon maaaring magbago ang anyo ng salitang hiniram, ngunit may uugat pa rin ito sa original na wika. **Tuwirang hiram** hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at baybay sa ortograpiyong filipino. **Ganap na hiram** hinihiram ang buong salita ng walang pagbabago sa anyo. **Morpolohikal at pinagmulan** nagpapakita ito ng paglilinis mula sa ugat ng salita.tumutukoy sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na salita dahil maaaring nag-ugat ang salita sa iba pang salita na nagbago ng anyo. **Onomatopoeia** ito ay may ilang mga salita na ginagamit upang ilarawan ang isang bagay batay sa tunog nito. **Programang pantelebisyon** ay maituturing isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumising sa isip at damdamin ng isang tao. **Tao laban sa sarili** ay ang mga tanong ng mga tao sa kanilang sarili. Ito rin ang pagkilala sa kung ano ang tama at mali at ito yung tawag mo sa pangyayari na may gusto kang gawin pero hindi ka sigurado kung gagawin mo ba o hindi. **Tao laban sa tao** dito ang tao ay nakikipag-usap nakikipagbanggaan o ang tauhan ay nagbigay pangatwiran. **Dr. Romulo N. Peralta** nagsalin ng alamat ni prinsesa manorah **Thailand** buhat ang alamat ni prinsesa manorah **Pang-ugnay** o panandaliang pandiskurso ng mga salita, parirala at sugnay na nag-uugnay at nagpapakita ng reaksyon ng dalawang unit sa pangungusap.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser